Isang linggo na ring nagtratrabaho si Caleb sa shop ni nathan, sa weekdays, hapon lang ang pasok nya, sa weekends naman ay isang buong araw. Mabait ang boss nila, medyo lang mainit ang ulo pag kausap si sarah, yung kasama naman niya kasi, lagi nalang binubungo ang boss nila, kung hindi nagpapansin ito, pati nga din sya, naiinis na din minsan dito.
Lagi din siyang may bitbit na pagkain pag-uwi, mapa sandwich, cupcakes or ano man yun, basta ang matitira na hindi nabenta. Noong una, nag-usisa sya sa kung bakit hindi nalang ilalagay sa ref ang mga tira, pero sabi ni violet, ayaw daw ng boss nila, kailangan fresh daw palagi ang tinda nila para balik-balikan sila ng mga customers, saka sa boss din daw nila ang shop kaya hindi daw ito nagrerenta.
"Caleb, sa kitchen ka ulit, mag bake ka ng cookies." Mando ni nathan sa kasama, madali kasi itong maturuan kaya pag may mga bulk orders sila, kasa-kasama nila ito sa loob. Wala namang angal ang lalaki pero napagpasyahan niyang medyo taasan kunti ang sahod nito kasi mas mahirap ang trabaho sa loob.
"Sige po." Agad namang tumalima si Caleb, mas gusto nya sa loob mamalagi, pagod na sya sa kaiirap ni sarah sa mga babaeng nakikipag-usap sa boss nila. Para itong selosang girlfriend kung makaasta. Saka isa pa, tinuturuan sya ng mga baker or ang boss din nila, sa paris pa daw ito natutong mag-bake.
"Napapansin kong parang kinakapos ka yata, I can give your wage weekly if you want?" Alok ni nathan nang makitang silang dalawa nalang ang nasa kitchen. Napapansin nya kasing parang hindi ito kumakain sa tanghalian, lagi lang itong naka-tingin sa cellphone every break time.
"Hindi na po kuya, malapit na din naman ang sahuran."
"May isang week pa." Point out ng binata, saludo talaga sya sa mga magsusumikap, hindi nya alam kung papano ang pamumuhay sa pay cheque to pay cheque kasi Doktora ang mama nya tapos attorney naman ang papa nya, meron din silamg isang maliit na farm sa batangas kaya mas nakaka-angat din ang buhay nila pero he is matured enough para alam kung gaano kahirap na walang pera.
Sumang-ayon nalang si Caleb, sa totoo lang, gipit na gipit na talaga sya, tapos naniningil pa ng upa ang land lady nila, si Adam naman, umuwi kaya wala siyang mapag-uutangan. Four hundred na lang ang natitirang pera nya, di nga niya alam kung paano nya napagkasyang gastuhin ang six hundred pesos sa pitong araw eh.
"Sige, kunin mo sa akin mamaya, wag nang tseke kasi mas hassle pa ang pag-withdraw." Sabi ni nathan bago ginulo ang buhok ng lalaki. Ang cute talaga nito, kung himdi lang sya nahihiya, baka kanina pa nya pinisil ang pisngi nito.
Tahimik na nagtra-trabaho ang dalawa sa loob, alam na alam na nila ang galaw ng bawat isa, isang tingin lang ni nathan sa bowl, ibibigay ito ni Caleb and vice versa. Parang ilang taon na silang magkatrabaho kung umasta silang dalawa ng may marinig silang kalabuso sa labas. May sumisigaw at tinatanong kung nasan ang manager.
"Ako ang may-ari, bakit?" tanong agad ni Nathan pagbukas pa lang ng pinto. Nakita nyang basa ang floor sa paanan ng batang umiiyak.
"Ang isang server nyo, tinapunan ng mainit na kape ang anak ko!" galit na galit na sabi ng ginang. Shit, nasabi ni nathan sa sarili, nakalimutan nya ang insidenteng ito, natapunan ni sarah ng mainit na kape ang bata kasi sa iba ito nakatingin, pinanigan nya ang babae at nagkademandahan, kung wala lang ang papa nya na umayos sa gulo, matagal nang sarado ang shop niya.
"I'm so sorry ma'am, Did you call the ambulance? If not I can drive you to the hospital, our shop would take care of the bills." Sabi nya dito habang hinuhubad ang apron saka hair net niya. Hindi pa daw ito nakatawag kaya agad nilang sinugod ang bata sa hospital, second degree burn ang inabot, iniuwi din agad pagkatapos makabili ng gamot at ointment. Waive na din ang bayad nila sa shop saka niya ipinangakong magso-sorry ang staff nya kasi ayon sa kwento ng Ina ng biktima, imbes na tulungan daw sila ay sinabihan pa daw nitong buti nga, ang ingay ingay mong bata.
Pagkarinig ni Nathan nun, talagang umusok ang ulo nya sa galit, noon, hindi nya pinakinggan ang sinasabi ng ginang at basta nya na lang inalo si sarah na umiiyak, ngayon, nang marinig nya ang sinabi nito, hindi nya alam kung tao ba ang kasintahan nya for five years or demonyita.
"Caleb, Pinabibigay ni Nathan." Sabi ni violet sabay abot sa kanya ang isang sobre, hindi na kasi bumalik pa sa trabaho ang boss nila ng mangyari ang insidente, tumawag na lang at sinabing kailangan daw na pumunta si sarah sa bahay ng mag-ina at magpasorry.
"Salamat ate." Nakangiting sabi nya kay violet, ito ang pinaka-close talaga nya sa shop, lahat naman okay ang trato sa kanya pero si violet kasi ay parang tinuring sya nitong kapatid. Masayahin din ito at laging nag-jo-joke.
"Sabay ka na sa amin pag-uwi, mas makakatipid ka." Alok pa nito, Boyfriend niya si alfred, isang baker din dito at may kotse silang ginagamit.
"Sige ate, salamat."
"Sige ate salamat" ang pagtulad ni sarah sa sinabi nya, saka tumawa ng nakakainsulto ng makitang nakatingin silang dalawa dito.
Binayaan nalang nila at hinintay si alfred, alam nilang napagalitan ito at winarningan ng boss nila na syang ikinabwisit nito, mabait pa nga si sir nathan, pag ibang boss, tanggal agad ito na walang sahod, nagulat din sya nang malaman ang sinabi daw nito sa mag-ina. Syempre bata, nag-iingay talaga ang mga yan.
"Next week birthday ko, labas tayo ah," anyaya ni Alfred bago lumabas ng sasakyan si Caleb.
"Oo, punta ka ha, Pati si boss pupunta din." Sabi naman ni violet tapos nakatingin sa kanya na parang iiyak pag hihindi sya.
"Oo, Saan ba yon?" Sang-ayon na lang nya, kung makapang-alok naman kasi si ate violet parang sya ang may birthday ah.
"Sunduhin ka nalang namin, sa beach tayo matutulog pag gabi."
"Paano yung shop?"
"Close! Sabi ni boss, isang araw lang daw naman, saka Wednesday naman kaya okay lang, dalhin mo na pala ang gamit mo sa shop sa martes para sabay-sabay na din tayong aalis."
"Sige, Ingat sa biyahe." Paalala ni caleb bago pumasok, pagkapasok sa kwarto, wala na naman siyang kasama, pumunta na siguro sa trabaho ang dalawa, pang-nigh shift kasi sila sa jolibee. Agad niyang sinarado ang pinto saka kinapa ang sobre sa bulsa. 4,700 ang laman, nasobrahan ng dalawang daan, ang sahod kasi nilang part-timer ay 300 halfday saka 600 ang full day.
Napagpasyahan na lang niyang itabi ang two thousand, mali lang siguro ang bilang, ibinigay niya ang one thousand sa landlady nya bago sya bumili ng dalawang kilong bigas, ilang de lata at noodles saka half na kilong manok na din, iaadobo nya ito para magtagal. Itinago nya ang isang daan para sa susunod na pasukan, naka-fully paid na sya ngayon pero kailangan niyang mag-impok para sa next school year. Two years pa mandin ang kinuha nya. Kung alam lang niyang hanggang eighteen years of age lang ang benefits, sana six month na lang ang kinuha nya.
Wala palang masyadong nagbabasa ng tagalog, pero nadinto na eh, panindigan na...