"Pa.." protesta ni Arielle sa sinabi ng Ama pero napigil siya nang pisilin ni Theo ang palad niya.
"Iyon din ang iniisip ko, Tito. I want to marry your daughter as soon as possible." anito.
"Maigi kung ganon. Hindi ko lang maintindihan kung bakit naghintay pa kayo ng ganito katagal bago n'yo naisipang ayusin ang gusot ninyong dalawa. You should've been with our daughter nang ipinagbubuntis niya pa lang si TJ." May bahid panunumbat pang dagdag ni Lucio na sinulyapan siya.
Nagyuko naman si Arielle ng ulo.
Gusto niyang bumilib kay Theo. Sa loob ng mahigit kumulang bente kwatro oras nagawa nitong kausapin at pagtagpuin ang mga magulang nila. Alam nitong wala na siyang magagawa kundi magpatangay sa agos oras na magkaharap harap sila. Gracious, she wanted to kick him for that.
"Hindi ko ho kailanman binalak takbuhan si Arielle, Tito. Alam ho ni Arielle iyan but she chose to break up with me para ituloy ang pagpapakasal noon sa ibang lalaki."
Napatitig si Arielle sa kanyang Papa. And there, she saw the guilt that crossed her father's eyes.
"I-it was because I saw you with that woman, Theo." Kambyo ni Arielle.
Hindi niya talaga kinakaya na sisihin ang Ama. Jesus, hindi ba nabanggit ni Cecille ang dahilan ng pagpapakasal sana nila ni Busty noon para makailag naman si Theo kahit papaano? "A-akala ko ipinagpalit mo ako sa iba kaya mas minabuti kong makipaghiwalay na lang.. Sa'yo.."
Nakita n'ya ang pag angat ng isang kilay ni Theo. Binigyan niya ito ng warning look na ipinagkibit balikat ng lalaki.
"Ang importante ay nandito na si Theo, Honey. Magpapakasal na ang anak natin." Ang Mama niya na nginitian sila ni Theo.
"So, when is the date?" Ang tanong ni Mr Renz De Marco na nasa bungad na ng dining room.
Kagaya ni Theo ay matangkad din ang tantiya niya ay nasa early sixties na lalaki. Deretso pa rin itong tumayo despite the age at hindi maipagkakailang magandang lalaki noong kabataan nito. Ang nunal na nasa bandang kanang kilay ay kagaya ng kay TJ, tulad ng sinabi ni Mrs De Marco.
"As soon as possible."
Hindi natapos ang almusal nang hindi napagdesisyunan ang petsa ng kasal. Si Lucio ang namili ng eksaktong petsa pero hiniling ni Arielle na gawing simple lang ang lahat.
Nagpaalam na rin ang Mama at Papa ni Theo. Isang oras lang ang lumipas ay bumyahe naman si Lucio kasama ang Mama niya patungong Megamall para sa mall show ni Troy.
"Hindi ka pa ba uuwi?"
Tanong ni Arielle kay Theo na nakikipaglaro pa kay TJ. Nakaupo siya sa sofa habang pinagmamasdan ang dalawa. Kahit ganun ang tanong niya, sa puso niya gusto niya pa rin na nasa paligid lang si Theo. Kasama nila at nakikita niya.
Nakakalat ang mga laruan ng anak niya sa lapag habang nakasalampak ng upo ang lalaki sa sahig. Nakatupi ang manggas ng suot nitong long sleeve hanggang siko.. medyo gulo ang buhok pero wala pa ring ipinagbago, he's still as gorgeous.
Tiningnan ni Theo ang suot nitong relong pambisig.
"May meeting ako mamayang ala una pero maaga pa naman."
"Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa ginawa mo. Hindi mo dapat dinala dito ang mga magulang mo."
"Be happy then. I never did that to any woman before. Hindi mo alam kung gaano ako nahirapang kumbinsihin ang Mama mo na kausapin si Tito Lucio tungkol sa atin."
Nanlaki ang mga mata ni Arielle. "Nahirapan ka pa? Walang isang araw, nai set up mo ang lahat!"
Nagkibit balikat ang binata. "Mabilis akong kumilos kapag gusto kong mangyari ang isang bagay, Arielle. And I want to marry you. Gusto kong maiuwi ko na kayo ng anak ko sa bahay ko."
"Madali lang para sa'yo ang lahat 'no? Walang tanong tanong kung payag ba ako sa gusto mo o hindi." Nagngingitngit na aniya, na hindi nya alam kung bakit.
Paano niya pa ba lulusutan ang tungkol sa kasal? Paano niya gagawin iyon ngayong iniharap na ni Theo sa pamilya niya ang mga magulang nito? Mahihirapan siyang umatras pa sa kasal, Theo made sure.
Ganunpaman, kapang kapa ni Arielle sa dibdib niya ang hindi maipaliwanag na kaligayahan. She wanted to marry Theo, be his wife at maging ina ng magiging anak pa nito.
Odd, dahil simula ng makilala niya ang binata, subconsciously wala na siyang ibang lalaking hinangad na makasama sa habang buhay kundi ito. Pero malamang, nasa in denial stage siya kaya ganon.
"Wala akong nakikitang dahilan para tumanggi ka, Arielle. Pareho tayong magulang ni TJ. And parents should marry each other para magkatuwang nilang magabayan at maalagaan ang anak nila." Walang anumang tugon ni Theo.
Nilingon siya nito. "Why do you hate the idea, may boyfriend ka ba?"
"Kung mayroon man may magagawa pa ba ako? Hindi na papayag ang Papa na iurong ang kasal lalo't alam niya na ngayon na ikaw ang totoong Tatay ng anak ko." Iritabaleng sagot niya.
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Theo . "I'm glad sa bibig mo na mismo nanggaling ang kompirmasyon, Arielle."
Natigilan si Arielle. Bumuntong hininga siya pagkatapos.
"May sakit sa puso ang Papa ko. Hindi kita mapapatawad kung sakaling inatake siya sa puso."
"Mama Martha told me about his condition. Pero she made sure na matatanggap ng Papa mo ang balita tungkol sa atin."
Inirapan niya ang binata. "Nagdala dala ka pa ng magulang, ang old school."
Tumawa si Theo. "Ginaya ko lang ang kapatid ko, si Trace. Sinama niya rin ang Mama at Papa nang hingin niya ang kamay ni Nowan sa Papa at Lolo nito noon."
Hindi na siya umimik, captivated by Theo's laugh. Kahit anong gawin ni Theo, ayaw papigil ng puso niya ang pagsa sommersault. Sooner or later alam niyang mahuhulog siya sa karisma nito
Hindi pa ba? Tuksong tanong ng isang bahagi ng isip niya.
"Susunduin kita bukas ng gabi, Arielle." si Theo na nagpalipad ng tingin niya sa mukha nito.
"Bakit?" Tanong niya. Pero ang totoo ay bumaha ang anticipation sa kanyang dibdib. Ide-date siya nito?
"Kailangan ba palaging sabihin ang rason?"
Nagdahilan siya.
"Hindi ako pwedeng magpagabi bukas. Maghahanap ako ng mapapasukang trabaho."
Kumunot ang noo ni Theo. Inabot si TJ at naupo sa tabi niya habang kalong kalong ang bata. Umusog si Arielle palayo para bigyan ng distansya ang sarili dito. Baka kasi hindi siya mapigil ang sarili, mapasandal pa siya ng wala sa oras sa dibdib ng lalaki.
"Hindi mo kailangang magtrabaho. I have enough to provide for our family.."
Tumikwas ang kilay ni Arielle.
"Hoy, hoy.. hindi ibig sabihing magpapakasal ako sa'yo eh ikaw na ang masusunod. Anong akala mo sa akin, hihilata na lang sa kama at maghihintay sa pag uwi mo..?"
Natigil ang pagsasalita ni Arielle nang mapansing nakatitig sa kanya si Theo.
Lumunok siya nang makitang nangingislap ng mga mata nito.
"Hindi ko sinabing ako ang masusunod, Arielle.. Pero iyong sinabi mong hihilata ka na lang sa kama habang hinihintay ako.. I don't mind really. But will you allow me to make love to you pag uwi ko galing sa trabaho?"
Arielle blushed. Ang halay ng isip niya kasing halay ng lalaking katabi niya.
Ibinuka niya ang bibig para bweltahan ang binata pero wala siyang mahagilap sabihin. Nagulat pa siya nang abutin siya ni Theo at walang salitang siilin siya ng halik sa mga labi.
Napapikit si Arielle kasabay ng paulit ulit na replay ng mga salitang Oh My God sa isip niya.
Naramdaman niya ang kamay ni Theo sa batok niya, his thumb finger kneading her nape gently, passionately. Theo pulled away and then leaned down for another kiss, deeper this time.
Gumanti siya ng halik. Kasing alab ng halik nito. Inabot niya ang kwelyo ng suot nitong longsleeve, higit na pinagbuti ang pagganti ng halik.
Arielle choke her own moan, and God help her, dahil pakiramdam niya mababaliw siya sa sensasyon.
But Theo pulled away. His gaze pierced her slightly flushed face.. Hindi sa kung ano pa man, but because she's in heat. At siya lang ang nakakaalam kung gaano niya kagustong maramdaman uli ang mga bagay na ipinaramdam sa kanya ni Theo dati.
Itinaas ni Theo ang mukha niya gamit ang isa nitong kamay. Napilitan siyang salubungin ang mga mata ng binata. He gave her a brief kiss na kung siya ang masusunod ay pahahabain niya pa sukdulang kapusin sila pareho ng hininga.
When she looked into Theo's eyes they were filled with desire. That made Arielle shiver and crave for him even more. Gahibla na lang ang pagpipigil niyang yayain ang binata sa kwarto niya at doon ituloy ang ginagawa nila.
Gusto niyang mapapikit ng mariin. Puro kahihiyan na lang ang ibinibigay niya sa sarili. Why did she allow him to kiss her in the first place? Kanina lang ay sinisita niya ito sa ginawang pagmamanipula sa buhay nilang mag ina?
"Theo.."
Ngumiti si Theo. 'Yong klase ng ngiting kayang tumunaw ng libu libong puso.
"I want you, Arielle as much as you want me.. pero worried ako na baka maipit natin si TJ sa higpit ng kapit mo sa akin." Theo said. His eyes filled with amusement.
Napanganga si Arielle. Lalo diyata siyang namula sa kabila ng pakiramdam niya ay binuhasan siya ng nagyeyelong tubig sa timba.
"You!"
Theo chuckled. Binitiwan ang mukha niya at ibinaba si TJ sa sahig.
"Look, baby. Mama's blushing."
Natatawang dukwang nito sa anak nya, sinulyapan pa siya. Parang nakakaintinding tumawa din si TJ.
Iritasyon ang ginawa niyang pantakip sa kahihiyan. Padarag siyang umahon sa kinauupuan at balak sanang mag walk out nang hagipin ni Theo ang isang braso niya.
Masuyo sya nitong hinila, lumanding siya sa kandungan ng binata. Suminghap si Arielle nang iyakap ni Theo ang mga braso nito sa baywang niya.
"Ano ba?" iritableng asik niya.
Tumawa lang si Theo. Nagtayuan ang lahat ng balahibo niya sa katawan ng naramdaman niya ang mainit nitong hininga sa uka ng leeg niya.
Juice ko Lloyd, nabubuhay na naman ang katawang lupa niya. Kinantalan siya ni Theo ng mabilis na halik sa mga labi.
"I love it when you blush like that, Arielle. Naaalala ko 'yong babaeng pumasok sa suite ko para mag alok ng sarili niya sa akin. She occupied my mind nonstop for the past two years. And I am just so glad I am marrying her.."
Napatitig siya sa lalaki. She opened her mouth to ask something pero nakulong na lang sa lalamunan niya ang tanong nang mariin siyang halikan ni Theo sa mga labi.
Pinakawalan lang ni Theo ang mga labi niya nang marinig nila ang mga papalapit na yabag mula sa dining area.
Ginugol ng binata ang libreng oras sa pakikipaglaro kay TJ. Panay ang sulyap niya sa mag ama habang nakikipagkwentuhan siya kay Zeny.. ngingitian naman siya o kaya kinikindatan ng binata kapag nahuhuli siyang nakatitig.
Hanggang makaalis si Theo para sa meeting nito ay hindi niya nagawang mag usisa tungkol sa sinabi nito kanina. Totoo man o hindi, sapat iyon para sa kanya para tuluyan ng mabuo ang desisyon niyang pakasal sa binata.