Lumipas ang ilang mga araw gang sa dumating na ang kaarawan ng bunsong anak nila Keith na si Ellion o kung tawagin nila ay Elli o minsan Baby El na nag didiwang ng ika dalawang taong gulang at patuloy na umasa ang pamilya Dela Cruz na magpapakita na sa kanila si Kemwell.
"Bunso, you okay?" Ang sabi ni Jules kay Kelly na nasa balcony ng venue kung san gaganapin ang birthday party ni Elli.
"Um. Kanina ka pa dyan kuya?"
Sumandal naman sa may bakal kung san naka sandal rin si Kelly at tinitignan ang kalangitan.
"Masaya sa baba bakit nandito ka?"
"Hmm?"
"May problema ka ba? You can tell me remember I'm your brother."
"Silly, how many times do you need to remind me na you're my brother ha kuya? Hahaha…"
"Kung kailangan aaraw arawin ko."
"Hahaha… baliw eh."
"Pakiramdam ko kasi ako nalang kila kuya at kay Julian ang hindi mo close."
"Eh? How do you say so?"
"Ehhh… kasi napansin ko kapag kausap mo sila kuya o yang kuya Julian mo ang saya-saya mo tapos pag ako parang na iwas ka. Nakakatakot ba ko?"
"Hahaha… kuya parang ewan syempre hindi, bakit naman kasi ako matatakot sayo? Siguro ikaw??"
"A—Ako?"
"See, nauutal ka."
"No—No! You startled me kaya I'm nauutal."
"Hahahaha… para kang si ate Wendy kung mag salita taglish parati. Ganyan ba pag lumaki sa ibang bansa?"
"Babysis! Don't say that lumaki man o hindi sa Pinas ganito na ko."
"Hahaha…. Okay. Okay chill…hahaha…."
"Ahm… by the way, what I said earlier is true kung gusto mo ng kausap andito lang din ako para sayo. Alam ko nito lang naging okay ang Dela Cruz siblings pero matagal naman na ko nag iintay na makausap ka at makilala pa."
"Ako? Bakit naman?"
"Nung nalaman ko kasing may babaeng anak si daddy nakaramdam ako ng selos sayo pero eventually nung sinabi sakin ni Julian na ang bait at ang caring mo gusto rin kitang makilala nun. Yun nga lang na una ang inggit ko na hindi ko na namalayan na naging sanhi na pala ang pagka galit ko sa inyo nila kuya."
Kelly approached her brother and put her head into Jules shoulder "don't worry kuya I'm still your baby sister and you're my youngest big brother. Chill, ako lang to."
Jules smiled and put his head into Kelly's head to show his sympathy "yah… I will be your big bro no matter what."
Hindi alam nung dalawa nakatingin sa kanila si Julian ng palihim at bigla namang dumating si Kian "bakit hindi mo sila lapitan?"
"Ku—Kuya…"
"Mukhang kanina ka pa dyan nakamasid ah bakit hindi ka lumapit sa kanila?"
"Ah…hindi na kuya natutuwa lang akong okay sila."
"Yah… nga pala nabanggit sakin ni Jules na ipinanahap mo si daddy?"
"A—Ano kasi kuya…"
"Don't worry ayos lang alam kong hindi naman kayo makakatiis at bilang sundalo ka gagamitin mo ang connection mo kaya ayos lang alam kong kahit di sabihin ni Kelly ipinahahanap nya din si daddy."
"Pero sabi nya sakin di na daw kailangan yon kaya sa tingin ko hindi nya ipinahahanap si daddy."
"Ohhh… siguro nga pero kilala ko yang si Kelly kapag may gusto yang makuha gagawin nya kahit ano. Pero sa pagkakataon ngayon, hindi ko malaman kung ano ang nasa isip nya."
"Kung ano man yun kuya… sa ika papanatag naman siguro yun ng kalooban nya."
Samantala sa baba busy sila Faith para sa mamayang birthday party ni Baby El…
"Oo ate paki nalang siguro dyan sa gitna maganda yung cake ano?" Ang tanong ni Faith kay Rica na may dalang cake.
"Oo maganda para center of attraction ang ganda ng decoration mo eh parang gusto ko rin sa bday ni Jacob car ang theme."
"Ah… nako, ayaw nya yan ang sabi sakin ni Jacob pag nag birthday sya gusto nya eh simpleng cake lang na rainbow dedication cake lang."
"Ra—Rainbow cake?"
"Um. Uso yun ngayong mga panahon eh simple pero rock."
"Ohhh… pero bakit rainbow yung gusto nya?"
"Hehe… hindi ko alam siguro para unique? Lam nyo naman yung batang yon gusto parati kakaiba sya."
"Sabagay pero bakit kaya rainbow?"
"Hahaha…iniisip mo bang may something? Nako, ate wala straight yang si Jacob may nililigawan na nga sya eh."
"ANO?!"
"Hahaha… chill ka lang puppy love lang naman yun."
"Pe—Pero bakit, ang bata nya pa! Sandali nga nasan ba yung batang yun? JACOB!!!"
Nasa labas naman at busy si Jacob kasama ang tito Patrick nya na nag aayos ng mga palaro.
"Babyboy mukhang tawag ka sa loob."
"Hmm? Ako po? Parang wala naman akong narinig."
"Ikaw bata ka. Sige na ako na dine palayok nalang naman itong itatali ko."
"Okay, kayo pong bahala pero pwede po bang mag tanong?"
"Go ahead."
"Bakit po tayo ang gumagawa nito? Hindi po ba sila ate Wena eh kasambahay nyo? Bakit nakaupo lang sila dun?"
Napatingin naman si Patrick sa kaliwang side kung saan nakaupo at nag rerelax lang ang Santos angels (kasambahay).
"Ahh…ayos lang yun minsan lang naman ang ganitong okasyon at sabi ng tita Kelly mo rest day nila ngayon kaya relax-relax lang sila."
"Ohhh… kaya po pala."
"Aha… tsaka sabi rin nila kuya Keith na wag na kaming mag abala gusto kasi nila na sila na ang bahala pero syempre tutulong tayo sa kanila."
"Yeah…kaya sige po maiwan ko na kayo dine baka may kailangan pa sila Mommy dun okay lang po ba?"
"Um. Sige na okay naman na dine papasok na rin ako dun maya."
"Okay po. Ciao."
"Adios."
"Hehe… nahahawa na kayo kay tita Kelly eh."
"Oo. Sige na pumasok ka na."
"Um."
Pag pasok naman ni Jacob syang dating naman nila Vince kasama si Aliyah at ang anak nila kasunod naman non sila Dave at Mimay kasama rin ang kanilang anak na nag mano kay Patrick.
"Ang ganda dito Dude." Ang bungad ni Dave.
"Sila ate Faith at kuya Keith ang naghanap ng venue na ito tas kami-kami lang din ang nag ayos. Kanina pa ba kayo?""
"Kararatig lang pero halos sabay-sabay kami na dumating dito." Ang sabi naman ni Vince.
"Si Kelly bro nasan?" Ang sabi ni Mimay.
"Ah… nasa loob parang nasa taas kanina nakita ko kasi sa may balcony."
"Oh…sya sige dun na muna kamo utusan mo yang si Dave para naman may magawa."
"Tsss… dun na nga kayo sa loob."
"Heh! Aliyah tara."
"Um. Sige dyan na muna kayo." Ang sabi naman ni Aliyah at pumasok na nga sila ni Mimay kasama ng anak nila.
"Parang wala sa mood si Aliyah nag away kayo pre?" Ang tanong ni Dave kay Vince.
"Ha? Hindi ah. Kung mag aaway kami mabibilang mo lang sa daliri hindi gaya nyo ni Mims."
"Tsss… sinabi mo pa."
"Kaya lang yun ganun kasi kinakabahan sya."
Nagkatinginan naman sila Dave at Patrick at sinabing "saan?"
"Ahhh… kasi delayed sya eh."
"ANO?!" Pa sigaw namang tugon nung dalawa.
"Shhh… wag kayong maingay magagalit yun sakin kapag nalaman nyang sinabi ko sainyo."
"Ohhh…" reaction naman nung dalawa.
"Eh bakit ikaw kalmado lang?" Ang tanong naman ni Patrick.
"Ehhh… bakit naman kailangan kong mag panic? Tsaka ilang taon na rin naman ang panganay namin ayos lang sakin kung masundan na ito."
"Ahhh.. sabagay."
"Ang kaso lang ayaw pa ni Aliyah."
"Ramdam kita pre ganyan rin si Mims."
"Talaga? Ayaw pa ni Mims?"
"Oo ayaw na nya kasing manganak eh kaya ingat na ingat talaga kami pag nag aano alam niyo na."
"Kami rin naman ni Aliyah pero hindi naman ibig sabihin nun na ayaw na nyang manganak hindi palang daw sya ready na mag buntis uli."
"Alam nyo hindi ko kayo maintindihang dalawa."
"Alangan naman buntis palang naman si Kelly." Ang sagot nung dalawa kay Patrick.
"Pero bakit ayaw na ng mga asawa nyo na sundan ang mga anak nyo?"
"Ehhh… si Mims kasi nagkasundo kami na isa lang ang magiging anak pero kung ako lang gusto ko kahit maka dalawa o tatlo syempre gusto ko rin namang may babaeng anak."
"Ako rin ganun kaso si Aliyah ayaw nya pa eh siguro pag tama na ang panahon ang hirap ng buhay kapag madami ang anak hirap i-handle."
"Yah…feel you bro kaya ayaw rin ni Mims na sundan namin si Meinard pero siguro kapag andyan na tatanggapin nalang namin. Blessings yun."
"Oo yun nga rin sabi ko kay Aliyah kung malaman naming buntis nga sya tatanggapin namin kaso naaawa rin naman ako sa kaniya ang hirap kaya maging babae sila ang nahihirapan kapag na nganganak. Kung pwede nga lang gamitan ko nalang nag magic para hindi na sya masaktan."
"Ikaw dude, anong sitwasyon nyo ni Master?"
"Si Kelly? Sabi nya kaya nya pero syempre alam kong mahihirapan sya lalo't first baby namin ito. Kahit ako kinakabahan."
Inakbayan naman sya nung dalawa at tinapik tapik ang balikat nya "relax Chairman para namang hindi mo kilala si Madam malakas pa yun sayo eh." Anila.
"Lubayan nyo nga ko tulungan nyo kong itali ang mga pabitin dine."
"Aye. Aye Sir." Anila.
Sa isip-isip ni Patrick "bakit kasi babae lang ang pwedeng mag buntis? Haysss… naguguluhan na tuloy ako."
Sa magkaparehong oras hindi alam ng lahat na may kotseng itim na nasa labas ng venue ang kanina pa naroroon na para bang nag mamatyag ang tao nito sa loob.
"Knock…Knock…" kinatok ni Ethan yung tao sa loob ng kotse dahil kararating lang nila at mag papark rin sana ngunit wala sa linya yung kotseng itim.
At nung ibinaba nung tao sa loob ng sasakyan yung bintana nya nagulat si Ethan sa nakita nya "ti—tito… Kemwell?"
Hi geysh... mehehehe... ٩(˘◡˘)۶
.
.
Sorry kung hindi na po ko nakakapag update daily sobrang busy lang po kaya for the meantime intay-intay nalang po kayo ng update ko di ko rin po alam kung anong araw ako makakapag update eh. Sorry po. Hope you geysh understand. ಥ‿ಥ
.
.
But don’t forget to read my other Tagalog Novels. Thankies and Godbless po. (‘’,)
.
.
• Chasing Her Smile
• PRIDE of Friendship