webnovel

The Beginning

Sa isang probinsya ng Pilipinas, meron isang babaeng nangangalan "Love." Kung gaano kaganda ang kanyang pangalan ganon din kaganda siya.

Si Love ay isa sa mga matatalinong estudyante sa klase. Di man sya kagalingan sumayaw bawat fiesta sa kanilang purok, s'ya ay laging naroon, sumasayaw bilang reyna. Saan man s'ya pumunta lahat ng mga tao napapalingon sa kanyang kagandahan.

"Ate, ano po number nyo?"

"San po kayo nag-aaral?"

Mapa-facebook man kahit saan may laging may nagbibigay ng atensyon. Sa buong buhay nya meron lang syang minahal na isang tao at yun si Bryce.

Si Bryce isang "snobber" type, kung saan di masyadong namamansin sa mga may gusto sa kanya. Alam ni Bryce na may gusto sa kanya si Love. Si Love ay naging baliw kay Bryce bawat klase lagi syang pumupunta sa banyo para lang makasilip sa room ni Bryce. Binigay ni Love ang lahat para lang mapalapit kay Bryce.

At sa wakas hiningi ni Bryce ang pagmamahal ni Love. At yun ang isa sa mga napakasayang momento sa buong buhay ni Love at agad agad sinabi ni Love "Oo."

Bago pa mangyari yun, bumalik tayo ng mga ilan pang buwan. Di alam ni Bryce kung gaano siya kamahal ni Love.

Nilaro ni Love ang mismong pag-ibig para lang mapalapit sa kanya. Isa sa mga kaibigan ni Bryce, nanligaw kay Love at sa isip ni Love kung sinagot nya baka mapansin sya ni Bryce at mapalapit sya. Kaya sinagot ni Love ang kaibigan ni Bryce na ang ngalan ay si Niel.

Ang kaibigan ni Bryce at si Love ay di nagtagal kasi hindi pinapansin ni Bryce si Love kung naroon man sya sa room. Alam din naman ni Niel na mahal ni Love si Bryce pero kala nya sa paglipas ng oras mamahalin rin sya ni Love, pero hindi nangyari yun.

"Love, gusto mo pa ba si Bryce?," tanong ng matalik na kaibigan ni Love.

"Hindi na! Bakit?, tinanong ni Love.

"Gusto ko rin kasi si Bryce eh! Akin na lang sya ah! Salamat love."

"Ahh ganon ba? Sige... sayo na lang siya Jane," sabi ni Love.

Pero sa loob ng puso ni Love mahal na mahal nya pa rin si Bryce. Ayaw nyang masaktan ang damdamin ng matalik nyang kaibigan kaya hinayaan nya na lang sya.

Tuwing gabi, umiiyak si Love. Sa sobrang sakit ng puso nya kaya pa nitong maparabula ang pagmamahal nya kay Bryce? Hindi. Makalipas ng ilang months, may nanligaw ulit kay Love. Sa isip nya sabi nya siguro kung nagmahal siya ng ibang tao baka sakaling mawala yung sakit nasa loob ng puso nya.