Kinaumagahan, bumisita ako sa bahay nang mama ni Vince.
Nang makapasok ako ay agad akong pinatuloy ng kanilang kasam'bahay sa sala at pinaupo sa sofa.
"Crystal! Hija..." Bungad sa'kin ni Tita Ara at umupo sa tabi ko.
"Tita... I want you to know something" panimula ko...
"Hindi na po maganda ang mga ginagawa nang anak ninyo. Vince needs help, he's not on his usual self! Ibang iba na siya..."
Magsisimula pa lang ako na I explain ang mga ginagawa ni Vince but tita Ara is suddenly cry.
"Ikaw! Ikaw ang kailangan nang anak ko. Mahal na mahal ka niya, ikaw lang ang makakatulong sakanya" Nagmamakaawa ang tono ng boses niya, maging ang mga tingin niya sa akin ay nakikiusap.
"Tita, kayo po ang mama ni Vince. Mahal din po niya kayo at alam kong mahal na mahal niyo din siya. Tita please! He badly needs your help... Tulungan niyo po ang anak niyo" Mas lalo pang lumakas ang pag iyak ni tita Ara.
"Vince" Bulong niya sa sarili. "Ang anak ko" Halos mapaupo na si Tita sa sahig.
"A few days ago... We found out... That, that... He has psychoneurosis" I was shock, bakas sa mukha ni tita Ara ang lungkot at pagdadalamhati sa anak.
I hug her and she touches my face, "Hija... Please, come back to my son. Hindi niya na kakailanganin ng medications or therapy kapag bumalik ka sakanya"
Nagulat ako nang biglang lumuhod si tita Ara. "Tita Ara!"
"Crystal! Please... Hija... My son loves you very much! He would probably back to his old self, kapag binalikan mo siya, Crystal... Balikan mo ang anak ko... Huh?" Hindi ako makasagot.
I badly need to find some other way to stop him.
.
Patuloy ang pagbisita ko kay Eric sa ospital pero two days na lang at makakalabas na din siya.
Ang sabi pa niya nagpapasalamat daw siya kay Vince, dahil nakapag leave siya sa trabaho nang hindi umaangal si sir Martin.
Siraulo talaga, nakuha niya pang gawing biro ang nangyari sakanya.
"Wala ka bang balak na magsampa ng kaso?" I asked.
"Wala naman" Nakangisi pa siya, may mental disorder din ba 'to?
"Basta, isikreto na lang natin kila Kuya ha?" Sabi niya habang nag hihiwa ng makakaing prutas.
"Tyaka diba may psychoneuro neuro yun? Mas mabuti kung ipa treatment niya yun sa ospital at hindi sa kulungan" Napa salum'baba ako at bahagyang napangiti habang nakatitig sakanya.
Hmp! Ang bait din talaga ng kumag na 'to e.
Someone knocks the door, "Hm?" Flowers na naman...
"Para sa'kin ba yang flowers?" Tanong ni Eric, habang nakangisi.
Yes, para sa akin nga ang flowers dahil hindi pa rin tumitigil si Vince, napaka walang hiya talaga kahit hanggang dito sa ospital ay nagpaparamdam siya...
"Oo! Para sa'yo daw sabi ni Vince" Sabay tawa, sinakyan ko na lang ang pag bibiro niya.
I opened the letter at nagulat ako sa picture na nasa loob nito. It was my photos... Taken while....
Napasinghap ako at nabitawan ang flowers na hawak ko, "I-I have to go..." I'm stuttering, nanginginig ang mga tuhod kong lumabas ng kwarto ni Eric sa ospital.
Hindi ko na pinansin ang mga tanong ni Eric at mabilis akong nagtungo sa sasakyan ko.
It was my photos, taken while having a shower. Naked.
Hindi na tama 'to, pupuntahan ko siya sa condo niya. Paano niya nagawang maglabas pasok sa bahay ng mama ko nang walang nakakaalam at nakakapansin?
He's crazy, he is definitely... Insane!