webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · 若者
レビュー数が足りません
282 Chs

Chapter 104: Akin

Unang araw ng July. Nagising ako sa katok ni kuya Rozen. Umungol ako dahil inaantok pa talaga ako.

"Hey Joyce! Wake up sleepy head!. It's already 11 in the morning.."

"What!?." bulong ko sabay ng pagbangon sa kumunoy na higaan. Hinihila talaga ako pabalik sa pagkakahiga.

"Gising na.. yuhuuu!!.." anya pa. Kasunod ng walang humpay nyang pagkalabog sa pintuan.

Inihilamos ko ang mga palad sa mukha bago inayos ang magulo kong buhok.

"Bakit ba kuya?. Inaantok pa ako.." reklamo ko. Sa nagdaang araw kasi. Hindi na kumpleto ang tulog ko. Parang ngayon ko lang nagaaa itong magising nang ganitong oras pag umaga na.

"Dali na.. may bisita ka.." he exclaimed with an exciting voice behind those closed door.

E, sino kayang bisita?. Possible namang si mama?. Simula kasi nang umalis o sabihin kong naglayas ako sa bahay ay hindi na ako nakatanggap nang kahit na anong mensahe o tawag mula sa kanya. I don't know. Baka galit sya.. Sigurado yun girl!. Ikaw rin naman. Galit na galit sa kanya. At napakaimposible naman kung si kuya Ryle iyon. E mas galit pa yata kay mama iyon pagdating sa akin eh. Wala akong ideya sa dahilan nya bakit sya naging ganun sakin. Knowing him na mabait sya sakin noon. Tapos biglang naging ganun ang trato nya sa akin. Kabaligtaran ni kuya Rozen. Lastly. Denise?. No way!. Hindi nya ako pupuntahan nun kahit pa yata mawala na ako sa mundong ibabaw.

Bumangon ako sa higaan saka dumiretso sa pintuan. Binuksan ko iyon. Tama lang para silipin ko sya mula sa labas. "Sino raw?.." asking kung sinong bisita.

Imbes sagutin ako. Namulsa lang sya saka ako kinindatan. "See it for yourself.." sabi nya bago ako tinalikuran. Hinabol ko nalang ng tingin ang likuran nya dahil sa sipol nitong umeecho sa buong building.

Tumayo pa ako sa may pintuan ng ilang minuto bago bumalik sa loob upang maligo na. Pagtingin ko sa cellphone ko. Malapit na nga ang alas dose. Naku naman!. Ginulo ko ang buhok bago binaba ang cellphone sa tabi ng higaan saka tumakbo na papasok ng banyo.

Imbes trenta minutos ang normal kong ligo. Naging limang minuto na lamang iyon sapagkat napapaisip na ako sa taong kanina pa raw naghihintay sa may sala. Kanina pa rin ako kinukulit ni kuya na bilisan na.

Ano bang problema nya?. Lalabas din naman ako eh. Minamadali ako masyado na para bang, may pupuntahan syang meeting o emergency. Tsk.

Suot ko ang may kaiksiang short at damit ni Lance na bahagyang sumasayaw sa katawan ko dahil sa laki. Lumabas ako habang sinusuklay pa rin ang buhok.

Hindi pa man ako nakakarating sa bungad ng sala. Napahinto na ako. Lance is standing in front of me right now. Holding a bouquet of flowers on his right hand while on his left hand is a three red balloons. Writing on it.. 'I love you, baby.'

Natutop ko ang sariling labi. What the hell!. Sigaw nang inosente kong isip. Wala kong ideya na si Lance ang tinutukoy nya kanina pa. Bakit d mo nga naisip iyon gurl?!. Grrr!

"Happy monthsary baby.." he said while walking towards me. Natulala ako sa ganda nang pagkakangiti nya. Kumindat pa sya at binasa ang ibabang labi. Mukhang kabado pero sa dating nyang sobrang fresh at gwapo. Parang hindi halata.

Nang makarating sya sa harapan ko. Agad nyang inabot yung bugkos ng pulang rosas at lobo. "Pasensya na kahapon.. Bamblebie's, sick kaya pinauwi ako.."

Tumunganga lang ako sa mukha nyang kaysarap titigan. Hindi man lang nababawasan kagwapuhan nito kahit pagod o kabado na sya. "But now.. pwede akong matulog dito.." matunog syang ngumisi. Noon lang din ako natauhan.

"Ahmm..." nangapa pa ako ng sasabihin kahit punonng puno ang isip ko ngayon ng gustong sabihin.

Luminga ako at sinubukang lumanghap ng hangin pero pabango nya lang ang nalanghap ko, na lalong nagpakaba sa akin ng todo. "Si kuya?.." hanap ko dito.

Luminga din si Lance. Tapos binalik din sakin ang atensyon. "Nagpaalam na nung dumating ako.."

Bakit di sya nagpaalam sa akin?. Gusto ko sanang itanong kaso hindi iyon dapat ang pagtuunan ko ng pansin. Dapat sya lang na nakatayo pa rin sa harapan ko. Hinihintay ang gagawin ko.

Lumunok ako ng mariin bago ko sya nginitian. "Salamat dito Lance.." sinsero kong sabi. Namulsa lang sya't tinitigan na naman ako sa mata. Hinihigop ako. Nakakakilabot.

"Happy monthsary din.." lumapit ako sa kanya atsaka ginawaran sya ng halik sa pisngi. Sa ginawang kong iyon. Medyo nagkadikit ang aming katawan. Aatras na sana ako nang bigla syang yumuko upang yakapin ako nang mahigpit.

"Where's my baby, baby?.." napanguso ako sa lambing ng kanyang pagkakatanong.

Di ko na rin napigilan pa ang sarili ko. Niyakap ko rin mahigpit ang mga braso ko sa leeg nya. "I love you more.. baby.." nakapikit kong bulong sa ilalim ng tainga. Naramdaman ko ang pgtayo ng mga balahibo nya sa may leeg.

Gosh!. Ganun pala epekto nya sakin. Tumatayo rin balahibo nya. O my gosh!!.

He hugged me tightly. Na parang bukas o makalawa ay aalis na sila. "Mahal kita.." he said softly.

"Mas mahal kita.." tumawa ako.

"Pwede bang ipost ko sa fb to?.." he said suddenly. Siguro dala ng bugso ng damdamin kaya naisip nya ito.

Kumalas ako ng yakap sa kanya saka sya hinalikan sa labi. Di ko mapigilan eh. Ang pula ng labi. Smack lang naman. Di torrid.. Grrr!

"If you want to.." Sabi ko matapos lasahan ang labi nya sa akin.

Kinagat nito ang sariling labi. "Really?.." di makapaniwala nyang tanong.

"Kung iyon ang makakapagpasaya sa'yo.. okay lang.. you can post it.."

"What about you?.."

"Ayos lang din sakin.. naisip ko rin na.. it's time for them to let them know about us.."

Tumitig sya sakin ng matagal. Sobrang matagal kaya nailang ako ng todo.

Yumuko ako para iwasan ang mata nya pero inangat nya lang iyon para pagpantayin sa kanyang mata. Unti unti nyang inilapit ang labi sa akin. Pumikit ako at naramdaman muli ang malambot nyang labi. Nagtindigan mga balahibo ko sa talampakan. Pakiramdam ko. Nakaangat ako kahit hindi naman.

Matagal ang nangyaring halikan bago kmai parehong naghabol ng hininga. "Naisip ko rin.. hindi na pala kailangan ipost sa social media ang tungkol sa atin.."

"But why?.." gustong gusto nya itong gawin. Anong nangyari at nagbago bigla?.

"Baka agawin ka pa nila eh.." napanguso ako sa kilig na naramdaman. Humalik muli sa labi ko bago nagpatuloy. "Gusto kong akin ka lang.." he kissed me again. Hinabol ko pa ang labi nya kaya natawa sya. "Akin lang.." and then. We kissed again.