webnovel

Moonville Series 1: Secret Lovers

Alex's first day as a college student was great so far. Nag-enjoy naman siya sa mga bago niyang klase at kaklase, lalo na iyong lalaking nakatabi niya sa first subject niya. The guy's name is Richard. He's handsome and nice, and Alex cannot help but be mesmerized with him. And then she met him again on her last subject. Tadhana nga sigurong magkita silang muli, at mukhang the feeling is mutual between the two of them. May isa nga lang problema. Richard is a Quinto, at ang mga Quinto ay mortal na kaaway ng mga Martinez, ang pamilya naman nina Alex. Buti na lang at nandiyan ang ate niyang si Angel. Kahit na masunurin ito sa mga rules ng kanilang mga magulang ay kinampihan pa rin siya nito at tinulungan sa relasyon nila ni Richard. At sa panig naman ni Richard, nandoon ang pinsan nitong si Bryan na parang kapatid na rin ang turing sa binata. Mukhang nakikiayon ang lahat kina Alex at Richard. Nagawa nilang ilihim sa mga magulang nila ang kanilang relasyon. Hanggang sa mapagkamalang girlfriend ni Bryan si Angel. And then things started to become complicated. Gaano nga ba katibay ang pagmamahalan nina Richard at Alex? Kaya ba nitong buwagin ang alitang nag-ugat pa 20 years ago? At ano naman kayang kapalaran ang naghihintay kina Angel at Bryan, na dahil sa pagtulong sa dalawa ay siyang laging napapahamak?

joanfrias · 若者
レビュー数が足りません
85 Chs

Mother’s Instict

Kinabukasan, tahimik na nag-drive si Angel papunta sa CPRU kasama si Alex na nasa passenger seat. Pagdating nila sa parking lot, ilang sandali rin silang tahimik na nakaupo lamang sa loob ng kotse. Hindi sila kumikibo pareho, hindi rin naman sila bumaba kaagad ng sasakyan. Nandoon lamang sila, nakatingin sa harapan.

"He said, he'll be waiting for me. Friday next week, sa SMS."

"Are you coming?"

"I've hurt him. Masyadong akong naging selosa, hindi na tama. Nasaktan ko siya ng sobra, and I don't think he still deserves me."

"Sa tingin mo ba, hindi siya nahihirapan ngayon? And why do you say he doesn't deserve you? As if you're not worthy of his love. Dahil sa nagselos ka? Normal lang naman ang magselos."

"Dahil sinukuan ko siya." Muli na namang namuo ang luha sa mga mata ni Alex.

"You gave up, but now you're given a chance to make things right. You're given the chance to make yourself worthy."

Napatingin si Alex kay Angel. "Ate..."

"Not everyone is given a second chance, Alex. That's why those who are given should cherish it and never let it go to waste."

Napayuko si Alex. "What should I do? Alam natin pareho na nasaktan ko na si Richard ng sobra. Hindi niya deserve ang ganoon. Hindi niya deserve na masaktan dahil lang sa akin. Wala akong karapatan na saktan siya. Pero..."

"Pero?"

"Pero sabi ng puso ko, huwag daw akong sumuko. Huwag ko daw siyang sukuan."

Ngumiti si Angel. "Hindi ko sasabihin kung ano ang gusto kong gawin mo. Ikaw ang dapat na magdesisyon. Ang masasabi ko lang, sundin mo ang kung ano sa tingin at nararamdaman mo ay tama. Huwag lang puso ang gamitin mo, at huwag lang ang utak. Silang dalawa. You have plenty of time, Alex. Think about it very carefully."

Pinunasan ni Angel ang mga luha sa pisngi ni Alex. Nang kumalma na ito ay inihatid niya ito papunta sa klase nito.

🤍🤍🤍

Ilang araw nang napapansin ni Alice ang pananamlay ng bunsong anak. Una niyang napansin ang kawalan nito ng gana sa pagkain. Hanggang sa mapansin na rin niyang parang matamlay ang kilos nito. Kung may dinaramdam man ito, malamang na nalaman na niya dahil parang bata ito kung may sakit. Yung kulang na lang ay maghapon niya itong tabihan sa kama at i-comfort ito kahit simpleng lagnat lang naman ang iniinda nito.

Tinanong niya si Angel kung meron ba siyang nalalaman tungkol sa biglaang pananamlay ng kapatid nito. Wala naman daw itong napapansin. Baka daw stressed lang si Alex dahil sa finals week. Tinanggap na lamang ni Alice ang paliwanag na iyon. Pero duda pa rin siya. Of all people, si Alex ang hindi marunong mag-worry sa mga ganoong bagay. Very positive ang outlook nito kahit pa nga hirap na hirap ito sa isang subject. Kaya nga nagawa nitong maging salutatorian noong high school ito kahit hirap sa Science at Math.

Minsan ay tinanong na rin niya si Alex. Pero kagaya ni Angel, ang finals week ang idinahilan nito. Baka iyon nga talaga ang dahilan. But the mother in her doesn't want to believe. Mother's instinct, ika nga. Kaya naisipan niyang 'mag-imbistiga' para malaman kung ano nga ba ang totoo.

Isang tanghali ay bigla na lamang siyang umuwi ng bahay nila. Ang sabi niya sa asawa ay masama ang kanyang pakiramdam kaya magha-half day muna siya. Biniro pa nga siya nito na ganoon daw talaga ang mga malapit nang mag-menopause.

Ang totoong dahilan ng pag-uwi niya ay para mahalughog niya ang kwarto ni Alex. Para naman magkaroon siya ng clue kung bakit parang nalantang gulay ang mood ng anak niya. Paratangan na siyang nag-i-invade ng privacy, pero nanay siya. Hindi siya mapakali at kailangan niyang hanapan ng eksplanasyon ang kakaibang kutob niya.

Wala namang unusual sa kwarto ni Alex pagpasok ni Alice. Maayos pa rin naman ito. Kahit kasi may mga katulong sila, itinuro nila sa dalawang magkapatid na sila dapat mismo ang mag-aayos ng mga gamit nila. Kaya alam niyang si Alex ang nagpapanatili ng kaayusan ng silid nito.

Ang tanging magulo lamang ay ang study table nito. O, hindi naman magulo. Marami lang laman. Obvious na ang pag-aaral ang talagang pinagkakaabalahan nito. Lumapit siya dito. Kahit maraming mga librong nakapatong doon ay maayos pa rin ang pagkakalagay ng mga ito sa ibabaw ng mesa. Mukhang ang finals week nga ang dahilan ng pagiging stressed ni Alex.

Isang sulat ang bigla niyang nakita. Nakapailalim ito sa picture frame sa mesa ni Alex. Na-curious siya kaya kinuha niya iyon at binasa. Baka doon niya makita ang sagot na hinahanap niya.

Walang salutation ang liham kaya hindi niya alam kung para kay Alex ba ang sulat na iyon. Tapos, nang mabasa niya ang body ng letter, tungkol ito sa isang tao na nagkukwento tungkol sa mahal niya. Naisip niyang lalaki iyon dahil sa 'girl' daw ang minamahal niya.

Natigilan si Alice. 𝘎𝘪𝘳𝘭? 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘢𝘺𝘢... Bigla siyang kinabahan. Ang sulat ba na ito ay gawa ni Alex? At ang girl na tinutukoy nito... ay ang nagugustuhan nitong babae?

"Alex is..." Hindi niya mapaniwalaan ang hinalang unti-unting nabubuo sa isipan niya. Ang isip niya mismo ang ayaw maniwala. May nagugustuhang babae si Alex? Dalawa lang ang ibig sabihin noon. It's either Alex is a lesbian, or she's in love with a lesbian. Pero, parang pareho lang ang ibig sabihin ng dalawang iyon.

Identity crisis ba ang nangyayari kay Alex ngayon? Parang nanghihina siyang napaupo sa kama ng anak. Saka niya muling tinignan ang sulat. Hindi pa rin siya makapaniwala. Hindi niya lubos na maisip na tomboy si Alex.

Saka niya napansin ang penmanship sa sulat. Parang hindi naman iyon kay Alex. Oo, hindi ganoon ang sulat ng anak niya. Napaka-masculine ng dating ng penmanship. Hindi lang iyon. Hindi masyadong kanais-nais sa paningin ang sulat nito. Parang iyong mga nasa reseta ng mga doktor ang sulat na naroon.

Parang nakahinga si Alice sa napagtanto niya. Sigurado siyang hindi si Alex ang may gawa ng sulat na iyon. Kung ganoon, para ba kay Alex ang liham? Ipinagpatuloy niyang basahin ang sulat para makakita ng clue kung kanino galing ang sulat.

𝘞𝘢𝘭𝘢 𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯? 𝘐𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘴𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯? 𝘈𝘭𝘢𝘮 𝘬𝘰 𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘸𝘢𝘯 𝘱𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯, 𝘱𝘦𝘳𝘰 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘴𝘢𝘯𝘥𝘢𝘭𝘪 𝘯𝘰𝘰𝘯. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘯𝘨𝘩𝘪𝘩𝘪𝘯𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘯𝘥𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘴𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯. 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘣𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘬𝘢 𝘴𝘶𝘮𝘶𝘬𝘰? 𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵, 𝘈𝘭𝘦𝘹?

Natigilan si Alice sa nabasa. So, may karelasyon si Alex, at hindi nila alam iyon? Ano ito, parang si Angel lang? Pareho silang magkapatid na nakipag-boyfriend ng hindi nila alam ni Benjie? Biglang sumama ang loob niya sa naisip. At sino naman kaya ang boyfriend nitong si Alex? Ipinagpatuloy niya ang pagbasa upang malaman ang kasagutan sa tanong na iyon.

𝘈𝘭𝘦𝘹, 𝘶𝘮𝘱𝘪𝘴𝘢 𝘱𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱 𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘱𝘢𝘴𝘶𝘬𝘪𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯. 𝘠𝘰𝘶'𝘳𝘦 𝘢 𝘔𝘢𝘳𝘵𝘪𝘯𝘦𝘻 𝘢𝘯𝘥 𝘐'𝘮 𝘢 𝘘𝘶𝘪𝘯𝘵𝘰. 𝘔𝘢𝘨𝘬𝘢𝘢𝘸𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯. 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘮𝘢𝘱𝘪𝘱𝘪𝘨𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘣𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢'𝘵 𝘪𝘴𝘢? 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘯𝘢, 𝘩𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘮𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘨𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪 𝘮𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘢𝘬𝘰. 𝘉𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘨 𝘤𝘩𝘢𝘯𝘤𝘦 𝘯𝘢 𝘢𝘺𝘶𝘴𝘪𝘯 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘰 𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘮𝘢𝘭𝘪.

The salutation said it's from a certain 'Richard'. So it means it's from Richard Quinto. Alice stiffened. She knows very well kung sino ang Richard Quinto na iyon. Sari-saring emosyon ang bigla niyang naramdaman. Mostly negative. Mostly disappointment.

For the second time, na-disappoint na naman siya ng isa niyang anak. Okay pa sana iyong kay Angel. Oo nga at may galit din siya sa mga de Vera, pero hindi ito kasing-tindi ng nararamdaman niya sa mga Quinto, partikular na kay Ricardo Quinto, ang tatay ni Richard Quinto.

"Bakit, Alex? Bakit?"

Bigla ay parang hindi siya makahinga. Napaiyak siya dahil sa sama ng loob.

"Bakit? Alex..."

Gusto niyang malaman ang sagot sa tanong na iyon. Gusto niyang malaman kung bakit nagawang suwayin ni Alex ang utos niya. Nang may bigla siyang maalala.

𝘐 𝘫𝘶𝘴𝘵𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘩𝘪𝘮...

"Bullsh*t!"

Hindi na niya kayang tanggapin pa ang dahilan na iyon. Oo at pinaniwalaan niya si Angel noong idahilan nito iyon. Pero nakita kasi niya noon na totoo ang pagmamahalan nito at ni Bryan. Isa pa, that's Bryan de Vera. Hindi siya Quinto. Hindi siya anak ni Ricardo Quinto.

Pagkatapos ng sama ng loob ay unti-unti siyang nakaramdam ng galit. Galit hindi lamang kay Alex na sumuway sa utos niya, kundi maging sa lalaking kinamumuhian niya. Ricardo Quinto. And now, pati si Richard Quinto.

𝘕𝘦𝘹𝘵 𝘍𝘳𝘪𝘥𝘢𝘺, 𝘢𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘭𝘢𝘴𝘵 𝘦𝘹𝘢𝘮, 𝘐 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘣𝘦 𝘸𝘢𝘪𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘧𝘰𝘳 𝘺𝘰𝘶 𝘴𝘢 𝘴𝘵𝘶𝘥𝘦𝘯𝘵 𝘭𝘰𝘶𝘯𝘨𝘦 𝘯𝘨 𝘚𝘔𝘚.

Iyon pala ang plano niya. Well, unfortunately, she found out about it. And unfortunately, she's planning to prevent that from happening.

"Hinding-hindi mangyayari ang gusto mo, Richard Quinto. Hinding-hindi iyon mangyayari."

Dala ang sulat ay lumabas na siya ng kwarto ni Alex. Isang plano ang nabuo niya habang naglalakad patungo sa sarili niyang silid.

⚠️⚠️⚠️

𝚂𝚘𝚘𝚗𝚎𝚛 𝚘𝚛 𝚕𝚊𝚝𝚎𝚛 𝚊𝚕𝚕 𝚜𝚎𝚌𝚛𝚎𝚝𝚜 𝚊𝚛𝚎 𝚛𝚎𝚟𝚎𝚊𝚕𝚎𝚍.