webnovel

End of season 1

Leo's Pov

Nang makita ko na sinasaktan ni Olivia si Blessy ay dali dali akong lumapit dito at niyakap ito. Nang marinig ko ang dahilan ni Olivia kaya nito nasaktan si Blessy ay natawa ako. Pero hindi ko pa din mapapatawad ito sa pananakit sa asawa ko.

"Hello miss tanga lang? Ay oo nga pala bagong sampid ka pala dito kaya pala wala kang kaalam alam." sabi ni tito V.

"Ano pong ibig nyong sabihin?" tanong ni Olivia.

"Nung bata pa si Liam malapit na sya kay Blessy. Ate na rin ang turing nya sa kanya. Dati nya pa sinasabihan ng mahal nya ang ate nya." sabi ni tito Jimin.

"Alam mo Olivia dapat inaalam mo muna ang nangyayari sa paligid mo. Inaalam mo kung sino sino ang kasama mo at ugali nila. Mali ang basta basta ka na lang susugod kung di mo alam ang sitwasyon." sabi ni tito Namjoon.

"Tama yun! Iboto si presidente Namjoon!" sigaw ni tito V.

"Bwisit ka talagang alien ka!" sabi ni daddy sabay batok kay tito V.

"Aray naman Jk. Ang sakit nun ah!" reklamo ni tito V.

"Paano naman hindi ka babatukan eh seryoso usapan tapos sisigaw ka ng kung ano ano." sabi ni tito JHope.

"Hindi naman kasi tama na magsabi sya ng mahal nya yang babaeng malandi na yan. Simula ng nandito ako yan na lang babaeng yan ang sinasamahan nya. Paano naman ako?" sabi ni Olivia.

"Ginusto mo yan! Kaya kahit anong gawin ko wala kang pakialam." sabi ni Liam.

"Tama ang anak ko. Pinakikisamahan ka namin dahil sa bata. Pero pagnapatunayan na hindi sa anak ko yan ay maghanda ka sa magiging kalalabasan nito." sabi ni daddy.

"Sa totoo lang gusto kong ipakulong ka na. Sa ginawa mong pananakit sa asawa ko ay hindi ko mapapalampas. Alam yan ng lahat dito. Kung sina daddy at mommy ay napagtitimpian ka pwes ako hindi. Siguraduhin mo lang na sa kapatid ko ang bata dahil ako mismo ang gagawa ng paraan para mapakulong kang babae ka!" galit na sabi ko.

"Leo....." malumanay na tawag sakin ni Blessy.

"Huwag mo akong pigilan Blessy. Alam mong ayaw na ayaw ko ang may nananakit sa mahal ko sa buhay." sabi ko.

"Naku Olivia hindi mo pa kami kilala kaya dapat magpakabait ka. Yang ganyang pagmamaldita mo eh hindi uubra sa pamilya na to. Hindi mo nga inalam kung sino yang sinasaktan mo eh. Siguro kapag nalaman ng ama nya ang pananakit mo eh baka makulong ka habang buhay." sabi ni tito Jimin.

"Bakit sino ba sya? Importante ba syang tao? Tignan nyo naman napakasimple lang nya. Shes so plain and what so speacial about her?" sabi ni Olivia.

"Shes lady Blessy Emery Visser ang anak ni Count Thomas Julian Visser na isang count sa Netherlands. Isa syang maharlika at siguro naman alam mo kung ano ang mangyayari sa isang taong nanakit sa isang maharlika. Isa pa ano ang masama sa pagiging simple? Di mo ba alam? Simplicity is beauty. I bet hindi mo alam yun ano?" sabi ni mommy na kakababa lang galing sa taas.

"Mom." tawag ni Olivia.

"Huwag mo akong matawag na mom dahil hindi kita anak. Binalaan na kita kanina sa kamalditahan mo. Inaalala ko lang ang bata sa sinapupunan mo dahil kahit anong sama mo ay hindi dapat madamay ang bata. Pero sobra ka na. Dati sila inay Rita lang ang ginaganyan mo ngayon pati na ang mga anak ko. Binalaan na kita na ako ang makakalaban mo. Hindi mo gugustuhing magalit ako dahil masama akong magalit." sabi ni mommy. Patay kang Olivia ka.

"Red!" tawag ni mommy kay uncle Red.

"Yes boss?" sabi ni uncle Red.

"Bantayan mo maigi si Olivia. Habang hindi pa tapos ang isinasagawa naming imbestigasyon sa babaeng yan ay gusto ko bantayan mo sya. At ikaw babae ka huwag kang tatakas. Kapag tumakas ka ibig sabihin may kalokohan kang ginagawa." sabi ni mommy.

"Yeah malapit na matapos ang imbestigasyon namin lalo pa at umamin na si Xyrus na may relasyon pa kayo." sabi ko.

"Hindi totoo yan!" sabi ni Olivia.

"Malalaman naman natin yan in a few days. Mali ka ng kinakalaban. Hindi mo pa kami kilala." sabi ni mommy.

"Sige na paakyatin mo na yan sa taas Liam. Pabantayan mo kay Red. Tara na ituloy na natin ang paglalaro natin. Kailangan pa naming bumawi ni alien. Bakit kasi sya ang nakapartner ko?" reklamo ni daddy.

"Arte mo Jk. Di ba loves mo ko? Kaya tayo talaga ang pinareha." sabi ni tito V.

"Lablabin mo mukha mo. Tara na bago ako mainis." sabi ni daddy bago sila lumabas.

Natapos ang party at nagsiuwian na ang mga bisita. Ang kambal naman ay nakina mommy dahil para daw makapagpahinga si Blessy. May mga galos kasi ito at sugat gawa ng paghampas ni Olivia. Pumasok ako ng kwarto at nadatnan ko si Blessy na nasa terrace. Lumapit ako at niyakap sya.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pa ba magpapahinga?" tanong ko sa kanya.

"Wala lang naiisip ko lang ang buhay natin ngayong may kambal na tayo. Isa pa naalala ko ang isa pa nating munting anghel." sabi ni Blessy.

"Huwag kang mag alala bukas na bukas ay dadalaw tayo sa munti nating anghel. Sya nga pala tapos na ang pinapagawa nating bahay sa kabila. Pwede na tayong makalipat sa susunod na linggo." sabi ko.

"Lilipat na pala tayo. Ang bilis magawa ng bahay." sabi nya.

"Syempre naman kasi gusto kong bumuo ng pamilya natin at makapagsarili tayo. Kung kailangan mo ng tulong punta ka lang dito hahaha. May supresa pala ako sayo." sabi ko sabay abot sa kanya ng isang envelope. Binuksan nya ito at napaluha sa tuwa.

"Plane ticket? Talaga love, pupunta tayo kina papa sa Netherlands?" tanong nya.

"Oo at bukas na ng gabi ang flight natin. Gusto ko namang makita ng pamilya mo sa Netherlands ang mga bata. Anytime pwede tayong bumisita eh. Alam kong nahihiya ka lang magsabi sakin." sabi ko.

"Salamat love." sabi nya.

"Wala akong hindi gagawin para sa pamilya ko. Gusto ko pagbalik natin galing Netherlands ay magfocus tayo sa pamilya natin." sabi ko.

"Tama ka. Sana sa susunod na mga taon ay lumaki sila ng mabuti. Huwag kang magbabago Leo. Ano kaya ang magiging buhay natin sa mga susunod na taon." sabi ni Blessy.

"Huwag kang mag alala love, kahit pa dumating ang mga problema satin, gusto ko sama sama nating harapin ito. Isa pa ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang nabubuhay ako. Iyong iyo ako love." sabi ko.

"Ang cheesy mo. Nag eemote ako tapos  ganyan ka." sabi ni Blessy.

"Tara na tulog na tayo, tamang tama wala ang kambal. Baka gusto mo munang makipaglaro sakin?" sabi ko.

"Sige na nga. Halika na. Alam ko naman na lagi kang bitin dahil sa kambal." sabi ni Blessy.

"Bilis laro na tayo ng pares pares tapos ang matalo maghuhubad hahaha." sabi ko.

Marami mang pagsubok sa buhay namin na dumating ay nalagpasan namin ito. Napatunayan ko na kahit pa paglayuin kayo ng mahal mo ay gagawa at gagawa ng tadhana na magkita ulit kayo. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan nya ako ng mabait na asawa at tatlong anak. Kahit kinuha nya ang isa sa triplets ay nagpapasalamat pa din ako kasi alam ko na may dahilan ang lahat.

Sana sa susunod na mga taon ay mapalaki namin ng maayos ang kambal. Marami pa kaya kaming pagsubok na haharapin? Sana makayanan namin lahat.