webnovel

Chapter Two : The Plan

"MISS? Baka pwedeng pakibilisan. My dog is still not awake!"

Yana composed herself nang biglang magsalita uli ito. "S-Sorry," utal ni Yana. "Where to?" dugtong pa nito.

Sinundan lang ni Yana kung saan nagpunta ang amo ng aso. Medyo nakakaramdam din siya ng hindi magandang vibes dahil na rin siguro hindi niya kilala 'yung tao.

"Give me my dog," maawtoridad na saad ni guy at dahan-dahan naman inabot ni Yana ang aso. "We're here. Mas prefer ko na rito na lang sa terrace mo gamutin si Hunter," dugtong pa ni guy at inalok niya ang upuan kay Yana.

Hindi makapaniwala si Yana sa nakita niya. Kaparehang-kapareha ng bahay na nasa harap niya ang dream house niya. Mahirap paniwaalaan pero parang dream come true.

"Hey! What are you doing?"

Mabilis na lumapit si Yana at nag take action siya sa aso. Hindi niya alintana na basang basa siya dahil sa ulan. She did a proper check on the dog. Nagtataka siya kasi wala namang damage ito. Pinakinggan niya ang aso. Mukhang tulog lang naman ito. Pero despite that fact, binigay niya pa rin ang best niya para gamutin ang aso.

"Okay na ba siya?" nag-aalala pa ring tanong ni guy.

"Yes. Fortunately," Yana in her apologetic voice.

Hindi mapigilan ni Yana na mapatingin sa tattoo mark ni guy. A huge Eagle's wings from his side neck down to his belly at may Greek letters na nakatattoo sa dibdib nito pababa sa puson. Hindi maintindihan ni Yana kung anong nakasulat dun kasi nga Greek kaya lalo siya na-curious at napapatitig. Hindi niya ito makita ng buo dahil sa white sando ni guy.

"Do you wanna see my tattoo?" tanong ni guy nang mapansin nito na tinitignan ni Yana ang tattoo niya. He removed his white sando. He's now half naked. "But I need to remove my pants for you to see the whole thing," dugtong pa niya sabay hinawakan niya ang belt ng pants niya na tila ba nagbabanta na tatanggalin niya ito.

"Pervert!" singhal nito at tinalikuran niya si guy. Pero huli na ang lahat. She already saw him half naked. Namumula rin siya sa nakita niya. Medyo kinakabahan siya. Wait, kinakabahan nga ba or nae-excite?

Muling sinuot ni guy ang white sando niya, pinulot niya ang jacket sa gilid ng upuan at pumunta siya sa harap ni Yana. "By the way, I'm Archer. And you are?" tanong pa nito sabay alok sa jacket.

"I'm Yana. Mukhang okay naman na si Hunter kaya aalis na ako. I'm sorry for what happened." Hindi nito inaabot ang alok ni Archie na jacket.

"Ms Yana. Use this jacket to cover it." Tinutukoy niya ang hinaharap ni Yana. Dahil basa si Yana ulan, bumakat ang undergarments niya. Kaya you can almost see it-- that thing.

Sa kamamadali niya, naiwan niya ang kanyang jacket sa kotse.

Mabilis na hinablot ni Yana ang jacket at muli siyang tumalikod kay Archer. What a pervert guy, sa isip-isip nito. Sinuot niya ang jacket nito. Halos umabot hanggang tuhod niya ang jacket sa laki nito.

Aalis na sana si Yana nang biglang lalong lumakas ang buhos ng ulan.

"You can't drive with that situation. Magpatila ka muna ng ulan," Archer said. He's convincing Yana na 'wag muna umalis.

Since hindi pa sanay si Yana sa daan, minabuti niyang magpatila muna ng ulan.

"Ms., Let's go inside. Kailangan mo muna magpainit ng katawan," Aya ni Archer.

Nanlisik ang mata ni Yana sa sinabi ni Archer. Ang pervert talaga niya!

Ngumisi si Archer. Natatawa siya dahil iba ang pumasok sa isip ni Yana.

"What are you thinking? I like your naughty mind," tukso pa nito. "Wait. Are you blushing? Don't tell me--" hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Archer nang iwan siya ni Yana. Nauna na siyang pumasok sa loob ng bahay.

"Good job Hunter," bulong ni Archer sa kanyang aso sabay kinindatan niya ito. Tumayo rin ang aso at dumiretso sa kanyang dog house sa bandang likod ng terrace.

Nadatnan ni Archer si Yana na manghang mangha sa loob ng bahay niya. "As expected," bulong pa ni Archer sa sarili at nag side smile pa siya.

"Are you that amazed?" nilapitan ni Archer si Yana.

"Kailan pa na-built ang house na ito?" tanong ni Yana.

"Before I will answer your question, kailangan mo muna magpalit ng damit. Look what have you done." Sabay tumingin siya sa trace ng basa ni Yana. "Go upstairs. Sa bandang right may isang room doon. You can pick your clothes on the closet," dugtong pa nito.

Kumunot noo muna si Yana bago magsalita, "Are you expecting na kakasya ang damit mo sa akin?" sabay nagkibit-balikat ito.

"Are you expecting na papahiraman kita ng damit ko?" tukso ni Archer sabay ngisi. "That room is my wife's room," dugtong pa nito at pinagmasdan ang reaction ni Yana.

"So you are married," mahinang saad ni Yana sa sarili at nilihis ang tingin kay Archer.

"Are you disappointed?" tuwang-tuwa si Archer na asarin si Yana. "I'm just kidding. That room is my sister's room," paliwanag pa nito.

Tumingin lang si Yana kay Archer with where-is-your-sister expression.

"Don't worry, my sister is not around. She's on a vacation," Archer said.

Nang marinig ito ni Yana, nagtungo na siya sa room para magpalit ng damit.

Hindi pa rin maiwasan ni Yana ang mamangha sa nakikita niya. Bawat detalye ng bahay, kapareha sa dream house niya.

Pagpasok ni Yana sa kwarto, halos malaglag ang panga niya sa pagkamangha.

"This is it. My dream house," usal pa niya na tila ba nagliwanag din ang kanyang mata.

Pati placing ng mga furnitures including the colors were the same. Ang room ng sister ni Archer, ang dream room ni Yana.

"What a coincidence!" mangha pa rin nito habang dinedetalye ang tingin sa kwarto.

Matapos libutin ni Yana ang room, tumingin siya ng damit na pwede niyang isuot sa closet. Nag widen ang smile ni Yana dahil same ang fashion style niya sa kapatid ni Archer. The blouse and pants fits her perfectly- na tila ba kanya talaga ang damit.

Naabutan ni Yana si Archer na nagtitimpla ng tea sa big kitchen nito. Kahit nakatalikod ito, hindi maikaila na maganda talaga ang hubog ng katawan niya.

"Oh, are you done?" tanong ni Archer nang makita si Yana. Hawak niya ang two cups na may tea at patungo siya ngayon sa living room.

Sinundan na lang ni Yana si Archer at umupo siya sa tabi nito.

"Thank you," saad ni Yana at kinuha ang isang cup ng tea. Hindi pa man niya nahigop ang tea, kumulo ang tiyan niya at narinig ito ni Archer.

"Mukhang gutom na ang alaga mo," tukso ni Archer. "Magluluto ako ng dinner. Can you wait for it?" dugtong pa niya.

"No thanks. Pauwi na rin ako," pagtanggi ni Yana.

"Don't tell me you're not aware na may bagyo today? Landfall is around this hour," paliwanag ni Archer. "Just wait. Mabilis lang ako." Tumayo siya at tinungo niya ang big kitchen.

Nabigla si Yana sa sinabi ni Archer kaya mabilis niyang nilabas ang phone niya sa sling bag at nag search siya about sa weather today.

"Sh*t!" singhal nito nang makumpirmang may bagyo nga. "What to do? There's no way out," kunoot noo pa nitong dugtong sa sarili.

Samantalang si Archer, tila ba pinaghandaan ang araw na ito. Dahil sa sikat na chef ito, sinigurado niyang magugustuhan ni Yana ang luto niya.

After half an hour, natapos din siya sa pagluluto. Nagtungo siya sa sala para tawagin si Yana.

"I think she's tired," saad niya sa sarili nang madatnan si Yana sa sala na nakatulog sa couch.

Tinakpan na lang ni Archer ang niluto niya at pinuntahan si Yana. From the first floor, binuhat niya ito pa-bridal sa second floor-- sa room ng kanyang kapatid. Kinumutan niya ito bago niya iwan at nagpunta sa kabilang room.

Naka-smile na pinagmamasdan ni Archer ang digital drawing ng kanyang bahay ngayon. Naka-frame pa ito.

"Dumating na rin ang araw na pinakahihintay ko," Archer's last word at natulog na rin siya.

Ito ang unang beses na tumanggap ng bisita si Archer sa bago niyang bahay. The house was built one year ago. Almost one year din bago natapos talaga ang bahay since kailangan talagang magaya ang bawat detalye ng nasa plano. From color to furniture, precise talaga siya.

His parents were both living in the Paris. Nag-iisa lang siyang anak. He don't have any siblings. Or maybe he does? Archie was only adopted by her foreign parents. Since napalapit si Archer sa Italian foods, he decided na mag-aral sa Italy as chef. After his success in Italy, lumipat siya sa Pilipinas para mag settle for good. That was three years ago.

Mabilis ang paglago ng Italian restaurant business ni Archer sa Pinas. Dahil na rin siguro sa galing talaga niya na magluto. Currently, may four assistant chef si Archer sa business niya.

"Sh*t!" usal ni Archer nang makita na tinanghali na siya gumising.

Mabilis siyang bumalikwas sa kanyang higaan at dumeretso siya sa kabilang kwarto kung nassan si Yana.

Huminga muna siya ng malalim bago pinihit ang door knob.

"Yana?" wala na kasi ito sa higaan.

Pumasok siya sa loob at kumatok sa cr. "Yana?" tawag uli ni Archer habang kumakatok sa cr. Pero parang walang tao rito kaya minabuti niyang buksan. "She's not here," bulalas pa niya at bumaba siya sa first floor.

Hindi na nahagip pa ng mata ni Archer si Yana. Maybe she left already.

"Hindi manlang siya nagpaalam," Archer in his down voice.

Minabuti niya na lang na gumayak at pumasok sa kanyang restaurant. By the way, his restaurant was named after Yana and him-- Aryana Italian Restaurant. Located ito malapit sa Sea Garden Resort.

"Good morning Sir," bungad kay Archer ng kanyang guard sa restaurant. Ngumiti lang ito bilang response.

"Sir, may VIP po tayo. Ang aga nila dumating," sinabayan si Archer ng kanyang assistant chef sa paglakad papuntang kusina.

Mabilis na gumayak ito at hinanda ang request ng kanyang VIP. They ordered pastas, stakes and main course- seafood which is Grigilata Mista di Pesce "Reale", ito 'yung may Calamari, salmon, King prawns, US-scallops, tuna, baked potatoes & mixed garden vegetables with lemon-butter sauce.

Since VIP ang nag-order, ang main chef nito ang nagde-deliver sa customer. Hinanda ni Archer ang sarili at tinungo ang pwesto ng VIP customer niya.

Paglapit ni Archer sa customer, sinalubong siya ng chihuahua na kulay brown. Pet ng custoner niya. Napangiti naman si Archer dahil naalala niya ang nangyari sa kanila ni Yana nang dahil sa aso.

"Mico! Come here!" tawag ng may-ari ng aso. mabilis namang sumunod ang aso at lumapit sa amo.

"I'm sorry, Is it okay na may pet dito?" tanong pa ng kanyang customer.

"Yes. It is okay. No worries," sagot naman ni Archer at inilapag sa table ang order ng kanyang customer. Since hindi kayang buhatin lahat iyon ni Archer, sumunod ang kanyang first assistant to complete their orders.

"Thank you," Archer's customer said nang mailapag ang mga ito.

One big family ang VIP ngayon ni Archer. Ang lalaking may-ari ng dog, parang siya ang bread winner sa family nila. Ang mother niya, His sister with her three year old daughter.

Nang okay na ang lahat, Archer turns his back and pumunta siya sa kabilang table for their order. Another VIP customer.

"Ano ang best seller ninyo na pasta?" tanong ng kanyang VIP. Nasa mid 30's na siguro ito. Naka-red pa siya na dress.

"Bali ito po. But you can try our new recipe," sagot ni Archer habang tinuturo sa menu.

"Anong ginawa mo!" Ang mala-sigaw na ito ang bumalabog sa restaurant.

His previous customer, nagkakagulo sila dahil sa chihuahua. Mukhang na-food allergy kaya mabilis niya nilapitan ang mga ito.

"Excuse me lang po," paalam ni Archer at pinasa sa second chef assistant ang customer.

"Bakit? Ano pong problema?" nag-aalalang tanong ni Archer nang malapitan ito.

"My niece, pinakain niya ng beef si Mico. My dog is allergic to it," tarantang saad ni guy.

"Sorry kuya. My daughter is not aware," saad ng kapatid.

"I'm sorry uncle," umiiyak ang bata. Nabigla rin siguro siya sa nangyayari.

"Don't worry, may vet clinic malapit dito. I have their number. It's just a minute away," Archer said para hindi gaano mataranta ang kanyang customer.

Nilabas ni Archer ang kanyang wallet kung saan nakasilid ang contact details ng vet clinic. Naging customer niya kasi ito kaya may calling card siya.

"Hello? Is this Matilda's clinic?" Simula ni Archer nang tawagan ang number.

"Yes? Ito nga. What's your concern?" sagot sa kabilang linya.

"Can you come here? May emergency lang lang. Please? It's Aryana Italian Restaurant near Sea Garden Resort," mabilis na sabi ni Archer.

"I think he's not breathing!"

Hindi na hinintyay pa ni Archer ang sagot sa kabilang linya at pinatay na ito. Masyadong nag-aalala rin kasi siya sa customer niya. He also know that feeling kasi may alaga rin siyang aso.

Dinala ni Archer ang lalaking may ari ng aso at ang aso nito sa office nito para hindi sila maka-agaw ng atensyon sa ibang customer.

"Do you need water?" alok ni Archer.

"I need that vet now!"

Sabay na napatingin sa pintuan ang dalawa nang dumating ang vet na tinawag ni Archer.

"Ikaw?" sabay na bigkas ni Archer at Yana nang magtagpo ang kanilang mata.

Is it concidence? Or accident?

"Yana?" said the dog owner.

Palit na tinignan ni Archer sila Yana at ang dog owner with how-they-know-each-other look.