webnovel

MY VILE WARMTH (GL)

A unfortunate sequence in their life brings them together to face a trial that their family struggling to overcome. A chained destiny pulling them to be one and conquer all the misfortunes. Love or death is their only choice they are holding but if they choose between them, only consequence will tell them the right choice.

Piksmeayminit · LGBT+
レビュー数が足りません
35 Chs

Social Media

"Anong mukha 'yan?"

Nasa batibot kaming mag kakaibigan at dito kami kumain ng tanghalian.

Hindi pa rin bumabalik si Lexie, ilang araw na siya doon. Sabi nila dalawang araw nalang pero pang apat na ngayon.

Nahihiya naman akong I text pero pinasigurado ko na kay kuya Troy na hindi nag papabaya si Lexie sa sarili niya.

Parang may bata lang talaga akong inaalagaan eh, pero no choice ako dahil iyon ang trabaho at isa pa gusto ko rin 'yong inaalagaan ko siya.

"May naisip lang"

"Kakatapos lang ng band competition tapos may photography ka pa. Ano ba talagang trip mo sa buhay? Lahat ba papasukin mo na?"-Mark

"Last na 'tong photography-"

"Kukunin ka raw nilang ambassador ng department natin."

Ngi! Ayoko, another stress? Baka marami akong ma miss na activity.

"Pass.."

"Dai, hanggang ngayon trending ka pa rin university file."

Oo nga pala, pero hindi ko pa talaga nakikita 'yon.

"Mag bukas ka na kasi ng social media para hindi na rin kami mahirapang kontakin ka pag kailangan ka namin."

Nilabas ko ang cellphone ko.

"Oh, gawan mo ko."

Abot ko kay Abby at tuwang tuwa naman ang tatlong bruha na kinuha ang cellphone ko.

Gusto ko rin makita ang university files na tinutukoy nila pati na ang social media ni Lexie.

"Totoo na 'yan Gab? Himala ata? Tagal ka na namin na pinapa payag ngayon mo lang naisipan?"-Sam

"Para ma contact ko rin sila Mama"

Makalipas ang ilang minuto.

"Wo-woah! Woah!"-Sabrina

Tunog nang tunog ang cellphone ko kaya agad ko 'yon kinuha, baka kasi nasira na nila 'yon.

"Anong tunog 'yon? Sinira niyo na ba 'yan?"

"That's a friend request notification."

Pati ako gimbal sa dami no'n. Umabot na ng hundred kaya pinatay ko muna ang cellphone at binulsa 'yon.

"Anong ginagawa mo?"-Julian

"Maingay eh."

Nag tawanan sila.

"Then silent your phone, titingnan mo pa ang university files"

Umiling nalang ako. Baka may tumawag sa'kin eh, di pwedeng I silent.

"Mamaya na. Nakakakilabot naman ang sunod sunod na tunog na 'yon."

Seryoso, kinikilabutan talaga ako.

"Gano'n ka ka famous. Kagagawa mo pa lang ng account, binaha ka na agad ng friend request."-Riza

Inasar nila ako.

May mangilan ngilang estudyanteng tumitingin sa'min.

"Haaay.."

Napa yuko nalang ako sa may mesa.

*Ting!*

May nag text kay Sabrina.

"We can go home na, wala 'yong last prof."

Napa yes nalang kaming lahat HAHAHA..

"Let's go to mall!"

Eto talaga ang usapan namin, mag mo-mall kami pag tapos ng klase at kailangan ko rin dumaan sa national bookstore dahil may bibilhin ako.

"Tara tara!"

Lumabas na kami ng school, maaga pa lang naman dahil 12 palang ng hapon.

"Hop in"

Pinag buksan ako ni Abby ng pinto. May kaniya kaniya silang kotse kaya ako makikisabay lang.

"Thanks"

Umikot na siya at pumasok na rin.

Pinaandar na niya ang kotse.

"Gab?"

"Hmm?"

"S-si Mara-"

Binitin niya ang pag sasalita niya.

Kinabahan naman ako.

"What's with Mara? May nangyari bang hindi maganda?"

Umiling naman siya

"I'm not a gay."

Bulong niya.

Lagot na! Mukhang busted ka na talaga Mara.

"What do you mean?"

"The last time I checked I'm into boys hundred percent."

Pinigilan kong mapangiti, mukhang nag aalangan na rin siya sa gender preference niya.

"Then?"

"Then, I think I like your girlfriend."

"BWAHAHAHAHAHA..."

Bunghalat ko ng tawa.

Anak ka nang! Plus 1000000points ka na Mara.

"What?!"

Inis na tanong niya

"Nothing, pero bakit ganiyan ang itsura mo?"

Ayos naman na pala sila eh

"I don't know if she likes me."

Napa nganga nalang ako literal.

Bakit hindi pa niya sinasabi?!

Siraulong Mara talaga 'yon! Akala ko pa naman nag sabi na siya.

"Aww.. that's absurd."

"May boyfriend ba siya?"

Mabilis akong umiling. Hindi ko pwedeng pangunahan si Mara sa pag tatapat baka masira diskarte niyang palpak.

"Do you know Mara?"

Tumango siya

"Nakikita ko siya sa music wave, hindi ko alam kung nakita na ba niya ako. Masyado siyang maraming babae para mapansin ako."

Uh? Walang hindi makakapansin sa isang dyosang Abby.

"Maraming babae?"

"Yeah.. andaming babaeng nag papa picture sa kaniya. She's a model diba?"

Ahh oo nga pala.

"Do you have a plan to tell her?"

Napa ngiwi siya

"No, never."

Putcha! Walang mangyayari sa kanila kapag ganiyan sila.

"How about your boyfriend?"

"I don't have a boyfriend, binusted ko na silang lahat."

Ang ibig niyang sabihin ay ang mga manliligaw niya.

"Support lang ako-"

"Gusto mo ba si Mara?"

Mabilis akong humindi.

"Kaibigan lang talaga turing ko sa kaniya atsaka-"

"May Lexie Jane ka na?"

Ayan nanaman kami.

"Ikakasal na 'yong tao nang aasar ka pa rin."

Sabi nila Mika kasama niya si kuya Kenneth doon kaya hindi pa siya umuuwi.

Nagising nanaman ako sa pantasya ko.

"Ok, my bad."

Nag park na kami sa may mall at kami nalang pala ang hinihintay nila.

"Ano bang gagawin natin dito?"

"I'm gonna buy a dress."-Sabrina

"Sa national muna ako."

"Ok! Sa toystore muna kami ni Julian "-Sam

"Kelan pa kayo nag ka anak?"-Mark

Nag simula na ang asaran HAHAHA..

"Kitakits nalang sa may food court, antayin namin kayo doon."-Riza

Sasama siya sa pag bili ng damit kay Sab

Si Abby naman ang sumama sa'kin.

"Ikot lang muna ako ah"

Tumango ako.

Ako naman ay kumuha ng basket at nilagay doon ang mga kailangan ko.

Naisipan kong buksan ang account na ginawa nila sa'kin. Syempre ako nag type no'ng password 'no.

Sinilent ko muna ang phone ko.

Umabot na sa thousand ang friend request at may mga nag chachat din sa'kin.

May notification na rin ako.

"Welcome to the world Gab!"

Post sa timeline ko ni Mika

"Naks! May bago nanamang i-stalk ang D.U Fam."

Post din ni Tristan.

Umabot 'yon ng hundred likes.

Si Yra naman nag sabi lang ng "Welcome" with heart react.

Sinearch ko ang pangalan ni Lexie at ayun na nga! Bumungad ang poker face stolen shot ni LJ.

"Ganda"

Ngiti ko.

Finollow ko siya at nakita kong may isa rin siyang finollow so agad kong tiningnan kung sino 'yon.

(Gab Rhemzo)

WAAAAAAAH!! Finollow niya na agad ako?!

HAHAHAHA! Kinikilig ako!!

Napa padyak pa ako sa sahig sa kilig ko. Bwiset!!

Ako lang ang finollow niya!

Tiningnan ko ang mga photos niya. Pero may tatlong photos lang na naka agaw ng pansin ko.

1. Cute photo niya no'ng bata siya

2. Family picture ata nila ng pamilya niya at ang ganda ng Mama niya pati na ang gwapo pa ng Papa niya.

3. Picture nila ni Fana pero may katabi siyang lalaki at naka akbay sa kaniya.

Ano 'to? Ex niya?

Sino 'tong lalaki?

Nilike ko 'yong pic na 'yon.

*Ting*

Nagulat ako nang may mag chat sa'kin.

"You're stalking me."

It's from LJ

I pressed my both lip.

Anong irereply ko dito? Halata nang tumingin talaga ako sa pictures niya dahil sa nag like ako.

Better yet huwag ko nang replyan. Tama!

"Na seen mo na, sabihin niyan famous ka talaga."

Umangat ang balikat ko sa gulat.

Nasa tabi ko na pala si Abby habang may bitbit na libro.

"Huwag ka ngang mang gulat"

Angil ko

"Crush mo siya 'no? Umamin ka na, ako nga crush ko 'yan eh."

Gusto ko na siya hindi lang crush. Sino bang hindi?

"A-ano-"

"See.. deny deny ka pa. Ayos lang 'yan."

"Lahat naman crush siya.. hehehe.."

Palusot ko

"Kaya nga. So kumusta naman ang lesson niyo kuno? Marami kang natutunan sa kaniya? Or iba na ang tinuturo niya."

Pakiramdam ko namula ang pisngi ko doon.

"Tss.. pinag sasasabi mo-"

"Nako nako, parang sabi niya lang no'ng nakaraan girlfriend ka niya diba? Akala mo nakalimutan ko na?"

Napakagat labi nalang ako, akala ko kasi limot na niya 'yon.

"Nag bibiro lang siya. She's very kind kaya medyo maganda naman samahan namin."

Kung alam mo lang kung gaano siya ka maldita sa mga pinsan niya.

"Sabagay.. Gwapo ba boyfriend niya? Sabi niya wala siyang boyfriend."

Kala ko nga rin wala siyang boyfriend pero fiancé pala meron siya.

"Gwapo at mukhang mabait talaga."

Konti nalang magiging mapait na bawat salitang sasabihin ko.

"Really? Edi ayos na rin pala."

Nag lakad na ako sa may counter. Hindi ko na rin siya nireplayan.

*1 message received*

From: Ate Mika

~We are going to my cousin's birthday with Tristan so we're not going home. Hindi ka raw pwede sumama sabi ni LJ kasi may alak daw doon. Just cook something for yourself or better yet order some food outside.~

So ako lang pala mag isa ngayon sa bahay.

Ayos lang naman. Balak ko na rin matulog dahil feeling ko na papagod ako.

From: Ate Mika

~Oo nga pala, hindi ko alam kung may naiwan kaming nakasaksak na appliances sa bahay, baka wala na tayong datnan na bahay haha..~

What the? Nagawa pa niyang tumawa

To: Ate Mika

~Pauwi na rin po ako. Ingat po kayo~

Matapos kong bayaran ang mga pinamili ko nag paalam na ako na aalis ako dahil kinakabahan din ako, baka sumabog nga ang bahay na 'yon.

Ayaw man ni Abby pero wala siyang nagawa nang mag madali na akong umuwi.

Taxi na agad ang pinara ko kahit napaka mahal ng singil.

Pag dating ko sa bahay mukhang ayos pa naman 'yon.

Pumasok ako at chineck ang buong bahay. Nabunot naman nila ang lahat pwera syempre sa ref.

Nag linis na muna ako ng katawan at konting linis ng bahay.

Pa gabi pa lang kaya gumawa muna ako ng assignments at lahat ng kulang ko ginawa ko na rin.

Sinara ko ang mga pinto at natulog muna ako saglit kwarto, mamaya nalang ako kakain pag gising ko nalang.

Hindi ko alam kung bakit parang pagod na pagod ako dahil mabilis ako nilamon ng antok ko.

Nagising ako ng may humaplos sa bandang tiyan ko.

Muntik pa akong mapasinghap. May multo ba? O pinasok na ako ng mga akyat bahay? Kinakabahan ako.

Hindi ako maka kilos dahil sa sobrang takot ko. Ang dilim ng paligid kaya hindi ko alam kung sino ang nasa gilid ko ngayon.

"You're shivering babe"

Bulong sa'kin ng taong 'yon.

"L-Lexie?"

Walanghiya talaga 'tong unggoy na 'to! Papatayin ata ako sa kaba nito eh.

"Expecting someone?"

Nag madali akong umupo at binuksan ang lamp shade sa tabi ko.

"Nababaliw ka na ba?! Akala ko pinasok na ako ng akyat bahay!"

Inis na tinanggal ko ang kamay niya na nasa loob ng damit ko.

"They can't easily get in here. I can assure you're safeness whenever you're in my territory."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit nandito ka? Dapat nag pahinga ka nalang. Akala ko hindi ka ngayon babalik."

"Hindi nga dapat kaso hindi ka nag reply sa'kin so I got worried and came here ASAP."

Napa tanga nalang ako. Dahil lang sa hindi ako nag reply?

"Should I be thankful?"

"You must be."

Ngumuso siya

"Ano 'yan?"

"Welcome kiss, antagal kitang hindi nakita."

Nandoon kaya siya sa fiancé niya.

"Pinasasasabi mo? Lumabas ka na, mag order nalang tayo ng kakainin natin."

Tinulak ko nang bahagya ang mukha niya.

"That's so mean of you."

Yeah mean! Lalo naman siya. Nakaka baliw mag isip kung ano ba talaga kami!