webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · 若者
レビュー数が足りません
463 Chs

Kabanata 224

Lumipas ang isang linggo at hindi pa rin nag kakausap ng maayos sila Kelly at Patrick.

"Kelly!!!" Ang sigaw ni Kelly habang sya ay nasa rooftop ng DLRH.

"Sawa ka na ba sa pangalan mo kaya isinisigaw mo ito?" Ang sabi ng isang lalaki at nagulat si Kelly paglingon nya.

"Da— Daddy?"

"Aha, ako nga ito my little princess."

Pumatak ang luha sa kaliwang mata ni Kelly at dali-dali niyang niyakap ang kaniyang ama "Daddy!!!"

"Don't cry na andito si daddy."

"Daddy!!!"

Lalo namang umiyak ng umiyak si Kelly habang yakap-yakap niya ang kaniyang ama sa panaginip.

"Ayos ka na ba? Naiiyak mo na bang lahat? Gusto mo na bang magusap tayo?"

Nakaupo ang mag ama sa upuan na nasa rooftop "Um... sorry po ah mukhang nabasa ko po ata ng bongga ang damit niyo."

Basang basa nga ng luha ang damit ni Kemwell ang daddy nila Kelly na matagal na panahon ng yumao "Daddy, ikaw po ba talaga yan?"

"Oo anak pasensya ka na at nagambala ko ang iyong panaginip."

"Wala po yun! Gustong gusto ko nga po kayong makita. Alam niyo namang 5years old palang ako nung nawala kayo."

Ipinatong ni Kelly ang ulo niya sa balikat ng kaniyang ama tinapik tapik naman siya nito "Sorry bunso at hindi na kita naalagaan kayo ng mga kuya mo at ng Mama mo pasensya na nawala ako ng maaga."

"May choice po ba kami?"

"Ha?"

"Joke lang po. Hehe... pero sana di na ako magising para kasama ko nalang kayo dito."

"Hindi pwede bunso may mahalaga ka pang gagawin sa mundong ibabaw At hindi ka pa nababagay dito."

"Ayaw niyo po ba akong makasama?"

"Hindi naman sa ayaw ko pero isipin mo ang maiiwan mo kapag nawala ka nalang bigla bata ka pa at marami ka pang pagdadaanang pagsubok sa buhay anak. Kaya mabuhay ka pa at patuloy na maging mabait na tao."

"Pero daddy ayoko na pagod na ko."

Hinawakan ni Kemwell ang pisnge ni Kelly at sinabing "Makinig ka bunso hindi porket ayaw mo na ibigsabihin nun ay susuko ka nalang sa buhay hindi ba sabi nga habang may buhay may pag asa kaya magtiwala ka lang sa sarili mo at magiging ayos rin ang lahat."

"Pero daddy..."

"Ipangako mo wala kang gagawing ikasasama ng loob mo at ikalulungkot na rin. Sa buhay ayos lang mag ka mali pero... matuto kang itama ang mga iyong nagawang mali."

"Daddy naman eh kung anu-ano naman yang sinasabi niyo eh minsan na nga lang tayo magkita eh."

Niyakap sya ng kaniyang daddy "Pasensya ka na talaga masaya lang ako at nakita ko ang unica ija ko. Dalaga ka na at matalino kaya sure akong alam mo kung ano ang mga ginagawa mong desisyon sa buhay. Wag kang mag alala dadalawin ko rin ang mga kuya mo para di ka nila pahirapan parati at syempre ang Mama niyo dadalawin ko rin sya hayaan mo kukumbinsihin kong umuwi sya sa graduation mo."

"Salamat daddy mahal na mahal po kita."

"Mahal din kita anak kayo ng mga kuya mo at ng Mama mo."

***

Ginigising ni Patrick si Kelly na nakatulog na pala sa hardin "Kelly!!! Gising!!!"

Pero hindi magising gising si Kelly at hindi na rin niya maramdaman ang pulso nito kaya susubukan niya na sana itong i-mouth to mouth ng biglang nag mulat ang mga mata ni Kelly.

"Gi— Gising ka na?"

Bumalik na sa ulirat niya si Kelly at nagulat syang sobrang lapit sa kaniya ni Patrick kaya iniuntog niya ang noo niya sa noo nito at parehas silang nasaktan "Aray! Ano ba yang ulo mo buko?"

"So— Sorry pero ikaw naman yung may kasalanan bigla ka nalang tumayo."

"Huh! Ako? Eh ikaw itong napaka lapit sakin anong binbalak mo ha? Gusto mo kong pagsamantalahan ano?"

Sa isip-isip ni Patrick "Pagsamantalahan? Kasalanan ko pa pala ngayon sino kaya samin yung natutulog ng walang pakialam kung may lumapit na kung sino tapos di pa sya nahinga kanina mababaliw na talaga ako sa kaniya."

"Bakit ba kasi nandito ka? Hideout ko ang hardin na ito paano mo ako nahanap?"

Pabulong bulong si Patrick "Para hindi na maulit yung dati na nakidnapped ka ung kaya't naglagay ako ng tracker app sa cp mo."

"Ano? Ang hina ng boses mo hindi ko narinig."

"Sabi ko 1parada ng mga bingi bukas at ikaw ang leader."

Binato sya ni Kelly ng sapatos pero naka ilag naman siyang agad "Sorry na nag alala lang naman talaga ako sayo tapos hindi mo pa ako kinakausap ng ayos galit ka ba sakin dahil kay Jena?"

"Hinde!"

Kinuha ni Kelly ang sapatos niya at sinuot tapos nagbabalak na syang umalis ng hardin "Kelly sandali lang mag usap naman na muna tayo."

"Wala na tayong dapat pagusapan babalik na ko ng classroom at wag mo kong sasabayan!"

"Pero bakit mo ba ako iniiwasan? Ano bang sinabi sayo ng mga kuya mo? Alam ko galit na galit sila sakin nung nakita nila na parehas kaming lumabas ni Jena sa iisang kwarto pero..."

"Ano?"

Natigilan bigla si Patrick "Sandali lang lumabas kayo ni Jena sa iisang kwarto? Tama ba yung pagkakarinig ko?"

"Ha? Ah... eh... Kelly let me explain."

"Huh! Explain? Alam mo bang walang nababanggit ang mga kuya ko about diyan? Nagagalit sila sayo dahil di ka raw responsableng lalaki wala ka rin daw isang salita!"

Hinawakan ni Patrick si Kelly "Pakinggan mo muna ang side ko Kelly!!! Hayaan mo akong mag explain!"

Nagpumiglas si Kelly at galit na galit na sinabing "Bitawan mo ako!!!"

"Kelly..."

"Wala na tayong dapat pang pag usapan tapos na tayo."

"No! Kelly!!!"

"Sana maging masaya kayo ni Jena na bff mo!"

"Pero Kelly...."

Biglang tumulo ang mga luha ni Kelly "Ito ang tandaan mo wala na akong kilalang Patrick!"

At umalis at iniwanan na nga ni Kelly si Patrick pero hinabol siya nito "Kelly! Wag mong gawin ito sakin! Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka."

Naiyak at yakap niya mula sa likod ni Patrick si Kelly "Wag ka ngang tanga! May hinihinga ka ngang hangin kaya mabuhay ka ng matiwasay kasama ni Jena!"

Tinanggal ni Kelly ang kamay sa kaniya ni Patrick at sinipa niya ito sa tuhod "Wag na wag mo na akong hahawakan muli at subukan mong sundan ako di lang sipa ang aabutin mo sakin."

"KELLY!!!"

Kinahapunan,

Uuwian na sila at lumapit si Patrick kay Kelly "Kelly mag usap tayo."

Pero hindi siya pinansin nito "Vince tara na."

"Ha? Pero..."

"Kelly kahit saglit lang gusto ko lang magpaliwanag sayo walang namamagitan samin ni Jena pangako si Dave ang mag papatunay niyan sayo."

"Oo Master andun ako nung gabing yon sa kwarto ni Patrick hanggang umaga at walang kasalanan si Dude! Si Jena talaga yung makulit na nag susumiksik."

"Kelly! Maniwala ka naman ikaw lang talaga ang mahal ko at wala ng iba."

"Oo Master kung gusto mo tingnan pa natin ang cctv para maniwala ka na nagsasabi ng totoo sayo si Patrick na walang kung anong nangyari sa kanila ni Jena."

Abangan muli ang susunod na kabanata wag ka kalimutan basahin ang isa ko pang novel ang “Be my Princess Ms.Faye.” Salamat po ng marami add niyo na din sa library niyo kung pwede po. Hehe...Labya’ll godbless po sa inyo. ^_^

lyniarcreators' thoughts