webnovel
#ROMANCE
#COMEDY
#FAMILY
#TAGALOG

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · ティーン
レビュー数が足りません
463 Chs
#ROMANCE
#COMEDY
#FAMILY
#TAGALOG

Kabanata 8

Kinagabihan,

Kelly: Andito na po ako...

"Eh? Bakit walang nasagot?"

Nagtungo siya sa sala pero walang tao doon kaya nagpunta siya sa dining area "Oh, andine pala kayo...Ha? Miss Buntis?" Aniya.

"Ms. Kelly!"

"Magkakilala kayo?" Sabi nila Kian.

Keith: Kakilala mo si Faith babysis?

Faith: Babysis?

Keith: Oo bunso namin siyang kapatid.

Kelly: He---hello po nice to meet you po ulit.

Kian: Halika kumain ka na ba?

Kelly: Di pa kuya.

Kevin: Bakit late ka na naman?

Kim: Oo nga kahapon ganoon din.

Kelly: Ayos lang yan kasabay ko naman si Vince tsaka wag nga kayong ano diyan may bisita eh. Anyways, ate Faith tama po?

Faith: Ah...O---oo Faith Nicole Cuenca yan ang full name ko.

Kelly: Ohh...Ako naman po si Kelly Ann Marie or Kelly well, sila kuya po Kellang minsan tawag. Sigh...

Kian: Sus...ano naman?

Kelly: So? Kailan po ang kasal?

Faith: Ka---kasal?

Keith: Ah...ano kasi.

Faith: Sorry pero kailangan ko ng umalis pasenya ka na Kelly dear.

Tumayo na sya "Pe—pero ate gabi na hayaan niyo ihatid kayo ni kuya Keith."

Faith: Hindi na kaya ko naman.

Siniko ni Kim si Keith "Ha---hatid na kita."

Faith: AYOKO NGA SABE!!!

Nagulat ang magkakapatid kaya tumakbo nalang papalabas si Faith "Kuya, sundan mo baka mapano yon."Ang sabi ni Kevin.

Keith: Ha? O---oo sige.

Pero pinigilan siya ni Kelly "Ako na..."

Keith: Pero Bunso.

Kelly: Diyan na muna kayo.

Keith: Pe---pero...

Kian: Hayaan mo na.

Kelly: Ako ng bahala kuya.

At nung papaalis na si Kelly "Bunso!"

Kelly: Um?

Keith: Salamat.

Kelly: Tsss...bakla.

At tuluyan na siyang umalis "Ano daw?"Sabi ni Keith.

"Bakla ka raw!" Anila.

Keith: KELLANG!!!

Samantala,

Nagaabang parin si Faith ng masasakyan sa may gilid ng bahay nila Kelly "Anu ba yan, bakit walang nadaang sasakyan naman dine?" Aniya.

Bigla namang sumulpot si Kelly na may dalang sombrero "Bundok kasi dine ate."

Faith: Kelly?

Kelly: Hello.

Faith: Pumasok ka na di ka pa naghahapunan,

Inabot ni Kelly yung dala niyang sombrero "Eh?"

Kelly: Suot mo di dapat nalalamigan ang mga buntis.

Faith: Sa---Salamat.

Kelly: Gaano na kayo katagal magkakilala ni kuya Keith?

Faith: Ha?

Kelly: Alam nyo po si kuya Keith di yon nagdadala ng girlfriend dito samin.

Faith: Oh? Ganun ba pero di naman niya ako girlfriend.

Hinawakan ni Kelly ang mga kamay ni Faith "Alam mo ate ngayon ko lang nakitang alalang-alala si kuya Keith sa babae bukod samin ni mama kaya sana bigyan mo siya ng pagkakataong bumawi sa inyong dalawa ni baby."

Faith: Pero ayokong ipilit ang sarili ko sa taong ayaw naman sakin tsaka sabi niya gusto niya raw muna makasigurado kung siya nga ang tatay nireng dinadala ko pero sigurado akong siya talaga dahil...

Kelly: Dahil?

Bumulong si Faith at sinabing "Dahil virgin pa ako nun."

Natameme at natulala si Kelly "Beh? A---ayos ka lang?"

Kelly: Po? A---ano hindi po kasi ako sanay sa ganyang usapan kaya medyo...alam niyo na awkward.

Faith: Ohh...sorry..

Kelly: Pero ayos lang para saking future pamangkin.

Faith: Salamat.

Niyakap siya ni Kelly at nagulat ito "Ayos lang yan ate kung kailangan mo ng kausap tawagan mo lang ako at darating ako at kung awayin ka naman ni kuya Keith akong bahala lagot siya sakin."

Niyakap niya rin si Kelly at napangiti at sinabing "Maraming salamat Kelly."

Kelly: Nako...tama na nga po yan baka magkaiyakan pa po tayo dine eh.

Faith: Hehe...oo nga...

Kelly: Tara na po?

Faith: Saan?

Kelly: Dito ka na po matulog tabi tayo.

Faith: Pe---pero...

Hinila na siya ng dahan dahan ni Kelly at napilitan na rin si Faith na pumasok "Pero nakakahiya sa mga kuya mo."

Kelly: Ayos lang po yan di naman na kayo iba eh akong bahala.

Faith: O---okay.

Makalipas ang isang oras,

Sa kwarto ni Kelly "Sige ate maupo ka muna kuha lang ako ng susuotin mo."Aniya.

Faith: Salamat.

Kelly: Wag ka na pong mahiya ayos lang yan sooner or later magiging family na po tayo.

Faith: Salamat.

Lumapit si Kelly habang dala-dala niya yung damit at naupo sa tabi ni Faith "Kanina ka pa po pasalamat ng pasalamat sige ka sisingilin ko na kayo mahal ang talent fee ko. Hehehe..."

Napaluha si Faith "Ang bait bait mo kasi sakin kahit ngayon mo palang naman ako nakita."

Kelly: Eh? Hala ate wag kang umiyak baka kala ni future pamangkin ang bully ng tita niya.

Habang pinupunas ni Faith ang mga luha niya "Hehe...ganito nga siguro kapag buntis nagiging emosyonal."

Kelly: Sige po magbihis ka na eto na po muna ang isuot mo para makapag pahinga ka na po.

Niyakap siya ni Faith "Last na toh salamat ulit ha?"

Kelly: Opo walang anuman sige na po bihis ka na baba lang po muna ako.

Faith: Okay...

Sa Sala,

Kevin: Ibang klase talaga si babysis lodi ko na siya ngayon.

Kim: Well, girl's instinct bro.

Kevin: Yeah...

Kian: Oh? Ikaw naman tukmol ayos ka lang? Bakit kanina ka pa di nagsasalita diyan?

Nakatulala si Keith at di na kibo "Mukhang di pa nagsisink in yung reality na sya talaga yung tatay nung baby." Sabi ni Kevin

Kim: Huh! Buang talaga ikaw yung lalaki bro di mo naalala ang mga pangyayare noong gabing yon?

Kian: Kim! Marinig ka ni Kelly.

Kim: Sorry bro.

Kevin: Pero curious ako ano kaya ang naging reaksyon ni Kellang? Ahahaha...panigurado nung sinabi yun ni ate Faith about sa "virgin thing" natulala rin siya yan gaya ng isang yan.

Kian: Shhh...Kevin naman! Para kayong mga walang pinagaralan eh kung nandito si mama magagalit yun sa mga sinasabi niyong ganyan masyadong bulgar.

Kevin: Okay...okay...sorry na.

Limang buwan ang nakararaan,

Posturang postura si Keith "Kuya? May lakad ka?" Ang sabi ni Kelly habang nanonood ng tv sa sala at nakain ng cookie.

Keith: Oo baby eh may alumni kami kaya ikaw lang muna ang maiiwan dine ngayong gabi

Kelly: Eh? Kasama rin sila kuya Kian?

At sunod-sunod na yung tatlo na bumaba "Eh? Ang daya bakit di niyo ako isasama?"

Kevin: Bakit? Doon ka ba nag highschool sa paaralan namin?

Kelly: Ang daya! Kuya Kian...

Kian: Sigh...sabi ko naman sainyo mga bro maiwan nalang ako walang kasama si Kelly sa bahay.

Kim: Pero bro, yung batch nyo ang host ngayon at President ka pa nakakahiya naman.

Kian: Sigh...

Keith: Pero wag kang mag-alala babysis uuwi naman kami agad eh di nalang namin tatapusin ang program.

Kelly: Tsk...okay lang natext ko na si Vince.

Kevin: Ay iba! Nagawa mo na agad yon?

Kelly: Of course para saan pa at nag I.T ako...Bleeeh...ge maaari na kayo umalis mamaya lang eh andine na si Vince.

Kim: Ikaw talagang bata ka.

Kian: Sigurado ka bang ayos lang na umalis kami?

Kelly: Oo nga kuya sige na baka malate pa kayo mag enjoy kayo ah?

Keith: Okay...don't worry papasalubungan ka namin ng...

"Egg pie." Anila.

Kelly: Ayos samahan niyo na rin naman ng chicharon. Hehehehe...

Kevin: Tsss...tumigil ka! Kaya tumataas yang cholesterol mo kahit bata ka palang highblood ka na.

Kelly: Tsk...ang kj naman kapiraso lang eh.

Kian: Sige...sige...basta wag na wag kang mag bubukas ng pinto basta-basta okay?

Kelly: Sir, Yes Sir.

Kim: Tawagan mo agad si Vince para sure kang sya nga yon.

Kelly: Yes boss.

Keith: Ingat ka dine ha?

Kelly: Opo.

Kevin: Wag mong ubusin ang icecream sa fridge ha?! Baka ubuhin ka na naman dahil diyan sa kasibaan mo.

Kelly: Tsss...oo na kuya...ge na alis na kayo and have fun.

At isa-isa na siyang hinalikan ng mga kuya niya sa noo "Sige, alis na kami."Anila.

Kelly: Okay po ingat kayo.

Makalipas ang ilang oras,

Keith: Mga pare tagay pa.

"Pre tama na lasing ka na."Si Lino ang matalik na kaibigan ni Keith na isang accountant.

Keith: Dude sinong lashing?

"Nga naman, kahit kailan talaga goodboy ireng si Lino." Si Jim isa sa mga kaklase nila noong highschool.

Keith: Sandali lang mag ccr lang ako mga brad.

Pasuray-suray si Keith ng tumayo "Brad, ano ayos ka lang ba?" Ang sabi ni Lino.

Keith: Oo brad sige...inom ka leng jen...

Lino: Bahala ka nga.

Iniwan na nga sila ni Keith at noong papunta sya sa c.r may nakabanggaan siyang isang babae "Aww...Sir? Ayos ka lang ba?" At isa sa mga coordinator ng event ng alumni nila si Faith.

Keith: Syempre ...sinong lashing? Ikaw ata miss ganda eh.

Faith: Sigh...ang bigat.

Keith: Sino? Alam mo bang may 6packs abs ako kaya mabigat talaga ako.

Faith: Hambog!

Keith: Ano? Oo handsome talaga ako bukod sa macho ko.

Faith: Ano? Lasing na binge pa.

Wala ng kibo si Keith "Mister??? Mister??? Putek! Nakatulog na ata ang mayabang nare."

Dinala niya sa isang tabi si Keith at pinaupo "Keith?" Ang sabi ni Lino?

Paglingon ni Faith "Lino?"

Lino: Faith? Bakit ka nandine? Alumnae ka rin ba dine?

Faith: Ha? Nako hindi isa lang ako sa mga coordinator dine sa venue.

Lino: Ohh...kaya pala di ko maalalang naging kaklase ka namin.

Faith: Anyways, kilala mo ba siya?

Lino: Ah...oo kaibigan ko yang bangag na yan.

Faith: Sige iwanan ko na siya sayo.

Lino: Ah...Oo.

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts