webnovel

Chapter 5

Nasa Canteen ako kasama ko yung classmates ko at wala si Mira kasi tinamad at nagpabili nalang sa akin.

At ng palabas na kami ng Canteen habang kumakain ng may nakalimutan akong bilhin. Kaya sabi ko sa kanila babalik muna ako at mauna na sila.

Nagmamadali akong maglakad pabalik kasi baka dumating na yung next teacher namin at baka mapagalitan ako. Pagkatapos kung bumili ng Juice at Icecream ay napapikit ako sa inis. Kasi hindi ko alam paano ko buhuhatin ang mga binili ko. May burger and fries pa akong hawak na para kay Mira at may kwek-kwek pa akong kinakain.

"Need help?"

Napalingon ako sa pinangalingan ng boses nito at parang nagslow mo ang paligid.

Pero ng makilala ko kung sino ito ay napairap ako bigla.

"pakkyu " turan ko dito at tinawanan niya lang ako.

Si Dwayne na wlang kwenta at sa kasamaang palad boybestfriend ko ito.

Inis na inis ako sa kanya nung linggo kasi biglang umalis pagkatapos naming magsimba ng WALANG pasabi, As in WALANG TEXT. Yung tipong nakikisakay lang naman kasi ako sa motor niya at hayoooop Iniwan ba naman ako?! kasi pumunta sa GF niyang si andi, anding malandi. Kaya ayun nag lakad pa ako! Buseeet na kalandian yan!

"Sorry na. kiss nalang kita" banat pa nito

"Ulol! Sumbong kita sa jowa mong panget" banta ko dito at tumawa lang ito.

"Sus namiss mo lang ako eh, sorry na" at nag puppy eyes pa.

""Ang panget mo, tse!"

"Hatid nalang kita mamaya bati na tayo"

Hinarap ko ito At inirapan uli tsaka ibinigay sa kanya yung iba kung dala.

"Dalhin mo yan at ihatid moko sa room namin" wika ko

" At Wag mo yang kakainin! kay Mira yan makakatikim ka sa kanya" dagdag ko pa.

"Huy grabi to! " tugon nito at sumunod na sa akin.

Pagdating namin sa Room ay nakasalubong pa namin si Sir sa hallway. At Napatigil ako ng konti kasi na speechless ako ganun! ang gwapo niya kasi. Nakaka starstruck. Akala ko nga ibang tao kasi nakasalamin? omygoshhh makalaglag panga!

Nakatingin pa ito sa amin habang naglalakad babatiin ko sana ito ng bigla akong pinitik ni Dwayne sa noo.

"Ano ba!" inis na inis na tugon ko dito

" Obvious ka masyado! tanga" bulong nito.

At sinapak ko ito sa braso at piningot ang tenga.

"Araaaaay! masakiiiit!" sigaw nito.

buseeet panira!

"Ang sakit nun ha! sadista!" sigaw nito sa akin habang hawak ang tenga niya

Sinamaan ko ito ng tingin.

"Sorry na kasi babe" biro nito.

Hinablot ko agad ang pagkaing hawak nito.

At kinagat yung braso nito kaya napasigaw ulit ito.

"babe mo mukha mo!" sigaw ko at nag walk out.

At ng maka upo na ako sa upuan ko ay naalala ko si Sir.

Hala nandun pa nga pala si Sir. patay baka akalain niyang Jowa ko yung ungas na yun!

Pero wait.. ano namang paki ko?