Chapter 14
Nagsimula na kaming mag-intindi para sa thesis, ilang araw matapos ibigay sa'min ang groupings.
Ilang araw na rin ang lumipas nang malaman kong may nagliligawan na naman sa barkada namin. Naalala ko tuloy yung time na kinausap ko si Christian tungkol dito.
FLASHBACK
"Hoy hintayin niyo kami ni Jestine. Maglilinis pa kami." sigaw ni Christian sa mga kaibigan naming kalalabas lang ng classroom. Sumenyas naman sila na sa labas na sila maghihintay.
Dahil magkagrupo kami ni Christian sa cleaners, eto na siguro yung pagkakataon para makausap ko siya tungkol kay Elle. Syempre bilang kaibigan, gusto ko rin marinig sa kaniya mimo.
"Bilisan natin maglinis para makauwi na tayo." sabi ko sa mga kaklase ko na kagrupo rin namin ni Christian.
Nagmadali naman sila sa pag-aayos ng mga upuan at pagpunas sa bintana. Si Christian naman ang tagalinis ng blackboard at white board. Pinunasan niya ito ng basang basahan habang ako naman ang taga walis.
Nang matapos kami, pinauna ko na silang lumabas at sinabing ako na lang ang magsasara nitong classroom. Sakto namang itinatago pa lang ni Christian sa cabinet yung basahang ginamit niya kaya naman hinintay ko na siya.
Nung natapos siya, kinuha na niya yung gamit niya saka sumabay sa'kin lumabas ng classroom. Inilock ko muna yung pinto bago kami tuluyang maglakad paalis.
"Kaya pala lagi kayong magkasama. May hidden business kayo." panimula ko. Alam kong alam na niya kung anong ibig kong sabihin.
"Ah yun. Hehe"
"Nakamove on kana siguro sa past mo."
"Syempre ah. Past is past. Hindi na dapat binabalikan."
"Buti nakuha mo yun si Elle. Haha Siguro lagi mong binibigyan yun ng mga merchandise ng idol niya tapos lagi kayong nanunuod ng mga video ng megathrone."
"Eh kapag wala kaming maisip na movie na pwede naming panuorin, yun ang pinapanood namin. Hahaha!"
"Okay 'yan. Atleast alam mo na agad kung anong mga gusto niya na makakapagpasaya sa kaniya. Wag ka lang magseselos kila Troy kasi panigurado mas pipiliin niya yun kesa sa'yo. Haha"
"Yun?! Eh hindi naman siya kilala nun."
"Subukan mong sabihin 'yan sa kaniya. Tingnan natin kung hindi ka mabusted."
"Sa gwapo kong 'to? Mas gwapo pa 'ko dun sa idol niya!"
"Edi siya na lang tanungin mo kung sino mas gwapo sa inyo ni Troy. Hahahaha" hindi ko mapigilang tawanan siya. Taas ng confidence eh.
"Sige mamaya."
"Nga pala. Ingatan mo yun si Elle ha! Bestfriend ko yun. Lagot ka sa'min ni Julie kapag sinaktan mo yun."
"Oo naman. Ako pa. Hindi niya ako iniwan nung mga panahong kailangan ko ng kaibigan. Bakit ko siya iiwan?"
"Aba dapat lang. Naninigurado lang ako kasi kaibigan ko yun."
"Kaibigan mo rin naman ako. Bakit siya lang?"
"Haha Oo nga kaibigan din kita. Ayoko may masaktan kahit isa sa inyo pero syempre si Elle yung babae, natural lang na mas dapat siya yung ingatan."
"Alam ko naman yun. Basta ako bahala sa kaibigan mo. Hindi ko yun pababayaan." tinapik niya ako sa balikat saka humiwalay sa'kin at pumunta kay Elle. Hindi ko namalayang nandito na pala kami sa may gate ng School.
END OF FLASHBACK
"Anong topic natin?"
"Tungkol sa 4P's Program" sagot nung leader namin. Binigyan niya kami ng tig-iisang question na sasagutan namin habang siya yung gumagawa ng Introduction. Eto raw yung mga pwedeng itanong sa'min sa defense. Pwede pa 'tong madagdagan kapag nakapagsurvey na kami. Pinasagot niya lang kaming mga members para may ginagawa kaming lahat.
Lima kami sa grupo at dito sa boarding house ng leader namin naisipan gumawa.
Siniko ko si Elle na nasa tabi ko lang dahil imbes na sagutan yung question na ibinigay sa kaniya, kachat niya si Christian.
"Woy sagutan mo muna 'yan. Anong ginagawa mo?"
"Nagsesearch ako about sa 4P's noh. Bigla lang siyang nagchat."
"Sagutan mo na 'yan. Sayang oras natin."
"Oo wait lang." hindi ko na siya pinakialaman at nagfocus na lang ako sa ginagawa ko.
"Nakakagutom. Bili muna tayo ng meryenda." reklamo ni Jimboy.
"Sige bili ka para may makain tayo." sagot naman ni Hanna. Yung leader namin.
Umalis yung dalawang boys na kagrupo namin para bumili ng meryenda kaya naiwan kaming tatlo nina Elle at Hanna.
May naisulat naman na akong ilang sentence kaya itigil ko muna ang pagsusulat. Kinuha ko ang phone ko.
Ichachat ko sana si Francis. Kakamustahin kung ano nang ginagawa nila pero isang friend request ang bumungad sa'kin.
Gio Bonifacio sent you friend request.
Abaaa! Anong nakain nito.
I-aaccept ko ba or hindi? Hmmm
Sige na nga. Accept ko na. Baka sabihin nun choosy pa ako.
Pagkatapos kong maaccept ang request niya, pumunta ako sa chat list. Ichachat ko dapat si Francis pero hindi siya nakaonline.
Itetext ko na nga lang.
Maglolog-out na sana ako nang biglang tumunog ang messenger. Akala ko si Francis na yung nagchat pero nadismaya ako nang makita ko kung sino. Hays! Sinasabi ko na nga ba.
Gio Bonifacio
'Uy?'
Me:
'Ano na naman?'
Gio Bonifacio
'Wala lang. May sasabihin ako.
Ano namang sasabihin kaya nito? Ewan pero medyo kinabahan ako. Yung parang may hindi ako alam na dapat kong malaman.
Me:
'Ano yun?'
Gio Bonifacio
'Saka ko na pala sasabihin. Mas okay kung sa personal. Kelan ka ba free?'
Me:
'Bakit sa personal pa? Pwede namang ngayon.
Gio Bonifacio
'Basta saka na. Tsk! Wag kang demanding. Sabihan mo'ko kung kelan ka free. Ipapaliwanag ko na rin sa'yo kung bakit ka namin isinali sa grupo tsaka kung ano meaning ng SLBP. Magsasama ako ng ilang member. Don't worry, hindi kami frat.'
Ako pa demanding ha??? Hays! Sana nga hindi sila fraternity dahil kung hindi, isusumbong ko sila kay Papa.
Me:
'Oo na sige na.'
Hindi ko na siya hinintay magreply at inoff ko na ang data ko.
Nagtype na lang ako ng message saka isinend yun kay Francis.
Compose Message
'Kamusta kayo diyan?'
Sent
Nasa bahay din sila ng leader nila. Hindi naman ganun kalayo mula rito kaya anytime pwede ako pumunta sa kanila at pwede rin sila pumunta rito.
After 2minutes, nagvibrate yung phone ko. Nagreply na siya.
Francis
'Okay naman. Kayo diyan?'
Compose Message
'Ayos lang din. Pahinga muna kasi magmemeryenda kami. Haha'
sent
Iniinggit ko siya. Haha
Francis
'Kami nagmemeryenda na. Haha wala kami masyado ginagawa dito. Pa-easy easy lang. Pupunta nga pala kami diyan mamaya. Magpapatulong kami sa inyo.'
Compose Message
'Baka manggugulo. Haha joke'
sent
Francis
'Hindi naman. Grabe ka sa'kin ha!'
'Compose Message
Joke lang eh'
sent
Francis
'Sige na love. Pupunta na kami diyan. Magmeryenda ka ng marami. Bye, iloveyou mwuaaaah :* '
Compose Message
'I love you too. Ingat kayo'
sent
Nasanay na rin ako sa I love you niya. Haha Hindi na ako naiilang eh. Pero kinikilig ako. Waaaahaha
Dumating na yung dalawang kagrupo namin na may dalang meryenda.
"Nakalubong namin sila Luis. Pupunta raw sila dito." sabi ni Jimboy.
"Patulong tayo sa kanila." tugon ni Hanna
"May dala silang pagkain."
"Edi mas maganda. Haha"
"Si Luis ba leader nila?" singit ni Elle.
"Oo."
"Kain na tayo. Hanna pengeng plato." inilabas ni Joseph yung mga pagkain na binili nila. Inabutan naman siya ni Hanna ng isang lalagyan para dun ilagay yung banana cue at kamote cue tsaka lumpia.
"Timplahin mo 'to." inihagis sa'kin ni Jimboy yung isang sachet ng juice.
"May yelo kayo?" tanong ko.
"Bibili pa lang ako diyan sa kabila. Wait lang." tumakbo siya palabas para bumili ng yelo.
"Pitsel oh." inabot sa'kin ni Hanna yung pitsel na may laman ng tubig at sandok kaya naman tinimpla ko na yung juice habang hinihintay yung yelo.
Maya-maya pa dumating na si Jimboy na may dalang yelo. "Bayaran niyo kami mamaya ha!" kinuha ko yung yelo sa kaniya saka inilagay sa pitsel.
"Kain na tayo. Si Elle wag na bigyan. Walang naitulong, puro cellphone."
Dinilaan lang ni Elle si Joseph sabay dampot ng isang lumpia na nasa plato.
Habang kumakain kami, biglang umingay sa labas.
"Andiyan na ata sila." lumabas si Hanna para tingnan yung mga nasa labas at pagbalik niya, kasama na niya yung lima.
"Wooooy! Tamang kain lang. Eto pa." inilapag ni Luis sa lamesa yung mga dala nilang pagkain.
"Hi!" lumapit sa'kin si Francis.
"Hello. May nasimulan na kayo?"
"Wala pa nga. Kaya nga pumunta kami dito."
"Ano ba topic niyo?"
"Tanong mo sa leader namin. Eto ba yung sinasagutan mo?" kinuha niya yung papel na sinusulatan ko kanina at binasa yung sagot ko.
"Oo. Konti pa lang yung sagot ko. Ilang sentence pa lang. Dapat paragraph."
"Bakit may sinasagutan na agad kayo? Hindi pa nga kayo nakakapag-conduct ng interview at survey." singit ni Julie.
"Nagsearch kami kanina about dun sa topic namin. Tapos nag-isip kami ng mga pwedeng itanong ng panel. Para ready na kami kung anong isasagot."
"Magaling. Haha! Hoy gawa rin tayo ng ganyan." sabi ni Luis sa mga kagrupo niya.
"Isip ka muna ng topic natin." sabat ni Francis
"May topic na tayo. About sa flood."
"Ah oo nga pala."
"Mamaya bibigyan ko rin kayo ng tanong. Kaye magsearch ka nga about sa topic natin. Tsaka manuod tayo ng mga defense sa youtube." utos ni Luis sa mga kagrupo niya.
"Mga gaya-gaya." reklamo ni Jimboy.
"Uy magandang tanong yung paano magiging reliable yung thesis natin. Malamang itatanong yun ng panel."
"Binasa mo lang yung nasa papel ko eh." inagaw ko kay Francis yung papel ko na hawak niya.
"Oo nga. Haha ano pa magandang tanong?"
"Wala na. Mag-isip kayo ng inyo." sabat naman ni Elle.
"Tulungan nga eh. Dali na. Uy ano pa tanong niyo diyan." pangungulit ni Luis sa'min.
"Maghanap na lang kayo sa internet."
"Kain muna tayo."
"Pagtugtog kayo. May dala kaming speaker." kinuha ni Kaye yung speaker sa bag niya.
"Sige akina."
Kinuha ni Joseph kay Kaye yung speaker at nagconnect sa bluetooth.
Playing: Sa ngalan ng Pag-ibig - December Avenue
Hanggang kailan, ako maghihintay na para bang wala nang papalit sa'yo♪ Nasan ka man, sigaw ng puso ko'y ikaw hanggang ngayon♪
Oh wooh♪♪♪
Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa'yong ngiti♪ Isang umagang di ka nagbalik.♪
Gumising ka at nang makita mo, ang tamis ng sandali.♪ Ang kahapong di magbabalik.♪
Sinabayan naming lahat ang kanta kaya sobrang ingay na namin ngayon dahil nasa sampu rin kami.
Hanggang sa dulo ng walang hanggan.♪ Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman.♪
Kahit matapos ang magpakailan pa man.♪ Ako'y maghihintay, sa ngalan ng pag-ibig.♪
"Wooooh ooooh!" sigawan ng mga boys na mas nakadagdag sa ingay. Kasama na dun si Francis. Ayaw din paawat eh. Haha
Hanggang kailan ako maghihintay, na para bang walang iba sa piling mo.♪ Nasan ka man, sigaw ng puso ko ay ang pangalan mo. Oh woooh♪♪♪
Kung sana lamang ay nakita mo, ang lungkot sa'yong ngiti.♪ Isang umagang di ka nagbalik.♪
Gumising ka at nang makita mo, ang tamis ng sandali.♪ Nang kahapong di magbabalik...♪♪♪
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan.♪ Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman.♪
Kahit matapos ang magpakailan pa man, ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig.♪♪♪
"Ang ingay natin, baka magalit yung ibang nakaboard dito." hindi nila ako pinansin. Tuloy tuloy lang sila sa pagkanta.
"Tayo lang naman ang tao dito. Umalis sila." si Hanna lang ata yung nakarinig sa'kin.
Natapos na yung kanta kaya medyo nabawasan na yung ingay.
Nasa likod kami ng boarding house ni Hanna kung saan may malaking space kaya hindi naman kami siksikan kahit pa marami kami. Mahaba naman yung mesa tsaka maraming monobloc chair.
Katabi ko si Francis habang nasa kabilang tabi ko naman si Elle na katabi na ngayon si Julie sa kabila niya.
"May couple pala tayong kasama." napatingin ako kay Arnold na nakatingin na pala saming dalawa ni Francis habang ngumunguya ng tinapay at may hawak na isang baso ng juice.
"Oo nga. Yiiiiiiiieeeeee"
"Kaya pala nagyaya ka pumunta rito. May pupuntahan ka. Letsugas" binatukan ni Luis si Francis kaya hindi namin napigilang tumawa.
"Hahaha! Anong sabi mo kanina? Magpapatulong kayo?" tinanguan lang ako ni Francis na natatawa na rin.
"Hindi naman kayo susunod sa'kin kung sasabihin kong may pupuntahan ako dito."
"Para-paraan!"
"Hahahahaha"
"Uy! Haha kelan pa? Kelan pa?" sabat ni Kaye.
"Secret." sagot naman ni Francis.
"First day ng second sem." si Elle na yung sumagot.
Teka, hindi ako makasingit sa usapan nila eh.
"Stay strong paree" lumapit si Jimboy kay Francis saka hinawakan ang ulo nito at kinalog kalog. Haha siraulo.
"Oo na! Oo na. Tsk" reklamo ni Francis habang inilalayo niya sa kaniya yung kamay ni Jimboy.
"Appreciate my stay strong before it turns to magbibreak din kayo."
"Oh lumayas ka sa paningin ko." sagot naman si Francis kaya nagtawanan kaming lahat.
"HAHAHAHAHAHAHA"
"Sungit ng boyfriend mo Jestine."
"Haha. Yaan niyo siya diyan."
Napansin kong parang hindi nakikisali si Julie sa pang-aasar. Nagcecellphone lang siya. Nagcecellphone din naman si Elle pero nakikisabat din siya minsan.
Sinilip ko kung anong ginagawa ni Elle. At ayun, kachat pa rin si Christian.
"Nung last week ko pa alam yun. Nakita ko sa Facebook." singit naman ni Joseph.
"Kaya nga. Hindi updated si Arnold."
"Edi kayo na updated. Basta ako kakain lang dito." nang maubos ni Arnold yung juice na iniinom niya, nagsalin naman siya ng coke na dala rin nila.
"Kain ng kain, hindi naman tumataba." hindi pinansin ni Arnold si Elle na sa cellphone lang nakatingin.
"Uy, diba nakulong na yung vice mayor natin?" pag-iiba ni Hanna sa usapan.
"Ayan na naman Hanna eh, politiko na naman." reklamo ni Luis.
"Kaya nga, siguro may balak 'yan tumakbong Presidente." dagdag ni Jimboy.
Sa aming magkakaklase, si Hanna yung mahilig sa mga ganyang topic. Bukod sa siya yung top 1 ng klase, updated siya sa lahat ng nangyayari sa lugar namin. Kung hindi ako nagkakamali, parang buong Pilipinas nga ata alam niya ang mga kaganapan eh lalo na sa Politiko.
"Hindi kasi! Tss. Nagtataka lang ako, bakit sinasayang nila yung opportunity na dapat sila yung dahilan ng pag-unlad ng isang bayan, sila pa yung sumisira ng image ng bayan nila. Katulad na lang yung Mayor ng Calauan diba? Napanood ko yun sa youtube eh."
"Hindi kami interesado sa mga ganyan." walang ganang sagot ni Kaye.
"Gusto niya kasi ipaglaban ang bayan sa mga mapang-abusong opisyal." sabi naman ni Joseph kaya nagtawanan silang lahat. Pero hindi ako nakitawa sa kanila.
Opisyal din ang tatay ko pero alam kong hindi siya katulad ng iba.
"Talaga! Handa ako lumaban para sa bayan."
"Kahit buhay mo handa mo ialay para sa bayan?"
"Oo naman syempre. Papatunayan kong kabataan ang pag-asa ng bayan."
"Naks!"
"Palibhasa kayo wala kayong pakealam." hindi naman pagalit yung tono niya pero seryoso si Hanna sa sinabi niya.
Ang weird naman niya.
"Hindi naman sa wala kaming pakealam. Haha. Syempre, anong malay namin diyan. Problema na ng gobyerno 'yan." saad naman ni Francis kaya napalingon ako sa kaniya.
"Bakit kayo ganyan? Hindi talaga kayo interesado. Kahit pa isa yun sa dahilan kung bakit hindi umuunlad ang bansa natin." sagot ni Hanna kay Francis.
"Taong bayan din kaya." banat ulit ni Francis
"Yun na nga! Walang kwentang namumuno tapos sabayan pa ng mga taong bayan na wala ring pakealam. Puro lang reklamo ang alam. Bulok na sistema." iiling-iling na sabi ni Hanna.
Walang sumagot sa kaniya at tanging music lang na nagpiplay sa speaker ang maingay.
"Tapos na ata kayo kumain eh. Gawa na ulit tayo." tumayo si Elle at inalis ang mga nakakalat na pagkain sa harap niya saka umupo ulit at muling nag-isip ng isusulat sa kaniyang papel.
"Oo nga, tayo ang mabubulok kung wala tayong thesis." dagdag ni Joseph.
"Ewan ko sa inyo." sagot ni Hanna habang kumakain pa rin.
"Ikaw anong gagawin mo?" tanong ko kay Francis nang lingunin ko siya.
"Magsisearch lang ako." kinuha niya sa bulsa niya ang kaniyang phone at naghanap ng information tungkol sa topic nila. Pinanuod ko lang siya sa ginagawa niya.
"Kumain ka muna diyan. Wala kapa atang nakakain." mahinang sabi niya nang hindi lumilingon sa'kin.
"Meron naman na."
"Oh kumain ka ulit."
Hindi ko na tiningnan kung anong ginagawa niya. Inubos ko na lang yung kinakain ko saka kinuha ulit yung papel ko na sinusulatan ko kanina.
"Kilala niyo ba yung babaeng narape?" singit ulit ni Hanna.
"Hay nako Hanna, andami daming problemang pwedeng problemahin, 'yan talaga pinoproblema mo?" reklamo ni Kaye.
"At anong problema niyo??? Lovelife? Pang-ayos sa mukha? Gabi-gabi, bago matulog iisipin muna kung anong magandang porma ang isusuot kinabukasan, kaninong bahay pwede mag-inuman? Pwede tumambay? Paano makikisabay sa mga challenge na nauuso sa social media?! Tigilan niyo nga ako." padabog na umupo si Hanna sa kaniyang upuan.
"Tama na ah! Gawa na tayo ng thesis." nababagot na sabat ni Francis.
"Oo na nga!!! Bilisan niyo para makagawa na tayo."
Lumipas ang oras. Napansin kong marami rami na rin ang naisulat ni Hanna at Luis. Habang yung iba, parang nainip na sa ginagawa nila kaya natulog na lang, pati si Francis nakatulog na rin sa tabi ko. Si Julie at Elle naman nagsusulat pa.
Anim na lang kaming gising. Si Julie at Elle yung nagsusulat ng mga information na nahahanap ni Arnold sa internet. Habang gumagawa naman ng Introduction yung dalawang leader.
Medyo nakaramdam na rin ako ng antok kaya tumungo na rin ako sa lamesa, gusto ko matulog.
★★★
"Uy? Tara na." naramdaman kong may tumatapik sa may likuran ko at pag-angat ko ng tingin, nakita kong nagliligpit na sila ng mga gamit nila. Nasa tabi ko pa rin si Francis, inaayos na niya yung gamit ko. Siya siguro yung gumising sa'kin.
Sumandal lang ako sa upuan at pinagmasdan sila sa ginagawa nila. Inaantok pa kasi ako. Gising na silang lahat, ako ata yung huling gumising.
"Uwi na tayo. Hatid na kita sa inyo para dun kana matulog." tumayo na ako kahit napapapikit pa ako.
"Una na kami." paalam ni Francis sa mga kaklase namin saka nauna nang lumabas. Siya na yung nagdala ng bag ko.
"Sige ingat kayo." sumunod na rin sa'min si Elle at Julie.
"Antok kapa noh?" biglang sumulpot si Julie sa tabi ko na inakbayan pa ako.
"Sobra." wala gana kong sagot.
"Pag-uwi mo matulog ka kaagad."
"Oo nga kaya bilisan na natin at naghihintay na yung isa sa labas."
Nang makalabas kami, nakita namin si Francis na kausap si Christian.
"Oh andito ka pala." gulat na sabi ni Julie.
"Alangan. Ako pa!"
"Sabay kana sa'min Julie." yaya ni Elle kay Julie.
"Sige. Pero wait lang, bakit ka nandito?"
"Syempre may sinusundo." ako na yung sumagot sa tanong ni Julie. Medyo nawala yung antok ko dahil magkatabi na ngayon si Elle at Christian. Hahaha! Wala lang. Nacucutan ako sa kanila eh.
"Ay oo nga pala. Sana sa'kin din may sumusundo."
"Darating din yung para sa'yo." tinapik ko si Julie sa balikat saka ako ngumiti sa kaniya.
"Oo nga. Tara na."
"Mukhang naiinip na si Christian kaya tara na." sumakay na sila sa motor.
"Una na kami ha. Ingat kayong dalawa." paalam ni Elle na kumakaway pa. Tumango lang sa amin si Christian saka pinaandar na ang motor niya paalis.
"Ingat!" pahabol ko pa.
"Akala ko ba inaantok kapa? Bakit pangiti ngiti ka diyan?"
"Cute kasi nung dalawa. Hehe"
"Mas cute ka."
"Ano?"
"Wala. Haha Tara na nga." sumakay na si Francis sa motor kaya umangkas na rin ako.
"Saan tayo?"
"Uuwi na. Ihahatid kita sa inyo. Saan mo pa ba gusto pumunta?"
"Wala naman."
Pinaandar na niya yung motor.
"Gala tayo bukas." naisipan ko lang yayain siya. Gusto ko rin yayain yung iba pa naming kaibigan. Namimiss ko nang gumala na kumpleto kami. Sabado naman bukas eh. Walang pasok.
"Saan tayo ng pupunta?"
"Kahit saan. Sa beach kaya? Siguro naman wala tayong gagawin bukas. Gumawa na tayo ngayon eh."
"Ay oo nga. Hindi pa tayo nakapagbeach."
Maya-maya pa, nakarating na kami sa tapat ng bahay namin kaya bumaba na ako.
"Salamat ha. Mag-iingat ka pauwi tsaka sabihan mo rin sila na magbebeach tayo bukas."
"Lika dito."
"Bakit?"
"Basta lumapit ka." lumapit ako sa kaniya.
"Bakit ba?" hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at...
Hinalikan niya ako sa noo saka niyakap.
"Love you." bulong niya sa may tenga ko. Pinilit kong wag mahiya para hindi maawkward. Nakasakay pa rin siya sa motor kaya ako na yung lumayo dahil alam kong hirap na siya sa pwesto niya.
"I love you too"
Pinitik niya ako sa noo saka tumawa. "Sige na pumasok kana. Oh bag mo." iniabot niya sa akin yung bag ko.
"Sige. Bye. Ingat ka" kumaway ako sa kaniya. Ngumiti lang siya saka tuluyan nang umalis.
Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa kwarto. Parang biglang bumalik yung antok ko nung nakita ko yung kama ko.
Nagbihis muna ako ng pambahay na damit saka humiga sa kama at natulog.
★★★
Nagising ako dahil sa sunod-sunod na pagring ng cellphone ko. Hinila ko yung bag ko na nasa baba lang ng kama saka kinuha ang phone ko na sa bulsa lang nakalagay. Sinagot ko ang tawag.
"Hello?"
[Love? Mukhang hindi tayo matutuloy bukas. Marami raw silang gagawin.]
"Sayang naman. Sige next time na lang."
[Sabi ko nga eh. Teka, kagigising mo lang?]
"Oo eh. Haha Inantok ulit ako pagpasok ko dito sa kwarto."
[Nagising pala kita. Sorry]
"Okay lang. Magdidinner naman na. Babangon na rin ako."
[Ah sige. Magdinner kana. Mamaya na lang ulit ako tatawag.]
"Sige. Magdinner kana rin. Love you."
[Yiiiieeee. Hahaha Love you too.]
"Hehehe." pinilit kong makitawa sa kaniya kahit pumipikit pa yung mata ko. Inaantok pa kasi ako.
Pinatay na niya yung tawag. Wala pa akong ganang tumayo kaya kahit gusto ko na maghapunan, natulog na lang ulit ako
Kaya lang bigla kong naalala yung sinabi ni Gio kanina. Makikipagkita kaya ako sa kanila? Ano bang meron sa mga yun?. Pwede naman kasing sa chat na lang sabihin kung ano mang sasabihin niya, hindi pa sinabi. Nakakaasar! At kelan naman kaya ako makikipagkita. Hays! Bahala na nga. Bukas ko na iisipin.
*★*★*★*★*★*★*★*★*★*★*
(This chapter is dedicated to All Grade 12 Students na naexperience na gumawa ng thesis. Hindi ko na matandaan kung before sem break or after sem break binibigay ang thesis. Pero dahil fiction lang naman ito, okay na 'yan atleast may thesis sila. Hahahaha!)
Featured Song: Sa ngalan ng pag-ibig - December Avenue