webnovel

Paghahanap kay Xia Xinghe

編集者: LiberReverieGroup

Kahit na nagretiro na si Elder Xi, pinahahalagahan pa din ng presidente ang kanyang kontribusyon. Isa pa, si Xinghe ang inhinyero sa likod ng mekanikal na puso, kaya ang pagkawala niya ay mataas na prayoridad. Inutusan niya ang lahat ng kanyang mga tauhan na hanapin ito.

Hindi lamang iyon, maraming tao din ang tumutulong sa paghahanap. Ang Gu family at Yan family ay naghahanap din sa kanya.

Ang mga pamilya nina Gu Li at Yan Lu ay parehong nakabase sa City A. Nang marinig nila ang masamang balita kay Munan, agad silang nakipag-ugnayan sa kanilang tahanan para humingi ng tulong. Kahit sa business world ng City A ay naghahanap kay Xinghe; ito ang impluwensiya ni Mubai.

Sa madaling salita, ang buong City A ay naghahanap kay Xinghe. Hindi ninaasahan ni Tong Yan na ang buong siyudad ay kikilos dahil nawala si Xinghe ng kalahating araw. Kahit si Lu Qi ay ipinadala ang kanyang mga tauhan para tumulong sa paghahanap…

Ang lawak ng search rescue ay hindi man lamang nagpakaba kay Tong Yan, imbes ay nainis siya. Sino ba ang simpleng babae na ito na nararapat sa kanya ang napakaraming atensiyon ng maraming tao?

Sa mundong ito, walang babae ang pwedeng makadaig sa kanya! Lalo nitong pinagtibay ang determinasyon ni Tong Yan na gutumin hanggang sa mamatay si Xinghe!

Dahil selyado na ito mula sa mundo at hanggang walang sinasabi ang security, walang makakahanap kay Xinghe. Isang linggo ang makalipas, matapos na mamatay ni Xinghe, ay magiging huli na ang lahat.

Tungkol sa konsikuwensiya ng pagpatay kay Xinghe, hindi naman nag-aalala si Tong Yan. Malakas ang kanyang kumpiyansa sa sarili na walang hahatol sa kanya, dahil ang Shen family at Tong family ay gagawin ang lahat para sagipin siya. Ang kamatayan ni Xia Xinghe ay mapagtatakpan at walang makakaalam ng katotohanan.

Dahil si Tong Yan ay pinalaki sa buhay na kung saan ang mga pagkakamali ay walang seryosong konsikuwensiya. Siya ang pinakaiingatang prinsesa ng buong mundo; wala ni isa ang makakahatol sa kanya. May ilang antas ang tayog niya sa lahat. Siguradong walang makakahatol sa kanya kahit na malaman pa nila na siya ang responsable sa kamatayan ng isang karaniwang babae tulad ni Xia Xinghe.

Sa halip ay sinimulang isipin ni Tong Yan ang kasiyahan sa mukha ni Lin Xuan kapag nalaman nito na tinulungan niya itong alisin ang isang mahigpit na kaaway. Siguradong masisiyahan ito sa kanyang tulong. Tulad noong pagkabata, sa bawat oras na tinutulungan niya itong pakitunguhan ang ilang tao, magiging masaya ito at payag na samahan siya ng ilang araw.

Sa pagkakataong ito, masisiyahan ito ng husto sa ginawa niya at marahil ay sapat na ang saya para pumayag na maging kasintahan niya.

Ang rescue mission kay Xinghe ay nagpatuloy habang si Tong Yan ay nalulunod sa kanyang matamis na pangarap.

Gayunpaman, kahit na gaano pa sila magpunyagi, hindi nila makita ang bakas ni Xinghe!

Ang security guard ay nadakip. Sumumpa ito sa buhay nito na humiling si Xinghe na lumabas sa kotse nito habang nasa daan sila patungo sa airport at lumulan sa panibagong kotse. At saka, wala din itong ideya kung saan ito nagpunta.

Ilang pagtatanong pa at ang testimonya nito ay nanatiling pareho. Hindi siya nangangahas na sabihin ang totoo, dahil kapag ginawa niya, mapupunta sa kanyang mga kamay ang kamatayan ni Xinghe. Hindi nila parurusahan si Tong Yan at siya ang maisasangkalan dito. Kaya naman, hindi niya ibinunyag ang katotohanan, kahit na ano ang mangyari.

Nagawa na niyang tahakin ang unang maling hakbang at ang daan pabalik ay nawala na kaya ang tanging magagawa niya ay ang ipagpatuloy ang landas ng kasalanan habang hindi niya pinapansin ang kanyang konsensiya. Hindi sila makakakuha ng anumang clue tungkol kay Xinghe mula sa kanya.

Sumapit na ang gabi ngunit hindi pa din nila nakikita si Xinghe.

Maliban sa Lin family na nagdidiwang sa likod ng mga pinid na pintuan, ang iba pa ay lubhang nag-aalala na. Kahit si Madam Presidente ay ito din ang nararamdaman. Nag-aalala siya tungkol sa kaligtasan ng talentadong babae na ito, at nakakaramdam din siya ng guilt. Dahil sarili niyang security ang nakawala kay Xinghe.

Napansin ng presidente ang kanyang pagkabalisa at inalo ito, "Huwag kang mag-alala, nagsasagawa na nang malawakang paghahanap ang mga pulis habang nagsasalita tayo ngayon; siguradong mahahanap nila ito."