webnovel

I Will Forever Protect Mr. Qin (10)

翻訳者: LiberReverieGroup 編集者: LiberReverieGroup

Chapter 1539: Ipagtatanggol Ko Magpakailanman si Mr. Qin (10)

"Wala akong sasabihin sayo," sabi ni Mayor Song nang madilim ang ekspresyon, galit siya kay Huo Mian; sigurado siya na sinaktan ni Qin Chu ang anak niya dahil sa nararamdaman nito para kay Huo Mian.

Ang tanging gusto lang ni Song Yishi sa buhay niya ay makasama si Qin Chu, pero ang gusto lang ni Qin Chu ay si Huo Mian, at naging resulta ang malungkot na pagkamatay ni Song Yishi.

Puno ng galit si Mayor Song sa isip pa lang na may kinalaman ang pagkamatay ng anak niya kina Qin Chu at Huo Mian – hindi na niya gusto si Qin Chu at hindi na niya pinapahalagahan ang katalinuhan ni Huo Mian.

"Mayor Song, hindi simple ang mga bagay."

"Patay na ang anak ko dahil sa inyong dalawa, ano pa gusto niyo?" Tiningnan nang masama ni Mayor Song si Huo Mian, namumula ang mga mata.

Malaki ang epekto ng pagkamatay ni Song Yishi sa Song Family. Nagkasakit si Mrs. Song at naospital.

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください