CHAPTER 46
-=Ram's POV=-
Mas ako ang nasasaktan habang nakikita ko ang sakit at pag-aala sa mukha nang taong pinakamamahal ko, gustong gusto ko siyang yakapin para iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa, gusto kong sabihin sa kanya na magiging maayos ang lahat, na makakaligtas si Henry, na nandito lang ako para sa kanya dahil mahal na mahal ko siya ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong hindi tama kailangan namin mag-usap nito para maging malinaw sa amin ang lahat two years have passed at malaki na nga ang pinagbago nito ngunit siya pa din ang dalagang nakilala at minahal ko two years ago.
"Atilla....." narinig ko na lang na lumabas sa bibig ko, sa totoo lang sa dami nang gusto kong sabihin sa kanya ay hindi ko alam kung saan ba ako dapat magsimula, biglang bumalik sa akin ang sinabi ni Ellaine na kung mahal ko talaga si Atilla ay hindi ko na ito dapat gambalain ngunit kahit anong isip ko sa bagay na iyon ay hindi iyon matanggap nang isip at puso ko na ang tanging laman ang ang babaeng nasa tabi ko.
"Well it seems tayong dalawa ang magpapamahala sa mga negosyo ni Henry kaya umaasa akong magtutulungan tayo." nakangiti nitong sabi sabay abot nang kamay nito, hindi ako makapaniwalang parang wala lang dito na ako ang makakasama nito na para bang ang nasa harap nito ay isa lang sa mga kabusiness deal nito at hindi ang dati nitong karelasyon.
Nag-aatubili man ay inabot ko na din ang kamay ko dito at agad kong naramdaman ang saya sa simpleng pagkakahawak nang kamay nila at labis na pagpipigil ang ginawa ko para hindi ito hatakin palapit sa akin at ikulong ito sa mga braso ko.
"Well... I guess I'll be on my way then." nakangiti nitong sinabi sabay talikod at akma itong maglalakapad palayo nang kusang kumilos ang kanang kamay ko at hawakan ito sa braso nito para pigilan ito sa paglalakad na parang hindi ko ata makakayang lumayo pa ito kahit na nga ba magkikita din naman talaga kami dahil tutulungan ko ito sa pamamahala sa negosyo nang kapatid, I know this is not the right time para pag-usapan namin ang nangyari sa pagitan naming dalawa ngunit hindi ko na kayang lumipas ang araw na hindi naibabalik sa akin ang babaeng pinakamamahal ko.
"May kailangan ka ba Ram?" nakangiting tanong nito na para bang wala lang talaga dito na nagkita kami uli.
"I think we need to talk Atilla." seryoso kong sinabi dito at kita ko ang biglang pagkunot nang noo nito.
I decided to bring her sa isang malapit na restaurant na pag-aari nang isa kong kaibigan noong college, cozy ang lugar at kung ang hanap mo ay privacy ay makukuha mo iyon sa lugar na iyon dahil maliban sa restaurant ay may mga ibang mga kuwarto para lang sa mga VIP, kasunod naman namin ang driver na naghatid dito kani-kanina lang.
"Welcome back Mr. Santiago." bati sa amin ng sumalubong sa amin nang makababa na kami sa kotseng dala ko, naitawag ko na kasi sa kaibigan ko ang pagpunta namin dito kaya naman naexpect na nila ang pagdating ko.
Hinatid kami nito sa isang kuwarto sa bandang dulo nang restaurant at nang makaayos na kami ay agad naman inabot sa amin ng waiter and menu.
"I will have the usual Ernesto." sinabit ko dito sabay abot pabalik nang menu na hawak ko, sandali munang pinasadahan ni Atilla ang naturang menu bago ito umorder, matapos makuha ang mga order ay agad umalis ito kaya naman naiwan kaming dalawa ni Atilla sa loob ng kuwartong iyon, ramdam na ramdam ko ang presensya ni Atilla sa paligid at kung ako ay hindi alam ang gagawin ay kalmante naman na nghihintay ito sa mga inorder namin.
"So anong gusto mong pag-usapan?" nakangiti nitong tanong at muli na naman ang kalmanteng expression ng mukha nito na nakakabawas nang pag-asa sa dibdib ko.
"Kamusta ka na?" malumanay kong sinabi dito looking straight to her eyes hoping to see the same emotion in her eyes kapag tumitingin ito sa akin, full of love ngunit ngayon ay wala akong nakikitang ganoon sa paraan nang pagtingin nito.
"I'm good thanks for asking, ikaw kamusta ka na? Nalaman ko nakasurvive na iyong business ninyo, which is not really a surprise since alam naman natin na isa kang magaling na negosyante." sagot nito.
"It's not easy to be honest pero kailangan kong magsumikap for me and my Dad." sagot ko dito na hindi pa din inaalis ang tingin sa magandang mukha nito.
"Oh right kamusta naman si Tito.... I mean your dad?" somehow hearing the word Tito from her brings back some of the memory nang magkasama pa kami, and again I felt that guilt sa ginawa kong pananakit sa damdamin nito.
"He's doing good, mas naging malakas na siya, and Atilla......." I said ngunit para namang nabitin sa lalaluman ko kung anuman ang sasabihin ko dahil parang biglang nakaharang na kung ano sa bibig ko para sabihin dito ang mga gusto kong sabihin sa kanya na naipon sa dalawang taon na pagkakalayo namin.
Nakakunot lang ito habang hinihintay akong magpatuloy sa sasabihin ko, bakit nga ba ganoon kahit ang dami mong gustong sabihin hindi mo naman alam kung saan magsisimula, kaya naman huminga muna ako nang malalim para pakalmahin ang nararamdaman kong kaba sa dibdib dahil alam kong hindi ako dapat magkamali sa kung anuman ang sasabihin ko dito ngunit nang handa na akong magsalita ay saka naman dumating ang mga inorder namin kaya wala akong nagawa kung hindi ang ipagpaliban iyon.
Nanaig ang katahimikan sa pagitan namin habang pinagsasaluhan namin ang mga pagkain sa mesa namin, wala ni isa man sa amin ni Atilla ang alam kung paano magsisimula nang isang simpleng conversation.
I waited until the last plate has been removed in our table bago ako nagsimulang magtangkang mag open up dito.
"Atilla...." panimula ko ngunit mukhang nananadya talaga ang panahon nang biglang tumunog ang phone nito.
"Wait lang Ram, I need to answer this call, excuse me." sinabi nito ni hindi man lang nga nito hinintay ang pagsagot ko at agad itong lumabas nang kuwarto.
I tried to calm my nerves while waiting for her to finish her phone call ngunit hindi ko na ata makakayanan na maghintay kaya naman nagdecide akong sundan ito at naabutan ko ito sa labas nang restaurant all smile on her face na hindi nito naibigay nang muli kaming pagkikita and for I felt jealousy na ngayon ko lang naramdaman sa tanang buhay ko.
Dali dali akong lumapit dito ngunit ilang dipa mula dito ay napatigil ako nang marinig ko ang sinabi nito sa kausap.
"I know please look after Henry for me kapag nakarating na sila sa US ahh, I love you too Ang." para akong pinagsakluban nang langit at lupa sa narinig mula dito, parang ilang libo hindi milyong karayom ang bumabaon sa dibdib ko sa sakit na nararamdaman ko na malaman na ang taong minamahal ko ay pag-aari na nang iba.
"Uhmmm.... I.... followed you kasi baka may nangyari na sayo." bigla akong narattled nang makita ako nito.
"Ahhh sorry Ram, kailangan ko kasing sagutin ang tawag ni Ang." paliwanag nito, pinilit kong ipakita dito na hindi ako naapektuhan sa nalaman ko kahit na nga ba kanina pa gustong pumatak nang mga luha sa mga mata ko.
"Katulad nang pangalan nang bida sa cartoon?" wala sa sarili kong nasabi dito at kita ko na naman nang mapangiti ito.
"Yes just like in the cartoon." natatawa nitong sinabi sa akin, at mas lalo akong nasasaktan sa nakikitang kong pagkislap nang mga mata nito habang pinag-uusapan namin ang lalaking iyon.
"So you two are.... how long have you two been together?" sa totoo lang hindi na ako nakakapag-isip nang mga tamang sabihin dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Isang taon na kaming magnobyo ni Ang, I met him sa Australia, he saved me nang may magtangkang gawan ako ng masama and after non madami nang nangyari." masaya nitong pagkukuwento samantalang ako ay patuloy na nasasaktan.
"He seems to be a really nice guy." I said.
"Yes he is, he's the best thing that happened in my life, because of him natuto akong maging independent." sinabi nito, minabuti ko nang magpaalam dito dahil pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin itago ang nararamdaman ko.
"I'm glad that you found someone like him, uhmmm mauna na ako may kailangan pala akong asikasuhin, ikaw magpahinga ka na muna alam ko naman na hindi ka pa nakakapagpahinga nang maayos." sinabi ko dito habang nakatitig sa maamong mukha na ito, sa taong nawala sa akin dahil sa pagpapairal ko sa pesteng pride ko.
Dali dali akong tumalikod at naglakad pabalik sa kotse ko samantalang ito ay sumakay naman sa kotseng dala dala nito kasama ang driver ni Henry.
Nang makasakay na ako nang kotse ay malaya kong pinakawalan ang sakit na nararamdaman ko, malayang tumulo ang mga luha ko sa magkabilang mga mata ko dahil sa nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung ano ang mas masakit, ang lumayo sayo ang taong mahal mo o ang katotohanan na ang taong pinakamamahal mo ay pag-aari na ng iba na masaya na sila sa kung sinuman ang nagmamay-ari ng puso nila.
Maybe tama nga si Ellaine hindi ko na dapat guluhin ang tahimik nang buhay ni Atilla, kaya ko ba ulit masaktan si Atilla kung sakaling ipilit ko ang sarili ko sa kanya gayong masaya na siya at nakapagmove on na siya sa pagmamahal na meron siya sa akin noon?