webnovel

MULAT (Tagalog Story)

kmarieabella28 · 若者
レビュー数が足りません
18 Chs

Chapter 13

Chapter 13

"Ayan luto na ang adobo. Pwede na tayo kumain." masayang sabi ni Julie pagkatapos niyang tikman yung adobong niluluto namin.

"Sakto luto na rin yung kanin." tinanggal ko na yung saksak ng rice cooker nila. Kumuha na rin ako ng plato at nagsandok ng kanin. Ilang minuto na lang at 11:30 na kaya maglulunch na rin kami.

Saktong namang pumasok si tita Lynda. "Tita kain na po." yaya ko kay Tita Lynda.

"Sige, sandali magtitimpla lang ako ng juice."

Naglagay na rin ako ng mga plato at kutsara sa lamesa habang nagsasandok naman si Julie ng ulam.

Nang matapos magtimpla si Tita Lynda ng juice, nagsimula na rin kaming kumain at habang kumakain, nagkwentuhan kami tungkol sa mga bagay na pinagkakaabalahan namin ni Julie maliban sa School. Kinamusta rin ni Tita ang pag-aaral namin.

Mabilis na lumipas ang oras at natapos na kami kumain. Tinulungan ko si Julie na magligpit ng pinagkainan namin pati na rin sa pagpupunas ng lamesa.

Nang matapos ang lahat ng gawain namin sa kusina, umakyat kami ni Julie sa second floor nila at tumambay muna sa veranda para magpalipas ng oras. Natatanaw mula rito ang gate nila hanggang sa may kalsada.

Nagkwentuhan lang kami saglit hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako.

★★★

Nagising ako dahil sa malakas na hangin na tumatama sa mukha ko. Napabalikwas ako nang maalala kong may pasok pa nga pala kami. Wala si Julie, malamang nag-aayos na yun. Anong oras na ba?

Naghanap ako ng wall clock sa paligid pero wala akong makita kaya hinanap ko na lang ang cellphone ko sa bag... Tiningnan ko ang oras at 1:30pm na pala.

Tumayo na ako para mag-ayos ng sarili, sakto namang lumabas na rin si Julie mula sa kwarto niya.

"Tara, maghilamos muna tayo." sumunod naman ako sa kaniya.

Pagpasok namin sa c.r, nauna na siyang maghilamos, sumunod naman ako.

"Eto pulbo, tsaka blush on at liptint. Para maganda tayo. Haha" naglagay siya sa mukha.

"Kahit pulbo na lang. Haha! Hindi ako sanay sa blush on na 'yan." kinuha ko yung pulbo at yun na lang ang inilagay ko sa mukha ko. Naglagay din ako ng liptint pero konti lang saka ko sinuklayan ang buhok ko.

Nauna akong natapos sa kaniya kaya naghintay pa ako ng hindi naman ganun katagal. Saglit lang.

"Tara na, baka malate tayo."

Lumabas na kami sa c.r saka pumunta sa veranda para kunin yung mga bag namin.

Nagpaalam muna kami kay Tita Lynda bago umalis. Naglakad na lang ulit kami ni Julie dahil hindi naman ganun kalayo yung School namin.

"Kapag niloko ka niyang boyfriend mo, sumbong mo sa'kin ha. Uumbagin ko. Haha"

"Harsh mo naman bes. Haha pero sige. Isusumbong ko sa'yo."

"Dapat ako unang makakaalam para masampolan ko agad." ipinakita niya pa ang kamao niya.

"Talaga lang na gagawin mo yun ha! Hahahaha"

"Wala ka atang bilib sa'kin eh."

"Meron naman syempre. Ikaw pa." inakbayan ko siya habang nagtatawanan kami.

Ilang minuto pa kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa School.

Saktong nagbell na nung makapasok kami sa gate kaya nagmadali na kaming maglakad ni Julie dahil baka andiyan na yung teacher namin, inalis ko na rin ang pagkakaakbay ko sa kaniya para mas mabilis kami makarating sa classroom. Halos lakad takbo na ang ginawa namin.

Pagdating namin sa room, nakahinga kami ng maluwag dahil wala pang teacher. Nakita ko agad si Francis sa upuan niya at sumenyas pa sa'kin na tumabi sa kaniya kaya agad naman akong lumapit.

"Muntik kana malate."

"Atleast muntik lang" umupo na ako sa upuan na nasa tabi niya pagkatapos kong mailapag yung bag ko.

"Hindi mo hinubad 'yang uniform mo noh." napatingin ako sa uniform ko at nakita ko ang mga maliliit na talsik ng tubig, medyo may basa pala. Siguro dahil sa paghihilamos ko kanina.

"Wala naman akong baong damit eh."

"Next time magbaon ka kahit isang T-shirt lang. O baka gusto mong ako pa magdala ng t-shirt para sa'yo? Yung damit ko ang isuot mo." hindi ko alam kung seryoso 'to sa sinasabi niya o nagbibiro lang.

"Oo na. Magdadala na ako bukas" hindi na siya sumagot dahil dumating na yung teacher namin.

Bigla ko tuloy naisip kung sino ang nakaupo dito sa upuang inuupuan ko. Hindi naman kasi ako dito nakaupo. Actually mga boys na nga ang halos nakaupo sa part na 'to. Or baka wala talagang nakaupo rito kasi wala namang nagpapaalis sa'kin.

Hindi ko na inisip yun at nakinig na lang sa discussion.

★★★

Kinagabihan.

Wala akong ibang maisip na gawin maliban sa itext or tawagan si Francis pero dahil may ginagawa raw siya ngayon, inayos ko na lang lahat ng gamit ko sa School. Sinagutan ang mga assignments at activities.

Oo na, isa ako sa kabataan na last priority ang pag-aaral. Haha joke. Balak ko kasi asikasuhin ang mga school works ko bago ako matulog. Maaga pa naman kasi kaya hindi ko pa sana gagawin 'to pero dahil wala naman akong ibang gagawin pa, ginawa ko na rin habang naghihintay na maluto yung dinner namin.

Baka ito rin ang ginagawa ni Francis ngayon. Bukas daw pala sasabihin yung groupings para sa thesis. Kaya siguro binigyan na kami ng mga gawain ngayon para hindi na sumabay sa thesis.

Inilista ko lahat ang activity na ibigay sa amin saka isa-isang sinagutan iyon.

Halos isa't kalahating oras din ang lumipas bago ko natapos yung mga gawain ko at dahil napagod ako magsulat, hindi ko napigilang humiga sa kama.

Kinapa ko ang cellphone ko na nasa kama lang din saka nag-open ng Facebook.

Scroll up...

Scroll up...

Sa kalagitnaan ng pagtingin ko sa iba't-ibang post na nakikita ko sa Facebook, biglang may nagpop-up na notification.

Jepoy Bautista invited you to this group (SLBP)

Ano naman kaya 'tong SLBP na 'to. Gusto ko sanang iignore pero hindi ko alam kung bakit parang may nagtutulak sa'kin na magjoin.

Pero nakakacurious kung anong meron sa group na yun... Tiningnan ko kung anong mga nakapost pero wala akong nakita. Mukhang private group.

Bahala na nga. Kahit hindi ko alam kung anong meron dito, inaccept ko pa rin yung invite kahit hindi ko rin kilala kung sino yung nag-invite.

Sunod kong tiningnan yung wall nung Jepoy Bautista. Wala akong ibang nakita kundi puro mga shared post at memes. Napaisip tuloy ako kung paano ko naging friend 'to.

Wala namang something interesting sa wall niya kaya bumalik na lang ulit ako sa group na ngayon ay kasali na ako dahil kaagad na inapproved ng admin yung request ko ilang minuto ang lumipas pagkatapos kong magjoin.

Tiningnan ko kung anong mga nakapost sa group na 'to para malaman ko kung anong klaseng group yung sinalihan ko.

Sa pagscroll ko, nakita ko ang ilan sa mga post tungkol sa mga samahang lumaban sa pamahalaan ng Pilipinas mula sa panahon ng mga kastila hanggang sa kasalukuyan.

'Ang Katipunan ay isang lihim na samahan na kumakalaban sa pamahalaang Kastila na sumakop sa Pilipinas---'

Hindi ko na binasa ng buo yung article about sa KKK at nagscroll na lang ulit ako para maghanap ng ibang post.

'Ang Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon) na binubuo ng pangkat ng mga gerilyang may pagkiling sa kominismo, ay isa pang pamana ng digmaan na naging malaking sagabal sa pambansang kaunlarang pang ekonomiko.'

Ano bang group 'to?

Nagscroll ulit ako hanggang sa may nakita akong post na sa tingin ko ay admin ng group na 'to yung nagpost.

CAN DIDA

'Hello sa mga new members'

Just now

Lalampasan ko na sana ang post na yun nang biglang may nagpop-up na naman na notification.

'Jepoy Bautista mentioned you in a comment'

Pinindot ko yun at medyo nagtaka pa ako nang mabasa ko ulit yung post nung Candida at nakita ko sa comment box yung comment nung Jepoy kung saan nakamention ang panglan ko kasama ng iba pang mga pangalan. Dahil curious ako sa group na 'to, nagcomment na ako.

Jestine Francisco

Para saan po ang pag-invite niyo sa'kin dito?'

Wala pang 2mins nung may nagreply na sa comment ko.

CAN DIDA

For emergency. I know anak ka ni Kap :)

Ano naman sa kaniya kung anak ako ng Kapitan? Dahil nagtataka ako, nireplayan ko rin siya.

Jestine Francisco

Oo nga po pero ano naman po kung anak ako ni Kap?

Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi na siya nagreply.

Bigla namang umingay ang messenger ko, parang andaming nagchachat. Kanina pa naman 'to maingay dahil alam kong nagkukwentuhan yung mga kaibigan ko sa gc namin pero parang mas umingay ngayon. Maya-maya ang pagtunog ng messenger eh.

Tiningnan ko kung anong meron at ganun na lang ang pagtataka ko nang makita ko ang isang group chat na hindi ko naman sinalihan.

Inopen ko yung bagong gc para tingnan kung sinong nag-add sa'kin at kung bakit nila ako sinali dito.

SLBP

Jepoy Bautista

'Nainvite ko na Master'

Master

'Good'

Master added you to the group

Gio Bonifacio

'Another member na naman'

Bub Boy

'@Gio, may bago kana namang kukulitin? Haha'

Master

'Tigilan niyo 'yan'

J E L A Y

'lwelcome natin siya'

Master

'Mabuti pa 'yan jelay'

Sino naman 'tong master na 'to? Pinindot ko ang icon ng account niya tsaka view profile. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang yung CAN DIDA pala yun. Master lang yung nickname niya sa gc.

Mukhang siya yung leader ng group na yun. Magandang babae siya. Parang nakita ko na, di ko lang alam kung kelan at saan.

Hindi na napigilang magtanong. Sobrang curious na talaga ako.

Me:

'Hello po. Bakit niyo po ako isinali dito?'

Master

'For emergency.'

Me:

'Po?'

Master

'Alam kong anak ka ni Kap at alam ko ring hindi siya gaya ng ibang nasa posisyon. If you know what I mean. Pwede mo kaming lapitan in case na magkaproblema.'

Hindi ko pa rin siya magets. Nagsend na lang ako ng smiley emoticon kahit di ko alam mga pinagsasabi niya.

Tiningnan ko yung gc ng tropa namin, andami nilang pinag-uusapan pero hindi ko na nagawang makisali dahil inaabangan ko kung anong mga pag-uusapan sa SLBP.

Teka, ano bang meaning ng SLBP na yun?

Bumalik ulit ako sa gc. Itatanong ko sana kung ano ibig-sabihin nun pero napukaw yung atensyon ko sa pangalang Gio Bonifacio. May bago siyang chat dun sa group chat.

Gio Bonifacio

'Yow! Jestine???'

Gio? Pamilyar din ang pangalan na yun. Saan ko nga ba narinig yun?

Hmmmm

Alam ko na! Siya yung lalaking nakita ko sa mall na naglalaro ng pokemon go. At siya rin yung nakita namin ni Elle nung bumili kami ng meryenda nung time na tumambay kami sa Plaza.

Gio Bonifacio... Siya nga yun. Mukhang may sasabihin siya kaya nagreply ulit ako dun sa gc.

Me:

'Bakit po?'

Gio Bonifacio

'Ah wala lang. Haha welcome to our group.'

Me:

'Thanks'

Gio Bonifacio

'Kung balak mong makipagfriends sa'kin, okay lang.'

Whuuuuuuut???

Siya 'tong unang kumausap sa'kin tapos ako pa may balak makipagfriends? Feeling...

J E L A Y

'Tinotopak kana naman Gio'

Gio Bonifacio

'I'm just telling the truth'

Siraulo pala mga tao dito eh. Hays!

Me:

'@Gio_ Wala akong interes sa'yo. Sorry'

Jepoy Bautista

'Wooooooh! Bars.'

Master

'Nakahanap ng katapat ang lintek'

Henry Navarro

'Hahaha. Jestine, ingat ka diyan kay Gio'

Master

'Baka si Gio ang dapat mag-ingat?'

Mikay Bustamante

'Matira matibay na lang po siguro master. Haha'

Mukhang gang ata ang grupong 'to ah. Dapat naba akong mag-leave?

Me:

'Ay hindi po ako nakikipag-away'

Gio Bonifacio

'At sino namang may sabing makikipag-away ako sa'yo?'

Abaaaaaa!

Me:

'@Gio_ Ikaw ba kausap ko?'

Kiko Olivar

'Another Baaaaaaaaaaars! Hahaha'

Hindi ko alam pero bigla akong natawa. Haha ang sarap pala mambara. Mukhang mag-eenoy ako sa Gio na 'to. Siya pa lang ang unang taong nagparealize sa'kin na may ganitong ugali pala ako.

Gio Bonifacio

'Eh sino ba kausap mo?'

Me:

'Sino ba sa tingin mo?'

Gio Bonifacio

'Ewan ko sa'yo.'

Ano ka ngayon. Hahahaha!

Me:

'Ewan ko rin sa'yo.'

Gio Bonifacio

'Aba pumapalag. Tekaaa.'

Me:

'Anoooo!'

Ano naman kayang gagawin nito? Haha Sige lang.

Hinintay ko ang reply niya. Mukhang nag-iisip pa ang mokong. Hindi pa siya nagrereply nang biglang may kumatok sa pinto.

"Hoy kakain na!" sigaw ni Kuya. Iniwan ko muna ang phone ko sa kama saka lumabas. Siguro pagbalik ko may reply na ang Gio na yun.

Pagdating ko sa kusina, kumakain na sila. Umupo na rin ako sa tabi ni Mama saka nagsandok ng pagkain ko.

"Kamusta naman kayong dalawa?" tanong ni Papa sabay subo ng kanin.

"Okay pa naman Pa. Ewan ko lang yung isa diyan" inunahan pa akong sumagot ni Kuya. Talaga naman!

"Okay lang po ako. Si Kuya po yung mukhang kailangan ng check up."

"Hahaha. Kayo talagang magkapatid." singit ni Mama.

"Kapatid ko pala 'yan?" kunwaring tanong ni Kuya sabay inom ng tubig. Sinipa ko yung binti niya sa ilalim ng lamesa dahilan para muntik na niyang maibuga yung tubig na iniinom niya.

"Hahaha buti nga sa'yo."

"Kumain muna kayo. Mamaya na ang kulitan." saway sa'min ni Papa kaya tumigil na ako at ipinagpatuloy na lang ulit yung pagkain ko. Hindi na rin nakaimik si Kuya. Haha

Nang matapos kami kumain, niligpit ko na yung mga pinagkainan namin. As usual, hindi na naman ako tinulungan nung magaling kong Kuya. Sumunod na siya kila Mama sa salas.

Binilisan ko ang pag-liligpit dahil excited akong makipag-asaran ulit sa Gio na yun.

Nung natapos na ako, dali-dali akong bumalik sa kwarto at kinuha yung phone ko. May tatlong missed call si Francis...

Hinayaan ko na lang dahil alam kong tatawag naman ulit yun.

Binalikan ko yung gc ng SLBP para tingnan kung anong reply ni Gio.

Gio Bonifacio

'Akala mo naman may kakampi ka. huh!'

Gio Bonifacio

'Oh nasan kana?'

Gio Bonifacio

'Woy Jestine'

Gio Bonifacio

'Natakot na ata. Haha'

Gio Bonifacio

'Nagtago na. Booooo!!!'

Siraulo pala talaga 'to eh. Haha Wala nang pumansin sa kaniya dahil sineen lang siya nung mga members... Mareplayan nga.

Me:

'Sino namang nagsabing takot ako sa'yo?'

Gio Bonifacio

'Eh bakit nawala ka?'

Hindi pa lumilipas ang 1 minute, may reply na agad siya. Bilis ah!

Me:

'Wala kana dun. Haha Wag mo sabihing hinihintay mo'ko?'

Haha natatawa ako sa sinabi ko. Ano kayang sasabihin nun?

Gio Bonifacio

'Yak! Assuming'

Me:

'Mas assuming ka!'

Naisip kong humiga sa kama habang nakikipagbarahan kay Gio. Mas komportable eh. Hehe

Parang kaming dalawa lang ni Gio yung maingay sa gc. Hindi nagchachat yung ibang members. Maingay din yung gc ng barkada namin pero wala dun yung interest ko.

Gio Bonifacio

'Iniisip mong hinihintay kita? Sino ngayon sa'tin ang assuming?'

Me:

'Sus, kaya pala tinadtad mo ng chat 'tong gc nung hindi na ako nagreply.'

Gio Bonifacio

'So anong gusto mong palabasin?'

Aba! Talagang palaban ang isang 'to. Haha Parang babae amp.

Me:

'Na mayabang ka.'

Gio Bonifacio

'Alam mo, may araw ka rin sa'kin.'

Me:

'Gabi na.'

Gio Bonifacio

'Ang sabi ko araw. Hindi gabi.'

Me:

'And so?'

Gio Bonifacio

'So ka rin!'

Me:

'Bakla!'

Gio Bonifacio

'ANOOOOOOOOOO???'

Jepoy Bautista

'Bakla ka pala eh. Hahaha'

Mikay Bustamante

'Ay bading.'

J E L A Y

'Haha. Master, mukhang may kailangang umamin'

Master

'Aamin din 'yan. Haha'

Pati yung ibang members na seener kanina, nakisali na rin sa pang-aasar ko kay Gio hanggang sa naramdaman ko na lang na unti-unti nang pumipikit ng kusa yung mata ko.

★★★

"Woy!!! Gising na. Malelate kana!"

Napabalikwas ako dahil sa ingay ni Kuya na halos gibain na yung pinto ng kwarto ko. Anong oras na ba?

Kinapa ko ang phone ko para tingnan kung anong oras na...

Hayst! Lowbat. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kagabi habang hawak ang cellphone. Hindi ko tuloy naicharge.

Nagmadali na akong kumilos saka agad na naligo at nag-ayos. Nakabihis na rin si Kuya at kumakain na ng breakfast.

"Oh? Nalate ka ng gising. Bilisan mo na lang kumain para hindi ka malate sa School." ginawa ko yung sinabi ni Mama. Nagmadali akong kumain dahil 30minutes na lang, late na ako.

★★★

Hindi pa man ako nakakapasok sa classroom rinig ko na ang asaran at tawanan ng mga kaibigan ko. Mukhang wala pa yung adviser namin.

Pagpasok ko ng classroom, agad akong lumapit sa kanila. "Anong meron?" tanong ko kay Francis sabay upo sa tabi niya.

Wala pa ngang teacher, kaya siguro nagtatawanan lang sila habang nagkukwentuhan naman yung iba naming mga kaklase.

"Bakit hindi mo sinagot yung tawag ko kagabi? Hindi ka rin nagtext." imbes na sagutin yung tanong ko, sinagot niya ako ng isa pang tanong. Napakamot na lang ako sa ulo ko bago sumagot sa kaniya.

"Ah kumakain kasi ako nung tumawag ka. Nasa kwarto yung phone ko kaya hindi ko narinig na nagring."

Tumango tango lang siya saka ibinaling ang tingin kina Elle at Christian na parehas namumula ang mukha. Baka silang dalawa yung pinagtatawanan nila kanina pa.

"Sabi ko na nga tama ako eh." sabi ni Francis habang nakatingin pa rin dun sa dalawa. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Tama? Ang alin?" tumingin ulit siya saka ngumiti ng todo.

"Nililigawan na ni Christian si Elle. Sabi sa'yo eh. Haha"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko, hindi ko rin napigilang mapatakip ng bibig. Totoo ba yun???

"Really?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango lang ulit siya saka ako tinawanan kaya hinampas ko siya sa balikat.

"Niloloko mo lang ata ako eh!"

"Hindi ah. Haha totoo yun."

"Eh bakit ka tumatawa???"

"Yung reaction mo kasi. Haha"

"Tsk. Sige nga. Kelan pa???"

"Kagabi. Hindi kaba nagbabasa ng mga chat sa gc natin? Hay naku! Hindi ka tuloy updated."

Ah kaya siguro maingay yung gc kagabi. Yun ang pinag-uusapan nila.

"Eh kasi, may nag-invite sa'kin sa isang group tapos inadd ako sa gc nila kahit hindi naman ako sumasali."

Tumigil siya sa pagtawa at sumeryoso ang ang mukha. "Anong group?"

"Ewan, SLBP yung nakalagay. Nakalimutan ko itanong kung anong meaning nun."

"Baka delikado 'yan ha!"

"Hmm hindi naman siguro. Mukha naman silang mabait."

Ewan ko lang dun sa Bonifacio. Hahaha

"Sino namang mga kasali dun? Kilala mo ba?"

"Hindi nga eh. Pero taga rito lang din sila sa lugar natin. Kilala nga si Papa eh."

"Ah baka fans. Haha"

"Ewan ko. Haha"

Napatigil kami ni Francis sa pagtawa nang mapansin naming pumunta sa harapan yung class president namin habang hawak ang isang piraso ng papel.

"Guys, nandito na yung groupings para sa thesis natin. Hanapin niyo na lang mga pangalan niyo kung saang grupo kayo." iniwan niya sa mesa yung hawak niyang papel kanina saka bumalik na ulit sa upuan niya.

Pumunta na rin yung iba naming mga kaklase sa unahan para hanapin yung mga pangalan nila. Tumayo na rin kami ni Francis saka tiningnan kung anong group kami.

"Anong group ako?" tanong ni Francis habang hinahanap yung pangalan niya sa papel. Hindi ako makasingit dahil nagsisiksikan na sila.

"Group 1 ako. 4 ka." sabi ni Francis matapos tingnan yung listahan.

"Hindi tayo magkagroup." malungkot na sabi ko.

"Yaan mo na. Magkikita pa rin naman tayo."

"Oo nga. Pero iba pa rin kung magkasama tayo sa isang grupo."

"Edi dun ka sa adviser natin magreklamo. Haha sabihin pa nun, mabuti nga at may kagrupo kapa."

"Hayst. Nakakaasar." nakasimangot akong bumalik sa upuan ko.

"Anong group kayo? Group 4 ako." sabi ni Elle nang makalapit sa'min.

"Yun naman pala eh, kagrupo mo si Elle." sabat naman ni Francis.

"Group4 ka rin? Waaaah" masayang sabi ni Elle sabay apir sa'kin. Masaya naman ako dahil may kaibigan ako sa grupo namin sa thesis pero mas masaya pa rin kung kagrupo ko si Francis.

"Sila anong group?" tanong ko kay Elle.

"Group 1 si Julie, si Kinley group 2, si Alvin group 3 tapos group 5 si Christian."

Napangiti ako ng malapad nang may maalala ako.

"Speaking of Christian, nililigawan kana raw???"

Napaiwas siya ng tingin habang nagpipigil ng ngiti kaya sinundot ko siya sa tigiliran niya.

"Ano ba! Hahaha oo na!"

"Hindi ka nagsasabi."

"Hoy kung active ka lang kagabi sa gc natin, edi sana alam mo!"

"Congrats na nga lang. Yiiiiieee!"

"Enebe. Haha"

"Hindi bagay. Haha"

"Hay ewan sa'yo." bumalik na siya sa upuan niya dahil andiyan na yung adviser namin.

"Good Morning Class. Sorry late ako. Please take your seat." nagsibalikan na sa kaniya kaniyang mga upuan yung mga kaklase namin dahil magsisimula na ang discussion.

Mamaya ko na lang kakausapin si Christian tungkol sa kanila ni Elle. Umayos na ako ng upo at nakinig sa lesson.

*★*★*★*★*★*★*★*★*★*★*