webnovel

Music Intertwined Us

Two notes, unified by music will find their refuge in one's harmony. - taglish

ink6754 · 若者
レビュー数が足りません
1 Chs

Prologue

"Yes, ma. I'm already here," sagot ko kay mama.

Agad kong pinatay ang cellphone nang makarating kami sa bahay ng kaibigan niya. Inimbita raw ako ng kaibigan niya kasi magkasing-edad kami nung anak niya.

I didn't manage to refuse. Kaibigan daw ni mama ang nag-imbita. Ayoko namang tumangi dahil baka mapagalitan ako.

Tch. No choice.

Pagkababa ko ng kotse, ingay ng banda at karaoke ang agad naririnig ko. Nakaksilaw rin yung mga party lights na nakasabit sa tuktok ng mga poll. Malaki yung bahay at maraming ring tao.

Agad akong napangiti.

May nagd-drum. I think I can borrow it to play. Sa wakas, hindi naman pala ako maboboring dito. Akala ko tipikal na birthday party ang pupuntahan ko, teenager pala ang may birthday, gaya ng sabi ni mama.

Sumakto naman ang suot kong black and white t-shirt na may gothic print at black chain pants, dahil halos lahat ng bisita rito, pang-rakista din ang suot.

'Pang rakista', tawag ni mama sa damit na laging kong sinusuot. Partneran mo pa ng punk bracelet at accessories. Sumakit siguro ang ulo niya pagpunta niya rito. Puro goth ba naman ang bisita eh.

Nang makita ko si mama na lumabas mula sa entrance door, pumasok na ako agad sa loob. Hindi naman kasi porque ka uri ko ang mga bisita rito, magiging maayos rin ang communication namin. Knowing rin na hindi ako magaling makipag-communicate, parang gusto ko nalang magtago. O 'di kaya'y, magpakain sa lupa.

"Here you are, Harmony," Bati ni mama at nakipag beso sa'kin. "Halika rito sa loob, alam kong matutuwa ka 'pag nalaman mo kung sino ang nandito."

I shugged.

Paano naman ako matutuwa, hindi ko naman kilala ang mga nandito. Chances are high that they'll just call me 'emo girl', because of my clothes. Baka mainis pa kamo sila sa asta ko, kung hindi mahina magsalita, onti naman ang sagot.

"Mars, my daughter is here," tawag ni mama sa kumare niya.

Agad naman akong nagulat nang humarap ang babaeng pamilyar sa'kin, at kailanma'y 'di ko malilimutan ang itsura. May hawak pa itong wine at nakangiting humarap sa'kin.

"M-Mommy Karen?" Gulat na sambit ko.

"Oh gosh, ang laki laki mo na, Harmony," bati nito at agad akong niyakap.

Base sa naaalala ko mula pagkabata, si Mommy Karen ang laging kachikahan ni mama na kapitbahay namin. Palagi rin akong pinapapunta sa bahay nila at ginagawang anak-anakan dahil nasa U.S ang anak niya, kasama ang ama niya. 'Yun din ang dahilan kung ba't 'Mommy' ang tawag ko sa kaniya. Pero noong tumungtong ako ng 9 years old, lumipad na siya papuntang states para samahan ang pamilya niya, kaya halos hindi ko na matandaan ang itsura niya. 17 na'ko ngayon, 8 years rin mula noong huli ko siyang makita.

"Ang ganda gandang dalaga ng anak mo, mare!"

"Syempre, mana sa akin."

Haayst, tipikal na usapan ng magkumare.

"Anyways, nandon ang anak ko. Let me introduce you to him. Ooh~ this is gonna be fuuuun!"

Why so excited? And a him?? No please, wala akong balak makipag-usap sa kahit sinong lalaki.

"Ibalik mo ng buhay ang anak ko, mare ha!" Pabiro pa ni mama at nag-tawanan naman sila ni Mommy Karen.

Agad naman akong inakbayan ni Mommy Karen at iginaya papunta kung saan man naroroon ang anak niya.

"Sure ako na magkakasundo kayo ni Chad."

No way.

We're already here. Literally here, in front of his son, pero nakatalikod ito sa amin.

"Chad, son. Come here, I'll introduce you to my kumare's beautiful daughter," tawag ni Mommy Karen sa anak niya.

Just as I thought. Nagka-bugawan pa nga. P'wede namang 'my kumare's daughter' lang, bakit may 'beautiful' pa?

I almost had my jaw dropped when I saw her son pagkaharap nito sa'min. Anghel ba 'to? Nasa langit na ba'ko? Ito na nga ang sinasabi ko eh.

Her son's a 6 footer. Blue ang mga pupils nito at masyadong manly ang dating. Hindi rin ito mataba at 'di rin naman ganoon kapayat, kaya kitang kita ang adam's apple niya. Kasing edad ko lang siya, pero magmumukha siyang kuya ko pag-nagkatabi kami.

He smiled the moment he looked at her Mom and he instantly looked at me. Agad rin naman itong ngumiti sa'kin.

"I'll leave you two, here, okay?"

"B-but," Pagpigil ko.

"No buts, baby." She then tap my head and left.

Nooo! Umayos ka self. He's just a boy. Hindi sya halimaw, okay? Inhale, exhale. Okay.

Kinalma ko ang sarili ko at nginitian rin siya. Just a simple smile, hindi labas ipin at hindi rin pilit na ngiti. Yung sakto lang, parang kopiko brown. Just right. 

"Hey, pretty," He started, slowly walking towards me, making me step backwards.

"Uhmm, hi Chad!" I waved my right hand, then awkwardly smile.

Okay naman na siguro 'yon? Pwede na'kong bumalik sa pwesto nila mama?

Tatalikod na sana ako nang bigla niyang hablutin yung kamay na pinang-wave ko, dahilan para mapa-harap ako sa kanya.

"Come, I'll show you something."

"Ha-" Agad siyang tumakbo sa direksyon ng hagdanan papunta sa second floor, dahilan para mapasabay ako at mapalbilis ang lakad.

"A-anong ipapakita mo, and fyi, I'm just 17. In short, minor. I can't do those adult things, kahit mukha akong matand-"

"HAHAHAHA" Pagtawa niya habang patuloy ang pagtakbo. Nasa second floor na kami ngayon na puno ng mga kwarto.

Hindi pwede 'to.

"Here!" Paghinto nya.

Huminto na rin ako na may halong takot pa. Kung gagawin ko man yung bagay na 'yon, gusto ko naman yung sa mahal ko talaga. Eh hindi ko nga kilala 'to.

"Chad, whatever it is that you are planning to do with me. Hindi ako papayag, may pangarap pa ako."

"What do you mean, Harina?" He chuckled. "May ipapakita ako sa'yo." He then opened the door.

Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa akin ang pang-batang kwarto. Blue-thrmed ang loob neto at puno ng pan-lalaking laruan.

Agad siyang pumunta sa lamesa na tabi ng higaan at may hinilang box sa ilalim non. Nilagay naman niya agad yung box sa taas ng higaan at sunod na binuksan yung ilaw.

"Come here, Harmony." He softly smiled.

My panic turned into curiosity real quick. Ano kayang laman ng box?

Pinagpag niya muna ito at sabay na binuksan. Umupo naman ako sa opposite side ng box.

He then removed the cover, showing all the pictures and enveloped letters inside it.

"Look at all these. I know you'll be here, kaya pinahanap ko kay mama yung mga pictures mo."

"What? How did you know me?"

"Ever since you were a kid, mom never failed to send me letters when we're still in US. Kaya nakikita ko yung pictures mo, at kilala na kita. She always tell me stories about you, kung paano mo siya napapasaya every time namimiss niya ako. Even your whole name, kabisado ko na dahil sa mga letters niya."

"Whaaat? Then why does she have to introduce ourselves?"

"Mom things, you know. I never had a girlfriend. Don't ask wh-"

"Why?" Pangaasar ko.

"I-I'm busy doing my things," He replied, then held his nape.

"Okay." I shrugged.

Naglabas siya ng isang picture, showing  me while eating a chocolate. Ang dungis ng mukha ko, shocks.

"This one made me laugh the most, before. You look funny eating here." Agad siyang natawa ulit.

"Saya mo ah. Parang 'di madungis kumain nung bata." Pagtataray ko.

Kelan ba naging malinis kumain ang mga bata?

"What? I'm not saying anything here." Pag-depensa naman niya.

Napangisi ako, "Happy Birthday, Chad..."

hshshhshshs

Sabay kaming napatingin sa pintuan kung saan nang-gagaling yung kaluskos. Without knowing, nasa labas na pala sila mama at nagpipigil ng tawa.

"You two looked super cute!!! Aaaa. Diba, mare?"

"Sobra mare, bagay na bagay!" Sabat naman ni mama.

What da-fudge? I thought mama doesn't want me to have a boyfriend? Bakit bigla siyang nakisabay kay mommy-ka?

"What are you guys doing here?"

"We were about to call you both for a performance, kaso ang cute niyong dalawa so, nakichika narin kami. Hihi~" Mommy-ka explained.

"What performance, ma?" Chad asked.

"Basta. Tara lets!"

_

"There! Now both of you, step in the center." pagaaya nito sa akin at kay Chad, pero parehas kaming naistatwa sa kinatatayuan namin, "Come on, let us see your talents," pamimilit nito.

"M-mommy-ka nama-"

"Let's go, Harmony. We can't stop them," pigil ni Chad sa'kin at marahang dinala ako sa gita kasama niya.

Nagulat ako nang namatay lahat ng ilaw at tumapat sa amin ang spotlight. Sunod-sunod na tumugtog ang banda na sinabayan ng electric guitar.

It can't be that song.

Napakapit ako ng mahigpit sa mic na nakapuwesto sa unahan namin dahil sa narinig kong intro. Medyo bumibigat rin ang dibdib ko na siyang pinalala ng madilim na paligid.

"You know the song, Harmony?"pabulong na tanong ni Chad.

I nodded while trying to calm myself, dahil maguumpisa na ang kanta. Hindi puwedeng makalimutan ko ang kantang ito. Napakasakit na ala-ala ba naman ang dala nito, eh.

Hinintay naming matapos ang intro at agad na umilaw ang LED lights sa tapat namin. May maliit pang sulat na nakalagay: 1 = boy; 2= girl; 3= duet. Kasabay ng nag-slide na sulat ay ang countdown na nagpapahiwatig na umpisa na ang kanta.

3...

2...

1.

(1) Sandali, 'wag kang mapupuno sa paghihirap

Darating din ang pag-asa mong pinapangarap.

(2) 'Di ba sapat na ika'y mayro'ng pag-ibig

Nasa puso mong hindi maipapalit?

(3) Ika'y ngumiti

Agad na nagpalakpakan ang mga bisita at pinagpatuloy pa namin ang pagsasalitan ng mga liriko. Hindi ko akalain na ganito pala kaganda ang boses ni Chad. And how great to know na tinatangkilik niya ang filipino music kahit na nasa states siya.

Mabilis na nag-beat na ng malakas ang drum kasabay na malakas na tibok ng puso ko dahil sa napakasakit na ala-alang nakakapit sa kantang 'to.

Onti nalang, patapos na 'yung kanta. I thought

Naramdaman kong nakatingin si Chad sa'kin kaya't tumingin rin ako dito at binigyan siya ng ngiti. Hindi ko na naramdaman ang presensiya ng mga bisita at inisip ko nalang na kami lang ni Chad sa venue.

(3) Kung panalangin ko'y 'di marinig

Abutin man ng bawat sandali.

(3) Kailangan kong isigaw, ako'y iyong iyo

Ang dalangin ng puso'y ikaw.

Nagkatinginan kami ni Chad habang nagduduet at nagulat ako dahil ang laki ng ngiti nito ng matapos namin yung verse. Binigyan ko naman siya ng nagtatanong na mukha at agad siyang nagkibit balikat.

Agad siyang lumapit sa akin at tinapik ang balikat ko, "Bagay sa'yo yung pangalan mo."

"H-Ha-" natigilan kami dahil agad kaming tinawag ni Mommy Karen at mama mula sa pintuan ng bahay nila Chad. Agad naman kaming lumapit rito.

"Ang ganda ng boses ninyong dalawa. Sabi ko na, eh, magkakasundo kayo,"kinikilig na sabi ni Mommy Karen at animo'y proud na proud sa aming dalawa.

Hinila naman ako agad ni mama at hinawakan ako sa magkabilang braso. "Mare, why don't we eat? I'm sure, gutom na 'tong dalawang 'to. 'Di ba, Harmony?" Tingin nito sa akin na parang nangungumbinsi.

"Opo, ma," sagot ko at yumuko na lamang habang naglalakad papunta sa lamesa namin. Sabi ko na sinaniban lang ng kabutihan 'to si mama kanina eh. Makisabay ba naman kay mommy-ka, eh alam kong hindi na natutuwa sa mama sa pinapagawa niya. Ikaw ba naman, anak mo tapos makikita mong shiniship ng bestfriend mo, eh ayaw mo ngang pag-jowain. Baka sa akin pa maibuntong ni mama 'yung inis niya eh. Ayaw kasi talaga niyang magka-boyfriend agad ako. Little did she knew, muntik nakong magkaroon. Buti nalang hindi natuloy. Paano, pinagtripan lang pala ako.

Nang matapos kaming kumain, konting paguusap na lamang ang ginawa nila mommy Karen at mama dahil nag-desisyon na si mama na umuwi. Hindi na'ko nakahiram pa ng drumset.

I was to shy to even get away mula sa puwesto ni mama. Baka sabihin naghahanap ako ng jowa, eh. Okay na 'yung pinakanta kami ni mommy Karen. Baka doble dobleng sermon na ang abutin ko kung may kasunod pang pasabog si mommy Karen sa amin eh. Katakot.

Buti nalang at malayo ang tirahan namin, baka araw arawin ang pambubugaw ni mommy Karen sa akin sa anak niyang si Chad.

"Mare, I have a surprise for you. You'll know soon kung ano 'yon." Mommy Karen winked. Lasing na lasing na siguro 'to.

Napatingin ako kay Chad na kakarating palang at pumwesto sa tabi ng mama niya.

"Ingat po kayo," he greeted and smiled widely.

Kahit papaano eh, cute naman siya. What the hell am I saying?

"Thanks, Chad! Ambait talaga ng batang 'to," wika ni mama. "Oh siya, uuwi na kami. Chat chat nalang, mars." Bumeso pa si mama kay Mommy Karen. Napatingin naman ako kay Chad at nakita kong nakatingin rin ito sa akin.

"See you, Harina," he chuckled softly whilst saying the words.

"What?" I mouthed at tinaasan siya ng kilay.

"Nothing, goodbye," pagpapaalam niya at hindi maalis ang pilyong ngiti.

"Whatever." Tinaryan ko siya at nauna nang sumakay sa BMW na dala ni mama. Sumunod naman si mama at nagulat ako ng kumaway sa akin si Chad.

Agad akong napangiti sa 'di alam na kadahilanan at kinawayan rin siya. Pumikit na lamang ako agad at inenjoy ang byahe pauwi.

That's how Chad and I met. That's how our story started. That's where fate decide to intertwine us and never did we knew, it was because of music.

🎶

About the name Chad called Harmony, you'll know soon. Very soon.

★ Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation! ★

ink6754creators' thoughts