webnovel

Unnamed

Payapa ang paligid. Nagbabadya ang paghahasik ng liwanag sa kalupaan. Banayad ang dampi ng hangin. Mabibilang ang humahagibis na sasakyan sa lansangan. Nakakaaliw ang mga awitin sumikat ng mga nagdaang dekada. Masarap balikan ang matatamis na alaala. Masaya. Wlang alalahanin. Walang anumang bakas ng pagkabahala. Kalugud-lugod ang mga pangyayari. Mababanaag ang kasiyahan sa napakapayak na pamamaraan. Walang humahablot ng sandali. Walang nagmamakinilya ng litanya. Tanging ang pintig ng puso ang nagsisilbing panuntunan ng bawat sandaling puno ng pag-asa. Walang nakahihigit. Wala. Kahit sinuman, wala.