webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · 都市
レビュー数が足りません
213 Chs

Chapter One Hundred Eighty-Five

Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng isang masayang ngiti. Kumikinang ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Nginitian ko rin siya.

"I, Timothy Odelle Pendleton, take you Miracle Samantha Perez to be my wife, my partner in life and my one true love. I will cherish our union and love you more each day than I did before. I will trust you and respect you, laught with you and cry with you, loving you faithfully through good times and bad, regardless of the obstacles we may face together. I give you my hand, my heart and my soul, from this day forward for as long as we both shall live."

Ayokong masira ang make-up ko pero hindi ko mapigilan ang umiyak. Nandito kami sa simbahan ngayon at ikinakasal. Ito na ang pinakamasayang araw ng buhay ko, kung saan si Timothy na talaga ang makakasama ko habang buhay.

Sa sobrang tagal naming nagkahiwalay, sa wakas ito na! Kami na talaga ang magkasama. Wala nang makakasira pa sa sumpaan namin. Magiging totoong Hubby ko na siya at Wifey niya ako.

Ibinukas ko ang bibig ko para magsalita. Pero walang boses na lumabas. Natigilan ang lahat. Napahawak ako sa lalamunan ko. Nanlaki ang mata ko at tumingin kay Timothy. Wala akong boses! Bakit ngayon pa ako nawalan ng boses?!

Napatingin ako sa Pari na naiinip na pati na rin sa mga tao na saksi sa kasal namin. Nagbulungan sila.

"ITIGIL ANG KASAL!!" may sumigaw.

Napatingin kaming lahat kay Jared na pumasok sa simbahan.

"Itigil ang kasal! Samantha, hwag mo siyang pakasalan!" sigaw ni Red mula sa pintuan ng simbahan.

Hindi. Napatingin ako kay Timothy, hinawakan ko siya sa braso at umiling. Pero wala akong boses.

"Red? Why are you doing this?" tanong ni Timothy.

Naglakad si Red palapit sa aming dalawa ni Timothy. "Don't marry her TOP. Hindi ko kaya."

"What?"

"Hindi ko kayang mawala ka sa'kin. I love you bro."

…Ah? HAAAAAAA?!

"Are you serious? I love you too!"

Biglang nagkaroon ng disco ball sa loob ng simbahan. Sumayaw ang mga tao sa loob. Naramdaman kong may mga kamay na humila sa akin palayo sa altar. Naiwan sina Timothy at Jared doon kasama ng pari.

Ano 'to?! TIMOTHY!!!

"You may now kiss," sabi ni Father.

Nagharap sina Timothy at Jared at unti-unti silang naglapit na dalawa.

"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!" sigaw ko.

Hindi ito pwedeng mangyari! Paano sila nagkaroon ng relasyon?! Bakit ganon?! Bakit?!

"SAMANTHA!! SAMANTHA!!"

"AAHH!!!" Napatigil ako sa pagsigaw nang magising ako sa masamang panaginip. Nasa kama ako at nakahiga. Nasa loob ako ng kwarto ko at wala sa simbahan. Shucks!

Panaginip lang. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng paghinga ko. Akala ko totoo na. Si Timothy iniwan ako sa gitna ng kasal namin. Nasira ang maganda kong kasal dahil kay Jared. Gosh! Kakaibang panaginip yon.

"Baklang 'to, kung makasigaw parang kinain ng dinosaur!" sabi ni Maggie na siya palang gumising sa akin.

Binato ko sya ng unan. "Eh nakakatakot kaya yung panaginip ko! Ikinakasal daw ako tapos wala akong boses tapos pinatigil ni Red yung kasal tapos naging… Waaaahh!!" kwento ko sa Crazy Trios na nakatayo lang sa gilid ng kama ko.

"Wow! Ikakasal ka na nga kay Red, ayaw mo pa? Hahaha!" tawa ni China.

Hindi ko masabi sa kanila kung ano ang totoong nangyari sa kasal ko. Pinagmasdan ko silang tatlo at may napansin ako. "Bakit ganyan mga damit nyo? Sabado ngayon ah. May pasok ba kayo? Nakabihis kayo."

"Tumawag si Ate Sweety kanina, Sammy! Isusukat daw natin yung pang-bridesmaid na dress," sagot ni Michie na kumikinang pa ang mga mata sa tuwa. Excited talaga sya sa kasal. Ewan ko sa kanya, ang saya-saya nya kapag may ikinakasal.

"Magbihis ka na, Sam. Hintayin ka namin sa baba, sa labas nalang tayo mag-breakfast. Dali!" Hinigit ni Maggie ang kamay ko at pinatayo ako sa kama. Tinulak nila ako papasok sa banyo. Di naman sila excited? Hmm.

***

Pumasok kami sa loob ng isang bridal boutique. Dito ko nakita noon sina Timothy at Sweety. Akala ko talaga ikakasal sila. Ang stupid ko lang. Ang ganda kasi ni Ate Sweety ng mga oras na iyon, ibang iba sa palagi kong nakikita na babaeng naka-ponytail. Iba pala ang hitsura nya talaga kapag elegante na.

"Hey!" Ngumiti sa amin si Ate Sweety. "Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa ako naghihintay sa inyo."

"Eh ito kasing si Sammy binabangungot kanina. Nahirapan kaming gisingin," paliwanag ni Maggie.

"UWAAAAAH! Sister-in-law ko, nandito ka na rin!" Bigla nalang niya akong dinamba ng yakap. Ang higpit. Hindi ako makahinga. Napaubo ako nang bitawan niya ako. "Ay! Sorry, kinakabahan kasi ako. Ang dami kong kailangan pang gawin pagkatapos nito. Kawawa naman ako. Dadaanan ko pa yung sa mga flowers, pati yung sa cakes, pati yung reception. Kailangan perfect lahat!" Wow, hands on.

"Tutulungan ka namin Ate!" Kumapit sa braso ni ate Sweety si China.

"Oo nga, wala naman kaming gagawin eh," sang-ayon ni Maggie.

"Gusto namin makita si kuya Cedrik!" sabi ni Michie.

"Oh. Si Cedrik ba?" Parang nalungkot bigla si ate Sweety.

"Bakit ate?" tanong ni China.

"K-kasi hindi pa kami nagkikita simula nang yayain niya ako ng kasal. Baka nga..." hindi na itinuloy ni ate Sweety ang sasabihin niya.

"Hala. Hwag kang malungkot, ate! Baka may plano lang siya na i-surprise ka o kaya nagpapamiss para sa honeymoon nyo eh maalab!" biro ni China.

Ngumiti na si Ate Sweety at tuluyan nang nawala ang malungkot na atmosphere. Tumingin tingin ako sa loob ng boutique. Napatingin ako sa mga naka-display sa bintana. Naagaw ng tao sa labas ang atensyon ko. May nakita akong kahina-hinalang lalaki na nakamasid sa amin. Nakasuot siya ng brown na trench coat, shades, saklob at face mask. Nakita niya akong nakatingin sa kanya kaya naman bigla siyang tumakbo. Ehh? Sino 'yon?

***

Pumunta muna kami sa isang restaurant para kumain ng brunch, breakfast at lunch. Nagku-kwentuhan ang Crazy Trios pati narin si Ate Sweety. Tumitingin tingin lang ako sa paligid nang muli kong makita ang lalaking naka-coat. Nakatingin siya sa table namin.

Ano ba talaga ang problema niya?! Nakakatakot siya. Sinusundan niya kami? Sino ba 'y0n? Pagkatapos naming kumain, sumunod kaming pumunta sa cake shop. Tasting daw ng cake. Dahil sa hindi nag-dessert ang Crazy Trios, na-enjoy nila ang free taste ng mga cakes.

Tumingin-tingin naman ako sa paligid, baka makita ko ulit yung lalaki. Hindi ko siya nahanap. Baka sumuko na.

Habang ngumunguya ay saka ko naman nakita ang creepy na lalaki. Nakita ko ang lalaking stalker na nakasilip mula sa bintana. Nakatingin na naman sa amin. Ang creepy niya talaga! Nangangati na ang mga paa ko na puntahan siya at kausapin.

"May sumusunod sa'tin!" sabi ko sa kanila.

"Huh? Sino?" tanong ni ate Sweety.

Tumingin ulit ako sa bintana. Wala na yung lalaki.

"Ah. Di bale nalang," sabi ko nalang.

Ang sunod na pinuntahan namin ay ang flower shop at reception. Isang buong araw na pala ang dumaan. Palagi kong nakikita at nararamdaman ang pagsunod sa amin ng lalaking naka-trench coat. Gabi na nang matapos kami. Nilibre muna kami ni ate Sweety ng dinner bago kami umuwi. Mabuti nalang may kasamang driver si ate Sweety kaya hindi na ako nag-alala sa kanya. Baka kasi kung mapano siya.

"Daan muna tayo sa convenience store! Bibili akong noodles!" sabi ni Michie habang naglalakad na kami pauwi.

"Sige!" payag nina Maggie at China.

Nakita ko ulit ang lalaking naka-trench coat. Nasa kabilang kalsada siya. Inalis na niya ang mask na suot niya. Hindi niya inaalis ang shades niya kahit na madilim na. Bigla siyang nauntog sa poste ng meralco, di niya nakita dahil sa dilim.

"Una na kayong umuwing tatlo. May dadaanan muna ako," paalam ko sa kanila.

"Sige Sammy!" sabi ni Michie.

"Aha! Si Sam, makikipag-date!" sabi ni China.

"Buti pa siya may love life! Yiiieh!" sabi ni Maggie.

Tumawid na ako ng kalsada at nilapitan ang kahinahinalang lalaki. Nang makita niya ako ay bigla siyang tumakbo. Tumatakas siya! Ilang minuto kaming naghabulan hanggang sa bigla siyang nadapa.

Ang lakas ng tunog ng pagkakabagsak niya. Tsk. Tsk. Tsk. Paalala; hwag tatakbo nang naka-shades lalo na kung madilim.

"Aw. Ouch," sabi niya habang nakahawak sa mukha niya.

"Bakit mo kami sinusundan?" tanong ko.

"OH MY GOD!!" sigaw niya at napaatras mula sa akin.

Hindi naman pala siya mukhang nakakatakot. Mas takot pa siya sakin eh. Tumingin ako sa paligid. Sa kakatakbo namin, nakarating na pala kami sa playground na madalas tinatambayan ng mga bata. Malapit ito sa isang elementary school. Malapit na rin ito sa subdivision namin.

Humalukipkip ako at ginaya ang pose ni Audrey kapag may mga tao siyang gustong maliitin at laitin. Dapat siguro si Timothy nalang ang gayahin ko? Mas nakakatakot siya eh.

"Bakit mo kami sinusundan ha?"

"Ehem! Hindi ko alam ang sinasabi mo," tanggi pa niya.

"Tatawag ako ng pulis." Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko.

"HWAG!" sumigaw siya at tumayo. "Please, hwag kang tatawag ng pulis."

"Kung ganon bakit mo kami sinusundan? Stalker ka no?"

"H-hindi ako stalker."

"Kung ganon, sino ka ba? Kung hindi ka nga stalker eh bakit mo kami sinusundan? Sindikato ka no? Kikidnapin mo kami!"

"Hindi ako sindikato! Hindi ako masamang tao, please maniwala ka."

"So, sino ka?"

"Ah. Ang pangalan ko ay Cedrik," pagpapakilala niya habang nagkakamot ng batok.

Agad kong nakilala ang pangalan niya. "Yung fiance ni ate Sweety?"

"Oo, hwag mong sasabihin kay sweetypie. Secret nalang nating dalawa yung nakita mo, pwede?"

"Hindi ako naniniwala sa'yo." Tinignan ko siya. "Hubarin mo nga yang shades at saklob mo."

Inalis niya nga ang shades niya pati saklob. Tinitigan ko ang mukha niya. Buti may poste ng ilaw dito. Nakikita ko sya. Err. Siya si Cedrik? Err. Paano ko ba 'to sasabihin? Medyo below below siya. Ngayon ay napatunayan ko nga na sobrang busilak ng puso ng kapatid ni Timothy. Pero totoo nga kaya? Hindi kaya, kidnapper ito at tinatago niya ang totoong Cedrik?

"HINDI AKO NANINIWALA SA'YO!! ILABAS MO ANG TOTOONG CEDRIK!!! SI CEDRIK ANG MUNTING PRINSIPE!!"

"Ako talaga si Cedrik, Miss! Ako ang fiance ni Aphrodite Pendleton, ang aking one and only sweetypie! Ako talaga ang mapapangasawa niya! Mahirap bang maniwala?"

"Tinatanong mo talaga yan?!" Natigilan ako at nasapo ko ang noo ko. "Hindi ko talaga kayang maniwala. This is beyond.. beyond.. way way beyond my understanding, way beyond earth, galaxy and milky way!" Tinignan ko ulit ang hitsura niya. "My goodness!!"

"Huhu! I know what you mean." Bigla siyang umupo ulit sa semento. Mukha siyang bata na nagmumukmok. "I may look like this but I'm not stupid. Alam ko naman eh. Hindi ako cute." Tinaasan ko siya ng kilay. AH. Iyon lang? Nakita niya ang reaksyon ko. "Hindi ako gwapo. Hindi kami bagay ni sweetypie. Pero mahal ko yun, simula high school kami inlove na ako sa kanya. Hindi nga lang niya ako kilala noon. Ako na nga ang pinaka-masayang lalaki sa buong mundo nang pumayag siyang pakasalan ako." Suminghot siya. Teka umiiyak ba siya? "Hindi rin ako makapaniwala na papayag siya. Pero nung nalaman ko na gusto pala ako ni Mr Pendleton para sa anak niya, na yun lang ang naiisip ng mga tao na dahilan kung bakit ako pakakasalan ni sweetypie, nalungkot ako. Nasaktan ako. Nahiya akong magpakita sa kanya. Ano'ng gagawin ko kung napipilitan lang pala siyang pakasalan ako dahil gusto ako ng ama niya? Hindi naman talaga ako... gwapo. Hindi katulad nang ibang nanliligaw sa kanya. Pero maganda naman ang katawan ko eh, lagi akong nasa gym. May abs pa nga ako eh, gusto mong makita?" alok niya.

"No thanks," mabilis na tanggi ko.

"Hindi ko siya magawang lapitan. Baka kasi tama yung sinasabi ng ibang tao. Baka nga hindi talaga ako mahal ni sweetypie, baka sumusunod lang siya sa gusto ni Mr Pendleton. Natatakot ako na malaman ang totoo. Hindi ko kakayanin kung malalaman ko na napilitan lang siya!"

Kawawa naman. Kaya pala sunod nang sunod sa amin kanina. Di makalapit at natatakot alamin ang katotohanan. Haay. Pero mukha namang mahal niya talaga si ate Sweety. Okay na rin yon. Patayin nalang siguro ni ate yung ilaw sa kwarto nila para di niya makita. Hehe! Nahahawa ako kay Audrey. Ang lakas maka-impluwensya! Napakamot ako sa ulo ko. Naaawa ako sa kanya. Mukha siyang aso na inabandona ng may-ari.

"Tumayo ka na dyan, mag-usap tayo nang maayos. Baka matulungan kita dyan sa problema mo," sabi ko.

"Talaga? Tutulungan mo ako?" tanong nya. Biglang lumaki ang singkit niyang mga mata.

"Oo, bilis. Umayos ka, para kang hindi lalaki dyan."

Vooote~ (*u*)

AlesanaMariecreators' thoughts