webnovel

My Baby Maker (MayWard)

I only wanted a baby... But he wanted me and the baby.

walakabampira · セレブリティ
レビュー数が足りません
41 Chs

Baby 28

Dali-dali naman nyang nilapag sa lamesa ang pagkain at saka hinarap ako.

"Hey mommy what's wrong? Nahihilo ka ba ulit?" alalang tanong nya sa akin sabay hawi sa buhok kong nakatabing sa mukha ko dahil nakatungo ako.

I try to mask my emotion before looking at him.

"Okay lang ako...tara kain na tayo!" pilit kong ngiti sa kanya pagkatapos ay umupo na ako.

Sa totoo lang wala na akong gana kumain pero pinilit ko.

I took a huge bite of the sausage na kanina ay gustong-gusto ko.

He looks at me with a worried look on his face.

Pinilit kong lunukin yung sausage.

Shet

Hindi ko na talaga kaya!

Tinakpan ko ang bibig ko at dali-daling tumakbo palapit sa lababo.

Sinuka ko yung kinain ko.

"Arrghhh...."

Naramdaman kong hinahagod ni Dominic ang likod ko.

Nang sa wakas ay tumigil na ang pagbaligtad ng sikmura ko ay nagmumog na ako.

Hinawakan ni Dominic ang buhok ko para hindi mabasa habang naghilamos ako.

"Okay ka na ba? Mabuti pa siguro magpahinga ka na muna." sabay buhat nya sa akin.

Hindi na ako nagprotesta dahil nanghihina pa ako.

"I'll cook you some soup para malamanan ang tiyan mo kahit paano. Hindi pwedeng magutom kayo ni baby." seryosong sabi nya.

I wanted to protest pero nanghihina pa rin ako.

"I'll call Mamu Kai to inform them na next time na lang tayo bibisita sa kanila."

Dahan-dahan nya akong ihiniga sa kama.

Hinaplos nya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.

"Get some rest."

He was about to stand up nang bigla ko syang pigilan.

"Can you stay 'til I fall asleep?" alangan kong tanong sa kanya.

Naguguluhan na rin ako sa kinikilos ko sa totoo lang.

Ayokong masanay sa presensya nya pero ayoko rin naman mawala sya.

Ano ba talaga?

"Forget it!"

Tumalikod na ako sa kanya.

Naramdaman kong tumabi sya sa akin.

Pinaunan nya ako sa braso nya.

Hinawakan ang isang kamay ko at iniyakap sa bewang nya while he intertwined the other one with his and placed it on his chest.

Then just like before, he stroked my hair.

Napangiti ako.

Nang masiguro kong tulog na sya ay saka lang ako dahan-dahan na bumangon at umalis sa kama.

Lumabas ako ng kwarto at tinawagan sila mamu Kai.

Sumagot naman ito agad.

"Hello Mamu? Sorry po, hindi kami matutuloy ni Mary Anne dumalaw sa inyo."

"Sumama po kasi ang pakiramdam nya. Kaya I decided na we'll just stay home."

Home...

I smile at the word.