Dumating ang araw ng Byernes, iniabot ni Ada ang dalang uniform ni Kent na nakalagay sa paper bag, habang nakaupo ito.
"Oh!" wika ni Ada.
Kinuha naman ito ni Kent at tiningnan ang laman, tska nilagay sa lapag. Si Ada naman ay dumiretso na rin sa kanyang upuan.
Ilang araw na silang hindi nagpapansinan ni Kent dahil naiinis parin sya dito. Kapag may meeting sila, ay nakayuko lamang siya at nagsusulat. Hinanap niya ang drawing notebook niya sa bag niya, subalit wala ito.
"Huh, saan ko ba naiwan yun?" wika ni Ada.
Narinig naman ito ni Kent na naghahanap siya ng kanyang notebook.
Tumayo siya at humarap kay Ada.
"Ito ba ang hinahanap mo?" tanong ni Kent.
Lumingon naman si Ada, at nakita niyang hawak-hawak nga ni Kent ang nawawalang notebook. Agad siyang lumapit dito.
"Oo!" wika ni Ada sabay aabutin na sana niya, ngunit inilayo ito ni Kent.
Nakangiting nang aasar si Kent kay Ada.
"Akin na yan! Ibigay mo sakin yan." wika ni Ada at pilit niya ito inaabot.
"Sige, kunin mo, kung kaya mo! " wika ni Kent.
Tinaas ni Kent ang kanyang mga kamay at salit-salitan itong kinukuha ni Ada. Sa taas ni Kent ay malabong makuha ito ni Ada, kahit tumingkayad pa at tumalon-talon. Nainis na si Ada, sa kakakuha na tila ba pinaglalaruan siya ni Kent.
"Ano ba? Ibalik mo na sa akin yan! Akin naman yan eh!" naiinis na sinabi ni Ada.
"Ehdi, kunin mo!" wika ni Kent.
Umatras ng umatras si Kent dahil sa pag iwas kay Ada sa pagkuha nito. Hanggang sa mapasandal si Kent sa my pader ng bintana, at dahil sa kakaabot ay na out of balance si Ada, muntik na siyang matumba, subalit naagapan siya ni Kent. Hinawi siya ni Kent papalapit sa kanya, at yumakap sa baywang niya. Pagkatapos ay nagtama ang kanilang mga mata. Ang mga tingin na iyon ni Kent, ay kakaiba, parang namamagnet ang mga mata din ni Ada. Dahan-dahan siyang itinayo ni Kent.
"Ok ka lang?" mahinang tanong nito.
Tumango lang si Ada, dahil nagtataka pa rin siya sa titig na iyon ni Kent.
"Oh.." at iniabot na nito ang drawing notebook niya.
Kinuha naman ito kaagad ni Ada, pagkatapos ay umalis na si Kent.
Pumunta naman si Ada sa kanyang upuan, narining niyang tumutunog ang cellphone nya.
"Hello Ma." sagot ni Ada.
"Iha, natanggap mo ba yun tinext ko sayo na address, para bukas?" tanong ng Mama niya.
"Yes Ma." maikling sagot ni Ada.
"Basta bukas, mag-ayos ka ha! Ayokong mapahiya! Pinadeliver ko na din un susuotin mo! At wag na wag kang malalate ha!" wika nito.
"Opo Ma, sige po." wika ni Ada.
"Tsaka pala, ikamusta mo din ako kay Don Manuel, kami ng Papa mo! Ok? At ipadala mo sa akin ang picture nyo ha!" bilin nito.
"Pero Ma, nakakahiya naman." wika ni Ada.
"Ah basta, ikaw na bahala gumawa ng paraan kung paano ka makakuha ng picture! Sige na, at may pupuntahan pa ako!" wika nito.
"Okey po." pagkababa ay humingang malalim si Ada.
Pagkarating sa inuupahang bahay ay nakita nga niya ang pinadeliver nitong susuoting niyang dress. Kulay pink ito, na may malambot na tela at mukhang mamahalin. May kasama rin itong sapatos, hikaw at pang make-up. Napaisip naman siya...
"Hay, tuloy na tuloy na bukas." wika ni Ada.
Pagkatapos niyang maghapunan ay unti-unti na syang nakatulog.
Nang gabing iyon ay nanaginip si Ada na pinakilala na sa kanya ang apo ni Don Manuel. Unti-unti itong humarap.
"Ada, siya ang aking apo, siya ang iyong mapapangasawa!" wika ni Don Manuel.
Pagpapakilala sa kanya ni Don Manuel, dahan-dahan itong lumalapit sa kanya. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito, dahil medyo madilim ang lugar. Lumapit ito sa kanya, nang laking gulat niya ay mukha itong nakakatakot na itsura. Puno ng balahibo ang mukha nito at makakapal ang kilay at mapupulang mga mata at may mahabang buhok.
"Aaahhh!!!" sigaw ni Ada habang takot na takot.
Napamulat siya ng mata sa takot. Napaupo siya sa kama at tumingin sa paligid. Nasa kwarto pa rin siya.
"Hay, buti na lang panaginip lang." wika ni Ada sa sarili habang sapo ang kanyang noo.
Agad siyang tumawag sa Mama niya, pero hindi ito sumasagot, kaya naman tinext na lang niya ito.
"Ma, wag na lang kaya ako tumuloy?" text ni Ada.
"Ano?! Wag na wag kang aatras! Sinasabi ko sayo, ilang beses na yan Ada ha! Sana naman ngayon pumunta ka na. Lagi na lang kami napapahiya ng Papa mo!" sagot ng Mama niya.
"Pero kasi Ma, hindi pa ako handang mag-asawa!" text ulit ni Ada.
"Handa ka man o hindi, kailangan mong pumunta! Magbihis ka na at magpaganda! Bilisan mo na, at baka malate ka pa!" text ng Mama niya.
Napasimangot na lamang si Ada, tiningnan niya ang oras mag aalas dyes na ng umaga. Kaya naman naligo na siya. Ang oras na sinabi ng kanyang Mama ay 11:30 am, kaya nagmadali na din siyang mag ayos. Medyo hindi naman kalayuan ang pupuntahan niya, pero sabi nga ng Mama niya, ay dapat hindi siya malate.
Inayos ni Ada ang kanyang buhok at naglagay ng konting make-up. Sinuot din niya ang hikaw na pinadala sa kanya ng kanyang Mama. Bumagay sa kanya ang kanyang ayos, simple lang pero lumabas ang kanyang ganda.
Tiningnan niya ang mukha sa salamin. Hindi siya masyado sanay magmake-up pero kahit papaano ay tinuruan sya ng Mama niya.
Pagkatapos ay umalis na sya at tumawag ng taxi papunta sa address na binigay sa kanya ng Mama niya.
Nagulat siya ng makarating siya doon, sobrang laki ng bahay. Chineck niya ulit ang address, tama naman ito. Huminga muna siya ng malalim bago ng door bell. Agad naman siyang pinagbuksan ng Guard.
"Kayo po ba si Maam Ada?" tanong nito sakanya.
"Opo." sagot niya
"Pasok na po kayo." wika nito sakanya.
Pagkapasok niya ay nakita niya ang isang babaeng nakatayo at nakangiti sa kanya, nakasuot ito ng uniform na pang maid.
"This way Maam..." magalang na itinuro nito sa kanya ang daan.
Sumunod naman si Ada, habang naglalakad ay nakita niya ang malawak na garden na puno ng mga flowers. Sa bandang kanan naman ay napansin niya ang mahabang swimming pool.
Namangha din siya sa laki ng bahay, pagkapasok niya dito. Puro mamahalin ang mga kagamitan at puro ginto ang mga disenyo. Para siyang pumasok sa palasyo, sa isip-isip niya. Bigla tuloy niya naalala ang panaginip niya kagabi. Lalo tuloy siyang kinabahan.
"Maam, umupo muna po kayo tatawagin ko lang po ang Don." mahinahon na wika nito.
"Pagkaupo niya sa malambot na sofa ay napansin niya sa lamesita ang pagkaen na nakahanda. May juice at slice na sandwich at mga iba't-ibang prutas. Napansin din niyang may dalawang nakatayong katulong sa may paanan ng hagdan.
" Ano sila, mga gwarya sibil?" wika niya sa sarili habang kumakaen ng ubas.
Habang naghihintay ay luminga-linga ulit siya ng tingin. Mukhang mayaman talaga sila Don Manuel sa isip-isip niya.