webnovel

MULAT (Tagalog Story)

kmarieabella28 · 若者
レビュー数が足りません
18 Chs

Chapter 4

Chapter 4

Pagdating ko sa bahay, walang tao. Nagbabaon kasi ng kanin at ulam sina Mama at Papa sa trabaho nila. Si Kuya wala pa rin pero nabuksan ko naman ang bahay dahil lahat kami ay may kanya-kanyang duplicate ng susi.

Pumunta muna ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Pagkatapos ko magbihis ay dumiretso ako sa kusina para kumuha ng kanin at ulam. Buti na lang at may natira pa kaming pagkain kaninang umaga. Hindi ko na kailangan magluto. Kasya naman pa naman to para sa aming dalawa ni Kuya. Kaya lang baka mamaya pa ang uwi nun kasi baka may training din sila ng basketball.

Nang makakuha ako ng pagkain, pumunta ako sa sala tapos binuksan ko ang t.v, anti-boring na rin.

Pagbukas ng t.v ay saktong may Breaking News

"Megathrone patuloy na nakikilala ng masa dahil sa galing sa pagtugtog at pagkanta. Proud naman ang ama ng leader ng nasabing grupo na si Mayor Reymundo Cariaga sa kanyang anak na si Troy dahil nagagawa nitong pagsabayin ang pag-aaral at pagtugtog. Samantalang ipinagmamalaki naman ni Troy Cariaga ang kanyang ama na kasalukuyang Alcade Mayor ng Sta. Claridel dahil kahit marami raw ginagawa ang kanyang Daddy para mapanatiling maayos ang bayan ng Sta. Claridel ay hindi pa rin ito nawawalan ng oras sa kanilang pamilya." Sabi nung reporter habang nakaflash sa monitor sa likod nya ang picture nina Mayor Reymundo at Troy Cariaga.

Nako! Siguradong nanunuod din ng t.v ngayon si Elle at malamang nangingisay na yun sa kilig ngayon. Idol na idol nya kasi si Troy tsaka crush na crush nya din. Yun kasi ang leader ng favorite boyband nya na Megathrone na konti na lang ay halos sambahin na nya. Anak naman si Troy ng Mayor dito sa lugar namin kaya taga dito lang din sina Troy.

Naghanap ako ng palabas sa ibang channel pero wala akong nagustuhan kaya naman pagkatapos ko kumain ay pinatay ko na yung t.v at hinugasan ko na agad yung pinagkainan ko saka pumunta sa kwarto ko para umidlip muna...

★★★

Nagising ako dahil sa lakas ng ringtone ng cellphone ko... Kinuha ko ito sa ibabaw ng study table na nasa tabi ng kama ko, pagtingin ko tumatawag si Julie.

"Hello?"

[Beeeeeees?! Nasaan ka????!!!]

"Makasigaw ka naman diyan kala mo wala ng bukas. Nandito ako sa bahay. Bakit ba?"

[Magbihis kana. Pupunta kami diyan ngayon, susunduin ka namin. Diba nga sasamahan natin si Elle manood ng show ng idol nya.]

Napabangon ako dahil sa sinabi nya. Halaa! Anong oras na ba. Nawala sa alaala ko na may pupuntahan nga pala kami.

"Sige mag-aayos na ako."

[Okay. Byeeeeeee]

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa c.r saka naghilamos. Pagbalik ko sa kwarto agad akong nagbihis. Black blouse and maong pants ang sinuot ko tapos doll shoes na kulay gray. Naglagay lang ako ng konting powder sa mukha tsaka konting liptint, magmukha lang fresh. Hehe!

Maya-maya pa may narinig akong tumigil na motor sa harap ng bahay namin. Nandyan na sila. Nagmadali akong lumabas ng kwarto dala ang pouch ko. Wala pa rin si Kuya. Dapat nandito na yun dahil 5:00pm na. 3:00pm naman natatapos ang training nila. Baka naglakwartsa pa yun.

Lumabas na ako ng bahay at nilock ang pinto. Nakita ko naman sila na nag-aabang sa may gate namin kaya lumapit ako sa kanila at tiningnan ko kung kaninong motor ang may space pa at pwede angkasan. Tatlo yung dala nilang motor, tig iisa sina Francis, Kinley tsaka Christian.

Napakunot yung noo ko nang makitang kasama pala ni Christian yung girlfriend nya, si Vina. Pero kahit na kasama yung girlfriend ni Christian, nakaangkas pa rin si Elle sa kanya kaya tatlo sila sa motor. Tapos kay Kinley naman nakaangkas si Julie at Alvin. Yung kay Francis lang ang may space.

"Jestine sakay kana dun sa motor ni Francis para solo mo sya. Yiieeeh!" Natawa ako sa sinabi ni Elle. Haha Parang baliw. Ay hindi pala parang, baliw na talaga.

Hindi ko na lang siya pinansan at umangkas na lang ako kay Francis.

"Let's get it on!" Pagsabi nun ni Kinley ay pinaharurot na nila ang mga motor nila papunta sa Sta. Claridel mall kung saan magshoshow ang Megathrone.

Pagdating sa parking lot ng mall bumaba na kami at nagpark na sila ng mga motor nila... Madaming na ring sasakyang ang nakapark. Halatang marami nang tao at gustong makapanood ng performance ng Megathrone. "Bili muna tayo ng makakain para naman may malamon tayo habang nanunood" Sabi ni Alvin. Sumang-ayon naman kaming lahat saka lumabas ng parking lot at naghanap ng tindahan na merong murang pagkain.

"Bes? Akala ko ba hindi ka makakasama?" nagtatakang tanong ko habang nakatingin kay Julie. "Eh kasama sila eh kaya napasama na rin ako. hehe" sagot nya sabay tingin sa mga boys.

"May sasakyan kasi kaya ka sumama. Pero kung wala, asa pang mapilit ka namin. Tamad ka maglakad eh" sagot ni Elle sa kanya. Tumawa na lang si Julie dahil totoo naman ang sinabi ni Elle na tamad sya maglakad.

Tumigil kami sa paglalakad sa harap ng isang food court na kahilera lang ng mall. Binasa nila yung menu na nakalagay sa taas kung anong pwede bilhin at bumili na sila ng mga pagkain nila. Hindi ko naman alam kung anong bibilhin ko.

"Anong gusto mo?" Napalingon ako kay Francis na nasa tabi ko lang pala nang bigla syang magsalita. "Hindi ko nga alam kung anong bibilhin ko eh." tugon ko.

"Pili kana, ako magbabayad." Nagulat ako sa sinabi nya. "Bakit ikaw pa? May pera naman ako eh." Nakakahiya naman kung ililibre nya pa ako. Well, hindi naman kasi talaga kami super close ni Francis kaya nagtaka ako kung bakit nya ako ililibre.

"Sige na ako na bahala. Pumili kana" Napatango na lang ako. Ang hirap talaga tumanggi kapag libre. Haha! Minsan lang may manlibre sakin kaya pumayag na rin ako kahit hindi kami ganun kaclose sa isa't-isa. "Uhm Spicy Cheese Burger na lang." Sabi ko habang nakatingin sa menu.

"Anong gusto mong drinks?" Hala nakakahiya na. Pati drinks ko sagot nya. "Kahit wag na yung drinks. Baka maubusan ka pa ng pera dahil sakin. Hehe" Nahihiyang sagot ko. "Okay lang yun. Ano may napili kana?" Luh! Seryoso talaga sya. Hindi agad ako nakasagot

"Ate dalawang Spicy Cheese Burger tsaka dalawang Shake, mocha flavor" Nagulat ako nung sabihin nya yun kay Ate na nasa loob ng food court. Sya na talaga yung nag-decide eh. Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan na lang sya.

After 10 minutes, okay na yung mga inorder namin. Kinuha na nila yung mga order nila at nagbayad saka naglakad na ulit kami pabalik. Inabot sakin ni Francis yung food na binili nya para sakin. "Uy! Thank you." Ngumiti lang sya at sinimulan na nyang kainin yung pagkain nya.

Pumasok na kami sa loob ng mall pero pagdating namin sa loob, sinabihan kami nung isang staff na ubusin agad yung mga pagkain namin dahil bawal daw kumain habang nagshoshow ang Megathrone. 15 minutes na lang ay magsisimula na yung show kaya binilisan na namin ang pagkain.

Nakaset na sa stage ang mga musical instrument na gagamitin ng grupo mamaya. Nakapwesto sa gitna ang drum set na gagamitin ng drummer, nasa magkabilang gilid naman nakalagay ang dalawang gitara. Nasa kanan ang electric guitar at nasa kaliwa naman ang acoustic guitar na gagamitin ng mga guitarist. Habang nasa bandang harap naman yung stand na pinaglalagyan ng mic.

Madami nang tao dito sa loob ng mall kaya nagkakagipitan na. Naubos na namin yung mga pagkain namin tapos tinapon na agad namin sa basurahan yung mga pinagkaininan namin at sakto namang nagtilian yung mga tao nang makita nilang nasa gilid na ng stage ang grupo ng Megathrone kasama ang kanilang manager, assistant, bouncer at mga staff ng mall.

Halos tumalon naman si Elle dahil sa kilig nang makita nya yung mga idol nya. "Grabeeee! Ang popogi talaga nilaaa!!!"

"Yan ba ang pogi? Eh mas pogi pa ako dyan." Nang-aasar na sabi ni Kinley sabay tingin kay Elle at may papogi sign pa." Sinamaan sya ng tingin ni Elle tapos hinampas ng malakas sa braso. "Ang kapal mo! Eh wala ka pa nga sa kalingkingan ng mga yan." Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Elle.

Sumampa na sa stage ang miyembro ng Megathrone at mas lalo pang lumakas ang sigawan ng mga tao, lalo na ang mga babae dahil sa angking kagwapuhan ng bawat miyembro...

Apat na tao ang bumubuo sa grupo ng Megathrone. Si Troy Cariaga na syang band vocalist ng banda. Si Jason Aranda ang backup vocalist at tumutugtog ng acoustic guitar. Si Michael Villasquez ang lead guitarist at naka-assign sa electric guitar habang si Dominic Maniego naman ang kanilang drummer.

Pumunta na sila sa mga instrument na naka-assign sa kanila. Pagkatapos ay nagsimula na mag-strum ng gitara si Michael na sinundan ng pagkanta ni Troy at sinabayan ng pagtambol ng drum ni Dominic.

"It's My Life"

This ain't a song for the broken-hearted♪

No silent prayer for the faith-departed♪

I ain't gonna be just a face in the crowd♪

You're gonna hear my voice♪

When I shout it out loud.♪

It's my life♪

It's now or never♪

I ain't gonna live forever♪

I just want to live while I'm alive♪

(It's my life)

My heart is like an open highway♪

Like Frankie said♪

I did it my way♪

I just wanna live while I'm alive♪

It's my life♪

Lalong lumakas ang sigawan ng mga tao nung nasa chorus na ang kanta. Ang iba ay sinasabayan pa sa pagkanta si Troy habang ang ilang kababaihan naman ay halos napapatalon na dahil sa kilig. Syempre hindi magpapahuli si Elle at may paminsan ay napapahampas pa sa mga braso namin. #FangirlGoals

This is for the ones who stood their ground

For Tommy and Gina who never backed down♪

Tomorrow's getting harder make no

mistake♪

Luck ain't even lucky♪

Got to make your own breaks.♪

Nagtilian pa lalo ang mga babae dahil bumaba ng stage si Troy at nilapitan nya ang ilang audience na nasa tapat lang ng stage habang kinakanta ang Interlude ng It's my life. Pero nagulat kami nang lumapit sya sa pwesto namin sabay hawak sa kamay ni Elle at hinila ito hanggang sa makaakyat sila ng stage.

Hindi malaman ni Elle ang gagawin dahil sa sobrang kakiligan. Napapatakip pa sya ng mukha nya para itago ang kilig na nararamdaman nya dahil sa ginawa ng idol niya sa kaniya.

Napapangiti na lang ako habang pinapanood sila. Nakakatuwa lang makita dahil ngayon ko lang nakita kung gaano kasaya yung kaibigan ko.

Inabutan sila nung isang staff ng isa pang mic na nasa baba ng stage. Si Troy ang kumuha nun pagkatapos ay binigay niya kay Elle.

It's my life♪

And it's now or never♪

I ain't gonna live forever♪

I just want to live while I'm alive♪

(It's my life)

My heart is like an open highway♪

Like Frankie said♪

I did it my way♪

I just want to live while I'm alive♪

'Cause it's my life...♪

Nagduet si Troy at Elle sa pagkanta habang magkahawak ng kamay. Napansin ko na parang natatawa lang yung mga kaibigan na kasama namin lalo na yung boys. Hindi ko namalayan na nagvivideo na pala si Julie. Vinivideohan nya si Elle at Troy habang masayang kumakanta sa stage.

Better stand tall when they're calling you out.♪

Don't bend, don't break, baby, don't back down.♪

It's my life...♪

And it's now or never♪

'Cause I ain't gonna live forever♪

I just want to live while I'm alive♪

(It's my life)

My heart is like an open highway♪

Like Frankie said♪

I did it my way♪

I just want to live while I'm alive...♪

Hindi na maawat ang sigawan ng mga tao. May kinikilig, may naiinggit at may ilan na nakangiti lang at kalmado habang nanunuod.

It's my life♪

And it's now or never♪

'Cause I ain't gonna live forever♪

I just want to live while I'm alive♪

(It's my life)

My heart is like an open highway♪

Like Frankie said.♪

I did it my way.♪

I just want to live while I'm alive♪

'Cause it's my life!♪

Natapos na yung kanta kaya nabawasan na yung ingay kahit papaano. Medyo tumahimik na rin ang crowd at naghihintay ng sasabihin ni Troy.

"Hi!" Bati ni Troy habang nakatapat sa bibig niya ang mic at nakatingin kay Elle. "Hello" sagot naman ni Elle habang abot hanggang tenga ang ngiti.

"Anong name mo?" Tanong ni Troy sa kanya. "Elle Miranda". Lahat ng tao na nandito sa mall ay nakatingin lang sa kanila.

Ngumiti si Troy ng sabihin ni Elle ang pangalan nya. "Ang ganda pala ng pangalan mo. Kasing ganda mo." Nagtilian na naman ang mga tao dahil sa sinabi ni Troy.

"Maganda ba si Elle?" Nakakunot noong tanong ni Kinley sabay tingin samin. "Ewan ko. Hahaha." Sagot ni Francis habang tumatawa. Napatingin ako sa kaniya pero hindi ko inaasahan na bigla siyang lilingon sa'kin kaya nagtama ang paningin namin dahilan para mapatigil sya sa pagtawa.

Binalik ko na lang ang tingin ko sa stage. Anong meron? Bakit biglang sumeryoso yung itsura nya nung mapatingin siya sa'kin? Siguro iniisip nya na baka hindi ko nagustuhan yung sinabi nila ni Kinley tungkol kay Elle. Alam naman nila na ayaw ko sa mga bully pero naiintindihan ko sila kasi magkakaibigan naman kami at minsan ay ibang klase rin mang-asar at mangbully si Elle.

Maya-maya pa ay nakipagshake si Troy kay Elle bago ito bumaba sa stage. Habol tingin naman sa kanya ang audience hanggang sa makabalik si Elle sa kinaroroonan nya kanina kung saan kami nakapwesto.

"Haba ng hair giiiiirl!" Puri sa kanya ni Julie sabay hawak sa buhok ni Elle. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanila. "Panoorin mo yung video mo. Para kang bulate na binuhusan ng asin. Haha! Julie pakita mo nga." pang-aasar sa kanya ni Alvin. Tumawa naman kami dahil parang biglang nag-iba yung expression ng mukha ni Elle pero halatang natatawa din siya sa sinabi ni Alvin.

Ipiplay na sana ni Julie yung video kaya lang pinigilan sya ni Christian. "Mamaya niyo na panoorin yan pag-uwi, magpeperform na ulit sila." saad ni Christian sabay balik na ng tingin niya sa stage. Tahimik lang naman na nakatayo si Vina sa tabi nya. "Oo nga mamaya na. Yung live muna panoorin natin. Shocks! Ang popogi talaga nila..." hanggang ngayon hindi pa rin mapigilan ni Elle ang kilig...

★★★

Tapos na yung show kaya unti-unti na rin nag-aalisan yung mga tao para umuwi. 11:30pm na pero nandito pa rin kami sa loob ng mall. Actually kanina pang 10:30pm natapos yung show kaso nakipag-siksikan pa si Elle sa mga tao na nagpapapicture dahil gusto niya din magpapicture kasama ang mga idol nya kaya inabot na kami ng isang oras. Buti na lang umuwi na ngayon ang Megathrone dahil dinudumog na talaga sila ng mga fans.

Naglalakad na kami palabas ng mall pero yung mga kasama naming boys hindi maawat sa pangangatyaw kay Elle. "It's my life yung kinanta niya pero nanghila ng babae? Parang hindi bagay. Sana love song na lang kinanta nya." Sabi ni Francis. Hindi ko malaman kung anong personality meron si Francis. Minsan kasi tahimik lang siya, minsan naman ang lakas mang-asar.

"Kaya nga! Bakit ganun noh? Hahaha!" panggagatong ni Kinley. Tahimik lang ako pero natatawa ako sa usapan nila. Mga bully talaga. Tiningnan ko si Elle pero naka pokerface lang sya. "Beshy pasa ko sayo yung video dali!" Excited na sabi Julie tapos inopen nya yung share it app niya. "Ay oo nga pala. Sige receive na ako." Sagot ni Elle habang nakatingin sa phone nya.

Napatigil ako sa paglalakad nang may makita akong bracelet sa sahig. Pinulot ko yun at pinagmasdan. Pambabae ito dahil may maliit na pendant sa gitna na hugis bulaklak tapos silver, mukhang mamahalin.

Pag tingin ko sa paligid, wala na yung mga kaibigan ko. Hindi ko man lang namalayan na naiwan na pala ako kaya dali-dali akong naglakad palabas ng mall para hanapin sila at sa sobrang pagmamadali ko may nabunggo akong isang babae.

Hindi sya gaano katangkaran pero mas mataas siya sakin ng konti. Medyo singkit ang mata, matangos yung ilong tsaka manipis lang yung labi niya. Masasabi kong maganda siya... Nakasuot siya ng black jacket at nasaklob sa ulo niya ang hoodie nito habang nakasuksok naman ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng jacket na suot niya.

Nakatingin lang siya sa'kin at dun ko narealize na hahanapin ko pa nga pala yung mga kaibigan ko. Kaya napabow na lang ako sa harap niya. "Sorry po." pagkatapos ko sabihin yun ay dali-dali na ako naglakad papalayo.

Nasa labas na ako ng mall at naglalakad habang palingon-lingon sa paligid para hanapin yung mga kasama ko. Hindi naman ako nabigo dahil natanaw ko sila na nasa kabilang kalsada kaya naman agad akong tumawid papunta sa kanila. "Uy bes! Saan kaba nagpunta? Bigla kana lang nawala." Nag-aalalang sabi ni Julie nang makita ako. "Babalik sana kami sa loob ng mall para hanapin ka. Buti na lang nahanap mo kami." Sabi naman ni Francis.

"Iniwan niyo kaya ako. Hindi niyo man lang napansin na wala na ako." Nakasimangot kong sagot sa kanila.

"Eh saan kaba kasi galing?" tanong ni Alvin. "Ah may napulot kasi akong bracelet. Hindi ko alam kung kanino." tapos pinakita ko sa kanila yung bracelet na napulot ko. "Maganda ha! Suot mo na lang, bagay sayo." tugon naman ni Christian tapos kinuha niya sa kamay ko yung bracelet at isinuot sa akin. Napatingin ako kay Vina, nakatingin siya sakin. Feeling ko nagseselos siya.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa parking lot kung saan iniwan namin yung mga motor na sinakyan namin kanina papunta dito. October ngayon, ber months na kaya medyo malamig na ang simoy ng hangin. Idagdag pa na mag-aalas dose na rin ng gabi. Marami pang tao na naglalakad sa paligid ng mall. Ang iba ay naghahanap ng mabibilhan ng pagkain samantalang ang karamihan naman ay papunta rin sa parking lot para kunin ang kani-kanilang mga sasakyan na ipinirada nila kanina.

Nakarating na kami sa parking lot at kanya-kanya na kami sumakay sa motor na sinakyan din namin kanina. Kay Francis pa rin ako nakaangkas.

Pinaandar na nila ang mga motor palabas ng parking lot at nung marating na namin ang kalsala, nagtaka kami dahil parang may tinatanaw yung mga tao sa kabilang kanto. May ilan din na parang natatakot. Itinigil muna nila ang mga motor sa gilid ng kalsada.

"Tol tingnan natin" wika ni Christian. Hinampas siya ng mahina ni Vina sa braso. "Ano kaba. Wag na, delikado. Baka kung anong kaguluhan pa ang nangyayari dun." Hindi siya pinansin ni Christian. "Sige tara! Girls dito muna kayo." pag sang-ayon sa kaniya ni Francis.

Medyo kinabahan ako dahil gusto talaga nila malaman kung anong nangyayari sa lugar na yun. Natatakot ako para sa kanila, baka may mangyaring hindi maganda.

Pinatay nila ang mga motor nila saka bumaba. "Uy wag na kayo pumunta. Para kayong sira!" nag-aalalang tugon ni Julie. Pati si Kinley gusto sumama dun sa dalawa. "Basta dyan lang kayo. Babalik kami agad." sagot ni Francis saka tuluyan na silang umalis papunta dun sa mga tao na nakatanaw mula sa di kalayuan para alamin kung anong nanyayari.

Si Alvin lang yung naiwan sa mga boys. Sasama din sana siya pero ayaw siya pasamahin nung tatlo para may bantay daw sa aming mga girls. Para saan pa? Eh mas babae pa yan samin. Hayst!

Tiningnan ko isa-isa sina Julie, Elle, Vina at Alvin. Bakas sa kanilang mga mukha ang kaba at takot dahil sa posibleng mangyari.

Maya-maya pa ay halos manlambot ang tuhod ko at mangiyak kami sa gulat nang may marinig kaming isang malakas na putok ng baril. Parang hindi kalayuan yung pinagmulan ng putok mula sa kinaroroonan namin.

Pati yung mga tao na nasa harap lang ng mall napalingon at napatakbo sa kinaroroonan ng mga taong nasa kabilang kanto.

Bumaba ako sa motor para alamin kung anong nangyari. "Woy saan ka pupunta???" kinakabahang tanong ni Alvin. "Pupuntahan ko sila." Tatakbo na sana ako papunta sa mga taong nagkukumpulan na ngayon pero natanaw ko na tumatakbo na silang tatlo papalapit sa amin.

"Sakay dali! Kailangan natin makaalis agad dito." pagkasabi nun Kinley, dali-dali sumakay sina Christian at Francis sa mga motor nila at agad naman akong umangkas sa likod ni Francis.

Pinaharurot nila ang motor hanggang sa makalayo na kami sa lugar na iyon. "Kina Julie muna tayo tumuloy." saad ni Christian. Halata namang nagulat si Julie sa narinig niya. "Ha? Bakit? Anong gagawin niyo doon?" nagtatakang tanong nya. "Papalipasin lang muna namin ang gulo sa lugar na iyon. Dahil yun lang ang daan pauwi sa mga bahay namin." sagot ni Christian na ang tinutukoy ay bahay niya at bahay nila Elle at Francis.

"Ano bang nangyari?" tanong ko sa kanila. "Pagdating na lang sa bahay nila Julie saka kami magkukwento." tugon ni Francis.

★★★

Pagdating namin sa bahay nila Julie, pinarada na nila ang mga motor nila sa harap ng bahay at saka kami pinatuloy ni Julie sa loob.

"Oh! Bakit ginabi na kayo? Alas dose mahigit na ng gabi ah." tanong agad sa amin ng Tita ni Julie. Ito ang nagpalaki sa kanya kahit hindi niya ito kadugo at hanggang ngayon hindi niya alam kung sino ang totoo niyang magulang.

Isa-isa kaming nagmano kay Tita Lynda bilang respeto. "Ngayon lang kasi natapos yung show Tita tapos nagkasiksikan pa dahil sobrang daming nagpapicture." paliwanag ni Julie.

Tita talaga yung tawag niya dahil lumaki sya sa pag-aakalang tiyahin niya talaga yung nagpalaki sa kanya. Bukod doon, sinabi sa kaniya ni Tita Lynda nung bata pa siya na patay na ang mga magulang niya kaya sa Tita niya siya lumaki para raw hindi masyadong matanong si Julie tungkol sa tatay. Wala kasing asawa si Tita Lynda kaya wala syang maipapakilalang tatay kung sakali.

Pero nung nag-aaral na si Julie at nakakaintindi na, pinaliwanag sa kaniya ni Tita Lynda na ampon lang siya at maging siya ay hindi alam kung sino ang totoong mga magulang ng batang inalagaan at pinalaki nya. "Oh sya! Maiwan ko muna kayo diyan. Ikaw na ang bahala sa mga kaibigan mo Julie." pagkasabi nun ni Tita Lynda ay umalis na siya at nagtungo sa kanyang kwarto. Mukhang naabala namin ang tulog nya.

Natahimik kaming lahat at nagkatinginan. "Oh kwento na." mahinang bulong ni Elle. Nakita kong sinagi ni Kinley si Francis para ipaalam sa amin na ito ang magkukwento.

Napahinga muna ng malamin si Francis bago magsalita. "Naglakad kami papunta sa kumpol ng mga tao sa kabilang kanto. Pagdating namin doon, may sinisilip sila sa madilim na eskinita na sa tingin ko ay daan papunta sa likod ng mall. Alam naman ng karamihan na liblib na lugar na ang likod ng mall na iyon na may malalaking puno at matataas na damo sa paligid. Wala naman kaming nakita sa eskinita na yun dahil sobrang dilim nga. Nagtaka ako at nacurious kung anong meron doon. Kaya nagtanong ako sa isang Ale na sa tingin ko ay kanina pa nandun. Sabi niya, may isang isang lalaki raw na teenager ang nakakita na may isang van ang tumigil sa bukana ng eskinita na iyon at may bumaba na tatlong lalaking nakabonet habang may kinakaladkad na isang babae. Umalis agad yung van na sinakyan nila pagkababa nung apat na tao. Nakita raw nung lalaki na umiiyak yung babae at may mga sugat sa katawan. Halos 30 meters ang layo ng mall sa eskinita kaya hindi masyado matao sa lugar na iyon at medyo madilim kaya kailangan pa tumakbo nung lalaki papunta sa lugar na matao para humingi ng tulong. Hinala nilang lahat na baka gagahasin yung babae. Nang makarating sila sa eskinita, may tatlong lalaking magkakaibigan daw ang pumasok para tulungan yung babae. Pero sampung minuto na ang lumipas simula nung pumasok yung magkakaibigan at hindi pa raw bumabalik. Hanggang sa may narinig na kaming putok ng baril. Sinubukan namin pumasok nina Kinley at Christian sa loob nung eskinita pero hindi pa kami nakakarating sa kalahati, tumatakbo na sila pabalik at sinabihan kami na bumalik na kami dahil may humahabol daw sa kanila. Natakot kami nang sabihin nila yun kaya tumakbo na kami pabalik sa inyo. Hindi namin masyado nakita mukha nila dahil ilaw lang ng cellphone ko ang nagamit namin pang-ilaw. Naiwan kasi nung dalawang kumag yung phone nila sa toolbox ng motor." pagpapatuloy ni Francis.

Pagkatapos niya magkwento, ilang segundo kami natahimik at nagkatinginan. "Buti hindi kayo napahamak." sabi ni Julie.

"Ay! Mabuti pa hinatid niyo na si Jestine pauwi sa kanila dahil siguradong hinahanap na yan." napatingin ako kay Elle dahil sa sinabi niya. At narealize ko na 12midnight na nga pala. Baka nag-aalala na sina Mama, hindi pa naman ako nakapag-paalam kanina.

Nagulat ako nang biglang tumayo si Francis. "Hatid na kita." pagkasabi niya nun, lahat kami napatingin sa kaniya. Pero agad akong napaiwas ng tingin nang biglang siyang lumingon sa'kin.

Tiningnan ko sila at napansin kong parang nang-eechos na yung mga tingin nila. "Uy! Uwi na ako ha! Nag-aalala na parents ko. Ingat kayo sa pag-uwi mamaya." tapos lumabas na ako. Awkward ng mga tingin nila.

Sumunod naman sa'kin si Francis. Pagkarating namin sa labas, sumakay na siya sa motor niya saka ako umangkas tapos pinaandar na niya ito.

"Papagalitan ka ba?" napaisip ako sa tanong niya. "Hindi naman siguro masyado kung mag-eexplain ako." tumango tango lang siya at hindi na umimik. Feeling ko tuloy ang awkward ng atmosphere namin.

Nang makarating kami sa harap ng gate ng bahay namin, bumaba na ako sa motor at nagpasalamat kay Francis sa paghatid sakin. Tumango lang siya saka niya pinaharurot yung motor hanggang sa tuluyan na makaalis.

Pagpasok ko sa may gate, rinig na rinig ko yung sigaw ni Papa. Parang galit na galit kaya dali-dali akong tumakbo papasok ng bahay. Naabutan kong nakaupo si Kuya sa upuan at pinapagalitan ni Papa.

"IKAW?! SAAN KA GALING? BAKIT NGAYON KA LANG? AT BAKIT HINDI KA MAN LANG NAGPAALAM KANINA KUNG SAAN KA PUPUNTA, KAHIT TEXT MAN LANG WALA! TINATAWAGAN KA NAMIN NG MAMA MO, BAKIT HINDI KA SUMASAGOT???!"

Napayuko ako dahil sa kaba nang biglang lumingon sa'kin si Papa. Ibang klase talaga siya magalit, nakakatakot. "M-maingay po kasi kanina. Hindi ko po narinig yung pagring ng cellphone ko. Sinamahan po namin si Elle manood ng show sa mall." mahinang sagot ko.

"SINASABI KO NA NGA BA! SA SUSUNOD PAG-AALIS KAYO MAGPAALAM NAMAN! TINGNAN MO KUYA MO. AT IKAW NAMAN JELO, PASALAMAT KA AT IYAN LANG ANG NATAMO MO!"

Nagtaka ako sa sinabi ni Papa kaya napalingon ako kay Kuya at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko...

Ibig sabihin?...

*★*★*★*★*★*★*★*★*★*★*