webnovel

Ibugaw Siya sa Kanya? Imposible!

編集者: LiberReverieGroup

Sa normal na pagkakataon, ginagawa ng mga tao na mapalapit sa kanya, kaya ang tanggihan ni Mubai ng dalawang beses ay nakakainis sa kanya. Binawi niya ang kanyang ngiti at nag-obserba ng may tonong may bahid ng kalamigan, "Mukhang hindi malugod ang pagtanggap ni Mr. Xi sa aking presensiya."

"Siyempre malugot kitang tinatanggap," agad na sagot ni Mubai pero hindi nito mapigilan ang hindi interesadong tono sa mga salita niya.

"Kung iyon pala ang kaso, bakit patuloy mong tinatanggihan ang kahilingan ko?" Diretsang tanong ni Lin Yun. Kahit na ang Xi family ay isang makapangyarihang pamilya, may utang na loob ang mga ito sa kanya kaya nagagawa niyang dumerekta.

Isa pa, ang katotohanan na hindi siya binigyan man lamang ng respeto ni Mubai ang nagpagalit sa kanya ng kaunti. Kung hindi sa katotohanan na may kailangan sila sa kanya, hindi niya susubukang mapalapit siya dito.

Nakita ni Lolo Xi ang hindi magandang pagbabago ng pangyayari at agad na pinagalitan si Mubai, "Mubai, si Xiao Yun ay ang ating espesyal na bisita. Bilang host, dapat ay tinatrato mo siya ng mabuti. Kahit na hindi natin kailangan ang tulong niya, na sa panahong ito ay kailangan natin, kailangan mong umakto na isang mabait at mapagbigay na host."

"Tama ang lolo mo, Mubai. Ang samahan si Xiao Yun ay hindi naman makakakuha ng marami mong oras," payo din sa kanya ni Ginang Xi. Alam nila na sa kasalukuyan ay tanging kay Xinghe lamang ang pagtingin niya pero hindi nila siya eksaktong pinakiusapan na mahalin si Lin Yun. Ang tanging kailangan niyang gawin ay samahan si Lin Yun ng ilang araw at ngumiti ng minsan lamang dahil ang Xi family ay nangangailangan ng tulong nito.

Dahil ang Lin family ay may malaking impluwensiya at si Lin Yun ay nagtatrabaho sa national intelligence bureau, ang tulong nito ay magiging mahalaga sa pagtulong sa Xi family na malampasan ang problemang ito.

Natural na naiintindihan ni Mubai ang isipin ng kanyang pamilya. Gayunpaman, wala silang ideya na hindi nila kailangan ang suporta ng Lin family. Kahit na kailangan nila, hindi niya ibababa ang sarili niya para sumipsip sa isang na namang babae na ubod ng yabang, hindi pa ba sapat ang isang Chu Tianxin?

Sumagot si Mubai ng may ngising walang sigla, "Tingin ko ay hindi ako naintindihan ng lahat. Hindi ko intensiyon na hindi maging mapagbigay na host pero wala talaga akong panahon para samahan si Miss Lin. Tulad ng sinabi ko itatalaga ko sa kanya ang pinakamagaling na tour guide at, siyempre, kung may kailangan pa si Miss Lin bukod doon, malugod kong tatanggapin na sabihin niya ito sa akin."

Pero hindi ako yuyuko ng pabaliktad para ibugaw ang sarili ko sa babaeng ito!

Nasorpresa si Lin Yun sa kayabangan ni Mubai. Kahit si Elder Xi ay kailangang magmakaawa sa Lin family para tulungan sila at si Mubai ay tumatanggi pa ding yumuko at sumunod sa kanyang mga kagustuhan? Sa tingin ba niya ay ganoon kagaling ang kanyang Xi family?

Si Lin Yun ay isang magandang dilag na may makapangyarihang pamilya at maabilidad. Walang lalaki sa mundo na hindi gugustuhing mapalapit sa kanya. Kaya naman, ang katotohanan na pabastos na pambabara ni Mubai sa kanya ay lubusang nagpagalit sa kanya.

Kung hindi dahil sa guwapo nitong anyo, binigyan na sana niya ito ng sampal sa mukha! Gayunpaman, agad niyang pinakalma ang sarili, hindi magtatagal at kakailanganin nitong gumapang para magmakaawa ng tulong sa kanya.

Bahagyang ngumiti si Lin Yun at mabining tumayo. "Lolo Xi kung ang iyong Xi family ay hindi ako malugod na tinatanggap, uuwi na lamang ako. Isa pa, base sa kung paano kumikilos si Mr. Xi, sigurado akong nakaisip na siya ng sarili niyang solusyon para ayusin ang problema ni Mr. Xi Munan, kaya nakikita kong hindi na ako kailangan pa. Paalam."

Tumalikod na si Lin Yun para umalis. Bago pa siya makaisang hakbang pa, si Lolo Xi, tulad ng kanyang inaasahan, ay tinawag siya, "Xiao Yun, sandali lang, pakiusap maupo kang muli! Ikaw ang aking espesyal na bisita, kaya siyempre ay malugod ka naming tinatanggap dito. Ang iyong Big Brother Xi ay ganito na talaga noon pa, kaya huwag mo nang ibaba pa ang sarili mo sa kanyang antas."

Ang mapang-unawang si Ginang Xi ay mabilis na tumayo para hilahin ang braso ni Lin Yun at mabait na sinabi, "Tama iyon, ganito umakto si Mubai sa lahat. Xiao Yun, kailangan mo siyang patawarin. Kung gusto mong mamasyal sa City T, si Auntie na ang sasama sa iyo. Sabihin mo ang kahit anong lugar na gusto mong puntahan at ginagarantiyahan ko sa iyo na masisiyahan ka ng husto."

Kahit sina Jiangsan at Jiangnian ay ginawa ang lahat para mapatigil siya.