webnovel

Chapter 1

Chapter 1:Crimson

CRIMSON DEL LABIBA's POV

"I WAN this, babe." 

I glanced at my girlfriend, Morry. Morry Tsumaga, she's a model. We've been in a relationship for almost three years.

Pinakita niya sa akin ang napili niyang signature bag, it's a color red. Well, lahat naman nang binibili ni Morry ay puro signature at mamahalin talaga.

Nasa ArtPri's boutique kami. Sinama niya lang ako for her shopping. And besides, off-day ko rin naman sa trabaho ko.

"Okay," I said. Sa tuwa niya ay hinalikan niya ako sa labi kahit ang daming tao.

"Thank you, babe! You're the best! I love you, babe," she said while smiling from ear to ear.

I caressed her cheek and smiled. "Anything for you, babe," I said.

"Titingnan ko lang ang iba, ah?" nakangiting saad niya, I just nodded.

Drimson, my twin brother hates her. He thought that Morry is a gold digger, dahil lahat ng mga gamit niya ay talagang pera ko ang pinagbabayad. Lahat ng gamit na mayroon siya ay sa akin galing.

Wala namang kaso sa akin dahil binibigay ko lang ang kung ano'ng gusto ng girlfriend ko. Well, I love her.

Perfect nga ba ang relasyon naming dalawa? I can say that, but of course we are both busy in our works.

It's been four years nang i-turn over ni dad ang position niya sa akin as a CEO. Noon pa man kahit nag-aaral pa ako sa kolehiyo ay naging COO na ako ng kompanya namin.

Del Labiba Group's Of Corporations. We build, housing project, subdivision and village. Condominium, buildings and such.

Si Drim ay isang architect, pinamana sa kanya ni lolo, ang ama ni mommy. My late grandfather is an architect, kay lolo nagmana ang kakambal ko kaya tuwang-tuwa si lolo dahil sa kanya nagmana si Drim.

Ako ay kay dad, businessman talaga lahat ng sides ni daddy. 

Nagbalik sa realidad ang isip ko nang mapatingin ako sa isang babae na tila hindi malaman kung ano ang pipiliin niyang necktie.

Hawak-hawak niya ang dalawang necktie na magkaiba ang kulay. Dark gray and blue.

She's tall, maputi ang balat niya. Naka-side view lang siya at hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.

Kitang-kita ko ang mahaba at matangos niyang ilong at mahaba rin ang malalantik niyang pilik-mata.

Her hair, well it's short. Nakasuot siya ng yellow long sleeve and black slack. She's attractive.

Hindi ko alam kung sino ang nagtulak sa akin na lapitan ang babae. One thing is for sure ay nasa harapan ko na siya.

"Choose the blue," I said and I felt that she was surprise because of my presence.

Nag-angat siya nang tingin sa akin and my heart is going crazy, I mean, my heart skipped a beats.

She's beautiful, no-- kulang ang salitang 'yon para i-describe ang looks niya. Marami na akong nakitang magagandang babae na modelo. My girlfriend is beautiful too. Pero kakaiba ang looks ng isang 'to.

It's like a Goddess, I am sure na marami ng mga taga-agencies ang nag-offer sa kanya para maging modelo.

Just like my friends, Art and Shin. Hindi nga lang nangyari ang nais ng mga taga-agency dahil tinatapon namin ang mga calling card ng mga ito. Besides, rejected naman sila.

NAPAKURAP-KURAP pa siya dahil sa pagkabigla. She cleared her throat at itinaas ang hawak niyang blue necktie.

"You think so?" she said, malamig ang boses niya at maski ang mukha niya ay walang emosyon.

Nakakamangha talaga ang ganda niya. Sa paraan ng pagtitig niya ay tila hinuhusgahan ka. Tila pati pagkatao mo ay hinahalukay niya.

Tumindig ang balahibo ko sa naisip.

"Blue is your favorite color," she said at nagawa pa niya akong pasadahan nang tingin mula ulo hanggang paa.

Hmm, I wore my blue suit and she's right. Manghuhula.

"Lil brother, nakapili ka na ba ng gift for kuya Markus?" singit na tanong ng isang lalaki na medyo kahawig niya.

Mas matangkad nga lang ng ilang pulgada sa kanya. 

W-wait... Lil brother? What the?

Napaawang ang labi ko na nilingon ang a-akala ko ay babae. Kahit sino namang tao ay aakalain siya na isang babae.

"Mikael?"

Fre*k! Mikael? Talagang lalaki nga siya! I don't know why I feel disappointed knowing that she's--he's a boy.

Sh*t, I'm attractive to a boy! It's a bad thing, right? Never akong na-attract sa isang lalaki. Pero talagang pasado siyang maging babae.

"Oh? I know you," biglang sabi ng lalaking bagong dating.

Nakaakbay na siya sa nagngangalang Mikael.

"CEO Crimson Del Labiba, right?" he asked me.

I smiled. "Yes and you?" tanong ko pabalik sa kanya.

"I am Engr. Miko S. Brilliantes, business partner."

I remember. The B's GOC is one of our business partner. 

"I remember that, nice to see you here, Engr. Miko," nakangiting saad ko at nagkamayan kaming dalawa.

Kilalang pinakamayaman ang pamilya nila at isa sa pinakasikat na film ng mga engineer. Lahat siguro ng pamilya nila ay engineer at sa pagkakatanda ko rin... Napatingin ako sa katabi niya.

Walang babae sa pamilyang Brilliantes at kung mayroon man, hindi 'yon katanggap-tanggap. Weird belief ang mayroon sila. Kaya imposible rin na babae ang nasa harap ko ngayon.

"Oh! This is my little brother, Engr. Mikael S. Brilliantes, the youngest."

"Hi," tipid na bati niya sa akin at wala man lang kangiti-ngiti.

Naglahad siya ng kamay na mabilis ko namang tinanggap. Kung gaano ko kabilis na tinanggap ay agad din akong bumitaw.

Tila may dumaan kasi na kuryente sa kamay niya papunta sa akin kaya mas kinalibutan ako. Pakiramdam ko namamawis ako at isama mo pa ang bilis nang tibok ng puso ko.

"Crimson," saad ko.

"Babe! There you are!" Yumakap sa baiwang ko si Morry na ikinalingon ng dalawang lalaki sa kanya.

"Oh, tama nga pala ang mga taga-showbiz. Girlfriend mo ang famous model na si Morry Tsumaga," manghang komento ng engineer.

"Wait! Engr. Mikael!" Nagulat naman ako nang biglang yakapin ni Morry si Engr. Mikael.

Nag-igting ang panga ko nang halikan pa niya ang pisngi nito. Mas matangkad sa kanya ang engineer, malamang lalaki ito. Tss.

Nakaramdam ako ng iritasyon. Pero bakit pakiramdam ko ay ang girlfriend ko ang pinagseselosan ko? Sa halip na sa engineer na ito? Crazy.

I'M CR*ZY for thinking of that. 

"Let's go, babe," pag-aaya ko sa girlfriend ko at nakahinga ako ng maluwag nang kumalas na siya sa pagkakayakap nito.

Lalaki nga, habulin din ng babae. Tss.

"It's nice to see you, again, engineers. Mauuna na kami," pagpapaalam ko sa kanila at tipid na ngumiti.

"Alright, same here."

Before we live the ArtPri's boutique ay sinulyapan ko pa si Engr. Mikael na nakatingin din sa akin. Bigla akong nahiya.

Sana naging babae ka na lang para hindi na ako mahirapan ng ganito.

***

MIKAEL S. BRILLIANTES' POV

Nakasunod lang ang mga mata ko sa papalayong pigura nila. Bumalik na rin sa normal ang tibok ng puso ko. Dahil pakiramdam ko kanina ay lalabas na ito mula sa dibdib ko. Weird.

Guwapo ang CEO na 'yon, makapal ang kilay niya, matangos ang ilong, ang labi niya kasing pula ng mansanas. At bakit ko naman siya dini-describe?

Nagitla ako nang sagiin ako sa braso ng kuya ko. Si kuya Miko. Kumunot ang noo ko nang tingnan ko siya.

I hate his smile, nagiging smirk na ito. I rolled my eyes nang ma-realize ko ang iniisip niya.

"Crush mo 'yon, 'no?" tanong niya at sinagi-sagi pa ako ng balikat niya. 

Heto na naman ang weird na tibok ng puso ko at para pa akong nabuhusan ng malamig na tubig. Nag-init bigla ang pisngi ko. A-alam ba niya ang sinasabi niya?

"W-who?" nauutal kong tanong.

Nakita ba niya ang titig ko sa CEO na 'yon? I felt nervous.

"Si Morry, maganda siya 'no? Crush mo ang model na 'yon, right? And you know each other," he replied.

Nakahinga ako ng maluwag. Salamat naman at iyon lang ang napansin niya.

"No way. And I don't even know her," I said. I'm serious though. Hindi ko talaga kilala ang Morry na 'yon at nagulat din ako nang bigla niya akong yakapin at halikan pa sa pisngi.

"Kunwari ay hindi ko alam," saad ng kapatid ko. "Tara na nga," dagdag pa niya saka ako inakbayan ulit.

I know Crimson Del Labiba, nakikita ko siya sa kompanya namin at business partner sila ni grandpa.

***

"Happy birthday, kuya Markus," I greeted my older brother. As usual, no expression.

Siya ang pinakamatandang apo nina grandpa. 15 kaming mga apo niya at puro lalaki.

Tumango lang ang kuya ko at kinuha mula sa kamay ko ang regalo ko para sa kanya. He's strict, expressionless and silent.

Napayuko ako nang basta na lamang niya nilapag ang regalo ko sa table nila. Mapait akong ngumiti.

Lima kaming magkakapatid. Si kuya Markus ang panganay, sunod ang kuya kong magkambal, Mergus at Markin. Kasunod ay si kuya Michael, then kuya Miko. Ako ang pinaka-bunso sa pamilya.

Sa lahat ng mga kuya ko ay si kuya Miko lang ang malapit sa akin. Kay kuya Miko ko lang naramdaman ang pagmamahal bilang kapatid.

Dahil siguro hindi nalalayo ang edad naming dalawa. Mas matanda lang siya ng dalawang buwan at halos sabay kaming lumaki. Siya na ang kasa-kasama at karamay ko sa buhay.

I feel unwanted, honestly speaking. That's because, anak lang ako sa labas ni daddy pero sekreto lang iyon. Ayaw nilang marumihan ang pangalan ng pamilya namin. Para hindi maghinala ang karamihan ay nasa-NSO namin ni kuya Miko na kambal kami. Hindi naman 'yon naging problema sa kanila dahil magkamukha kami ni kuya Miko. 

I am living with them for 25 years, feeling unwanted and my life is complicated. Full of lies and fakes.

I am Engr. Mikael S. Brilliantes, want to know my secret?

I'm a girl, unwanted child. Lahat ng mga pangarap ko ay tinalikuran ko. I dressed like a man, I pretend that I'm a boy because who knows?

Isang malas sa pamilya ang magkaroon ng apo na babae ang Brilliantes. And if they know about my gender?

God knows itatakwil nila ako.

And this is me... Lalaki sa paningin ng lahat pero sa sarili ko, isa akong babae.

Mahirap ang sitwasyon ko dahil nakikibagay ako sa tama na para sa akin ay isang maling paraan lang.