webnovel

Bigyan Mo Ako ng Pagkakataong Aluin Ka

編集者: LiberReverieGroup

So, walang makakakuha sa kanila, ano ang ibig niyang sabihin dito… Dahil ba sa lahat sila ay talentadong henyo, ang mga bansa ay ayaw na ibahagi sila sa isa't isa? Natatakot sila na ang bansang kukupkop sa kanila ay magkakaroon ng malaking pag-unlad kumpara sa iba pa? Dahil ang pulitika sa pagitan ng maraming bansa, kailangan silang i-kwarantina at hindi dahil sa nag-aalala ang United Nations tungkol sa kaligtasan ng sangkatauhan?

Nang nalantad na ang katotohanan, nakaramdam ng nakakasakal na damdamin sa kanilang dibdib ang SamWolf; hindi sila makapagsalita. Ito ang unang beses na nalaman nila kung gaano kapangit ang mukha ng mga tao.

May kaguluhan sa likod ng mga digmaan sa pagitan ng mga bansa, dahil kahit sa oras ng kapayapaan, may mga hindi kinakailangang isakripisyo, at sa panahong ito, ang partidong nasakripisyo ay ang grupo ng mga inosenteng siyentipiko mula sa buwan. Ito ang isyu ng pulitika sa pagitan ng mga malalaking bansa, isang bagay na hindi sila maaaring makialam.

Kahit si Xinghe ay hindi makagawa ng kahit na ano, dahil kahit siya ay hindi magawang matalo ang pangit na bahagi na likas na sa sangkatauhan. Ito rin ang unang beses na nakalasap ng pagkabigo si Xinghe. Kahit na nailigtas niya ang Earth, hindi siya nakaramdam ng pagmamalaki o kasiyahan. Kung anuman, nakaramdam siya ng malaking kabiguan.

Naupo si Xinghe sa isang upuan sa tabi ng fountain ng Embassy Hall at tumitig sa sahig. Ang makisig na si Mubai na nakasuot ng puting kamiseta ay mabagal na lumapit sa kanya. Ang mga kamay nito ay nakapamulsa at ang mga yabag nito ay banayad, ngunit ang tingin nito ay matalim. May giliw sa mga mata nito na lilitaw lamang kapag kasama niya ito.

Gusto ni Mubai ang kumpiyansa ni Xinghe, kaya naman ang hiling niya ay manatili ito sa kanya ng habambuhay at hindi na manatili sa masamang mood na tulad nito. Kahit na hindi niya ito ipinapakita sa kanyang mukha at ang tahimik at nag-iisip nitong mukha ay may sariling ganda dito, naiintindihan niya na hindi ito masaya.

Naupo sa kanyang tabi si Mubai at naaamoy ni Xinghe ang bagong tabas na damo at araw, ang kakaibang amoy na ito ay kakaiba kay Mubai; amoy malinis at mabango ito. Tiningnan siya ni Xinghe ng patagilid at direktang sinabi, "Ayos lang ako."

Kumurba ang nakakaakit na labi ng lalaki. "Kung ganon ay bakit natutulala ka dito?"

"Guto ko lang mapag-isa."

Humilig si Mubai at nagbibirong nagmakaawa, "Ni hindi mo ako bibigyan ng pagkakataon na aluin ka?"

Humagikgik si Xinghe. Pagkatapos ay tumango siya. "Sige, talagang naligalig ako nito, pero ayos lang talaga ako."

Nagkibit-balikat si Mubai at ngumiti. "Kung ganoon, hindi kita aaluin, makikinig na lamang ako. Ano ang naiisip mo? Nandito ako para makihati sa iniisip mo."

"Wala naman akong masyadong iniisip." Umiling si Xinghe. "Ang alam ko lang ay kahit tayo ay walang magagawa sa sitwasyong ito."

"Oo nga, napakaraming sitwasyon na ang kapangyarihan natin ay limitado, pero at least nailigtas mo sila. Dinala mo sila pabalik sa Earth at tinulungan silang matapos ang buhay nila sa Buwan, kung saan ay higit lamang ito sa isang ilusyon. Nagawa mo na ang lahat ng magagawea mo at minsan ay hindi ito sapat, ganoon talaga ang buhay, hindi lahat ay maaaring maging perpekto."

"Alam ko." Niyakap ni Xinghe ang kanyang mga tuhod. "Ito ay dahil sa naiintindihan ko ang katotoohanan na nakaramdam ako na wala akong magagawa. Minsan, ang makita ng malinaw ang mga bagay ay may kasiraan din."

"Kung gayon, subukan mong mamuhay na nakapikit ang isang mata." Mariin na tumingin sa kanya si Mubai. Hindi na sumagot si Xinghe, ito ba ay isang bagay na magagawa niya?

"Hindi ko gusto na pagurin mo ng husto ang sarili mo, isa pa ay hindi mo ito responsibilidad at hindi mo din ito kasalanan."