webnovel

Painting World

編集者: LiberReverieGroup

Headless Girl Vanessa.

Biglang may naalala si Marvin sa pangalan na 'yon.

Madalas tumingin sa forum ng laro noon si Marvin. Isang beses ay mayroon siyang nakitang litrato na ipinadala ng isang di kilalang manlalaro.

Mayroong ornament na kahugis ng bulaklak na platycodon sa litrato.

Uncommon item ang ornament na 'yon at nakakamangha ang effect nito. Tandang-tanda pa ni Marvin ang mga attribute nito.

[Vanessa's gift]

Quality: Uncommon

Effect: Fear resistance +10

Requirement: Help the headless girl accomplish her dream.

...

Malinaw na isa 'tong quest reward item.

Nagyayabang lang siguro ang lalaking 'yon kaya niya ipinakita ang equipment info niya kaya siguro hindi 'to pinansin ng mga tao. Buti na lang at matalas ang memorya ni Marvin dahil naalala pa niya ang mga attribute nito.

Kakaunti lang ang mga item na nagpapataas ng fear resistance sa mundong 'to. May mga naalala si Marvin pero mahirap makuha ang mga 'to.

Wala talagang may alam kung paano makuha ang Vanessa's gift dati.

Peero alam na niya ngayon. Ipinakita ng lalaking 'yon ang litrato isang linggo matapos ilabas ang Scarlet Monastery instance.

Siay siguro ang kauna-unahang manlalaro na pumasok sa Scarlet Monastery kaya nagkaroon siya ng headless girl quest noon.

"Vanessa.. Bakit hindi kita pwedeng tingnan?" Nag-aalinlangan na tanong ni Marvin dahil gusto niyang malaman kung ano ang dapat gawin.

Dama niyang walang masamang balak ang babae.

"Dahil nakakatakot ang itsura ko ngayon. Lahat ng ordinaryong human na tumingin sa akin ay natatakot. Baka mabaliw ka!" Paliwanag ni Vanessa. "Kaya nakikiusap ako, wag mong kong titingnan."

Tumango lang si Marvin.

Mayroon sigurong [Strong Fear Effect] ang babae. Kakailanganing mag-fear check ang sino mang makakita sa kanya.

Matatag man ang kalooban ni Marvin, kung hindi kakayanin ng katawan niya at hindi siya pumasa sa check, tapos na siya. Ayaw na niyang ipagsapalaran pa 'to.

"Bakit ka nagpakita?" Tanong ni Marvin.

"Kinuha ng isang masamang tao ang ulo ko. Pwede mo ba kong tulungan makuha 'to?" Tahimik na tanong ni Vanessa.

Nakakatakot pakinggan ang boses ng babae sa tahimik na kwartong 'yon.

Sa ilalim ng liwanag ng buwan, makikita ang isang malabong anino sa lapag. Tiningnan 'to ni Marvin.

'Wala nga siyang ulo.'

Napamura na lang si Marvin sa sarili. Siya nga ang [Headless Girl].

"Human lang ako. Bakit sa tingin mo ba kaya kitang tulungan?" Tanong ni Marvin habang tumatawa ng pilit.

"Nararamdaman kong malakas ang willpower at fighting skill mo," sagot ni Vanessa. "Kapag nag-Stealth ka, kaya mong makuha ang ulo ko ng hindi napapansin ng taong 'yon."

"Kailangan kong malaman ang iba pang detalye sa gagawin ko para makapag-desisyon ako kung itutuloy ko." Nagkibit balikat si Marvin na parang bang sinasabing wala siyang magagawa. "Ayokong mamatay." Dagdag ni Marvin.

...

Bumalik na ang anino sa ghots hallway pagkatapos ng 10 minuto.

Lumapit uli si Marvin sa painting ng Headless Girl.

Iniisip niya kung dapat ba niyang gawin ang pakiusap ng headless girl.

Hindi madaling makahanap ng isang item na nagpapataas ng fear resistance. Wala namang kakalabanin sa quest na 'to. Magnanakaw lang ng isang bagay at magaling naman siya sa ganun.

Pagkatapos tanggapin ni Marvin ang request ng headles girl, may lumitaw na bagong quest sa quest menu niya.

Alam na ni marvin ang detalye sa quest at ang reward ay "???".

Laging walang kasiguruhan ang ganitong uri ng random quest reward. Buti na lang, alam na niya kung ano ang reward sa quest na 'to.

Sinunod niya ang mga sinasabi ni Vanessa at dahan-dahang hinawakan ang painting.

"Kalma lang"

Maririnig ang mahina at kalmadong boses ni Vanessa.

"Ipikit mo ang mata mo"

"Umabante ka."

"Ginawa ni Marvin ang pinapagawa sa kanya."

"Creak!" Binuksan ni Marvin ang pinto at humakbang paharap habang nakapikit.biglang umingay ang kaninang tahimik at payapang kapaligiran.

May mga huni ng ibon sa mga sanga. Nasa gubat na ata siya.

Nang buksan niya ang mga mata niya, nakita niyang nasa isang maliit na gubat nga siya.

[You have discovered a mysterious location – Boknin]

[Knowledge – Insight +5]

[Knowledge - Insight - Boknin world]: isang painting na may magulong kapaligiran ang lugar na 'to. Matatagpuan 'to sa pagitan ng Feinan Continent at ng Underworld. Mukha lang itong pangkaraniwang bukid pero ang Evil Spirit envoy na si Morris ang namamahala sa lupaing 'to. Mayroon siyang dalawang hukbo: ang crow patrols at ang dark knights. Isang kasinungalingan lang ang lahat ng kagandahang nakikita rito.

[You have entered the painting world – Boknin…]

Mga ibon at magandang kapaligiran ang nakapalibot sa kanya.

May isang lantang locust tree sa likod niya. Tinandaan niya ang itsura at kung nasaan ang punong 'yon dahil 'yon lang ang tanging daan niya pabalik.

Hindi makakasama ang headless girl sa kanya sa painting world kaya kailangan mag-isa niyang haharapin ang mga susunod na mangyayari.

Ang palasyo sa taas ng burol ang pupuntahan niya na pagmamay-ari ng isang lord na tinatawag nilang old Morris. Isa itong lower plane Evil Spirit Envoy na nangunguha ng kaluluwa ng mga tao at ikinukulong sa kanyang painting world.

Kailangan ng ibayong ingat sa lugar na ito, dahil kung hindi, maaring kang makulong sa mundong 'to habang-buhay.

Nakatago ang ulo ni Vanessa sa isang kwarto sa palasyo ni Morris. Kailangan pumuslit papasok ni Marvin at kunin ang ulo ni Vanessa at ibalik 'to sa kanya.

Pagkatapos no'n, makakalaya na ang kaluluwa ni Vanessa at matatapos ang quest ni Marvin.

'2nd rank Evil Spirit Sorcerer lang siguro si Morris. Dahil kung hig-level Evil Spirit Envoy 'to dapat napigilan na nito ang willpower ng kaluluwa ni Vanessa.'

'Kaso nga lang mababa ang concentration ng holy water na ibinebenta ng Silver God Church. Kung makakakuha lang ako ng #13 na holy water, pwede kong madispatya si Morris.'

Magkaiba ang mga Evil Spirit Envoy at ang mga tulad ni Heiss. Kahit na pareho sila ng class na Evil Spirit Sorcerer, magkaiba ang mga race nila. Marahas at malakas ang mga lower plane Evil Spirit. Wala silang kahinaan tulad ng mga grave robber.

....

Mabilis na naglakad si Marvin palabas ng gubat at nakarating siya sa maliit na burol.

Tumingin siya sa sa malayo at nakita ang isang malawak na taniman ng trigo at ilang mga aninong paikot-ikot.

'Yon siguro ang mga magsasakang nangangalaga sa bukid.

Isang ring mundo 'to

"Ang galing.." Manghang-mangha si Marvin.

At sa dulo ng taniman, sa ibabaw ng burol, naroon nga ang palasyo. Maingat na tinawid ang bukid.

Maganda ang kinalabasan ng perpektong Stealth niya kahit pa limitado 'to ng skill level niya.

Di nagtagal, nakarating na sa palasyo si Marvin.

Isang troso lang ang nagsisilbing tulay patungo sa palasyo at napapalibutan naman ng mga banging ang paligid nito.

At mayroong mga gwardya sa kabilang dulo ng troso.

'Paano kaya 'to?"

Hindi na sinubukang gamitin ni Marvin ang Stealth para makasulot sa mga nakabantay dahil para na rin siyang nagpakamatay kapag ginawa niya 'to.

Hindi naman ginagawang invisible ng Stealth ang isang tao. Isa pa, mahina lang ang epekto nito lalo pa at tanghaling tapat.

Mukhang kailangan niyang maghintay ng gabi.

Naghanap siya ng isang tagong lugar para magpahinga.

...

Pagsapit ng gabi, may karitelang hila-hila ng isang kalabaw mula sa bukid ang dumating sa paanan ng burol na patungo sa palasyo.

Nagliwanag ang mata ni Marvin nang makita 'to.

'Hmmm. Puro gulay at prutas ang laman karitela.'

'Papunta sila sa palasyo!'

'Ito na pagkakataon ko!'

Agad tumakbo si Marvin patungo sa karitela.

...

Isang magsasaka ang nagmamando sa karitelang hila ng kalabaw na mabagal ang pag-akyat sa burol.

Pagliko nito, may nahagip na pilak ang paningin ng magsasaka.

"Ano yun!?"

Agad niyang tinigil ang karitela at bumaba.

Isang pirasong pilak!

Isang pirasong pilak, kahit sa Boknin, nagagamit 'tong salapi!

Kita ang saya sa mukha ng magsasaka. Lumingon-lingon muna siya bago pulutin at itago ang pilak. Pagtapos ay umakyat na uli siya sa karitela at pinagpatuloy ang pagpanik sa burol.

Hindi napansin ng magsasakang mayroon nang ibang tao sa ilalim ng kanyang karitela.

Kumapit si Marvin sa puwang na nasa ilalim ng karitela gamit ang parehong kamay at paa.

Buti na lang, 14 na taong gulang lang siya na may maliit na pangangatawan kaya nagkasya siya sa ilalim.

Dati na niyang nagawa 'to pero gumamit pa siya ng [Bone Shrink] na special skill ng mga assassin para baguhin ang laki ng katawan niya.

Paglipas ng limang minuto, nakarating na ang karitela sa gate ng palasyo.

Pagtapos silipin ng mga gwardya ang laman ng karitela, pinapasok na ito sa loob.

Nasa ilalim pa rin si Marvin at dama na niya ang pangangalay pero hindi siya sumuko dahil alam niyang ito na ang pinakaligtas na paraan para pumasok sa palasyo.

Mabagal ang usad ng karitela sa loob na malamang ay patungo sa kusina o sa bodega.

Tiningnan mabuti ni Marvin kung may tao ba sa paligid, at nang makitang wala, agad na bumitaw ito.

Dumeretso lang papaloob ang karitela. Walang kamalay-malay ang magsasaka sa naganap.

Lumingon muli si Marvin para tingnan ang paligid, saka gumamit ng Stealth at nawalang parang bula. Tumungo na siya sa lobby ng palasyo.

...

Madali lang mahanap ang kwarto ng lord dahil nasa pinakamataas na kwarto ito sa loob ng palasyo.

Tanga lang ang maglalagay ng patibong sa sarili niyang kwarto.

Narinig ni Marvin sa chismisan ng mga katulong na nagpapalipas ng gabi si Morris sa laboratoryo nito. Kaya naman nag-abang si Marvin na sumapit ang gabi saka pinasok ang nakakatakot na kwarto nito.

Pinagmasdan muna niya ang buong kwarto bago tuluyang sinimulan ang paghahanap. Mga kuko ng paniki, mga bungo ng tao, buto ng kamay ng isang demon… sa madaling salita, mga spell reagent.

Sa wakas nakakita siya ng isang kahon sa gitna ng mga kalat. May maitim na telang nakataklob dito at isang kakaibang pakong nakabaon para di mabuksan.

Eto na mismo ang inilarawan ni Vanessa.

'Sumpang gagawing isang Evil Spirit Slave ang isang tao?'

Nakilala ni Marvin ang mga nakaukit dito. Mukhang may balak sana ang Evil Spirit Envoy na gawing Evil Spirit Slave si Vanessa. Kaya pala ayaw nitong idispatya ang kaluluwa niya.

Inilagay na niya ang kahon sa Void Conch at paalis na sana.

Nang palabas na siya ng kwarto, may narinig siyang mga yabag sa labas ng kwarto.

Kinaban ng matindi si Marvin na agad na nagtago sa ilalim ng kama.

Nagliwanag ang kwarto dahil sa apoy at may pares ng telang sapatos ang nakita ni Marvin.