Ilang minuto bago mag gawi si Kelly sa cafeteria,
Nakasalubong ni Kelly si Aliyah "Kelly?"
"Oh Aliyah! San ka pupunta?"
"Papasok na sa room ikaw? Wala kang klase?"
"Ah... Meron bibili lang sana ako ng tubig sa cafeteria hehe."
"Ohh... Kamusta ka na? Sorry di na ko nakaka pag chat sayo ha? Naging busy lang kasi sa klase at sa business namin ng mga pinsan ko."
"Ah ganun ba wala yun naging busy din ako eh alam mo naman gagraduate na tayo ang bilis ng panahon noh?"
"Oo nga eh ikaw ba ang top 1?"
"Ah, Di ko alam hehe basta ang importante maka graduate ako wala pa namang finals kaya di ko rin talaga alam haha. Ikaw ata ang top 1 eh narinig ko kay Vince ikaw raw ang nakakuha ng pinakamataas na marks sa cooking cooking niyo eh hehe."
"Ahhh... di naman mahilig lang kasi talaga ako mag experiment ng mga dish kaya siguro nasanay na ko magluto. Hehehe... Ahm... Beshy sasama ka ba sa field trip?"
Sa isip-isip ni Kelly "Ayan na itinanong na niya."
"Kelly?"
"Ha? Field trip?"
"Kelly, sumama ka para payagan ako nila lola at ate."
"Ha? Ba— Bakit ako?"
"Hindi kasi sasama ang mga pinsan ko di pa kasi sila tapos sa OJT nila."
"Eh? Pati si Wayne?"
"Oo, kasi sinabi ko na sakanila na wag dun sa resto namin mag OJT kasi nga di naman pwede yun ayan umulit sila."
"Hala! Buti ikaw hindi sumama sa mga yon."
"Oo sa hotel ako ng OJT eh kaya buti nalang talaga di ako sumama sa mga lukotoy kong pinsan."
"Ha— Ha... Oo nga kawawa naman sila i mean ikaw kung sumama ka rin sa kanila."
"Kaya nga sana sumama ka sa field trip para payagan ako na sumama rin."
"Ah... Eh..."
"Ngayon lang kasi ako maka kasama sa field trip na hindi kasama ang mga pinsan ko. Simula kasi nung kinder ako lagi na akong kasama nila Chollo at ni minsan di ko naman na enjoy kasi nga laging sila nalang na susunod dahil mag iisang babae lang ako sa kanila. Minsan nga ako pa nag bibitbit ng bah nila."
"Ahhh... ganun ba... pinahiralan ka pa ng mga lukong yon."
"Kaya sana ngayong last na magtatapos na ako sa pag aral gusto ko naman sana ma-enjoy ang field trip na hindi kasama ang mga bwiset kong pinsan."
Pabulong bulong si Kelly "Nag papaawa ba sya o nangungunsensya? Parang kasalanan ko pa tuloy."
"Kaya sana sumama ka na Kelly para naman ma experience ko ang saya sa pag sama sa field trip."
Sa isip- isip ni Kelly "Pwede naman syang mag gala kahit di field trip bakit kailangan may pa drama pa sya nakakaloka!"
"Kelly, sige na sumama kana kahit ako na ang mag dala ng bag mo araw-araw sagot ko na rin ang snacks mo kapag break time sasagutin ko na din ang lunch mo pumayag ka lang."
"Ah... A— Ano kasi eh..."
"Please Kelly." Ang pag mamakakaawang sambit ni Aliyah na nangingilid pa ang luha sa kaniyang mga mata.
"Hayssss... sige na nga sasama na ko."
Tuwang tuwa si Aliyah at niyakap niya si Kelly sa kaniyang kagalakan "Pero may kondisyon ako."
"Sige kahit ano gagawin ko."
"Gusto kong ikaw ang katabi ko sa bus at ikaw rin ang kasama ko sa buong adventure."
"Oo naman kahit dun pa ako matulog sa inyo at tumabi sa kama mo."
"Ah? Ka— Kahit wag na ayos na ako. Ha... Ha..."
"Sigurado ka?"
"O— Oo."
"Oh sya mauna na ako ha chat mo nalang ako may klase pa kasi ako bilisan mo na rin at baka malate ka na rin."
"Oo sige."
Matapos nga non nag madali na ngang mag tungo si Kelly sa cafeteria at nakita na nga niya si Patrick at si Jena na ang buong akala niya ay nagkakaroon ng sweet moments "Huh! Mag bff daw sinungaling!" Tumalikod at umalis na si Kelly ng cafeteria.
At hindi nakita ni Kelly na tinabig ni Patrick ang kamay ni Jena "Alisin mo nga yan baka kung san mo pa yan inihawak."
"Wow! Nakakahiya naman sayo!"
"Pero maiba tayo bakit ka ba nandito sa school? Sa pag kakaalam ko di ka naman dito nag aaral."
"Yes I know and I don't like to study here either I just want to see you."
"Pumunta ka pa talaga dito? Bakit importante ba yan?"
"Well, hindi ko alam kung importante sayo pero I'm dying."
"Anong pinagsasabi mo? Anong dying? Sino? Ikaw? Hoy! Umayos ka nga sa lahat ng kakilala ko ikaw na aang pinaka healthy sa lahat ng healthy dahil di ka nga nakain ng baboy and other bad for health kabayo ka na nga eh dahil puro damo ang kinakain mo."
Bineltukan ni Jena si Patrick "Baliw ka! Sinong kabayo ha?"
"Eh paano puro kasi dahon-dahon ang kinakain mo paano ko naman di iisipin na di ka kabayo? Ha amber?"
"Kung kabayo ako, ako na ang reyna."
"Edi wow!"
At biglang naubo si Jena at nakita ni Patrick na may biglang dugong lumabas sa ilong nito "Huy! Ayos ka lang ba?" Pandalas namang kinuha ni Patrick ang puti niyang panyo at ipinunas sa ilong ni Jena.
"Ano ba talagang nangyayare sayo?" Dagdag pa niya.
Tinulak ni Jena si Patrick habang pinupunas panyo sa kaniyang ilong "Get away from me."
"Luka ka ba?!"
Binuhat na ni Patrick si Jena "Hey! Put me down!"
"Tumigil ka nga dadalhin kita sa Clinic namin dito mabuti ng malapatan ka ng first aid."
"What? Ayos nga lang ako let me go!"
"Ibabagsak kita kapag di ka tumigil diyan!"
"What? No!" Pandalas namang humawak sa leeg ni Patrick si Jena.
"Ganyan mag behave ka!"
"Tsss!"
Dinala na nga ni Patrick si Jena sa clinic at habang papunta sila dun pinag tinginan sila ng mga ibang estudyante "Sino yung babaeng dala-dala ni Patrick?"
"Baka girlfriend niya!"
"Picturan natin big scoop ito."
At nung makarating na sila Patrick at Jena sa Clinic "Patrick?" Ang pagulat na sambit ni Kevin.
Sa isip- isip ni Patrick "Tsk! Nalimutan kong nurse nga pala dito ang kuya ni Kelly lagot na ko nire baka kung ano pa ang isipin ni nurse Kevin samin ni Jena."
Dahil tulala na si Patrick at di alam ang gagawin di niya na namalayan na bumaba na si Jena sa kaniyang mga bisig "Hi! My name is Jena."
Nakipag kamay at nag papacute pa itong si Jena kay Kevin "He— Hello?" Ang awkward na sagot naman ni Kevin.
"Are you single?"
"Ha?"
Bumalik na sa kaniyang ulirat si Patrick nung narinig niya ang sinabing iyon ni Jena kay Kevin "Ha... Ha... Ha... Jena napaka palabiro mo talaga. Ha... Ha...Ha.."
Dali-dating hinila ni Patrick si Jena at bumulong siya dito "What are you doing?"
"I think I'm in love Bro."
"What? Luka ka na talaga Jena Rose!"
Exciting na ang mga mangyayare kaya abangan niyo po ang susunod na kabanata! (^_^)