webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · 若者
レビュー数が足りません
463 Chs

Kabanata 134

Sa Classroom,

Nag sisimula na ang klase nila Kelly pero sila ni Patrick ay wala pa "Tsk...bakit ikaw ang group ko?" Ang sabi ni Mimay kay Vince.

"Tsss...wow ha? Nakakahiya naman sayo."

"Pero ano kayang binabalak ni Prof. Mina para saan kaya ang ganire group into two?"

"Ewan ko baka may activity tayong gagawin."

"Malamang! Nahahawa ka na sa kashungahan ni Dave ha?"

"Did I hear my name?" Ang bungad naman ni Dave.

"Heh!" Anila.

"Pero nasan na ba sila Kelly at Patrick?" Ang sabi ni Mimay.

"Ayan na!" Ang sabi ni Harvey.

"Mr. Santos and Ms. Dela Cruz saan kayo nang galing?" Ang sabi ni Prof. Mina.

Nagkatinginan naman yung dalawa "Ah...eh...sorry po Prof. may binili lang po ako sa canteen." Ang sabi ni Kelly at sumenyas siya kay Prof. Mina.

"Ahem...ikaw naman na Mr. Santos?"

"Ah...Ahm...hinanap ko lang po yung puso ko."

"Ano? Anong puso?"

"Ah---Ahh...yung pendant po ng kwintas ko kasi nawawala po. Ha---ha---ha..."

"Ohh...I see nahanap mo?"

Napatingin naman si Patrick kay Kelly "Ah? Opo nakita ko na kung nasaan yung puso ko. Ahem...I mean yung pendant. Pffft..."

"Sigh...okay sige maupo na kayong dalawa."

Uupo na sana yung dalawa "Hep, dahil late kayong dalawa kayo nalang ang magka grupo."

"Grupo po?" Ang tugon nung dalawa.

"Um...nag groupings na into two ang mga kaklase niyo dahil saktong dalawa naman kayo kaya kayo nalang."

"Kami nalang po?" Anila.

"Ayiiieee..."Ang reakyon ng buong klase na animo'y niloloko sila Kelly at Patrick.

"Shhhh...hindi ganoon ang ibigsabihin ko I mean kayo nalang dalawa ang mag ka grupo."

"Ahhhhhh..." Ang tugon ng lahat.

"Pero Prof.para saan po ba ang gagawin namin ito?" Ang sabi ni Harvey.

"Opo nga Prof." Ang sabi nung iba.

"Ahhh...para yan sa gagawin niyong project sakin dahil malapit na kayong magsi pagtapos gusto ko sanang gumawa kayo ng isang miniature."

"Miniature?"

"Oo mga I.T student kayo right? Kaya gusto ko sanang gumawa kayo ng isang memorable na pwedeng maiambag sa mini museum natin dito about sa mga computers. Naiintindihan niyo ba ang ibigsabihin ko?"

"Yes Prof."

"So, we need to contribute for our mini museum here in DLRU na patungkol po computers?" Ang sabi ni Dave.

"Oo inenglish mo lang sinabi ko eh." Ang sabi ni Prof. Mina at nag tawanan naman ang buong klase.

Hinila naman ni Patrick si Dave at sinabing "Maupo ka na nga lang kung wala ka namang magandang sasabihin."

"Nilinaw ko lang naman Dude."

"Heh! Wala ngang kwenta kaya itigil mo na!"

"Humph..."

"So, Prof basta about lang po sa computer ang miniature?" Ang sabi ni Harvey.

"Basta kayo ng bahala syempre patungkol sa mga napag aralan natin baka naman gumawa lang kayo ng miniature ng computer? Napaka dami na doon yun bang kakaiba naman basta about sa computer yun ang gusto kong gawin niyo."

"Hmm...ano naman kayang gagawin natin?" Ang sabi ni Mimay.

"Hindi ko rin alam...Ikaw Kelly may naisip ka na?" Ang sabi naman ni Vince.

"Hmmm...ba wala syempre kararating ko lang."

"Wag kayong mag madali bibigyan ko naman kayo ng dalawang linggo para matapos ang inyong miniature na project. Kaya aasahan ko kayong lahat sige yun lang pwede na kayong mag breaktime may meeting kaming mga Prof.niyo kaya pwede na kayong mag isip ng mga miniature niyo. Pero wag kung ano ano lang ha? Isipin niyong mabuti ang naging memorable ibigsabihin tumatak sa isipan niyo habang nag aaral kayo dito sa DLRU bilang BS IT student. Okay? Sige maiwan ko na muna kayo. Bonjour!"

"Goodbye Prof."

Pagka alis ni Prof. Mina nag pulong pulong ang mga mag kakaibigan "Ano naman kayang gagawin natin?" Ang sabi ni Harvey.

"Ewan ko rin wala akong maisip ano ba ang miniature na sinsabi ni Prof.?" Ang sabi ni Dave.

"Ano? For real?" Ang sabi ni Mimay.

"Buti nalang hindi kita ka group pre." Ang sabi ni Vince.

"Yeah..." Anila.

"Hoy! Grabe kayo! Pero hindi ko pa ng alam kung sino ang ka partner ko."

"Pffft...ahahaha...baka ayaw kang maka group." Ang sabi ni Mimay.

"Humph...meron yan grabe.." tumayo siya sa upuan at sumigaw "MGA CLASSMATE SINO ANG KA GROUP KO I MEAN KA PARTNER?"

Walang pumansin sa kaniya "Pfftf..ahahahaha..." Ang reaksyon nila Mimay.

"Ahahahaha...Dude sorry pero kami na ni Kelly eh."

"Ano? Kayo na ni Master?"

"Ha? Sino? NO WAY!" Ang pagulat na reaksyon ni Kelly.

"Sigh...maka no way naman baka gusto mong..."

"Ano? Gusto mong masapak?"

"Tu naman! Di na mabiro."

Nagka bulungan naman sila Mimay "Anong meron sa dalawang yan kanina lang pareho silang wala sa mood ngayon parang na naman silang aso't pusa." Ang sabi ni Harvey.

"Ewan ko pero mukhang something is fishy eh." Ang sabi ni Vince.

Samantala, may lumapit naman na isang babae kay Dave "He---hello."

"Eh? Hi?"

"A----ako kasi yung ka partner mo."

"Ka partner?"

"Um...dun sa project para kay Prof. Mina.."

"Ahhh...oo sorry nalimutan ko pero kaklase ka ba namin?"

Bineltukan naman siya ni Mimay dahil narinig niya iyon "Aray!! Mims naman!"

"Anong klaseng tanong ba naman kasi yan malamang kaklase natin siya bugok! Hi Nimpa."

"Hello Mimay."

"Nimpa?" Ang sabi ni Dave.

"Oo siya si Nimpa ang top 1 sa klase natin shunga!"

"Oh? Top 1 ka? Ikaw yon?"

Bineltukan ulit siya ni Mimay "Oo nga! Paulit ulit? Nimpa, pag pasensyahan mo na ang tungaw na ito kulang kasi ng turnilyo ang utak."

"Kakabeltok niyo yan sakin ni Patrick eh."

"Tsss...hindi ren ganyan ka na talaga since birth."

"Aba't !!!"

"Ano? Lalaban ka?"

"A---Ang akin lang naman kasi...Tsss..."

"Ah---ahm...sorry to interrupt you guys but Dave right?"

"Ah oo siya si Dave baliw."

"Heh!"

"Can we talk? Mag rereview pa kasi ako para sa longtest natin mamaya kaya kakausapin sana kita about sa project? Kung ayos lang?"

Tinulak ni Mimay si Dave "Oo pwede yan."

"Makatulak wagas!!!"

"Sige na makipag usap ka naman sa matalino ng mahawa ka."

"Tsss...ewan! Nimpa right?"

"Um..."

"Tara sa labas para naman may ibang hangin akong nalalanghap."

"Tsss...wag ka ng huminga!" Ang sabi ni Mimay.

"Humph!" Ang reaksyon ni Dave at hinila si Nimpa sa labas.

"Mag dahan dahan ka naman sa pag hila babae yan hindi gulong!"

"Ewan!!!!"

"Saan pupunta yun?" Ang sabi ni Harvey.

"Ah...si Nimpa pala ang kawawa niyang partner."

"ANO??" Anila.

"Tignan mo nga naman sinuswerte pa talaga nag luko." Ang sabi ni Vince.

"Hahaha...oo nga." Ang sabi ni Mimay.

Samantala sila Kelly at Patrick may sarili na namang mundo at napansin ito nung tatlo "HOY!!!!" Anila.

"Ba---Bakit???" Anila Kelly at Patrick.

"Bakit ba parang may kakaiba sa inyog dalawa ngayong araw na ito?" Ang sabi ni Vince.

"Oo nga baby girl???!!!!" Ang sabi ni Mimay.

"Ha? Wa---wala...si—sige pupuntahan ko muna si kuya Kevin. Byie..." at kumaripas na siyang ng takbo palabas.

"Kelly!!!!" Ang sabi ni Vince at Mimay.

"Sigh...babaeng talagang yon para lang makalusot eh." Ang sabi ni Harvey.

Napatingin naman yung tatlo kay Patrick "Ah...Ahm...naalala ko bibili nga pala ako ng inumin. Sige guys...GTG!!!" kumaripas na rin siya ng takbo na animo'y na iwas.

"Patrick!!!!" Anila.

"Mga buset na yon ano kayang iniiwas iwas ng mga lintek." Ang sabi ni Vince.

Kinahapunan,

"Tita Kelly!!!!" Ang bungad ni Jacob kay Kelly.

"Siopao!!!!" At niyakap niya si Jacob.

"I missed you na po."

"Um...ako rin..."

"Anong kalokohan yan eh kanina lang umaga nagkita kayong mag tita tapos miss?" Ang sabi ni Kevin at hinila niya si Kelly. "Aw...kuya naman."

"Mag bihis ka muna baka bago ka makipag laro kay Siopao baka mamaya kung anong germs na ang dumikit sayo."

"Wow ha? Ang dumi ko?"

"Tsss...basta lumakad ka na!!! Siopao nasan ang daddy mo at ang mga tito?"

"Ahhh...nasa likod po sila."

"Oh? Bakit?" Ang sabi ni Kelly.

"Lumakad ka na mag bihis ka na!!!"

"Oo na! Masama mag tanong? Tsss..."

"Pero bakit nasa likod sila daddy mo Siopao?"

"Ahhh...dumating po si tita Yannah."

"Eh? Bakit raw?"

"KELLY!!!!"

Kumaripas naman na nag takbo si Kelly papataas sa kaniyang kwarto "Halika Siopao hayaan mo na yang tita Kelly mong makulit."

"Pero tito Kevin hindi po ba kayo mag bibihis din muna?"

"Ah?"

"Eh kasi pinag bibihis niyo po si tita Kelly kasi galing sa labas eh hindi po ba kayo rin tapos sa clinic pa kayo nag wowork di ba po?"

"ANO KA NGAYON KUYA???" Ang sigaw ni Kelly.

"HEH!"

"Sige po mag bihis po muna din kayo pupunta nalang po muna ako kila daddy."

"Ah? O---oo sige susunod kami."

"MAGBIHIS KA NA!!!!"

"HEH! IKAW KELLY HA! GUSTO MO NG BAWASAN KO YANG BUHOK MO? MAG BIHIS KA NA!!!"

"BLEEEEHHhh..."

Samantala sa Condo ni Patrick,

"Dude, bakit pala dine tayo dumiretso? Hindi ka na naman ba umuwi sa inyo?" ang sabi ni Dave habang nag bukas naman ng ref si Patrick at binato niya si Dave ng soft drinks na nasa can "Nice catch dude."

Binuksan naman ka agad ni Dave yung softdrink at sumabog ito sa kaniya "DUDE!!!!!"

"Pfft...ahahahaha...may katangahan ka din talagang taglay alam mo ngang naalog yung softdrinks nung binato ko sayo eh sasabog talaga yan..Jusmiyong ka gunggungan yan Dave!"

Nag tungo naman ka agad si Dave sa lababo "Buset ka talaga!!!"

"But anyways, kayo na ba ni Mimay?"

"Ha? Hindi pa bakit naman bigla mong na ungakat?"

"Ahhh...wa---wala naman...."

"Sus...wag mong sabihin kayo na talaga ni Master?"

Binato niya ng tissue si Dave "Sira! Anong ka bilis naman nun kagabi lang busted ako tapos kami na? Baliw ka?"

"Eh bakit mo nga na itanong?"

"Wala lang papaturo sana ako kung paano manligaw."

"ANO????"

"Oo liligawan ko pa rin si Kelly kahit anong mangyare."

"Baliw ka na Dude!"

"Oo baliw na ko kay Kelly! Ayiieee..."

"Anak nang! Malala ka na nga."