webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · 若者
レビュー数が足りません
282 Chs

Chapter 32: Let me go

"Hindi mo na ba ako mahal?." the fact that she wanted me to let her go just like that. Na parang wala lang. Daig ko pa ang nabugbog sa paraan ng isang malupit na sindikato. Tadyak duon Sipa sa mukha. Tama ng baril sa binti. Galos ng patalim sa tagiliran. Pero hindi ang katawan ko ang masakit kundi ang puso kong, pinanghihina ako ngayon. Lahat ng sakit ay balewala sa akin. Pero sa isang salita nya lang?. Bakit ang lupit na!?. Bakit ang lalim na ng sugat na ginagawa nya?. Hindi rin ba sya nasasaktan?. Wala lang ba ako sa kanya?.

Kingwa!.

Pinaglalaban ko sya. Pinagtatanggol sa kung sinuman kaso, bakit hindi nya kayang gawin din ang ganun para sakin?. Ginagawa ko ang lahat para mapasaya sya. Mabuo muli ang pagkatao nya. Pero bakit unti unting nauubos ang ako, nang dahil sa kanya?!.

Mahal nya ba talaga ako?.

"Mahal mo pa ba ako?." hindi ko kayang tanggapin ang unang tinanong ko. Mas lalong hindi ko kayang tanggapin na kahit minsan, hindi man lang nya sinubukan na mahalin ako.

Matagal syang nanahimik. Nag-isip pa sya kung may pagmamahal bang nabuo sa kanya para sakin o wala talaga.

I never doubted my feelings towards her. Nagawa ko pa ngang magsinungaling sa mga kapatid ko para lang sa kanya. Dahil gustong gusto ko sya. Dahil mahal ko sya. Pero bakit ganito ang kapalit?.

"Minahal kita Lance.." dito na ako awtomatikong nanigas. Pakiramdam ko, walang kwenta lahat ng ginagawa ko. Pakiramdam ko, nasayang lang ang oras at panahon ko. Pakiramdam ko, niloko nya lang ako!. Simula umpisa ba, hindi na nya ako gusto?. Bakit hindi nya agad sinabi?. Ano lang kung nasaktan ako noong una pa?. Hindi pa ganun kalalim noon. Bakit ngayon pa na, lahat na ng ako, ay sya?.

Kusang nanginig ang labi ko sa hiya. "Minahal naman kita Lance." ang dating kumikinang na mga pailaw sa kalsada at headlights ng mga dumadaang motorsiklo ay naging kulay abo. Nawala ang ningning at saya ng lahat. Ang tanging nakikita at natatanaw ko lang sa paligid ay kulay itim at abo. Iyon lang. Wala ng iba.

Nagtataka pa ako kung bakit kahit sobrang bangang na ako't wala na sa tamang ulirat, heto pa rin sya't naririnig ko't nakikita ng malinaw ang kanyang mukha. "Kailangan ko lang gawin to para hanapin ang sarili ko. Gusto kong magfocus sa sarili ko at ayokong maging unfair sa'yo."

"But you've been unfair to me Joyce." kusa nalang rin lumabas sa bibig ko ito. Nakita ko kung paano sya natigilan. Humakbang ako para lapitan sya ngunit humakbang din sya paatras. Na syang dahilan ng paglaglag na ng tuluyan ng panga ko. "Nakikita mo ba ako ngayon?. Humahabol sa'yo. Nagmamakaawa na wag lumayo. Dahil alam mo?. Ako na." tinuro ko ang sarili ko ng paulit-ulit. "Itong ako.. buong ako.. ay naging ikaw Joyce.. naging ikaw.. walang natira sa akin.. wala akong tinira para sa sarili ko.." umiiyak na ako. It hurts knowing that hindi man lang sya naaapektuhan sa akin.

"Hindi ko kasalanan na wala kang tinira na kahit ano Lance.."

Durog na durog na nga ako. Ginawa nya pang puro at pinung-pino. Naging pulbos na lang ako.

May magagawa pa ba ang pulbo?.

"Kaya nga mas makabubuti sating dalawa na tapusin na ito at hanapin muli ang ating sarili para maging buo.. dahil hindi lang ikaw Lance.. ako rin ay hanggang ngayon, pariwara. Ayokong maging unfair sa'yo. Ayokong saktan ka ng ganito.. nang higit pa dito.. tama na ang umasa sa pangako.. itigil na natin to."

Napatingala na lamang ako sa kawalan sa dami ng umiikot sa isipan ko pero mukhang wala nang saysay pa para sambitin ko. "Let me go.. let us go seperate ways for us to find ourselves again Lance. Mahirap sa umpisa." hinawakan nya ako sa braso. Trying to let me understand her but damn it!. Puno na ako!.

Mabilis kong hinigit ang braso ko't lumayo sa kanya. She looks shocked. Damn! I don't care, anymore!.

"Sige na Joyce.. Umalis ka na. Tutal madali lang naman sa'yo ang iwan ako. Sige na. Ayos lang ako. Hindi naman masakit. Kaya ko to. Mabubuhay ako ng payapa.." I mean. The reverse in it says it loud.

Hindi sya umimik. Hindi sya nakapagsalita. I saw how her lips, shakes.

Wala na akong pakialam!.

I'm done!.

"Umalis ang gusto mo diba?. Fine. I'm finally letting you go. Go wherever you want. Gawin mo na ang lahat ng gusto mo." tumigil ako para punasan ang luha saking mata. Gusto kong makita sa huling pagkakataon ang kanyang mukha. "Dahil tandaan mo.. ito na ang una at huli na makakausap at makikita mo ako. Tapos na tayo Joyce. Mag-iingat ka at sana maging masaya ka." hindi ako kumurap nang nakipagtitigan ako sa kanya. Hanggang sa ako na ang unang bumitaw. Nagawa ko pang ngumiti para sa kanya. Kingina!. at pagkatapos ng huling ngiti na yun, tinalikuran ko na sya't umalis na.

It's really over!.

And it sucks. My heart is aching. I feel like I'm dying anytime soon.

Pero nang marating ko ang lugar ng mga kasama ko. Nginitian ko sila kahit may luha saking mata. "Ehem.. Tara na." kahit basag at garalgal ang boses ko. Sinubukan ko pa ring magmukhang okay ang lahat. Without any words. Sumunod din naman silang lahat sakin.

"Saan tayo Kuya?. Antipolo o roam around Cebu?.." heto si Bamby ikinawit ang braso sa braso ko. Dinudungaw ang mukha ko. Nakakahiya!.

Suminghot ako ng suminghot muna bago sya binigyan ng tugon. "Roam around Cebu lil sis.. my gift for you.."

Dinunggol nya ako kahit kapit na kapit na sya sakin. May iniabot si Aron na tissue sakin. Isinensyas na para sa luha at sipon ko raw. Tsk!. Nabasa ko pa sa labi nya ang word na yikes!. Hays...

"Anong gift?. Malayo pa birthday ko bro.. ano ba?." natatawa sya. Pero alam kong peke iyon. She knows and I know what's happening. Ganun din ang lahat. Of course. Except, Knoa.

Maya maya. "Guys.. let's roam around Cebu.. Magchichick hunting si Kuya.."

Yung usual na kaguluhan pag ganyang maingay si Bamby sa announcement. Naging iba ngayon. Tahimik at nakakabingi.

"Bam, let's eat and sleep first please?. Pagod na kami.." ani Poro na naging dahilan ng pag-sangayon ng lahat habang natatawa. Maging ako ay tumango rin.

"Okay then.. KKB tayo ngayon ha?. Walang magrereklamo.."

Mabilis umangal ang lahat. As in. Nagkagulo.

"Wala kaming dalang pera, boy Jaden.." Winly.

"Ano!?. Jaden naman!." Bryle.

"Grabe ka samin Knoa ha?. Isa ngang pingot dyan!." Poro.

"Boy Jaden, maging sweet ka naman kasi minsan sa asawa mo.. hahaha.." Aron.

"Tsk!." Jaden kay Aron. Mas nagtawanan ang lahat.

Dahil sa kabaliwan nila. Nawala ng ilang segundo ang nasa isip ko. Baliw din kasi tong bunso namin. Kung anu-anong naiisip. Magkagulo lang!. Si Jaden tuloy ang pinagdiskitahan.

"Oo na!. Kingwa!. Ang iingay nyo. Nakakahiya na kay Lance.." ani Jaden habang tinatanguan ako. Isang maliit na tango lang din ang ipinakita ko sa kanya hanggang sa nagkagulo na sila't nagsaya hanggang sa pagsakay ng SUV.

Mga sutil!. Para namang wala silang kapera-pera. Tinataya lagi si Jaden na walang tanggi sa katawan.

But thanks to them. I still manage to breathe.

Happy New Year y'all!

Chixemocreators' thoughts