webnovel

Tingnan Natin Kung Sino Ang Mas Walang Awa (6)

翻訳者: LiberReverieGroup 編集者: LiberReverieGroup

"Ayos lang kung hindi mo ako narinig sa unang pagkakataon, pero hindi ko na uulitin ito." Serysong iniisip ni Huo Mian na masyadong maraming hangal ang tumatambay sa mga bars. Kakaalis lang ng isa at ngayon, isa na naman ang biglang sumulpot. Hindi ba niya pwedeng enjoyin ang inumin niya ng mapayapa?

Ang Seductive Fox ang pinakasosyal na nightclub sa lungsod kaya paniguradong mas maraming mga bastos ang lalandi sa kanya kapag pumunta siya sa mas maliit na mga bars.

Ang may patusok na mukha at mukhang unggoy na lalaki ay tumingin kay Huo Mian at nagmamalaking sinabi, "Babae, hindi mo ba kilala ang Kuya Yong ng Jiang Bei Gang? Hindi mo pa ba siya nababalitaan?"

"Hindi, wala pa akong narinig tungkol sa kanya, pero alam ko na sikat ang Jiang Bei para sa kanilang mababaho na pinritong tofu, siya ba ang may-ari ng isa sa mga karitela nito?"

Ang may patusok na mukha at mukhang unggoy na lalaki ay nagulat at walang masabi, "..."

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください