Lumipas ang 30minutes nagising si Patrick at pag mulat niya napabangon syang agad dahil nagtaka sya kung papaano sya nakauwi sa condo niya at pag lingon nya sa left side niya nagulat siyang nakaupo doon si Kelly at mahimbing na natutulog "Ba— Bakit siya nandito? Sya ba ang nag bantay sakin?"
"Bwiset ka talaga Patrick!!!" Ang sambit ni Kelly habang natutulog at nagulat naman doon si Patrick "Pambihira! Ganoon nalang ba sya kainis sakin at hanggang sa pagtulog niya napapanaginipan niya ako at mukhang gang doon kinaiinisan niya parin ako?"
Tumayo sya at lumapit kay Kelly "Infairness naman sa kaniya mukha syang mabait kapag tulog sana ganyan nalang sya parati ang cute niya."
Sinampal naman nya ang sarili niya "Nababaliw na ata ako bakit ko sinabing cute ang babaeng ito na sumira ng side mirror ko?"
Gumalaw naman si Kelly at mahuhulog na sana ang ulo nito pero sinalo ni Patrick agad gamit ang kamay niya "Phew! Muntik na..."
At dahil sa pagsalo niya kay Kelly napa lapit sya dito at hinawi niya ang buhok nito at inilagay sa tenga "Ang ganda niya."
Umiling si Patrick ng umiling dahil kinukumbinsi niya ang sarili na wag mafall kay Kelly pero dahil na rin sa pinagsamahan nila dati kahit na nakalimutan niya ito pero totoong hindi nakakalimot ang puso "Totoo nga kayang ako ang gumawa ng way para maikasal tayo? Pero bakit ganoon mo nalang ako kamuhian? Kung ex kita dapat minahal mo ako pero ano bang ginawa ko sayo bakit tayo naghiwalay?"
Pinagmasdan niya lang si Kelly ng isang minuto at kahit ngalay na sya nakangiti lang syang nakatitig dito "Kung asawa na nga kita sa mata ng batas so akin ka na. Kaya wala ka ng choice kung hindi maging Mrs. Santos."
Binuhat niya ng dahan-dahan si Kelly at inihiga sa kama niya at tumabi rin siya dito "Ayos lang naman siguro na mag tabi tayo dahil asawa na kita. Di ba?"
"Mmm..."
Laking gulat niya na biglang gumalaw si Kelly at niyakap siya "Woah!"
Nagaalinlangan pa syang yakapin ito pero hindi na rin niya napigilan "Ikaw ang nag insist kaya sige let me hug you."
Habang pinagmamasdan ni Patrick si Kelly na mahimbing na natutulog habang yakap siya naisip niyang "hindi na rin masama kung sya ang magiging asawa ko paniguradong magandang lahi ang maibibigay ko sa mga magulang ko."
Pangiti ngiti pa sya na parang kinikilig.
Hindi na rin niya napigilan na halikan si Kelly sa noo "Sleep tight my dear wife. Matulog ka lang dahil nextime hindi na kita patutulugin ng basta lang. Pffft."
Kinaumagahan,
"Ano? 2weeks na lockdown?" Ang sabay na sambit nila Kian habang ka video call si Kevin.
"Ah... eh... oo mga tols kailangan daw kasi yon para ma secure ang bawat isang nasa condominum."
"What the hell? Hindi pwede! Baka kung ano ng gawin ng lintek na Patrick na yon kay Kelly!" Ang pagalit na sambit ni Kian.
"Pero kuya, yun kasi ang policy alam niyo naman pandemic."
"TUG!!!"
Sa galit ni Kian ibinuhos niya sa mesa yung galit "Da— Daddy..." Ang natatakot na sambit ni Jacob.
"Kuya huminahon ka muna natatakot na sayo ang anak mo." Ang sabi ni Faith.
"Sige na babe dalhin ni muna si Jacob sa kusina mag uusap lang kami dito." Ang sabi ni Keith at sumunod naman sa kaniya si Faith pero bago umalis ito nag iwan pa sya ng sinabi "Sana wag niyo munang husgahan yung tao base lang sa panlabas niyang anyo... Jacob tara na."
Tahimik lang na umalis yung mag tita sa hapagkainan "Tama si ate Faith mga tols nakilala naman natin si Patrick nun at mabait syang tao kahit ang pamilya niya ay ganoon rin." Ang pag sangayon naman ni Kevin.
"Oo andun na nga yung point pero lalaki parin si Patrick at sa isang bahay lang sila mag titigil? Parang hindi naman ata tama yon. Okay lang sana kung lalaki rin si Kelly pero hindi eh babae sya na parang plato na kapag nabasag mahirap ng buuin. Alam niyo naman siguro nag nais kong ipahiwatig doon." Ang sabi ni Kim.
"Pero tol, alam mo namang hindi bastang babae lang ang kapatid natin palaban yon kaya di sya mababasag na parang palato na babasagin, plastic syang plato para sakin." Ang opinyon naman ni Keith pero bineltukan sya ni Kim.
"Magsitigil nga kayo! Nag iisip ako." Ang pa galit na sabi ni Kian.
"So— Sorry tol." Anila.
"Kevin!"
"Kuya?"
"Ano ang number ng boss mong si May?"
Nagkatinginan sila Keith at Kim "Send ko nalang sayo pero bakit?"
"Sisiguradhin ko lang na mananagot sila kapag may nangyari kay Kelly."
Ang sama pa ng tingin ni Kain na para bang isa syang leader ng gangster nung sinabi niya ang mga linyang yon.
Samantala,
Nagising na si Kelly at nagtataka sya na medyo matigas ang kaniyang yakap na unan at pag mulat niya katawan pala ng isang lalaki ang yakap-yakap niya at pag tingala niya nakita niyang si Patrick pala ang yakap niya kaya nagsisigaw sya ganoon rin naman itong si Patrick naki sigaw na rin sa taranta niya. "AHHHHHHHHH...."
Sabay silang bumagon sa kama at takip-takip pa ni Kelly ng dalawa niyang kamay ang kanyang dibdib na para bang feeling niya ay naka hubad sya kahit hindi naman "A— Anong ginawa mo sakin? Isusumbong kita sa mga kuya ko pinagsamantalahan mo ang pagkababae ko!!!"
"Huh! Ano? Ako pa ngayon? Eh ikaw nga itong makayakap sakin parang tuko! At ano yang inaasal mo na parang ni raped kita? Hoy! Tignan mo ngang mabuti yang sarili mo bago ka manghusga diyan!"
Napatingin naman si Kelly sa sarili niya at wala naman syang nararamdaman na masakit sa kahit anong parte ng katawan niya at higit sa lahat buo parin naman ang suot niyang damit "Ehhhh... Bakit ako nasa kama mo? Anong ginawa mo?!!! Sige magpaliwanag ka!!!"
Patrick smirked "alam mo mabait ka sana kaso pag tulog lang!"
"Ano?" Ang pagalit na sambit ni Kelly at pinagbabato niya ng unan si Patrick.
"Tumigil ka na nga!" Ang sigaw ni Patrick at napahinto naman si Kelly sa gulat.
"Una, nagising ako in the middle of the night na may isang babae na tulog na tulog sa upuan. Pangalawa, syempre naawa naman ako sayo I mean sa babaeng yon inisip ko kasing baka sumakit ang leeg niya. At pangatlo, naging mabait lang ako sayo este sa babaeng yon. At ang panghuli kwarto ko ito kaya kung gusto kong matulog dito ayos lang kasi nga KWARTO... KO... ITO!!!"
"Ahhhhhh!!!!" Sumigaw lang si Kelly at lumabas.
"Huh! So she had that attitude pala. I like it. Mukhang mag eenjoy ako sa quarantine na ito. Let see kung hanggang saan tatagal ang kasungitan mong yan my dear wife."
Nagdadabog naman si Kelly sa sala nung lumabas sya pinag tatapon niyang yung mga throw pillow doon "Bwiset talaga sya!!! Akala mo naman kung sinong perpekto malamang babae ako kaya magtatanong ako! Sino ba namang matutuwa kung ang gaya kong single na babae ay makakakita ng lalaki na katabi niya sa kama pag gising niya? Mababaliw na talaga ako!!!"
"Wow!" Ang sambit ni Patrick na sumulpot sa likuran ni Kelly.
"Ano ba?! Lumayo ka nga sakin!"
Kumuha ng tubig si Patrick sa ref at uminom pagtapos niya tsaka niya pinagpatuloy ang sinasabi niya "Ano nga yung sabi mo? Single ka? Sino ikaw? Huh! As if!"
Kumuha rin naman ng inumin si Kelly na para bang sanay na sanay na sya sa bahay ni Patrick "Kung ayaw mong maniwala edi wag hindi ko kailangang mag paliwanag sa bugok na may amnesia na tulad mo na..." napahinto si Kelly sa mga sinasabi niya dahil mukhang nag exceed na sya sa limitation alam niyang dapat di niya nabanggit ang salitang amnesia. "I... I'm sorry..."
Hinila siya ni Patrick at he enclosed her to the middle of his hand and arm at habang nakasandal sya sa may lababo "A— Anong ginagawa mo?"
"Alam mo nung una palang kitang nakita sa may milk tea shop nasabi ko na sa sarili ko na I don't like the girl like you."
"Huh! Edi wow! Ano namang paki ko? Hindi rin naman kita gusto!"
Lumapit pa ng lumapit si Patrick hanggang sa naka lean na si Kelly sa may lababo "Oh? Hindi mo ko gusto? Bakit namumula yang mukha mo?"
"Ha? Hi— Hindi noh!" Tinulak niya si Patrick at pandalas ng lumayo.
"Alam mo ang gusto ko sa babae yung sexy yung bababoom. Pero pwede kong pag isipan ang gaya mo.."
Matapos sabihin ni Patrick yung mga yon hinubad niya ang damit niya at kinindatan niya si Kelly "Ho— Hoy!!! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
"Mag laway ka na sa 6pack abs ko libre yan para sayo."
Umatras ng umatras si Kelly pero dahil tinutukso siya ni Patrick palapit naman ito ng palapit sa kaniya "ho— hoy!!!"
"Bakit hindi mo ba kinakaya?"
"Wa— wag kang lalapit sinasabi ko sayo black belter ako."
"So? Kahit anong kulay pa yang belt mo wala akong pakialam!"
Sa kakaatras ni Kelly napatid sya sa sofa pero bago sya bumagsak nahawakan sya ni Patrick at sabay silang bumagsak sa malabot sofa na para bang may pa slow motion pang nagaganap habang nakatitig sila sa isa't isa pero ang mali lang nasa ilalim si Kelly kaya naipit sya ni Patrick pero ang good news hindi sya makakagalaw hangga't hindi natayo si Patrick. "Le— Lemme go!!!"
Pulang pula na ang mukha ni Kelly pero dahil may pagka bad ang bagong Patrick na may amnesia ngayon he blows Kelly's ear at bumulong "tayo lang ang nandito baka gusto mong mag papawis my little kitten." Hinalikan niya ang leeg ni Kelly.
"Wag!!!! Parang awa mo na!!!" Ang pagmamakawa ni Kelly at umiyak na nga ito "please Patrick...wag mong gawin ito."
Nahabag naman si Patrick sa pag mamakaawa sa kaniya ni Kelly at tumayo syang agad at humingi ng tawad "So— Sorry."
Dali- dali naman syang nag punta sa cr at iniwanang nakahiga at naiyak si Kelly sa sofa.
Pandalas naman ng bukas si Patrick ng shower at nagpakabasa habang iniuuntog ang sarili niya sa pader "Ano bang ginawa ko?!! Ano bang nangyayare sakin?"
Umupo sya at sinisi ang sarili "bakit ba kasi wala akong maalala??!!! Bakit sa tuwing nakikita kong naiyak ang babaeng yon nawawala ako sa composure?! Sino ba kasi talaga si Kelly sa buhay ko?!!"
Aye! Hahaha...XD
-Bet nyo ba ang kaganapan ngayon? Let’s back the KelRick “harot-harutan moments”
-ayieee kung bet niyo vote na more vote more chances of winning char more updates of course.HAHAHAHAHA