webnovel

Chapter 3

CHAPTER 3

"Patay na sya?!"

"Kawawa naman...."

"Psh...Serves her right...."

"Shut up!"

"Dalawa na ang sunod sunod na namatay..."

"Kawawa sya, ilang ulit ng napahiya sya at ang pamilya nya, sabay pa silang namatay"

"Nakakatakot na...."

Isang balita ang kumalat sa Eastern Academy...Patay na si Claire Venice Labrador...ang babaeng iniiwasan at pinandidirihan ng lahat.....Ang lahat ay may halong sayang nararamdaman, lalo na ang kanyang matalik na kaibigan....

Natagpuan ang kanyang katawan na puno ng saksak, at may tama rin ng baril... masyadong brutal ang pagkapatay sa kanya, halatang galit na galit ang may kagagawan ng krimen na iyon...

Nagulat nalang kaninang umaga ang grupo ng mga babae na may nakapatong na katawan sa lamesa ng guro nila...nang puntahan nila ito...ito pala ay bangkay ng kanilang kaklaseng si Claire.....

****

Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat, ang 22nd birthday ng nag iisang tagapagmana ng Gregory Pharmaciuticals, Si Excil Dave Gregory...Lahat ay nakahanda na, marami ring bisita and dumating sa kanilang mansyon....May iba't ibang pagkain na nakahanda, kinumpleto nila ang 12 meal course.....

Masaya sya, lalo na ang kanyang mga magulang, dahil sasabihin nila sa kanilang anak ang sorpresa na, hindi ang kuya niya ng mag mamana ng Kompanya, kundi siya....

"Good evening..."

Napatigil ang lahat, nang magsalita ang ama nito na si Ethan Gregory.....nakaagaw kaagad siya sa atensyon ng mga bisita....

"Well haha! It's my son's special day....I just wanna thanks to all of you for coming today,just enjoy.....Let's just wait for him...nagpapagwapo pa yun,hindi nya gugustuhin na mas gwapo pa ako sakanya sa birthday nya..haha!"

Napatawa naman ng onti ang mga bisita...

Pagkatapos nyang sabihin iyon ay nagpaalam muna siya, kaya pumunta na ang emcee sa pwesto nya...Pagkatapos ng ilang minuto,ay tumayo ito at nag salita...

"Again, good evening...It's the moment we've been waiting for.....let's all welcome our celebrant...Excil Dave Gregory!!"

Ang lahat ay nagpalakpakan.....Tsaka bumaba si Excil nang nakasuot ng Itim na tuxedo at maroon na necktie....hindi maitatangging ang gwapo ng kanyang dating.....Pagbaba nya, binigay ng emcee sakanya ang mikropono....

"Thanks for coming today.....honestly, I don't want parties.....but mom begged me to, sabi niya, this birthday is very special, I'm now 22 haha! Ang bilis ng panahon.....but thanks to all of you, I'm very glad that each one of you came here.....Just enjoy, thank you"

Pagkatapos nyang magsalita, ay naglibot libot sya sa buong mansyon.....binati rin sya ng kanyang mga kaibigan.....Pero pansamantala muna syang umupo sa tabi ni Edmen.....

"Ang bakla ha!! Party talaga???"

Tumawa siya...pero may punto naman ito....

"Si mom sisihin mo, wag ako....nagulat nga ako na andaming tao eh...."

Nagkayayaan ang magkaibigan na lumabas at tumambay muna sa garden ng mansyon....

Tumakbo si Edmen sa medyo malayo at bumalik agad....

"Oh"

May inabot syang Sobrang daming box sa kaibigan, lahat ay kulay itim...Para itong cake na pinagpatong patong...Sa pinakailalim, Sobrang laking box, hanggang sa pinakamataas ay sobrang liit...

Bigat na bigat si Edmen, kaya binaba nya ito.....

"Grabe...ano to?"

Napatanong naman ang kaibigan...

"Hindi akin yan, nakita ko lang sa gilid ng gate nyo.....may nakasulat na ipabigay sayo may happy birthday pa nga eh...."

Lumapit sila sa mga box at binuksan ito isa isa....Ang laman, lahat ay teddy bears....22 lahat ito.....puro ito kulay pula....palaki ng palaki ang size.....

"Woah!! Parang mahal na mahal ka yata ng nagpadala nito sayo ah??"

Hindi sya umimik, may kutob syang isa lang ang nagpadala ng regalong ito, pati ang nagpadala ng pulang kahon nung nakaraang araw...

Hindi nya ito pinansin dahil ayaw nyang masira ang araw nya...

Sa sobrang kakulitan ni Edmen....kinuha nya ang pinakamaliit na teddy bear...

"Pre, parang may laman toh....., ito yung pinakamaliit pero ito rin pinakamabigat..."

Natigilan si Excil sa sinabi nya....

"Bulaga!!!"

Nabigla sila sa pagsigaw kaya nabitawan ni Edmen ang teddy bear....napalingon naman sila sa nanggulat....

"Aki naman.....susunod kami....."

Habang nag uusap ang magkapatid, nilapitan ni Edmen ang teddy bear at balak na kunin ulit ito, pero paghawak nya, bigla nalang syang nasugatan....Kaya napatingin sya sa laruan....may mga bubog ng crystal...

May nabasag sa loob ng teddy bear.....

Dali dali nyang binuksan ang zipper sa tyan nito...at nagulat sa nakita.....

"E-excil"

Nanginginig sya....Napalingon naman si Excil sakanya at lumapit....

Kinuha ni excil ang teddy bear....At may tumutulo na dugo sa hawak nya...

Kaya dahil sa pagkagulat ay nabitawan nya ito at kumalat ang dugo sa damo.....

Nabasa rin ng dugo ang kanyang suot na tuxedo, pero ang magkaibigan ay nakatulala parin...

May dumating na dalawang guwardya kaya pinalinis nila ito, at pinatapon lahat ng regalo na yon...Ayaw nilang masira ang gabing ito kaya wala silang balak na ipaalam sa iba ang nangyari.....

Pumunta sa itaas ang magkaibigan at nagpalit....

Pagbaba nila, ay normal naman ang lahat.....pero nag utos sya na higpitan ang pagbabantay sa bawat pumapasok at lumalabas na tao sa party.....

"Excil.....ba't ka nagpalit??"

"Ah, mom.....mainit kasi yung tuxedo, pati narin dito....and one more thing...kahit ano naman ang suot ko, gwapo parin ako...."

At nag pogi sign pa sya...Tumawa naman Si Mrs.Ariel at pinalo sya ng mahina sa balikat....

Nagpaalam nalang si Excil na lilibutin niya ang mga bisita, kumakain na kasi ang mga ito....tumango naman ang ina nito....

Pag alis nya, hindi mapigilang mag duda ng ina nya sakanya....

Hindi naman ganun ka kapal ang suot ni Excil....Paano mangyaring mainit...eh lahat ng parte sa mansyon ay naka air conditioned??