webnovel

MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy)

(TAGALOG STORY) They were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to make everything upside down? Does miracle could make this "MISMATCH" a "PERFECT MATCH"? Maybe not. Cause LOVE do MIRACLE.

envieve · 一般的
レビュー数が足りません
79 Chs

Chapter 36

My Demon [Ch. 36]

 

Soyunique's Point Of View

 

Bakit kaya wala pa si Demon? Kanina pa ko nag-aantay sakanya dito sa back gate ng Fuentalez High pero hindi pa rin siya dumadating. Usually kasi siya pa ang nauuna sa'kin dumating. Pero ngayon─ ni hindi ko nga makita ang motorbike niyang nakaparada.

"Miss, si Keyr Fuentalez ho ba ang inaantay niyo?" May isang guard ang lumapit sa'kin. Nakaupo ako sa wooden bench katabi ng narra tree. Actually nililibang ako ng sarap ng simoy ng hangin dito.

"Opo," sagot ko sakanya.

"Pinapasabi niya sa driver nalang niya ikaw sumabay. Kanina ka pa ba nandito? Pasensya ka na, iha, ngayon lang kita nakita eh," paliwanag niya.

"Okay lang po. Salamat po."

Nagpaalam muna siya bago umalis.

Ano na naman kayang trip ng lalaking yun? Baka naman may laban siya today.

"Pwede ba wag mo kong titigan ng ganyan," sabi niya habang busy sa problem na pinapa-solve ko sakanya.

"Para kasing may kakaiba sa'yo ngayon eh. May sakit ka ba?" Sinapo ko ang leeg niya at nagulat ako nung tinaboy niya ang kamay ko.

"Wag mo nga kong hawakan!" singhal niya. Napaatras ako sa kinauupuan ko dahil sa sigaw niya. Oo, madalas kaming nag-aaway at nagbabangayan pero ito na ata ang unang pagkakataon na napagtaasan niya ko ng boses.

"Sorry," nakayukong paumanhin ko. Nakatingin lang ako sa mga daliri ko na nakapatong sa lap ko.

"Dyan ka na nga." Hinagis niya yung notebook at ballpen tapos sinipa ang study table. Tumayo siya, at sinundan ko ng tingin ang likod niya. Binalibag niya ang pinto pagkalabas niya.

***

"Okay ka lang?" Johan interrupted my deep thinking.

"Ata?"

Tumawa siya ng mahina at ginulo ang buhok ko. "Wag mo ng isipin kung ano man yan. Cute ka." Hindi ko alam kung anong connection meron ang dalawang phrase niya, pero ngumiti pa rin ako.

Ilang minuto ang lumipas dumating na ang teacher namin. Habang nagtuturo ang guro namin, lumilipad ang utak ko. Si Demon naman kasi eh. Two days nang parang galit sa'kin, at hindi ko alam kung ano ang kinagagalit niya. Hindi na nga kami nakakapag-tutorial ng maayos dahil sa masamang inaasta niya sa'kin. Yes, he's a hot-tempered guy pero iba ang pagkamasungit na pinapakita niya sa'kin these past few days.

"Ma'am, may I go out?" paalam ko sa english teacher namin.

"Yes, you may. But make it fast, okay? I'll be giving a quiz later."

"Okay po. Thank you po."

Bumalik na siya sa pagrereview ng lesson book niya kaya naman tumalikod na ko at nagsimulang maglakad.

"Bakla ka, bilisan mo daw," paalala pa sa'kin ni Angelo nang madaanan ko siya. Nakapwesto kasi siya malapit sa pinto. Sumagot lang ako sakanya ng "Oo" at tuluyan ng umalis ng classroom.

Habang naglalakad sa hallway, umagaw sa atensyon ko ang isang lalaki at dalawang babae na nakatayo sa gilid. Class hour ngayon at sila lang ang estudyanteng nandito sa hallway bukod sa'kin. Nasa may kalayuan pa sila pero sigurado akong si Demon yung lalaki. Daldal ng daldal yung dalawang babaeng kasama niya pero siya hindi kumikibo. Naka-poker face lang at nakatulala sa kawalan.

Ayoko sanang magpakita kay Demon kasi for sure kung hindi niya ko bibigyan ng cold-shoulder ay susungitan ako, kaso madadaanan ko sila para makarating ako ng washroom. Meron pa namang washroom kaso nasa kabilang end ng hallway. Alangan namang doon pa ko pumunta e dito ang mas malapit at pinagmamadali rin ako ng teacher ko.

"Hey!" Tinawag ako ng isa sa dalawang babaeng kasama ni Demon kaya huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kanila. Sa dalawa lang: pinipigilan ko ang sarili kong wag tumingin kay Demon.

Ang ganda ng dalawang kasama niya ngayon. Marunong silang mag-ayos sa sarili at dalagang-dalaga silang kumilos. Honestly kapag may babae akong nasasalubong na ganyan─ dalagang-dalaga at babaeng-babaeng kumilos─ napapaisip ako kung ano ang itsura ko kapag katulad nila ako. Hay! Bakit ko ba kinikwento sainyo ang walang kwentang bagay na yun? Gusto ko lang naman kasing libangin ang isip ko na may kasamang mga babae si Demon. Akala ko pa naman woman hater siya o kaya hindi gaya ng ibang lalake na mahilig sa babae.

"There's a gossip scattering that you are dating a girl whose hair is blonde and curled."

"Plus the "not-so-beautiful" description," the other girl added. At sabay nila kong in-up and down ng tingin.

Here we go again. Bakit kaya kung sino pa ang kadalasang pinupuri mo (kahit mentally) sila pa ang madalas na nang-iinsulto sa'yo?

"Is that true, Keyr?" nagpapa-cute na tanong ng isa. She looked up to him, waiting for a respond as she battered her eyelashes

"Nope. She's nothing but my tutor." Ang sagot ni Demon na talaga namang ikinahina ng katawan ko sa di malamang dahilan. Tumingin ako sakanya. Nakatingin din siya sa'kin with his casual serious-bored look.

Lumiwanag naman ang mukha nung dalawa.

"So confirm. Hindi mo dini-date ang cheap na yan," she made it clear.

Ngumiti ako ng pilit sa harap nilang tatlo. "Tama siya. Gossip lang ang narinig niyo. Malabong mangyari yun. Tutor niya lang ako─ wala lang ako sakanya." Nakipagtitigan ako sa expressionless eyes ni Demon for about three seconds. "Sige, punta na ko sa washroom."

Habang naglalakad papalayo, damang-dama ko ang sobrang pagkadismaya. Bakit ba kasi ako disappointed? Tama naman kasi siya eh. Hindi kami nagdi-date at tutor niya lang ako. What hurts me is that I am nothing to him when he's becoming special to me despite the fact he'd been hard to me a lot of times.

She's nothing but my tutor. Nakakasakit lang sa feelings. Na-misinterpret ko lang pala ang mga magagandang ginawa niya sa'kin. Akala ko kaibigan na rin ang turing niya sa'kin, ayun pala akala ko lang ang lahat. Wala lang ako sakanya.

 

Hindi ko namalayan na nanlalabo na pala ang mga mata ko hanggang sa may likido na ang nag-uunahang umagos. Pinunasan ko agad ang luha ko. Nakakalungkot kayang masabihan na "wala ka lang" sa taong unti-unti nang nagiging special sa'yo!

 

I sighed as I finally reached the washroom. Bakit ba ko nag-eemote ng ganito? Ano naman kung wala ako kay Demon? Para namang di ko kilala ang tao na yun. Basta hindi ako nagagalit sakanya kahit parang napahiya ako sa harap ng dalawang babae kanina. Mas marami kaming masasaya at makukulit na moments at ayun ang iisipin ko.

Sigurado akong matatapos din ang ganitong treatment niya sa'kin at babalik na kami sa asaran at kulitan. Mas masaya pa ko na inaaway at nilalait niya kaysa naman sa ganito.

I felt like I have miss him.

(PekengKyoot's Note: Ang hirap mag-type! Sira ang letter n sa keyboard ng laptop kaya pahirapan. Kung hindi ko lang talaga mahal si Soyu at Demon pati na rin kayong mga readers, hindi ako magtitiyaga ng ganito. Hehe. Salamat po sa mga umabot hanggang dito! Sana hindi po kayo magsawa :D)

 

Nakita ko si Demon na naglalakad mag-isa. Mukhang papunta na sa likod ng school kung saan trip niyang iparada ang motorbike niya samantalang may parking lot naman. Tumakbo ako at hinabol siya.

"Demon!" sigaw ko nang malapit na kong makarating sa kanya. Huminto naman siya at nung pag-ikot niya, sakto nakalapit na ko.

"What the fuck is your problem?" iritang bungad niya.

"Pwede ba tayong magsabay?" Kinapalan ko na ang mukha ko. Gusto ko kasi siyang makausap para na rin malaman ko kung may problema ba o kung may nagawa ako para maging ganito ang pakikitungo niya sa'kin.

"Ang lakas ng loob mong lapitan pa ko. Hindi ba nag-sink-in dyan sa kukote mo ang mga sinabi ko sa'yo kanina? Wala ka bang pride?"

"Bakit ka ba nagkakaganyan sa'kin?" I finally asked, and I witnessed kung paano siya saglit na natigilan.

Matapos namin magpalitan ng mga tingin, siya ang unang umiwas at tumalikod. Nung nagsimula na siyang umalis, hinablot ko ang braso niya para pigilan ngunit laking gulat ko nang natulak niya ko.

"Natulak" dahil alam kong hindi niya sinasadya yun, at ebidensya ang ekspresyon niya ngayon. Kitang-kita sa mga mata niya na nagulat rin siya sa nagawa niya.

"Soyu!" I heard Johan's voice from behind, but I remained still not taking my eyes off from Demon.

Seconds later, Johan was finally in the picture. Nilapitan niya muna ang tulalang ako bago sinugod ang tulala ring si Demon.

"Pare, babae yung tinulak mo!" malakas at pagalit na sabi ni Johan. Tinulak niya ng malakas sa dibdib si Demon na siyang hindi lumaban at gumanti. Nakatingin lang siya sa'kin habang tila hinahayaan si Johan na saktan siya.

"Soyu, okay ka lang?" Para akong biglang natauhan sa boses ni Johan. Nakaluhod siya sa harapan ko para maka-level niya ko. Bakas na bakas rin ang pag-aalala sa mukha niya. Hindi ako sumagot at binalik ang aking tingin sa direksyon ni Demon. Naglalakad na ito palayo nang nakapamulsa.

Tinulungan akong makatayo ni Johan. "May masakit ba sa'yo?"

Nginitian ko lang siya at umiling.

"Ang sama talaga ng Keyr na yun. Kahit babae pinapatulan."

"Hindi niya yun sinasadya," pagtatanggol ko sakanya.

Mukhang may gusto pa siyang sabihin kaso mas pinili nalang niya ang manahimik para hindi kami magtalo. Inayos niya ang backpack ko at niyaya ako na sabay kaming lumabas ng campus tutal wala si Angelo.

Hindi ko alam kung may tutorial pa kami ni Demon. Parang gusto ko na ayaw.

***

"Grr! Nakakainis ka talaga! Lumalala na yang pagiging bipolar mo!" hinanakit ko habang pinipitik-pitik yung hello kitty key chain na nakasabit sa strawberry kong wallet. Bigay ito sa'kin ni Demon, yung lalaking may severe bipolar disability. I wonder kung ginagamit niya pa rin yung Dear Daniel niya.

Nasa tapat ako ng isang bakeshop, nakaupo. Paglabas namin kanina ni Johan ng campus, nag-offer siya na ihahatid nalang ako pauwi pero tumanggi ako at dinahilan na may pupuntahan. Hindi naman sa ayaw kong magpahatid sakanya, pero kasi gusto kong mag-isip-isip. Potek, nagiging emo na ata ako. 

Naglabas ako ng bente pesos mula sa wallet ko at tumayo para bumili ng tinapay. "Pabili po. Ensaymada, dalawa."

Matapos iabot sa'kin ang tinapay na binili ko kasama ang sukli, ibinulsa ko na ang wallet ko. Pagkatapos, bumalik sa kinauupuan ko kanina.

At the corner of my eye, nakita ko ang puting van na huminto tapos may tatlong lalaki ang bumaba. Bibili rin siguro.

Hinila ko pababa ang brown paper na pinaglalagyan ng tinapay ko at kakagat na sana nang biglang may nagtakip ng ilong ko abot hanggang sa bibig gamit ang panyong may napaka-tapang na pabango. Nakakahilo at ang sakit sa ulo ng pabango, at kung paano sila makatakip sa ilong ko gamit ang panyong yun, para nila akong sinu-suffocate. Pumapalag-palag ako at nagpupumilit na makatakas kaso hindi ko magawa dahil napakalakas nila.

Hindi ako makahingi ng tulong dahil cannot-be-seen na ang tindera ng bakery at walang tao ang nasa paligid bukod sa'kin at sa tatlong lalaki.

"Sa wakas, makakaganti na rin kami kay Keyr," was the last words I heard before I passed out.