webnovel

CHAPTER 34

Now playing: Palagi - Tj Monterde

Elena's POV

Malalim na ang gabi, tahimik na rin ang buong paligid.

Napakasarap damhin ng simoy ng hangin na dumadampi sa balat namin pareho ni Kassandra. Andito kami ngayon sa terrace ng kanyang kwarto habang nakahiga sa pahabang sofa kung saan kumasya kaming dalawa.

Nakayakap ako sa kanya habang siya nama'y nakaunan sa sarili niyang kamay kung saan nakatungkod ito bilang alalay sa kanyang ulo habang marahan na sinusuklay ng kanyang mga daliri ang buhok ko.

Hindi ako nagsasalita mula pa kanina. Wala lang. Gusto ko lamang damhin ang moment na ganito. Ang sarap kasi sa pakiramdam at napaka-peaceful kapag ganito kami kalapit ni Kassandra sa isa't isa.

Pakiramdam ko rin safe na safe ako dahil siya ang kasama ko.

Hindi rin nagsasalita si Kassandra, panay lamang ang pag hmmmm nito ng isang kanta. Habang patuloy siya sa pag haplos sa buhok ko.

Sa totoo lang nakakaantok na nga eh. Inaantok ako sa kapayapaang hatid ng presensya niya at pati na rin 'yung boses niya.

Patulog na sana ang diwa ko noong sandaling maramdaman ko na para bang merong likidong pumatak sa may gilid ng pisngi ko.

Dahil doon ay imumulat ko na sana ang aking mga mata sa pag-aakalang baka umuulan na nang biglang magsalita si Kassandra. 

"I'm sorry." Halos pabulong nang sabi nito.

Wait... iniisip ba niyang tulog na talaga ako?

Pero bakit naman siya nag-so-sorry?

Ngunit halos hindi ako makagalaw at makahinga sa sumunod na binanggit niya.

"I'm sorry, I'm sorry I didn't recognize you sooner. I was too blinded by the idea that you were still the Piggy who would come back to me. I'm sorry... if it took me a while before I recognized you." Tuloy-tuloy na sabi niya sa mahinang tono. At halata sa boses nito na umiiyak siya.

Umiiyak si Kassandra. And I'm the reason why she's crying but...

Lihim na napapasinghap ako sa aking sarili at napalunok.

A-alam na niya?

Paanong...

Kailan pa?

All this time? Alam na niya?

Ramdam na ramdam ko ang malakas na kabog sa dibdib ko.

Pero bakit hindi man lamang niya ako kinonfront or what? Why didn't she say even a single word?

"I really miss you... totoong miss na miss na miss kita, Piggy or... Elena. Whatever. It doesn't really matter. Parehong ikaw lang naman 'yun." Muling wika niya.

This time, hindi na siya mukhang umiiyak but I still can sense the mixed emotions she's feeling right now.

"And I really mean it, I miss you so much. And I still can't believe that I'm with you now and holding you again---"

"Ba't hindi mo sinabi?" Putol ko sa kanya.

Hindi ko na napigilan ang magtanong. Kasabay noon ang pagbukas ng aking mga mata.

Hindi ko namalayan na lumuluha na rin pala ako.

Natigilan siya. Siguro dahil ang buong akala niya ay malalim na ang tulog ko tapos biglang magsasalita ako.

"G-Gising ka pa?" Utal na tanong niya. Tumango ako bago bumangon at naupo. Ganoon din siya.

"Why?" Muling tanong ko sa kanya.

And there... hindi ko na napigilan pa ang tuluyang pagpatak ng aking mga luha.

"B-Bakit hindi mo kaagad sinabi na alam mo na? K-Kailan pa? Matagal mo nang alam?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya habang nag-uunahan sa pagtaas baba ang aking dibdib. "Why you didn't get angry? Why did you not ask me? Why---"

"Importante pa ba 'yung mga 'yun?" Ganting putol nito sa akin bago siya nagbaling muli ng tingin sa akin.

Kaagad na inabot niya ang dalawang kamay ko at marahan na hinalikan ang mga ito.

Halik na dama kong merong pang-iingat at pagmamahal.

"Kasi ang importante sa akin ngayon eh yung nandito ka na. Bumalik ka. And all those years of pains na hinihintay kitang bumalik it aumatically wash away that night na malaman kung ikaw at 'yung babaeng matagal ko nang hinihintay ay iisa." Naguguluhan na tinignan ko siya pabalik sa kanyang mga mata.

"B-But...h-how? How did you---"

"The night when we were in the park." Putol na sagot nito sa akin.

Awtomatikong namilog ang mga mata ko.

"What? But that was before your birthday."

Ganoon na katagal? Ganoon na niya katagal alam tapos kahit isang beses never niya akong kinonfront?

"I know." Nakangiting sagot niya.

At nakuha pa talaga niyang ngumiti huh?

"It's been three weeks already at kahit isang beses hindi ka nagtanong why I didn't tell you and kept it from you?! And you didn't even get mad?!" Patuloy na pagtanong ko sa kanya.

Muling pumatak ang luha sa mga mata ko. Hindi kasi ganito ang inaasahan ko eh.

Parang it's too good to be true. Bakit hindi man lamang siya nagtanong o nagalit?

Mas gugustuhin ko pang ulanin niya ako ng maraming katanungan kaysa iyong ganito. Na para bang kailangan iintindihin niya ako palagi. Siya na nga itong iniwan ko noon, nasaktan ng sobra, pinaghintay ng maraming taon at bumalik nga ako, pero hindi naman nagpakilala kaagad... tapos hindi man lamang siya nagallit?

"Hindi naman na mahalaga 'yung mga 'yun. Kapag ba nagalit ako may magbabago ba sa sitwasyon? Kapag ba tinanong kita ng maraming tanong will it be better? Ganoon pa rin naman, 'di ba? Hindi na magbabago na umalis ka, pero bumalik ka at 'yun ang mahalaga sa akin ngayon." Paliwanag niya kaya mas lalo akong naiyak.

Iyong iyak na parang bata na ngumangawa habang kinukusot pa ang sariling mga mata.

"Bakit? B-bakit hindi mo magawang magalit sa akin? Mas gugustuhin ko pang magalit ka sa akin ngayon. Ang tagal kitang pinaghintay, Kas!" Humihikbi na sabi ko.

"Iniwan kita ng walang paalam noon. Ang tagal mong umasa at nag-isa. Ngayon sabihin mo sa akin, bakit kahit isang tanong hindi mo'ko kinuwestyon?"

May ilang minuto bago siya sumagot. Hinintay niya muna na kumalma ako sa pag-iyak bago niya ako muling tinignan sa aking mga mata.

"Kasi gano'n naman 'di ba? Kapag mahal mo, iintindihin mo. Kahit ano pang rason. Kahit sa pinakamahirap pa na sitwasyon." Sagot nito sa akin.

Inabot niya ang pisngi ko at pinunasan ang luhang pumapatak mula rito.

"Hindi na mahalaga sa akin kung ano 'yung reason mo. Kasi malaman ko man o hindi, ganoon pa rin naman eh. Alam kong maiintindihan ko pa rin. So, keep it. No matter what your reasons are." Muling paliwanag niya.

"Hindi mo kailangang magpaliwanag sa akin. Kasi kahit na anong mangyari, palagi kitang maiintindihan. And I'm telling you, walang nagbago, Elena. I love you. I still love you. Mahal kita maging si Piggy ka man o Elena." Dagdag pa niya.

Kaya dahil doon na-out of words na ako. Dahil katulad ng sinabi ni Kassandra, magpaliwanag man ako o hindi palagi niya akong maiintindihan.

Sobrang thankful at blessed ko lang dahil merong ginawa si Lord na katulad niya.

Hindi ko alam kung kaya ko bang pantayan 'yung kaya niyang ibigay sa akin o kung deserve ko ba talaga ng isang katulad niya.

Pero isa lang ang alam ko, pahahalagahan ko ang chance na binigay sa akin ngayon. At hindi ko na hahayaan na maulit muli ang nangyari five years ago. Dahil hindi na ako aalis pang muli sa tabi ni Kassandra.

Through ups and down, mananatili na ako.

Iyon ang bagay na ipinangako ko para sa sarili ko na gusto kong tuparin.

Sa sobrang emosyon na nararamdaman hindi ko na namalayan na magkadikit na pala ang mga labi naming dalawa. Wala na akong ibang masabi kundi iparamdam sa kanya sa pamamagitan ng mga halik kung gaano ko siya kamahal. Na katulad niya'y sobrang nangungulila ako sa kanya at masayang masaya ang puso ko ngayong magkasama na kaming muli.

Wala na rin akong kailangang ipangamba. Hindi ko na rin kailangang matakot kung sakaling mabuking niya ako dahil alam na niya ngayon ang totoo.

Pero... teka nga.

Bakit parang may iba?

'Yung kiss kanina na dapat kalmado lang ay unti-unting napalitan nang may pagnanasa at pananabik.

Naramdaman ko na lamang din na nasa loob na ng shirt ko ang kamay ni Kassandra, hindi lamang sa loob, nakahawak na ito sa mountains ko habang pinaglalaruan ng daliri niya ang nipple ko.

Hanggang sa dahan-dahan at maingat niya ako na muling inihiga sa sofa, habang nasa ibabaw ko naman siya.

"K-Kas..."

"Call me Zoe." Aniya niya kaya hindi ko mapigilan ang mapakagat sa kanyang labi dahil sa gigil.

"Z-Zoe."

"Hmmm?" Sagot nito bago bumaba ang kanyang halik sa leeg ko na siyang nagbibigay ng init sa nararamdaman ko.

"D-Dito talaga natin gagawin?" May pagkaalanganing tanong ko sa kanya.

"Mhmmmm."

"D-Dito sa...hmmm sa t-terrace?" 

"Wala namang makakakita." Diretsahang sagot niya.

"P-Pero---"

"Pfffttt/Ssshh!"

Kapwa kami natigilan ni Kassandra noong may marinig kami parang may ibang tao kaming kasama at sumakto pa talaga na nakita namin si Roxanne at Mae na nakatago sa isang malaking base ng halaman. Nakatago ang mga ito at animo'y ingat na ingat na huwag makagawa ng ingay.

Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang mahina ngunit malutong na pagmura ni Kassandra. Habang ako naman ay mabilis na muling napaupo sa sofa bago inayos ang suot na damit.

Awtomatiko namang may nahawakan akong unan kaya ubod ng lakas na lumapit ako kung saan nakatago 'yung dalawa at binato sila.

Agad naman na nagtawanan ang mga ito na animo'y nang-aasar pa bago pumalakpak na halatang tuwang-tuwa sa nakita.

"Uy, ang hot ng scene niyo dun ah." Pilyang komento ni Roxanne.

Baklang ito!

"Hahahahaha! Ba't naman kasi sa terrace?"

"Mae!" Inis na saway ko sa kanya habang si Roxanne naman ay hinabol ni Kassandra.

"Marami kang ipapapliwanag sa'kin." Seryoso ang mukha na ganti ni Mae.

Sasagot pa sana ako nang pandilatan niya ako ng aking mga mata.

"Halika nga rito!" Sabay hablot niya sa braso ko at sinimulang imbestigahan ako.

Patay... saan nga ba ako mag-uumpisa? Napapakamot sa batok na tanong ko sa aking sarili.