webnovel

On Bended Knees Completed

ON BENDED KNEES (Revised) Warning:SPG/R18 She was a goody two shoes, straight A student plus a President in her school student council. She had her life planned accordingly. Get to her dream University, a degree and a job that could support her family. But on her last year of high school, she met new people that made her life turned upside down. Suddenly her plans wavered. Changed.. Because how could she say no to a hot shot CEO slash Engineer who was willing to give her everything? Plus the fact that he was making her heart beat fast and have the sweetest lips she ever had.. 17/7/20 REVISION 07/01/21 28/7/20 FINISHED 31/01/21

greighxx · 都市
レビュー数が足りません
37 Chs

Chapter 31

FATE

Napabalikwas ako ng bangon ng makarinig ako ng mga boses.

"Baby.." napalingon ako sa tumawag sa akin. He was standing beside me with his worried face.

Napaiwas ako ng tingin nang may mga pumasok na namang mga alaala sa kin. He was triggering my loss memories to come out. And it was too fast that I couldn't grasp most of it.

"Anak."napalunok ako ng makita ko si Papa. Nag aalala akong lumingon sa paligid.

Hindi ako sigurado kung maganda bang idea na ipakilala ang anak ko sa tatay nya.

Marami pa akong gustong liwanagin.

"He's not here anak. Sinundo siya ni Tim para ipasyal. You can talk to your fiancé about your past. He told me about what happened before I found you floating in the sea."His eyes and voice were so gentle.

Tinapik niya ang kamay ko.

"He's not married. And I can see his love for you. Talk to him about Winter anak. It's time for my little boy to have the family he deserved.. yon ay kung nararamdaman kapa sa tatay nya." muli nyang tinapik ang kamay ko bago lumabas ng kwarto.

Napasunod ako ng tingin sa papa ko. Nang mawala siya ay naramdaman kong umupo si Baby daddy ko sa inupuan ni Papa.

"Mr Fontanilla told me about what happened ten years ago. I should've been there for you.."namumula ang mga mata niya na humawak sa kamay ko na nasa kandungan ko.

Humigpit ang hawak nya sa akin.

"I know..you've lost most of your memories from the past .. but can you please let me be with you?.. I'll slowly make you remember me. I'll remind you of everything we've done and our plans we've talked about.."his tears fell. But he was smiling.

"This has been my dream since the day I thought I've lost you baby.. to be with you again. Please baby.. please take me with you.." nakikiusap na sabi niya at ipinatong ang mukha sa kandungan ko. Iniyakap niya ang mga braso sa baywang ko at umiyak ng parang bata.

Nagugulat na napatingin lang ako sa ulo niyang nakasubsub sa akin.

Kanina.. napakatayog niyang tignan.. punong puno ng awtoridad at mabagsik. Pero ngayon... para siyang si Winter kung umiyak at makiusap.

I felt my heart squeezed in pain.

"Baby.. I can't live without you anymore. Take me with you.. I'm begging you. I love you so much. Please.."patuloy niyang pakikiusap.

Humawak na ako sa buhok niya at sinuklay ito. Inangat nya ang mukha na basang basa ng luha. Pati kandungan ko ay basa na rin.

"I don't care if you've forgotten everything we've had. That's all in the past.. but now.. if you'll let me, we'll create more memories together while reminding you what we've shared before."

Ngumiti ako at ikinulong siya sa mga palad ko. And as what I've expected, he leaned his face and closed his eyes. Just like my Winter..

"Ten years baby.. and yet I'm still in love with you."

"I'm different now Mister.. you can't just say that you love me without knowing the new me." I said but my heart was in so much happiness. Maybe.. the mind forgets.. but not the heart..

Dumilat siya at pinagmasdan ako nang mabuti. Biglang kumabog na naman ang puso ko ng mabilis.

"Old Gia and new Mhaereen are the same to me. Still my baby." Giit niya.

Napatawa ako at tinanggal ang mga kamay ko sa pisngi niya. Kinuha niya agad ang kamay ko at ibinalik sa pisngi niya.

Napanganga ako sa kanya.

Winter and him really have the same reaction in whatever they do.

"Try me Mrs Monteverde.."

"Ashmere, I have my car." Tanggi ko nang alalayan niya ako papunta sa matte black BMW convertible niya.

"I know but I want to know your address baby."

"Sundan mo na lang ako."tanggi ko ulit at hinila ang hawak niyang red shoulder bag ko. Ang laki niyang lalaki pero nakasampay sa balikat niya ang bag ko. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao.

"You're just wasting gas."

"Kailangan ko din kasi yong car ko para bukas."

"I'll drive you."

"Pandalawahan lang yan. Hindi tayo kakasya!"giit ko at hinila ulit ang bag ko bago tumalikod.

Binitiwan niya ito at inilock ang car niya at sumunod sa akin.

"I'm saving gas so I'll just come with you."Kumunot lang ang noo ko pero hindi na umimik. As if hindi niya kayang bumili ng gas, eh napakayaman niya.

Nagpakilala na siya sa akin. Lahat lahat. May mga pictures din kaming dalawa na pinakita niya at ipinaliwanag sa akin. Sa laptop niya ay puno rin ng videos ko. Hindi halatang baliw na baliw siya sa akin eh.. konti lang.

At ang nakakagulantang sa kanya ay isa ang pamilya niya sa pinakamayaman sa Pilipinas at Asia. Hindi ko talaga maintindihan kung anong pinakain ko sa kanya bakit siya nabaliw sa akin ng ganito..

Prente siyang naupo sa passenger seat ko at pinakialaman agad ang Bluetooth ko sa kotse. He then pulled out his phone and played with it.

Hinayaan ko na lang siya at minaobra na ang kotse paalis.

I'm strong

I'm sure

I'm in control

A lady with a plan

Napalingon ako sa kanya na kumakanta ng pabulong.

Believing that life

Is a neat little package

I hold in my hand

A memory came flashing in my head again. But it wasn't as painful as before.

I've got it together

They call me the girl

Who knows just what to say and do

I blinked back the memories and concentrated with my driving.

Still, I fumble and fall

Run into the wall

'Cause when it comes to you

I swallowed hard and breathed through my lips.. my heart was pounding so hard. This song reminds me of us. This was our favourite song.. or baka ako lang dahil wala naman akong naririnig sa kanyang pagsang ayon.

I'm just another woman in love

A kid out of school

A fire out of control

Just another fool

He was singing it now while tapping his fingers on his knees.

I remembered that I used to sit on his passenger seat and sing this tune. While he was driving and smiling at me.

You touch me and I'm weak

I'm a feather in the wind

And I can't wait to feel you touching me again

I shook my head and stepped on the gas.

With you, I'm just another woman

Just another woman in love

"Pa, nandyan naba sila?"Tahimik si Ashmere habang pasimpleng nakikinig sa amin. Pinaglalaruan niya ang cellphone niya pero humihinto kapag ako na ang nagsasalita. Parang pinapakinggang mabuti ang mga sinasabi ko.

"Oo. Pinapasok ko muna sa kwarto. Kasama mo ba yong fiancé mo?"napalingon ako kay Ashmere nang napaubo ng mahina. Pinipigilan ang ngiti sa mga labi.

"Opo. Sige na Pa. at kinikilig na yong kasama ko dito kakatanong mo tungkol sa kanya."

"What!? Hell no!"mabilis na tanggi ng kasama ko nang patayin ko na ang tawag.

"Magkapareho talaga kayong mag ama.. dyos mio.."bulong ko habang ipinapasok sa driveway ang sasakyan ko.

"I didn't hear you."angal ni Ashmere at mabilis na lumabas para umikot sa pintuan ko. Napasimangot siya nang makita akong nasa labas na at kinukuha ang bag ko.

"I'll drive tomorrow baby."offer niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin at pumasok na sa loob.

Saktong pababa sina Papa at Timothy sa hagdan nang makapasok kami.

I felt Ashmere beside me instantly. When I looked at him, he was watching Timothy like a hawk.

Then it dawned on me. I hit his chest for him to look at me.

"Kapatid ko yan."he just nodded stiffly and wrapped his arm around my waist.

Oh my! Sa kanya nagmana si Winter sa pagiging possessive?

"Why don't you have dinner here Ashmere?"alok ni Daddy na agad pinaunlakan nang magaling.

Lumapit sa akin si Timothy para sana humalik pero hinila na ako agad ni Ashmere.

"I'm Ashmere Monteverde, your sister's fiancé."pakilala niya at diniinan ang fiancé. They shook hands and greet each other.

Nangingiting umiling lang si Timothy pagkatapos. Alam kong iniisip din niya si Winter kay Ashmere.

"Pa you're right. He's like Winter."sabi nito habang papasok na kami sa dining.

"He's finished. He went upstairs to have a bath after his dinner. He's fresh and waiting for you." Timothy whispered. I nodded my head while looking at him.

Nakakaintinding naupo na siya sa tabi ni Papa habang ako naman ay inalalayan na ni Ashmere.

"Baby.. I don't know what's going on but can you tell me who's he that you're talking about?" Magkasalubong ang mga kilay na tumingin siya kay Timothy at sa akin.

"Why don't we eat first, then you can both talk about your relationship."

Ashmere nodded quietly and filled my plate with food. Akala mo siya yong nakatira at ako yong bisita kung makaasta.

Nang magsimula kami ay kinausap na ni Papa si Ashmere tungkol sa business. Ramdam ko na nawawala na ang tensyon sa pagitan ng kapatid ko at ni Ashmere habang nagpapalitan ng mga opinyon sa pinag uusapan nila.

Napaupo ako nang maayos nang ipatong ni Ashmere ang kamay niya sa hita ko at pumisil.

I pushed it away gently but he put it back immediately.

Tinignan ko siya ng matalim nang itaas pa niya ito. Kinikilabutan ako na kinakabahan sa pinaggagagawa niya.

"So why are you here?" Tanong ni Timothy na nagpalingon sa aming dalawa.

"My sister's supposed to attend to a conference here but one of her twin got sick."he answered quickly.

Mukhang okay na silang dalawa..

"Hmm.. must be fate."dinig kong bulong naman ng isa.

"At pedia pa ng kapatid ni Ashmere ang pinalitan ni My." Imporma ni Papa.

Tumango lang si Timothy at pinagpatuloy na ang panaka naka nilang pag uusap.

When we were all finished, my father and Timothy talked to Ashmere in our library while I went up to check my son.

Tahimik na nakahiga si Winter at napipikit na ang mga mata habang nanonood. Nang makita ako ay dahan dahan siyang naupo at itinaas ang mga braso para buhatin ko.

"Anak.. you're bigger than mommy now."comment ko. Naupo ako sa harapan niya at hinila siya para kandungin. He instantly wrapped his arms around my nape and placed his cheek on my shoulder.

"Mommy.. you didn't pick me up po.."halatang nagtatampo siya sa akin.

"I know. And I'm so sorry for not keeping to my words anak."sinusuklay ko ang buhok niya.

"But I still love you even if you're naughty po mommy.."napangiti ako. Masyado siyang malambing. Gaya ng tatay niya.. must be in their blood..

"Anak.. may surprise si Mommy sayo.."kinakabahan kong sabi.

Inaantok na tumingin siya sa akin.

"Ano po yon?"nakapout na sabi niya at inilapit ang mukha niya para mahalikan ako sa mga pisngi, ilong at labi.

Tumatawang inilayo ko ang mukha ko.

"Nakita ko na si Daddy mo.."sabi ko ng seryoso at pinanood ang magiging reaction niya.

Nanigas siya at namula agad ang mga mata.

"Really mommy? Where is he? Does he know about me now? Is he staying with us now po?" umiiyak na tanong ng anak ko.

Napipipilan na pinanood ko siyang umiyak. Ang sakit sa dibdib na hindi ko man lang siya masagot sa mga tanong niya.. dahil hindi ko naman alam kung ano bang relasyon namin ng tatay niya.

Sinabi nyang mahal niya ako pero baka akala lang niya yon? He blamed himself for losing me for the past years.. he blocked himself from everyone, he didn't try to love somebody else..

Tapos ngayong nagkita na ulit kami.. baka his feelings for me faded slowly as years went by na hindi niya napapansin..

Sa utak.. mahal pa ako. Pero sa puso wala na..

"Mommy.. is he here? Can I see my daddy please po?"pakiusap ng anak ko.

Naaawang tumango ako. Para siyang si Ashmere kani-kanina lang. umiiyak ng malakas.. parang bata..

His little arms went round my nape and cried on my shoulder while thanking me.

"Hush now baby.. how can you talk to Daddy if you're crying so hard? Baka masinok ka lang."onti onti siyang tumigil sa pag iyak.

"Mommy.. i love you so much.. but can I love Daddy too po?"tanong niya.

Tumango ako at yumakap din sa kanya.

"Of course anak. He's a good man so it won't be hard for you to love him too. Actually, pareho kayo. Kung umiyak at magselos."tumatawa kong puna.

Humiwalay na siya at tumayo. Nawala ang antok sa mga mata niya. Instead I could see his excitement and joy.

Napalunok ako dahil hindi ko akalain na ganito ang ipapakita ng anak ko. Akala ko tatanggihan niya si Ashmere..

But I was wrong.. I wished Ashmere will accept my son too..

"Pwedeng dito ka muna? I'll talk to Daddy first to let him know that you're still awake.."nanghihina kong tanong.

Masigla siyang tumango at bumalik sa kama nya at nagkumot.

"Sige na Mommy po! Go tell my Daddy I'm waiting for him. I'm so happy! Finally my Daddy will drop me off at school." Pumapalakpak na sabi niya at nagpatuloy sa sinasabi.

I used all my energy just to stand up.

Bigla akong nanghina.. it would certainly break my son's heart kung tanggihan siya ng sarili niyang ama.. and I don't have the heart to tell that to him..

Huminga ako ng malalim at humalik sa kanya bago lumabas.

On my way downstairs, I found Ashmere sitting stiffly on our couch. He glanced up and stood up to met me half way.

Umiling ako ng susubukan niya sanang umakyat ng hagdan.

"Umupo muna tayo." Mahina kong sabi.

Inalalayan niya ako agad sa couch at tumabi sa akin nang makaupo ako. He was so huge and muscular. Strong and predator like.. kung hindi ko siya nakitang umiyak sa harapan ko ay aakalain ko talagang wala siyang puso.

"I.. have.. something to tell you Ashmere."patigil tigil kong sabi.

Tinitigan lang niya ako ng madilim.

Napabuga ako ng hininga at iniwas ang paningin. Sa isip ko ay nagbilang ako ng hanggang sampo.

"Baby..."tawAg nya.

"I want to tell you my intention baby.. I still love you and I want to marry you."paos niyang sabi at lumuhod para halikan na naman ang daliri kong may singsing niya.

"You might change your mind once I tell you what I want to say."I answered.

Umiling siya. "Honestly, nothing can make me change my mind. Even if you point a gun at my head."seryoso niyang sabi.

"I'm in love with you. Can't you see it?"

Nagkibit balikat lang ako.

"Damn.. maybe we should live together so I can show you my deep love for you? hmm?"patuloy niya hinalik halikan ang kamay ko.

"M-may anak na ako Ashmere.."natigilan siya sa akmang paghalik sa akin at dahan dahang iniangat ang tingin sa mukha ko.

Namumula na agad ang mga mata niya at ilong.

Gusto kong mapapikit sa sobrang katangahan ko. Anak ko? Dapat anak namin.

"Y-you have? W-where? S-should I meet h-him tonight then?"napakagat na ako ng labi nang mabilis siyang tumayo at pasimpleng pinunasan ang luha niya. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya na itinatago niya.

Nang lumingon siya sa akin ay nangingibabaw na sa mukha nya ang kaba kaysa sa sakit.

"I-I want to earn his l-love too. C-can I see h-him tonight? W-what's his name?"bahagya na siyang nakangiti.

Parang ang sakit makita siyang basta na lang tinanggap ang anak ko. Na inaakala nyang anak ko sa iba.

"Winter.."bulong ko.

Napaluha siya ulit. Kaya tumingala na siya at tumagilid sa akin. He was holding his closed eyes.

"W-winter? Beautiful name.."Comment niya at humarap na sa akin nang namamasa ang mga mata.

"Can I see h-him? I bet he's as gorgeous as you.."nakangiti niyang iniabot ang kamay sa akin para makatayo ako.

"Actually Ashmere.. kamukha siya ng tatay niya.." mahina kong bulong at pinanood ang mga mata niyang lumuha ulit.

He swallowed hard and laughed his pain softly.

Masyado ko na ba siyang sinasaktan?

"Ashmere-"

"I'm fine baby.. I'll welcome him with open arms. I know for sure that I'll love him because he's from you. Baby..Don't cry.. i love all the people you love.."umiiyak na hinila niya ako para yakapin.

How can I be so lucky to have a man like him?

"Let's go so I can bond with him. Can you tell me what he likes? Food, toys.. sports.."pang iiba niya ng tanong at binitiwan na ako.

Sinagot ko lahat ng tanong niya habang paakyat kami.

"Ashmere he's really-"

"Baby.. I want to see your boy.. our boy. Please." Pakiusap niya.

Nanahimik na lang ako at kumatok sa kwarto ni Winter.

"He likes reading my books. He's very clever.. he also likes painting and swimming. Tapos ayaw niya ng masyadong matatamis na ulam.."

"He's like me.."pabulong na sagot niya. Napalingon ako sa kanya.

"We have something in common. I don't like sweet and sour pork, lechon paksiw, tocino.."nakangiti niyang sagot.

Napatango ako.

Malamang anak mo eh. Gusto ko sanang sabihin pero bumukas na agad ang pintuan ni Winter.

Natawa ako ng makitang nakasuot ng long sleeves dress shirt, slacks at black shoes si Winter. Pormal na pormal. Nakataas pa ang buhok niya.

Napangiti ako sa kanya.

"Mommy.."nanginginig na tawag sa akin ni Winter.

Lumapit ako agad pero natigilan ako ng mapaluhod sa harapan namin si Ashmere na umiiyak.

"He's mine.. he's mine.."paulit ulit na bulong niya.

Umiyak na nang tuluyan si Winter at nagpapakarga na.

Wala akong nagawa kundi buhatin siya.

"Hush baby.."pagpapatigil ko.

"But my Daddy's also crying Mommy! He's naughty because he's making me cry po!"Malakas na iyak niya.

Napasugod na amin sina Papa at Timothy.

"Nako naman.. akala ko kung ano na.. pumasok na kayo sa kwarto para makapag usap kayong tatlo ng maigi."kinuha ni Papa si Winter na umayaw agad.

Kaya kumamot kamot na umalis silang dalawa.

"Baby.. c-can I carry our s-son?"pumiyok na tanong ni Ashmere sa akin.

"Anak.. Daddy wants to carry you.."umiling agad si Winter at sumiksik sa leeg ko.

Pumasok na ako at umupo sa kama niya.

Naiwan sa may pinto si Ashmere na hindi malaman ang gagawin.

WAla na ang mga luha. Kumikislap na ang mga mata habang pinapanood kaming dalawa.

"What are you doing there po? Papa said we have to talk po!"tawag ni Winter sa Daddy niya.

Mabilis pa sa alas kwartong pumasok si Ashmere at isinara ang pintuan.

"Mommy.. he looks exactly like me.. just older.."bulong ni Winter habang pinapanood si Daddy niya.

"Oo anak. Kaya kapag tumanda ka, ganyan ang itsura mo. Gwapo pa rin."biro ko.

"But I'll be forever your baby diba po?"lambing niya sa akin. At yumakap ng mahigpit sa leeg ko.

Tumango ako. Then we heard Ashmere cleared his throat.

Napalingon kami sa kanya na nakatayo na sa harapan namin.

Bumaba na si Winter sa kandungan ko at pinagpag ang space sa tabi niya.

"Daddy.. Winter wants you to sit beside him."

Tumango siya at naupo nang dahan dahan.

Napapigil siya ng hininga nang lapitan siya ni Winter at inusyoso ang mukha niya.

Pinindot pindot ang pisngi at ilong. Pati mga labi ay pinaghiwalay niya.

"Show me you teeth po." Utos ni Winter.

"Anak!"kastigo ko sa kagaspangan ng salita niya.

"Please po.."dugtong niya at nagpacute sa akin bago binalingan ulit si Ashmere na nakangiti na ng malaki para ipakita ang ngipin.

"No cavity. He's healthy."parang matandang komento niya.

"I wanna see you body po please."itinuro niya ang long sleeves ni Ashmere.

Nangingiting sinunod naman ni Ashmere ang anak namin.

"Anak.. I don't know what you're doing.."naguguluhan kong tanong.

"Mommy, i saw on YouTube that if you want to get something from a store, you should check it first."bibong sagot niya.

Napanganga ako. Sinenyasan naman ako ni Ashmere na okay lang kaya nanahimik na lang ako.

Napaiwas ako ng tingin ng tumambad ang matigas na dibdib at anim na bukol ni Daddy este ni Ashmere sa tyan.

Tumayo na ako at iniligpit ang hinubad ni Winter na pantulog.

"Wow! Will I have these rock hard muscles Daddy?" Rinig kong tanong niya.

"Yes.. but you have to go to the gym and earn it."

"Ay.. Why naman? Can't I have that without going there? Tito Timothy said it's too stinky there!"

"Well, if Mommy wants.. we can have our own gym at home.."napalingon ako sa mag ama ko. Ashmere was still half naked while looking seductively at me and Winter was poking his fingers on his Daddy's abdomen.

I felt hot and breathless..

I cleared my throat when my voice squeaked.

"S-sure.."sabi ko at tumalikod na.

"I'll just shower boys.."paalam ko.

"Can Daddy sleep here tonight?" Pahabol ni Winter sa akin.

"Sure anak.." sagot ko at mabilis na umalis.

Napapunas ako ng pawis at dumiretso muna sa kapatid ko para manghiram ng mga damit niya.

Kumatok na ako at nakita siyang parang may malalim na iniisip habang nakaupo sa swivel chair niya.

"Are you okay?"tanong ko at lumapit sa kanya.

"Are you gonna leave us now My?"seryosong tanong niya at inangat ang tingin sa akin.

"I-I'm not sure yet.."alanganin kong sagot.

"It's so sudden My.. you know how much I love you and Winter.."

"Pero Tito Tim.. I'm doing this for the sake of Winter.. for our family.. I hope you understand.. Know what.. you can still come and visit us."alok ko.

"If I'm not your brother, I probably have married you." Yumakap ako sa kanya. He placed his head on my chest then wrapped his arms around me.

"Hay nako.. malungkot ka lang dahil wala ka pang girlfriend. Puro kasi ako lang at si Winter ang nasa isip mo. So ngayon, you'll have more time to get some girls you'll like once we moved out. At wag ako kasi kapatid mo ako, tangi!"sabi ko at binatukan siya.

"Ouch!"angal niya at hinawakan ang nasaktang ulo.

"You're so violent! I wonder if your fiancé can keep up with your wicked ways!"

"Ha! Patay na patay yon sa akin no. Ten years na ako lang. kung makita mo lang yong laptop at cellphone niya. Kulang nalang magpagawa ng rebolto ko at sambahin ako eh."pagyayabang ko at kumalas na sa yakap ko at pumasok sa closet niya.

"What are you doing?"Lumapit din siya at nakitingin.

Kinuha ko ang mga nakapaperbags pang mga damit niya at nagtingin ng malaking size. I took new two shirts, joggers, and cotton briefs.

Tumigil ako ng yumakap siya mula sa likuran ko.

"I'm gonna miss you and your violence. And Winter. It'll be chaotic here again once you're gone.."angal niya.

"Don't worry.. papasyal pasyal ako at pagbubuhulin ko kaya ni Papa kapag hinayaan nyong magulo dito sa bahay."tumawa kami ng sabay. Pinaharap niya ako at kontentong hinawakan ako sa baywang.

"Tell me if he hurts you My. I'll bring you back home immediately."napatango ako at kumindat sa kanya.

"Hindi niya yon magagawa dahil ako ang magpapaiyak don."ngumisi na ako at humalik sa pisngi niya sabay tapik.

"Kaya ikaw.. kumuha ka na nang magpapaiyak sayo.."tumatawa kong sabi.

"What? Hell no. Isn't it the girls job to cry for their men?"

"Baka kamukat mukat ko umiiyak ka na dahil sa isang babae. H'wag kang magsalita ng patapos okay?"tinapik tapik ko ang pisngi niya bago lumabas.

"I'll never cry for any one.. except you My."pahabol niya.

"Let's see Tito Tim.."nakangisi akong kumaway.