webnovel

CHAPTER 5

Now playing: Kalawakan - (KLWKN)

Elena POV

Hindi ko mapigilan ang hindi maging excited ngayong araw. Paggising ko pa lamang kanina ay hindi na mabura-bura ang malawak na ngiti sa aking labi. Pakatanta-kanta pa nga ako habang naliligo eh.

Ewan, ang sarap lang kasi sa pakiramdam na gumising na may ganito kagaan na araw. Napakasarap damhin ng umaga.

Napakasarap mabuhay. Chos!

Sa sobrang saya at excited hindi ko na rin masyadong maramdaman pa ang nananakit pa rin hanggang ngayon na aking balakang.

Mas lumalamang kasi ang kagustuhan kong muling makita at makasama si Kassan---errr, Zoe.

"Goooood morninnngggg!!!" Masiglang pagbati ko sa aking mga magulang habang nag-aalmusal ang mga ito dahil maaga na naman silang bibiyahe pauwi ng probinsya.

Ako nga rin pala ang nagluto ng almusal na kinakain nila. Hehehe.

"Abaaa! Mukhang good mood na good mood tayo ngayon anak ha! Anong meron?" Tanong ni nanay.

"Oo nga ate! Ang aga mo rin nagising kanina para magluto." Dagdag naman ng kapatid ko.

"Wala naman ho. Masaya lang talaga ang mabuhay." Sagot ko naman sa kanila at binigyan sila ni tatay ng tig-isang halik sa kanilang pisngi.

"Alis na po ako." Sabay haplot ko sa lunch box na mayroon nang laman na pagkain para kay Zoe na siyang dahilan bakit maaga akong gumising kanina.

"Teka, hindi ka ba kakain muna?" Tanong ni tatay.

"Himala 'yan anak ha. Hindi uso sa'yo ang diet." Panunukso naman ng aking ina.

"Busog na po ako." Sagot ko naman sa mga ito. "Alis na po ako." Muling paalam ko pa. "Ingat ho kayo sa biyahe."

Excited na akong ipatikim kay Zoe ang niluto kong cordon blue para sa kanya. Hindi na ako makapaghintay pa na ibahagi sa kanya ang isa sa paborito kong pagkain. Hayyyy!

Pwede bang lumipad na lang ako para lang makarating agad sa St. Claire? Reklamo ko sa aking sarili habang naiinip na nakasakay sa bus.

At katulad ng inaasahan kahit na hindi pa rin ako sanay, nasa may gate na agad si Zoe at inaabangan ako.

Malayo pa lamang ako pero parang naka-zoom na agad ang mga mata ko at kitang-kita ko na siya habang naghihintay sa akin.

Ganoon din ito sa akin. Agad na kumaway-kaway siya noong makita akong naglalakad papalapit sa kanya.

"Good morning, Piggy." Nakangiting pagbati nito sa akin bago ako inakbayan.

"G-Good morning din." Ganting pagbati ko sa kanya.

Agad na napansin ko 'yung mga estudyanteng nanonood sa amin na grabe kung magbulungan at pagkatapos ay iirapan ako na para bang wala nang bukas pa.

"Don't mind them." Bulong ni Kassan--- este Zoe sa aking tenga dahilan para mawala ang focus ko sa kanilang lahat.

Napatango ako at pilit na binalewala na lang ang mga matang nakatingin sa amin, na halos kulang na lang din ay patayin ako sa talim ng kanilang mga tingin.

---

Lunchtime.

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay agad na nagtungo ako sa likod ng gym kung saan kami madalas tumambay ni Zoe.

Kung kanina na-e-excite lang ako, ngayon naman, may halo nang kaba ang excitement na aking nararamdaman. Kinakabahan na baka hindi niya magustuhan ang niluto kong pagkain para sa kanya.

Habang naghihintay na dumating si Zoe, ay sandaling naglagay na muna ako ng earphone sa aking tenga at nakinig ng kanta habang nakapikit ang aking mga mata.

Maya-maya lamang ay naramdaman ko na mayroon nang naupo sa aking tabi mula sa aking kaliwa. Kahit na hindi ko na imulat pa ang aking mga mata alam kong si Zoe na ang dumating dahil sa amoy pa lamang ng pabango na gamit niya.

Kinuha nito ang earphone sa bilang tenga ko. Noon naman ay tuluyan ko nang iminulat ang aking mga mata. At tinignan siya kung saan nakapikit rin ito habang pinakikinggan ang kanta mula sa earphone na inilagay niya sa kanyang kanang tenga.

She's smiling like an angel. Alam mo 'yung araw-araw na nakikita ko siya. Para sa akin para akong kinaibigan ng isang anghel. Bukod kasi talaga na napakaganda niya, ay napakaganda rin ng kanyang kalooban. She's genuinely kind person.

Malayong-malayo sa ugali ng mga kaibigan niya.

Habang sinusulit ko ang pagtitig sa kanyang magandang mukha ay siya namang biglang iminulat na rin nito ang kanyang mga mata. Dahil doon ay mabilis na napaiwas ako ng tingin bago napatikhim.

Ngunit huli na dahil nahuli na niya akong nakatingin sa kanya. Kaya awtomatikong gumuhit ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

"M-May niluto nga pala ako para sa'yo, Zoe. Sana magustuhan mo." Pag-iiba ko ng usapan bago kinuha ang lunch box at iniabot ito sa kanya.

Noong una ay tinitigan lamang niya ito. Bago dahan-dahan na muling gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at tuluyang kinuha mula sa kamay ko ang lunch box.

Akala ko pa naman babalewalain lamang niya ang effort ko. Kinabahan ako roon ah.

"Talagang color pink?" Tukoy nito sa kulay ng lunch box ko na hugis at kulay strawberry. "And strawberry?" Dagdag na tanong pa niya at amazed na napatingin sa akin.

Napatango ako. "Oo. Paborito ko kasing prutas ang strawberry eh." Sagot ko sa kanya.

Napatango ito. "Okay. Make sure na masarap ito ha?" Muling wika niya bago tuluyang binuksan ang lunch box.

At noong sandaling makita na niya ang laman ng lunch box ay sandaling napatulala siya rito. Agad naman akong nag-alala.

"A-Ayos ka lang ba, Zoe?" Tanong ko sa kanya. Napakurap naman siya ng maraming beses.

"O-Oo naman." Sagot niya. "Hindi lang ako sanay." Dagdag pa niya.

Napakunot ang noo ko.

"Hindi sanay? Saan naman?" Curious na tanong ko.

"Yes. Hindi sanay. And at the same time, I-I can't believe that someone would really cook for me without expecting anything in return." Pag-amin niya bago ako malungkot na binigyan ng ngiti.

Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na maririnig iyon mula sa kanya. I mean, hindi ba mayaman sila? May mga nagluluto para sa kanila? Paanong hindi---

"I'm a picky person pagdating sa pagkain, piggy." Panimula niya.

"Lahat ng luto sa bahay, kahit mukhang masasarap. Ayoko. Kaya walang may gustong magluto para sa akin. 'Cause they know that I won't eat it and the food will be wasted. Even my parents, they can't cook for me. Eh paano naman kasi nila ako maipagluluto eh palagi silang wala." Pagkatapos ay natawa siya ng pagak.

"Kaya sa labas ako kumakain palagi. At sa mga piling restaurants lang din ako kumakain. Kung saan pasok sa taste ko, 'yun ang kakainin ko." Paliwanag niya na para bang nababasa ang mga katanungan sa aking isipan kanina.

Noong marinig ko iyon mula sa kanya ay kusa na lamang bumalik sa aking alaala 'yung gabing dinala ko siya sa eatery namin at pinakain ng kung anu-ano.

Hindi kaya totoo 'yung sinasabi ni Mae? Baka sumakit 'yung tiyan niya sa dami ng nakain niya noon?

I was about to ask her nang magpatuloy niya.

"Pero ewan ko ba? For the very first time in my life, nung dinala mo ako sa eatery ninyo at pinakain ng mga luto ninyo..." natigilan siya sandali habang nakangiting inaalala 'yung gabing iyon. "Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na talagang na-enjoy ko ang pagkain. Kaya sobrang...busog na busog ako no'n." Sabay tingin niya sa akin.

"Thank you ha. You're the first person na ipinagluto ako magustuhan ko man o hindi ang lasa. Katulad nito." Dagdag pa niya at tukoy sa cordon blue na hawak niya ngayon. "Hindi ko pa man natitikman pero alam ko nang magugustuhan ko." Dagdag pa niya.

"Hindi ko alam kung masarap ka lang ba talagang magluto o dahil gawa mo ito." Pagpapatuloy niya na siyang dahilan ng pag-init ng magkabilaang tenga ko.

Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya at pilit na itinatago ang kilig na nararamdaman. At noon din ay sinimulan na niyang kainin ang pagkain.

Kumuha na rin ako upang saluhan siya.

Nagkukwentuhan lamang kaming dalawa habang kumakain. Habang ini-enjoy ang pagkain at ang kwento ng bawat isa.

Ang sarap pala talaga sa pakiramdam na dati mag-isa ka lang, mag-isa mo lang ginagawa ang lahat, mag-isa ka lang na kumakain at walang kakampi.

Pero isang araw, may taong darating na lang bigla sa buhay mo na hindi mo inaasahan. 'Yung taong makikinig sa mga kwento mo at taong magbabahagi rin sa'yo ng kanyang kwento. 'Yung taong handa kang samahan sa lahat. 'Yung taong handang kilalanin ang buong pagkatao mo, pangit man o maganda ito. At hindi ka niya iju-judge dahil para sa kanya, sa mga mata niya, nananatiling unique ka. Sa kabila ng magkaibang estado ng buhay na meron kayong dalawa.

Isang taong magiging dahilan kung bakit biglang mag-iiba ang takbo ng buhay mo. Kung bakit mas magkakaroon ng meaning ang buhay mo. Mas magiging colorful. Na halos hindi mo akalain sa sarili mo na pwede rin palang mangyari sa'yo, 'yung saya na hindi mo aakalain na mararamdaman mo.

Kasi ganun na ganun ang nararamdaman ko magmula nang makilala ko si Kassandra Zoe Moreno.

"Hindi naman masarap eh." Biglang reklamo ni Zoe na siyang dahilan para bumalik ang aking sarili sa realidad.

Natawa ako nang mahina noong makita na ubos na 'yung pagkain na nasa lunch box.

Hindi masarap pero naubos niya. Wika ko sa aking sarili.

"Hindi nga halatang hindi mo nagustuhan eh." Pamimilosopo ko sa kanya bago kami nagtawanang dalawa.

Binigyan ko na rin ito ng bottled water na binili ko sa Cafeteria kanina.

"Do you have plans later? After school?" Tanong niya sa akin.

"Hmmm. Sa eatery namin." Napatango ito.

"Okay."

"Okay?"

"Yeah? You should help your parents---"

"Yun nga eh. Wala kasi ang mga magulang ko. Umuwi sila ng Probinsya at kanina ang biyahe nila. Ako lang ang inaasahan nila at 'yung best friend ko. 'Yung kapatid ko naman kasing lalaki, hindi naman maaasahan 'yun kaya sa bahay lang nag-i-stay."

"I can help you."

"Ha?"

"I'll help." Pag-uulit niya habang nakangiti.

Habang ako naman ay napanganga na lang dahil sa kanyang sinabi.

At ganun nga ang nangyari.

Halos mapasukan na ng langaw ang bunganga ni Mae sa pag nganga noong dumating kami ni Zoe sa eatery. Agad na nanghingi siya ng apron kay Mae dahil mukhang seryoso talaga siya na tutulungan niya kami.

And guess what? Mas mabilis pa sa alas kwatro na naubos ang paninda namin. Wala namang ibang ginawa si Zoe kundi idinisplay ang kanyang sarili sa labas ng ng eatery habang nagyayaya ng mga customers.

Sino ba naman kasi ang makakatanggi sa charm at ganda niya? 'Di ba? Syempre wala.

Inakala pa tuloy ng mga tao na siya ang may ari nitong eatery at kami ang mga empleyado. Hahaha.

"Paano ba 'yan? Ubos na ang lahat. May plano ka pa bang gawin ngayon?" Tanong nito sa akin noong magko-close na kami.

Hindi ko mapigilan ang hindi mag-blush. Hindi na lamang din ako umimik pa dahil pakiramdam ko mauutal lang ako.

"Kung wala na, pwede bang oras mo na lang ang hingin kong bayad sa pag-part time ko rito?" Muling pagtanong niya kaya napaubo ako.

Ganoon din si Mae na kunwari abala sa pagliligpit ngunit nakikinig naman talaga sa amin.

"Eh kasi---"

"Oo, Kassandra. Free na 'yan siya." Sabay tulak ni Mae sa akin kay Zoe. Tinignan ko naman siya ng masama.

Paano kasi kung biglang madaganan ko si Zoe? Ang bigat bigat ko pa naman. Kaloka 'tong babaeng ito.

"Sama ka na." At pinandilatan pa nga ako nito ng kanyang mga mata.

Nahihiyang napapakamot na lamang ako sa aking batok bago muling humarap kay Zoe.

"Eh saan ba tayo pupunta?"

Napangiti siya ng malawak bago kinindatan si Mae bilang pasasalamat.

"Basta." Sagot naman niya sa akin sabay hablot sa kamay ko palabas ng eatery.

"Enjoyyy!" Pahabol na sigaw ni Mae. "Paki uwi 'yung best friend ko, Kassandra ha?" Dagdag pa niya kaya natawa ako.

"Areglado !" Ganting sigaw naman sa kanya ni Zoe.