webnovel

My Unpredictable Boss

PotatoHuang · ファンタジー
レビュー数が足りません
56 Chs

Fifteen

CAROL'S POV

Bukas ko na toh tatapusin tung ni-rerevise ko pagod na ang mata at gusto ko ng ibagsak tung katawan ko sa Kama ko.

Pagka-uwi ko sa bahay ay nahiga muna ako saglit tapos naligo na't lahat.

Di na ako kumain at natulog nako diretso.

ZzzZzzZzzZzzZzz...

(K I N A B U K A S A N)

LANCE'S POV

Nandito ako sa gym ko sa bahay at napapa-ngiti ako tuwing maaalala ko yung nangyari kahapon, nung sabay kaming mag-lunch ni Carol.

(F L A S H B A C K)

(K A H A P O N)

"Miss kuwentuhan mo ako, I mean entertain me?" panimula ko.

Parang nagulat pa siya sa sinabi ko.

"Ano po bang kwento ang gusto niyong malaman sir?" habang kumakain siya

"Hhhmm.... Ano ba?" pag-iisip ko

"Kahit na ano, basta may mapag-kwentuhan lang tayo dito" dagdag sabi ko habang kumakain.

"Hhhmmm... Actually po sir.." pambibitin niya.

"Bisexual po ako, pumapatol po ako ng lalaki at babae" parang natatawang sabi niya.

Napa-tingin ako at nagulat sa sinabi niya bi siya.

Sayang naman bi pala siya, may balak pa sana ako... Umi-iling na sabi ko.

Hoy Lance! Ano yang may balak, kilalanin mo muna siya ng mas maigi..

"Char lang sir, mas gu-gustuhin ko pang pumatol ng bakla kesa sa kalahi ko" natatawa pa ring sabi niya.

Salamat naman at hindin siya bi.

"Actually sir... Taga-Davao po talaga ako, dito nakapa-kolehiyo at nag-t-trabaho, may bahay na po ako dito sa Manila" tatangu-tangong nakinig lang ako sa kaniya.

"Ikaw sir, mag-kwento ka naman sir" sabi niya.

"Hhhmmm... Actually, gru-maduate muna ako ng high school dito at pumunta sa America para makapag-aral sa kolehiyo, pero kailangan ko pa palang mag-senior high dun kaya medyo natagalan ako dun at after 6years at sobra ata, bumalik nako dito, medyo nagsasawa na rin kasi ako dun, gusto ko naman ng bagong environment" sabi ko

"Hhhmmm.. ka-anu-ano mo pala ang kuya ko at ganon na lang reaksiyon mo nung nakaraan" dagdag na sabi ko.

Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.

"S-Sir?" nag-iisip muna siya bago sumagot

"At talaga namang nakita niya lahat ng ginawa ko, tukneneng naman oh" narinig ko pang bulong niya

"Y-Yung k-kuya mo s-sir.. huwag na muna natin pag-usapan sir, basta.. ayoko muna siyang p-pag-usapan"

Nakita ko ng bahagya yung lungkot sa mata niya saka yumukong kumakain.

Di nako nagtanong at nagpa-tuloy na lang kaming kumain.

Ano ba talagang meron sa kanila at nahihiwagaan ako ng ganito katindi.

(E N D O F F L A S H B A C K)

Naalala ko na naman yung lungkot sa mata niya, bakit hindi na lang sabihin sa akin kung ano ba talaga sila.

Binalewala ko nlng yung mga na-iisip ko at nagpa-hinga muna saglit bago kumain at naligo.

Pagkatapos ko maligo't lahat ay nagbihis na ako ng 2piece business suit at umalis na ng bahay, dumiretso na ako sa kompanya.

Pagkarating ko sa kompanya ay dumiretso na ako sa opisina at ginawa ang mga pag-p-perma at pag-r-reject ng mga proposals.

CAROL'S POV

Pagkarating ko sa opisina ay ginawa ko na yung pag-re-revise ng proposal ni Ms. Marga.

"Carol, pwede ka bang gumawa ng summary ng mga products ni Ms. Fernandez, ida-dagdag ko lang sa mga ibang products na nagawa mo, yung mga bago niya ha.." sabi ni Ms. Jonah

Sinave ko muna yung mga na-revise ko gumawa ng bagong summary sa mga bagong products ni Ms. Fernandez.

Pagkatapos kong gumawa ng mga summary ng bagong products niya ay binigay ko na Kay Ms. Jonah yun.

"Salamat... Carol ha"

"Walang anoman, Ms. Jonah"

Tinignan ko muna ang relo ko 10:49am na pala, ginawa ko na uli yung i-re-revise ko tapos mga baka mamaya o bukas ko pa toh matatapos ang ni-revise ko.

Buti nalang talaga at malapit na akong matapos nito mga 7 o 9 pages nalang.

Ini-hinto ko muna yung gawa ko at kumuha ng pagkain sa mini kitchen at kumuha na rin ako ng juice at tubig, bumalik ulit ako sa ginagawa ko.

'Di ko man Lang namalayan na 12:10nn na pala. Sabay na kaming bumabang lima at nag-lunch.

Pagkababa namin ay dumiretso muna kami pila para pumili ng kakainin namin

"Bakla, ano bang gusto mo?.. medyo nahihirapan akong pumili dahil ang daming pagpi-pilian" maarteng reklamo ni Jake.

"Ewan ko rin bakla eh.. bahala na si darna kung anong mapili ko"

"Ganon ba... Sige na nga bahala na rin si Super Inggo sa mapili ko"

"Mag Eenie Minnie Maini mo nga lang ako pagkarating ko sa mga ulam bakla" natawa ako sa sinabi ni Jake.

"Ano yun, laro lang bakla... Para ma-iba ng konti"

"Oo bakla, para ma-iba Lang, hehe.." baklang toh, walang magawa.

Matapos naming mamili nang kakainin namin ay humanap na kami ng table.

Biglang may itinuro si Roy na table. Naupo kami sa medyo malapit sa pinto.

"Carol, Ano pala yung ginagawa mo kanina at medyo nahihirapan sa ginagawa mo.." nagulat ako sa tanong ni Ms. Marie

"Aahh... yun po ba, ibubulong ko nalang po sa into" bigla kong inilapit yung mukha ko sa gitna ng table at inilapit rin nila yung mukha nila sa'kin.

"Yung proposal po ni Ms. Marga, pina-revise sa akin ni Sir Ramillano" bigla silang napa-tango sabay layo nang mukha namin sa isa't-isa.

"Aahh... Ganyan rin sa amin noon si Sir Lance, pinapa-revise niya talaga ang gawa ni, alam niyo na kung sino" sabi ni Jonah

"Okay naman ang mga suggestion niya, may mga maling words kasi siyang nagagamit" sabi pa ni Roy

"Kadalasan nga ay pinapagalitan siya noon ni Sir Lance dahil sa mga maling gawa niya" si Ms. Marga

"Ganon po ba, kaya pala" tatangu-tangong sabi ko

"Mga bakla, ganon ba siya kalala sa mga gawa niya" si Jake

"Hindi naman sobrang lala, isina-suggest ni sir na, gumamit siya ng appropriate words" si Ms. Marie

"Carol, hindi pa rin ba nag-iimprove si Ms. Marga" sabi ni Roy at binulong yung Ms. Marga

"Medyo hindi pa eehh" sabay iling ko.

"Look who's here... Can I share a table?" gulat kaming napatingin lahat kay Lancelot

"Yes naman sir" landing sabi ni Baklang Jake.

"So... Where can I sit?" Si Lancelot

Huwag Lang dito sa tabi ko please Lang.. tumawag na ko lahat ng Santo, huwag Lang talaga siya maupo sa tabi ko

Ang arrangement kasi namin ay..

Jake-Ms. Marie

Roy Table

Jonah-ako

"Sir, sa harap po ni Roy sir" malanding sabi ni Jake, bakit hindi ka naki-sama ka sakin Jake.

Ayoko siyang maka-tabi ehh.. medyo naka-simangot ako.

Ano ba yan.. wala nakong magawa kundi maki-sama na Lang tutal siya naman ang boss eh.. hahay buhay parang life..

Pasensya na po sa TYPOS

God Bless po sa inyo

Please Vote, Follow and Comment to my Story

Please Follow me to my Account:

twitter: @taoclaire16

instagram: @abrokenart

facebook: clairequinto12@yahoo.com

Love You so Much Guys

😊💕😍😘