webnovel

Unnamed

Nagdiriwang ang mga ipis

Habang ang maamong tupa'y abala sa kakahuyan.

Ang mga langaw ay patuloy sa paglipad

Habang ang pobreng daga'y paroo't parito sa kabahayan.

Ang mga tandang ay panay ang tilaok

Habang pakendeng-kendeng ang mga bibe sa umpukan.

Patuloy ang awit ng mga kuliglig sa gitna ng gabi

Habang ang mga lamok ay walang sawang nananamantala sa mga nahihimbing na biktima.

Hindi magkamayaw ang mga paro-paro sa bulaklakan

Habang bitbit ng mga bubuyog ang matamis na pulot mula sa bana.

Hindi magkandatuto ang mga mumunting pipit sa pugad

Habang naghahari ang uwak sa himpapawid na makulimlim.

Ang mga langgam ay patuloy sa pagsikhay para sa tag-ulan

Habang ang mga tipaklong ay masayang nagkakandirit sa kawalan.

Malalim na nakamasid ang mga pusa sa tarangkahan

Habang ang mga aso'y naninindak sa maalikabok na kalsada.

Walang leon sa kanayunan

Dahil ito ay malimit na naghahari sa mailap na kagubatan. -Halaw sa, "Doon sa Amin ay May"