webnovel

My Brutal Wife (Tagalog)

Kilala si Stanley Martin sa pagiging babaero sa school, yung tipo na walang sineseryoso na babae at parang laruan lang para sa kanya. Well, hindi nyo sya masisisi dahil sa angkin nitong kagwapuhan na kahit sino ay talagang mapapalingon. Hanggang sa wakasan ng Ama nya ang maliligayang araw ng ipakasal sya kay Alexandra. Amasonang babae, walang inaatrasan. Hindi sya katulad ng ibang babae na kapag nasaktan ay mananahimik na lang sa isang tabi. Kapag tama ay dapat ipaglaban, bawal magpa api. Nakahanap na ba ng katapat si Stan? Magkakasundo ba ang dalawa kung salungat ang ugali nila? Abangan!!

maria_basa · 若者
レビュー数が足りません
36 Chs

I love you

Alex's POV

"Felix salamat nga pala sa paghatid mo sa akin."

"Wala yun."

"Salamat din sa pagtulong mo sa paghanap ng sing-sing."

"Alexandra, may kasalanan din naman ako eh."

"Tama na ang drama. Sige ingat sa pag-uwi."

Bigla nya akong niyakap.

"Hayy.. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkaibigan na lang tayo."

"Sira." Pabiro ko syang hinampas sa braso.

Pumasok na ako sa loob ng bahay.

Nagulat ako kay Stan na nakaupo sa sofa.

May katabi na mga maleta.

"Stan.."

Tumayo sya. Sabay tingin sa akin.

"Stan, bakit may maleta dito?"

"Pupunta na ako sa States bukas ng umaga."

"What?"

"Why? I set you free. Ipapa ayos ko na lang ang divorce paper kapag sa Attry. ni daddy, perma lang ang gagawin mo."

"S-Stan.. Mali ang pagkakaintindi mo sa amin ni Felix."

"Anong mali sa pagkakaintindi ko? Mali na mas pinili mo si Felix kesa sa akin? Mali na pumunta kayo sa bar na magkasama para ipamukha sa akin na okay na ulit kayo? Mali yung nakita ko na magkayakap kayo?"

"H-Hindi. In the first place naman hindi ako namili eh."

"Hindi?!"

Tumawa sya. Pero alam kong pilit lang yun.

"Alex! Hindi ako tanga para hindi ko maintindihan ang sinabi mo na 'I'm sorry'! Pinuntahan mo si Felix na maayos naman ang itsura!"

Lumungkot yung mukha nya.

Iyak na ako ng iyak. Hindi ko mapigilan yung luha ko.

"I-I'm sorry." Yun lang yung nasabi ko.

"Ganyan! Ganyang-ganyan yung sinabi mo sa akin."

"Stan.."

"Don't worry. Bukas ng umaga hindi mo na ako makikita."

Humiga na sya sa sofa.

Nanlambot yung tuhod ko kaya bumagsak ako sa sahig.

Napabangon naman agad si Stan.

Nanghihina ako. Siguro dahil sa paglalaro ng volleyball kanina.

Iyak pa rin ako ng iyak.

Iniisip ko pa lang na aalis na sya. Hindi ko na kaya.

Nahihirapan na akong huminga. Napahawak ako sa dibdib ko.

Ganito rin yung nangyari sa akin nun nung iniwan ako ni Felix. Mangyayari na naman ba ulit yun?

"Sh*t!"

Narinig kong sabi ni Stan at agad na pumunta ng kitchen.

Pagbalik nya ay may dala na syang tubig. Inalalayan nya ako para makainum.

Naging okay na naman yung paghinga ko. Pero hindi pa rin tumitigil sa pag tulo yung luha ko.

"Sh*t naman Alex! Tumigil ka na sa kakaiyak!"

"H-Hindi.."

Tinignan ko sya sa mata, alalang-alala sya.

"H-Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na mawala ka."

Walang emosyon ang mukha nya. Natatakot ako. Natatakot ako nab aka iwan nya talaga ako.

Lalo akong naiyak.

"Damn!"

Niyakap nya ako ng mahigpit.

Haaah. Farewell Hug na ba to?

"Hush.." Bulong nya sa tenga ko.

"S-Stan.. Hindi totoo na kami ulit ni Felix. Nagkalinawan na kami na hanggang magkaibigan na lang kami. Kasama ko syang pumunta sa bar kasi nagpahatid ako sa kanya, wala na nga akong kotse diba? At yung nakita mo kanina, friendly hug lang yun."

"Ang sakit kasi Alex. Mas pinili mo sya.

"Nataranta na kasi ako nun."

"Ales, alam ko namang mahal mo pa rin si Felix eh. I'm giving you space."

Napabitiw ako sa yakap nya.

Umiling ako.

"N-No. Wag mo akong iwan."

"But why? I'm giving you space so you--"

"Because I love you."

There. Nasabi ko rin. Hooh.

Maya-maya ngumiti sya ng wagas.

"Paki ulit nga."

"A-Ayoko."

"Paki ulit."

"Narinig mo naman eh."

"Ipapa ulit ko ba sayo kung narinig ko na?"

"Ayoko."

"Ayaw mo?"

"Ayoko."

"Edi tuloy ang alis ko bukas."

"Wag."

Hinawakan ko ng mahigpit yung dalawang kamay nya.

"I-I love you." Bulong ko.

"Paki lakas."

"I LOVE YOU."

Ngumiti sya.

"I love you too."

Then he kiss me

.

.

.

.

.

On my forehead.