webnovel

Sobrang Kalupitan

編集者: LiberReverieGroup

Ibig sabihin nito na ang mga bata ay walang childhood, o kaya, ang kanilang childhood ay hindi masaya dahil punung-puno lamang ito ng pag-aaral at kumpetisyon. Napakaraming bata na nakita nila habang daan at lahat sila ay hindi hihigit sa anim na taong gulang.

Ang nakakapagtaka dito, ang bawat bata dito ay mas matangkad kaysa sa kanilang edad, pero hindi ito ang nakakatakot na makikita. Ito ay ang kanilang mga mata. Ang bawat bata ay dapat na mukhang inosente, pero sa mga batang ito, halos walang buhay ang kanilang mga mata. Walang umiiyak o tumatawa, ang mga normal na ginagawa ng mga bata. Kahit ang mga tatlong-taong-gulang ay napaka-mature at tila isang matanda…

Tuwing nasasalubong ni Xinghe ang kanilang maiitim at walang buhay na mga mata at mukhang walang ekspresyon, naninikip ang kanyang puso. Kahit si He Bin ay nahihirapang maniwala din sa mga bagay na tinitingnan nila. Gayunpaman, si Deqing ay masayang nagsasalita. Makikita ang pagmamalaki sa kanyang tinig, na parang ang mga batang ito ang pinakamagagandang resulta ng kanyang eksperimento. Paminsan-minsan, tinutukoy din niya ang 'lugar na iyon'.

Mula sa kanyang mga salita, naiintindihan na ni Xinghe at He Bin na ang pinakamahuhusay na ulila ay ipapadala sa lugar na iyon. Ang antas sa lugar na iyon ay napakataas, kaya naman ang pinakamahuhusay na ulila lamang ang tatanggapin, ang iba pa ay paaalisin. Kaya naman, para mapalaki ang mga perpektong ulila, pineperpekto ni Deqing ang kanyang mga pamamaraan ng pagpapalaki ng halos isang dekada. Ang mga teknikang naimbento niya ay napakalupit at marahas…

Nagawa pa nga niyang magamit ang teknolohiya para mapilit na lumago ang mga utak ng mga bata. Ginagamit niya ang electromagnetic waves at ang iba pa para mas mapabilis ang paglaki ng mga brain cells sa mga bungo ng mga bata…

"Uncle Huang, gamit ang teknolohiyang ito, gaano na karami ang mga henyo na nagawang palakihin ng ating ampunan?" Sabik na tanong ni He Bin, pero sa ilalim ng kanyang kasabikan ay isang malupit na kalamigan na nag-uumapaw.

hindi napansin ni Deqing ang emosyon sa mga mata niya at tumawa. "Hindi sa gusto kong magyabang, pero sa mga nakalipas na taon, nagawa kong makagawa ng higit pa sa dalawampung henyo!"

"Ganoong karami? Si Uncle Huang ay isa ding henyo!" Papuri ni He Bin. 

Nakakaramdam ng kayabangan si Deqing para sa kanyang sarili. Mahirap na makahanap ng natural na mga henyo, pero sa pamamamagitan ng kanyang mga pamamaraan, nakagawa niyang magbigay sa He Lan family ng dalawampung henyo, kaya naman instrumental siya sa anumang nakakasuklam na planong iniisip ng He Lan family.

"Nasubukan mo na bang dagdagan ang bilang ng mga henyo?" Tanong ni He Bin.

Tumugon si Deqing, "Siyempre ginawa na namin, pero halos hindi makaligtas ang mga bata sa inducement, napaparalisa ang kanilang mga utak at namamatay. Direkta naming inaalis ang mga walang silbing binhi na tulad nito."

"Oo nga, ang panatilihin silang buhay ay magiging aksaya sa pagkain, mabuti na ngang bumalik na sila sa lupa," sagot ni He Bin ng may ngisi, pero mayroong bahid ng malalim na pagkamuhi sa kanyang mga mata. Walang sandali na kinamuhian niya ang He Lan family ng higit sa panahong ito!

Pinalaki siya bilang isang assassin mula ng pagkabata, at inisip niya na malupit na ang buhay niya. Sino ang makakapagsabi na dapat pa pala niyang ipagpasalamat na hindi siya ipinadala sa ampunan dahil mas malala pa pala ito sa kaniya?

Ang pinakamalupit na bagay ay kung paano nila tratuhin ang mga binabansagang walang silbing mga binhi. Kapag nawalan na ng silbi ang mga bata, ang naghihintay sa kanila ay kamatayan! Ang crematorium na iyon ay siguradong marami nang nakuhang inosenteng buhay ng mga paslit na ito.

Walang nakakaalam na nakakagawa ng malupit na bagay na ito ang He Lan family. Biglang nakaramdam ng malalim na pagkapahiya si He Bin na ang dugong nananalaytay sa kanyang ugat ay dugo ng He Lan family. Habang nahaharap sa sitwasyong ito, hindi siya makahinga.

Sanay na siyang pumatay at kahit siya ay lubos na naaapektuhan ng balitang ito, kaya naman nag-aalala siya tungkol kay Xinghe. Gayunpaman, nang sumulyap siya dito, nalaman niya na walang makikitang emosyon sa mukha nito. Tila isa itong robot na tahimik na sumusunod sa kanila, napakatahimik nga niya na aakalain mong wala siya sa paligid.

Ang kanyang mga mata ay kasing-kulay ng kadiliman, wala man lamang bahid ng emosyon doon. Napanatili niya na hindi mabasa ang kanyang saloobin.

Habang nakikita ito, sikretong pinaalalahanan ni He Bin ang sarili na panatilihin ang kanyang pagiging kalmado at huwag magpakita ng anumang senyales ng kahinaan o pagdududa.