CHAPTER 13
-=Ram's POV=-
Spending the whole day with Atilla is such an amazing experience, at mabigat nga ang loob ko nang kinailangan ko nang pumasok kinabukasan dahil gusto ko pa sana siyang makasama nang ilang araw pa, ngunit naging mapilit na din itong maayos na daw ito at pumasok na daw ako sa trabaho kaya wala akong nagawa kung hindi sundin ito.
"Bakit kanina ka pa nakatingin sa akin?" bigla kong tanong dito, magkasabay kasi kaming nag almusal bago ako pumasok sa trabaho at akala siguro ni Atilla na hindi ko napapansin ang manaka naka nitong pagtitig sa akin and the emotions that I'm seeing on her eyes are both endearing and scary dahil hindi ko alam kung ano ba ang iniexpect nito sa akin.
"Hindi kaya ako tumitingin sayo, busy ako sa pagkain dito eh." nahihiya naman nitong sinabi, kitang kita ko pa ang biglang pamumula nang magkabilang pisngi nito at hindi ko mapigilang tumingkayad para maabot ito dahil nasa kabilang side ito nang table at halikan ito sa labi.
"Magpapanggap ka pa ba?" nanunudyo kong tanong dito na may pilyong ngiti sa mga labi ko, bigla naman ang naging pag-iling nito na lalo lang nagkapanggigil sa akin dito kung puwede nga lang talagang huwag muna ulit pumasok ngunit kailangan ko na din lalo na't may appointment ako na importanteng maasikaso agad.
Kaya kahit mabigat ang mga paa ay nag-ayos na ako papasok sa tulong na din ni Atilla at wala pang isang oras ay sakay na ako nang kotse patungo sa opisina kung saan wala si Atilla na kinalungkot ko naman, naisip ko nga minsan na kuhanin siya sa opisina para at least magkasama kami kahit sa oras nang trabaho and with that in mind ay mas gumaan na ang loob ko.
Habang nagbibiyahe ay hindi pa din mawala sa isip ko ang dalagang naging sanhi nang malaking pagbabago sa akin, kung iisipin mo ang dami ko pang hindi alam sa dalaga dahil minsan nararamdaman kong pilit itong umiiwas sa ilang mga tanong ko na labis kong pinagtataka minsan nga naiisip kong ipabackground check ito para mas makilala ko ang dalaga ngunit bigla naman nagbabago ang isip ko dahil kung hindi pa kayang sabihin ni Atilla ay malamang sa malamang ay may mabigat itong dahilan.
"Good morning Tricia." nakangiti kong bati sa secretary ko na ilang taon na ding nagtatrabaho sa akin simula nang itake over ang pamamahala sa Dad ko.
"Good morning din Sir Ram, mukhang sobrang saya ninyo ngayon ah." puna nito na lalo lang nagpalad nang ngiti sa mga labi ko dahil naalala ko na naman si Atilla.
"So what's my appointment for today?" tanong ko dito at agad chineck ang mga kailangan asikasuhin nang araw na iyon at isang araw pa lang akong nawala ay ang dami ko nang namiss out.
Agad naman nitong binasa ang mga appointment ko nang araw na iyon habang patuloy ako sa pagtingin sa mga email messages mula sa iba't ibang business company na gusto akong makausap.
"Is that all?" tanong ko dito habang abalang abala pa din ako sa pagbabasa nang mga email messages ko sa computer.
"Oo nga pala sir dumaan ang isang tauhan ni Mr. Fajardo to invite you sa isang party nang company nila." biglang naalala nito at matapos nitong sabihin sa akin ang lahat ay bumalik na din ito sa sarili nitong puwesto.
"Xavier Fajardo." I murmured, I remember him nang minsan umattend ako sa isang gathering ng mga businessmen sa Makati, kilala ang naturang binata sa larangan nang advertising industry at mataas ang tingin ko dito sa pagpapatakbo nang negosyo nito dahil in a way nakikita ko ang sarili ko dito at alam kong simula nang hawakan nito ang kumpanya nang pamilya nito ay mas lumago ang Fajardo groud of companies na nakikila na din sa labas nang bansa. kung tama ang pagkakaalala ko ay kakasal lang nito ilang buwan lang ang nakakalipas sa empleyado nito na medyo kinadismaya ko dahil for me kung magpapakasal ako ay doon na sa taong alam kong makakatulong sa mga negosyo nang kumpanya nang pamilya, bigla naman pumasok sa isip ko si Atilla, as much as I enjoyed her company and us being together ay alam kong sooner or later kailangan ko ding tapusin ang kung anuman meron kami, I'm a practical person.
Nagdadalawang isip ako kung pupunta ba ako sa party nang mga Fajardo, ngunit nagpasya akong pumunta sa naturang event dahil alam kong madaming mabibigat na mga tao sa lipunan ang maaring pumunta doon and as a businessman myself I know that socializing is a big factor in the world that I belong.
Agad kong kinuha ang phone ko sa left pocket nang suot kong pantalon at dinial ang phone number ni Atilla, nabili ko na din kasi ito nang sarili nitong phone para kung kailanganin ko itong macontact ay agad kong magagawa iyon.
"Hi sexy." narining ko sagot sa kabilang linya matapos ang ilang ring at hindi ko mapigilang hindi mangiti nang marinig ko ang boses nito at base sa boses nito ay halatanga kagigising lang nito, imagining her in bed with just a thin nightdress gave me a hard on at sigurado ako kung nasa harap ko lang ang dalaga ay malamang na sinunggaban ko na ito, the woman is so addictive but I removed that thought when I remembered the reason for my call.
"Get ready around six pm, I will have someone pick you up." sinabi ko dito at hindi ko na hinintay na sumagot ito at agad ko nang tinapos ang tawag.
"Do you need anything?" narinig kong tanong nang secretary ko nang pinindot ko ang speed dial sa phone na nasa opisina ko.
"Yes, I need you to go to my condo unit before six pm to help a friend get ready for the party, magpasama ka na kay Lando, gusto kong maging perfect siya sa party mamaya." utos ko dito at matapos ang ilang mga bilin dito ay bumalik na ako sa trabaho.
Tutal wala naman akong makakasama sa party ay naisipan kong isama si Atilla, tutal naman hindi na ulit ito nakakalabas nang unit ko na pinagtataka ko and I think this would be a perfect opportunity for that, and with that in mind ay masa naging smooth na ang pagtatrabaho ko.
Around five pm ay narinig ko ang pagkatok ni Tricia para magpaalam nang aalis at pupunta na sa unit ko, I handed her my credit card para magamit nila para mapaghandaan ang party ng mga Fajardo.
"I want you to buy anything that she wants, dalhin mo na din siya sa salon para maayusan siya." utos ko dito at matapos sabihin ang mga bagay na gusto kong sabihin ay umalis na din ito, sinama na nga din nito si Lando na driver ng kumpanya.
Sa totoo lang mas gusto ko sanang ako ang sumama kay Atilla ngunit may isa pa akong meeting nang araw na iyon na hindi puwedeng icancel kaya no choice ako kung hindi magtiwala kay Tricia and knowing Tricia she will do a best job helping Atilla.
Hindi na din ako nagtagal at agad dumiretso sa meeting place nang kameeting ko, actuall hindi din naman nagtagal ang meeting namin na iyon dahil matagal ko nang naipasa ang business proposal sa mga ito for formality na lang talaga ang pagkikitang iyon, wala pa ngang thirty minutes nang matapos ang meeting na iyon, enough time for me para maghanda na din sa party.
I went to a nearby mall sa naturang lugar at bumili nang susuotin ko para sa party, napili kong bumili nang white long sleeve, black armani suit and pants and a pair of shoes, nagcheck in na din ako para doon na mag-ayos.
I checked my watch and saw na sampung minuto na lang at mag aalas ocho na kaya naman agad akong bumalik sa kotse ko at nagdrive patungo sa pagdadausan nang party.
Nakareceive na din ako nang text message kay Atilla na on the way na din ito kaya naman panatag ako habang nagdadrive mas malapit ako kumpara kay Atilla kaya alam kong medyo malelate ito nang mga ilang minuto.
Around past eight nang makarating ako sa naturang venue at katulad nang inaasahan ay madaming mga kilalang tao sa business at politics ang umattend mabuti na nga lang at nasa ibang bansa ngayon si Henry Cervantes kaya malabong magkita sila ni Atilla, hindi ko alam kung paanong nakawala ang dalaga sa mayamang businessman at ayokong magkaroon nang issue sa naturang negosyante.
"Glad you can make it Mr. Santiago." nakangiting bati sa akin ni Xavier pagkadating na pagkadating ko sa venue.
"Just call me Ram and thank you for the invites." nakangiti ko namang sagot dito kasabay nang pag-abot sa naghahantay na kamay nito.
"If that's the case just call me Xavier and coming our way is my lovely wife. Ram this is my lovely wife Yesha, hon this is Ram Santiago." pagpapakilala nito sa asawa.
"Nice meeting you Yesha, Xavier is very lucky to have a wife like you." I said truthfully, seeing her for the first time at aminin ko sobrang ganda nang naturang babae at base sa itsura nito ay masasabi kong hindi itong purong pinoy.
"Same here Ram, hope maenjoy mo ang party, by the way wala ka bang kasama?" tanong nito nang mapansin nito marahil na mag-isa akong dumating.
"I came here alone pero papunta na din ang date ko for tonight." nakangiti ko namang sagot dito, hindi na din nagtagal ang mag-asawa at umikot ikot na din sila para ientertain ang mga guest nang mga ito, hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa nakikita ko sa dalawa dahil halatang halata na mahal na mahal ni Xavier si Yesha at mukhang ganoon din ang naturang babae, somehow it made me think about Atilla na agad ko din naman iwinaksi sa isip ko dahil alam kong malabong mangyari ang bagay na iyon.
Inikot ko ang mga mata ko sa paligid at kung mamalasin ka ba naman nakita kong papalapit ang nakangising mukha ni Jeffrey at sa likod nito ay ang nakayukong si Janine, hinintay ko silang makalapit sa akin ayokong ipakita sa kanila lalo na kay Jeffrey na apektado ako sa mga ito.
"Oh hi Ram! Long time no see, invited ka din pala." he acting like we are close at isang pilit na ngiti ang sinukli ko dito dahil ayoko naman gumawa nang eksena lalo na't importanteng mga tao ang dumalo sa party.
"Obvious ba? Kaya nga nandito ako ngayon." iyon sana ang gusto kong sabihin dito lalo na't nag-iinit ang ulo kapag nakikita ko ang taong ito ngunit siyempre kailangan kong ikalma ang sarili ko, I know how to play his games.
"Hi to you too Jeffrey, Janine." bati ko sa mga ito nang makita ni Jeffrey na nakatingin ako kay Janine ay agad pumulupot ang dalawang braso nito sa bewang nang dalaga making her closer to him na para bang pinapamukha nito sa akin na sa kanya na ang dati kong girlfriend, kung noon nangyari ito ay malamang sa malamang ay nagalit talaga ako but seeing them together doesn't bothered me at all at dahil iyon kay Atilla.
"Parang wala ka atang kadate ngayon?" tanong nito at napapagod na akong makita ang nakangising mukhang nang loko.
I was about to answer when I noticed that the smile on Jeffrey's face vanished and was replace by an awestruck expression. Dahan dahan akong tumingin sa tinitignan nito and was caught off guard nang makita ko kung ano o ang mas tamang sabihin ay sino ang nakita nito.
Para akong namamalikmata habang nakatingin sa bagong dating na babae na naglalakad papunta sa kinatatayuan ko, most of the men ay sinusundan nang tingin ang bagong dating na babae, checking kung sino ang suwerteng lalaki na kadate nito.
Parang biglang nawala ang mga tao sa paligid habang nakasunod ang mga mata ko sa naturang babae, parang biglang tumigil ang oras at tanging kaming dalawa ang magkasama habang nag-uusap ang aming mga mata.
"Sorry kung late ako, natraffic kasi kami." nahihiyang sinabi ni Atilla nang makaharap na ako nito nang malapitan.
Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa magandang mukha nang dalaga, manipis lang ang naging makeup nito sa mukha na lalo lang nagpadagdag sa natural na ganda nito, isang simpleng puting dress lang suot nito na humahakab sa magandang hubog nang katawan nito, an angelic face and an alluring body, who would have thought na deadly combination pala ang mga traits na iyon.
"Dance with me." I said seductively, nagulat na lang ito nang igaya ko siya sa dance floor, hindi ko alam kung bakit ngunit bigla akong nagkaroon nang urge na yakapin siyang mahigpit siguro para na din iparating sa mga tao sa paligid na sa akin lang ang babaeng ito.
Akin lang si Atilla Salvador, and thinking about it drives me crazy, I never felt this way before sa kanya lang at ngayon ko lang napatunayan na hindi lang lust ang nararamdaman ko sa kanya.
"I Like Her."