170 Problema

翻訳者: LiberReverieGroup 編集者: LiberReverieGroup

Pagkatapos gumawa ng paraan ni Qin Chu para patigilin ang media, mukhang nawala na rin ang atensyon ng mga tao sa insidente.

Pero, mayroong gumawa ng account sa isang lokal na Frst Forum at isiniwalat ang naturang scandal sa pamamagitan ng pagpost.

Madaling kumalat ang impormasyon sa mga panahong ito. At dahil sikat ang forum na ito at marami rin ang gumagamit nito, ang maliit na bato ay kayang magdulot ng isang malaking alon. Kaya pagkapost ng tungkol sa scandal, marami kaagad ang nag-like, comment at repost nito. Sa huli, kumalat pa rin ang tungkol sa scandal.

Ang taong nagpost nito ay sinasabing kapamilya daw siya ng pasyente at sinabi na corrupt ang First Hospital dahil nagpapanggap lang bilang doktor ang mga nurse, para lang makasingil ng malaki sa pamilya ng pasyente.

Idagdag pa rito, sinabi rin nito na dapat ibabalita ito sa mga TV stations pero pinuwersa ng ospital ang mga ito na itigil ang pagpapakalat dito gamit ang kanilang mga koneksyon.

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

avataravatar
次の章へ