Nang magsimula ang kaganapan, lahat ng Guro at estudyante ay nagtipon-tipon sa open field para sa Open Ceremony. Pagkatapos ay nagsimula ang paligsahan.
Isinuot ni Ada ang damit na ibinibigay sa kanya ni Kent. Ang kanyang hairstyle ay simple lang, si Joice lamang ang nag braided ng kanyang buhok at ang friend nitong gay ang gumawa para sa kanyang make-up.
Binigyan siya ni Kent ng isang na puting dress, na may disenyo sa gilid, at 1 pulgada sa itaas ng tuhod ang haba at hindi ito masyadong maikli ng kanya itong isinuot.
Nang ipakilala siya ng host bilang Football Team Muse, pumanik siya sa entablado at maraming humanga sa kanyang kagandahan.
Nagsalita siya sa microphone, bumati siya sa mga nanunuod at humingi ng tulong para sa pagboto sa kanya bilang Ms. Campus.
Samantalang si Joice naman ay isa sa nagbibigay ng papel o balota para kay Ada. Pagkatapos ay nagpasalamat siya, at agad siyang tinulungan at inalalayan ni Kent sa entablado para bumaba.
Nagsimula na ang football game, marami ang nanunood ng laro at ibang estudyanteng dumayo mula sa ibang school, dahil taga ibang school din ang kanilang makakalaban.
Sa first round, ang kalaban ang naka lamang ng tatlong puntos. Gayunman, agad silang humabol sa 2nd round, habang unti-unti na silang makalamang ng puntos. Maraming mag-aaral ang nag-checheers para kay Kent at para sa kanilang mga koponan.
Samantala, kinabahan si Ada ng mga sandaling iyon, dahil balak niyang gawin ang planong pag-akyat sa rooftop, sa huling round at pagkatapos ng laro nila Kent.
Sa tuwing breaktime ay tumitingin si Kent sa kanya, napansin naman ito ni Juice at biniro siya.
"Uyy, tumitingin na naman sayo si Kent, oh." Pagbibiro ni Joice kay Ada.
Hindi naman ito pinansin ni Ada at sa iba siya tumingin.
Sa pagdaang ng orsa, duamting ang last round ng game. Kaya naman, nagpasiya si Ada na gumawa ng kanyang plano para makapunta sa rooftop ng mag-isa at walang nakakapansin sa kanya.
Bumaling siya kay Joice at tinanong niya ito kung gusto ng inumin.
"Ah, Joice nauuhaw ka ba? Ibibili kita ng inumin." sabi ni Ada kay Joice.
"Ha? Okey lang." sagot naman ni Joice.
"Sige na, ibibili na kita, kanina ka pa namimigay ng balota, siguradong pagod ka na." sabi ni Ada.
"Okay, sige." Sumang-ayon naman si Joice.
Pagkatapos ay nagmadaling pumunta si Ada sa canteen at bumili ng softdrinks, pagkatapos ay tumakbo siya papunta sa locker room.
Inilagay niya muna ang dalang softdrinks sa loob ng locker room. Pagkatapos ay kinuha niya ang paper bag na may lamang damit at mega phone. Nagsusuot si Ada ng isa pang damit, nagsusuot siya ng jacket at nagsuot ng balabal sa kanyang ulo, para na din matakpan ang kanyang mukha.
Dinampot niya ang paper bag na may mega phone at dumiretso sa rooftop.
Mabuti na lang at walang tao doon ng siya'y umakyat.
Tamang-tama ang pagdating niya dahil natapos na ang laro nila Kent at sila ang nanalo. Habang nagkakatipon ang mga manlalaro sa ibaba ay unti-unting pumunta si Ada sa gilid ng rooftop.
"Kaya kong gawin ito! Magagawa ko ito!" Huminga nang malalim si Ada bago magsalita.
Binuksan niya ang mega phone. Nang makita niya ang kaguluhan ng mga tao sa kanilang tagumpay, siya ay nagsalita.
"Kent, Kent naririnig mo ba ako?"
Sumigaw si Ada at kumaway siya kay Kent.
Bumaling ang lahat kay Ada ng marinig siya mula sa rooftop at tumingala ang lahat sa kanyang kinaroroonan. Hindi nila maaninag ang kaniyang mukha dahil sa sobrang layo nito at medyo maaraw na din. Subalit si Kent ay kilala kung sino ito.
"Kent, makinig ka sa kung ano ang sasabihin ko…
I love you!
I love you!
I love you!
I love you!
I love you!
I love you!
I love you!
I love you!
I love you ... Kent!
Nakangiti naman si Kent habang nakatingin kay Ada, samantalang ang iba ay nagulat sa lakas ng loob ng babae sa pagsasabi ng kanyang nararamdaman para kay Kent.
KENT, I LOVE YOU!!! " Huling sigaw ni Ada.
"I LOVE YOU TOO!"
Sumigaw din naman si Kent nang malakas habang ang kanyang kamay ay nakapalibot sa kanyang bibig.
Nagulat ang lahat nang sagutin ito ni Kent!
At pagkatapos ay kumaway ng masaya si Ada mula sa rooftop at sumagot din ng kaway si Kent sa kanya.
Masayang-masaya si Kent sa nagawa ni Ada para sa kanya, hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman dahil sa mabilis na tibok ng kanyang puso.
Pagkatapos ay agad tumakbo si Ada sa locker at ibinalik ang dati niyang kasuotan at dinala ang inumin na binili niya kanina.
Marami siyang nakasalubong na mga estudyante sa kanyang daanan, habang tumatakbo sila papunta sa rooftop para malaman kung sino ang sumisigaw. Tumawa siya nang lihim ng malaman ito.
Nagpanic naman ang mga admirers ni Kent dahil sa nangyari, ang iba ay hindi makapaniwala na sumagot si Kent at nag "I Love You Too" sa babaeng sumigaw sa rooftop.
Dahil sa sagot niyang ito, awtomatikong ang babaeng iyon ngayon ay ang kanyang girlfriend, wala na silang pag-asa para kay Kent. Tumakbo ang iba papunta sa bubong para makita kung sino ang sumigaw na babaeng iyon.
Ang iba naman ay nagpuntahan kay Kent at tinanong siya tungkol dito.
Dahil sa pagdumog sa kanya ng mga kababaihan, humingi nalamang siya ng tulong sa kanyang kapwa manlalaro na bantayan ang mga tao.
Patuloy pa rin ang pagtatanong ng mga ito, habang naglalakad siya at sumusunod.
"Kent, girlfriend mo ba yun girl?
"Kent, sino ang babaeng iyon?"
"Talaga bang mahal mo ang babaeng iyon?"
"Kent, alam mo ba kung sino siya?"
"Kent...! Kent...!"
At marami pa ring narinig na tanong si Kent, subalit tumakbo na siya at nagmadaling umalis sa lugar. He couldn't imagine na magrereact ng ganun ang mga admirers niya sa sinabi ni Ada.
Agad siyang tumawag kay Ada, at nag-alala na baka dumugin din ito ng mga estudyante.
"Hello! Nasaan ka? Okey ka ba?" pag-aalala niya.
"Ayos lang ako. Nasa field pa rin ako. Pupunta ako kay Joice, bakit?" sagot ni Ada.
"Sige, take care." sabi ni Kent.
"Okey." sabi ni Ada.
"Mahal kita!" sabi ni Kent.
"Mahal din kita." Sabi ni Ada at ibinaba na ito.
Lumapit siya kay Joice kung saan sila nakapwesto kanina. Nagtanong naman siya kay Joice habang napansin ang mga tao na parang nagtatakbuhan.
"Ah, ano ang nangyayari? Bakit sila tumatakbo palayo?" Nagtatakang tanong ni Ada habang iniabot ang dalang inumin kay Joice.
"Saan ka ba kasi galing? Ni hindi mo tuloy nakita yun scene kanina." Sabi ni Joice habang umiinom ng softdrink.
"Anong scene?" Tanong ni Ada.
"Here, panoorin mo na lang." Sabi ni Joice at iniabot niya ang cell phone kay Ada at pinanood niya ang video.
Nakita niyang nakangiti si Kent, habang nakatingin ito sa kanya at sumigaw siya ng "I Love You Too!"
Ngumiti naman si Ada, nang lihim.
"Gosh! Akala ko nagustuhan ka ni Kent! Nakatitig siya sa iyo mula kanina, pagkatapos biglang may umeksena, kakainis. Tsk!" Naiinis na sabi ni Joice.
"Sino yung babaeng sumisigaw?" tanong ni Ada.
"Hindi ko nga rin alam kung sino iyon. Tanungin natin sila." pagkatapos ay tinanong niya sa estudyanteng naglalakad na galing sa rooftop.
"Excuse me, nakilala niyo ba yun girl na sumigaw?" tanong ni Joice sa dalawang babaen.
Estudyante.
"Ah, hindi namin siya naabutan eh, wala na siya pagdating namin." sabi ng estudyante.
"Ah ganun ba, sige salamat." sabi ni Joice.
"Tsk! Sa kasamaang-palad, hindi nila nalaman kung sino ang babaeng 'yon." Bumuntong hiningang sabi ni Joice kay Ada.
"Ganun ba? Ah, tutal tapos na yun game, baka pwede na akong magbihis?" tanong ni Ada.
"Oo! Tara, tutulungan kita." Sabi ni Joice at umalis na sila para magbihis.
Samantala, nag viral naman ang video ng babae sa rooftop.
Maraming video at post ang kumalat sa fb tungkol sa nangyari. Maraming komento na nagtatanong tungkol dito. Kahit na ang fb page ng school ay madaming nagcomments at nagtatanong ukol dito.
Agad naglabas ang paaralan ng isang pahayag na nagsasabing, wala silang kinalaman sa pangyayaring ito, dahil nagulat din sila sa pangyayaring ito.
Tinawagan ulit ni Kent si Ada habang nasa kotse, at pinapark niya muna ang kotse sa unang kanto after ng school gate nila habang naghihintay sa kanya.
"Lumabas ka na dyan, umuwi na tayo." sabi ni Kent.
"Oh, bakit?" tanong ni Ada.
"Huwag ka ng magtanong pa, magkita na lang tayo. Andito na yun kotse sa may kanto."
Nang ibinaba ni Ada ang phone, agad siyang nagpaalam kay Joice.
"Joice, mauna na akong umuwi, may emergency kasi." Pagdadahilan ni Ada.
"Ha? Bakit anong nangyare?" Tanong kaagad ni Joice.
"Basta, tska ko na lang ikwekwento sayo." Sagot ni Ada habang nagmamadaling ayusin ang kanyang mga dalang gamit.
"Oh, sige, sayang naman, gusto ko pa naman maglibot tayo sa mga booths." Nakasimangot na sabi ni Joice habang humawak sa braso niya.
"Hayaan mo, may bukas pa naman eh."
Pagkatapos ay nakangiting nagpaalam si Ada kay Joice.
"Okay, sige bye."
"Okay, ingat ka ha." Sabi ni Joice sa kanya.