webnovel

Monster Invasion (Tagalog)

Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

yamcee · ファンタジー
レビュー数が足りません
86 Chs

Ray of Light!

Isang malakas na ingay ang umalingawngaw habang ang kidlat ay mabilis na lumapit patungo sa hukbo ng mga halimaw. hindi nila kinaya ang lakas ng kidlat kaya isa-isang sumabog ang kanilang mga katawan dahil sa impact at kumalat ang dugo kung saan-saan!

Sa sandaling iyon ay napagtanto na rin ng mga halimaw sa wakas ang nangyayari at naramdaman nilang hindi nila mapigilan ang pag nginig ng kanilang mga binti matapos masaksihan ang karumaldumal na eksena sa kanilang harapan.

May matinding takot na lumitaw sa kanilang mga mata habang nakatingin sila sa dumadagundong na kalangitan.

Dahil dito ay isa lang ang naiisip nilang gawin ngayon.

"Takbo!"

Pero bago pa man nila maigalaw ang kanilang mga katawan, ang lahat ng mga formation na nasa loob ng tatlong daang metro mula sa malawak na bukirin ay biglang naaktibo.

Ang mga ray of light na nagbibigay ng napakalakas na death aura ay lumabas sa lahat ng panig!

Sa loob ng tatlong daang metro mula sa malawak na bukirin na nakapalibot sa bayan, maraming kidlat ang biglang nahulog na parang ulan at ang lupa ay nanginig na may dumadagundong na tunog at naging sanhi ng pagkalat ng alikabok. kasabay nito ay maraming bitak ang lumitaw sa lupa!

Sa ilalim ng mga pag-atake na dulot ng mga formation sa kalangitan, ang mga halimaw ay biglang nailagay sa disadvantage.

Wala silang magawa upang pigilan ito!

Ang mga mabababang antas na halimaw ay kaagad naging alikabok. ang tanging nagawa lamang nila ay ang sumigaw bago sila mawala sa manipis na hangin.

Ang mga tao sa loob ng bayan ay nakaupo sa gilid ng pader at nakatingin sa langit na may isang blangkong ekspresyon.

Akala nila ay mamamatay na sila nang makita ang kakaibang asul na ilaw na pumutok sa itaas, ngunit ang susunod na nangyari ay naging sanhi ng pagtigil ng kanilang isip at katawan sa kanilang kinatatayuan. hindi nila makakalimutan ang mga eksenang nangyayari sa kanilang harapan.

Mula sa sandaling ang kakaibang asul na ilaw ay pumutok hanggang sa langit at naging ray of lightning, napakakaunting oras lang ang lumipas.

Sa katunayan ay napakabilis ng mga pangyayaring ito na hindi mawari ng mga normal na tao ang bilis ng kaganapan!

Pagkatapos ubusin ng mga ray of light ang higit sa kalahati ng mga Devilslave Army, hindi na sila makagalaw pa.

Ang buong lugar ay agad na nagsimulang huminahon at nawala ang mga itim na ulap. kasabay nito, nagsimulang mawala din ang maliliit na formation sa kalangitan at bumalik sa dati ang lahat na parang walang nangyari.

Ang natitirang mga halimaw ay biglang namanhid at bumagsak sa kanilang mga kinatatayuan. marami sa kanila ang may mga matitinding pinsala na natamo at nang masaksihan nila na nagsisimula nang mawala ang formation, tumakbo sila kaagad ng mabilis palayo.

Hindi na nila naisip pa ang muling sumugod patungo sa bayan dahil natatakot sila na mamatay sila sa susunod na sandali.

Ang mga halimaw ay hindi na nagdalawang isip pa na tumakas!

-

Sa kabilang bahagi ng bundok na hindi kalayuan sa malawak na bukirin, nakatingin si Toro patungo sa bayan ng Malaya na may malalim na kunot sa kanyang mukha.

"Ano yang bagay na yan?!" isang tinginan lamang ni Toro sa asul na ilaw at agad na nagngalit ang kanyang anit.

Mula sa sandali na lumitaw ang kakaibang asul na ilaw, naramdaman niya ang isang masamang premonition mula rito. ngunit habang nararamdaman niya ito, biglang naglaho ang sinag ng ilaw na parang wala ito doon. nawala ito kaagad sa sandaling paglitaw nito.

Pinikit ni Toro ang kanyang mga mata at pinakiramdaman ang kanyang buong katawan, umiiling na kinumpirma ang nangyari.

Walang sinabi ang lahat.

Isang lehiyon ng mga hinala ang nalagay sa loob ng kanyang puso.

Ang bagay na iyon, ang sinag ng ilaw na iyon ... ay nakakatakot kaysa sa anumang nilalang na nakita niya sa buong buhay niya!

Ang unang reaksyon ng isang halimaw kapag ito ay nakaramdam ng panganib ay ang tumakas, ngunit ang guhit ng asul na ilaw na iyon ay inalisan siya ng kaparatan na umiwas!

Habang siya ay nasa malalim na pag-iisip, nakita ni Toro ang mga umaatras na halimaw na papalapit sa kanya.

Ang ilan sa kanila ay bahagyang nasugatan habang ang iba ay nawala ang ilang bahagi ng kanilang katawan.

Ito ay isang nakapangingilabot na eksena.

Kumunot ang noo ni Toro sa kanyang mukha at tinanong ang mga halimaw kung ano ang nangyari doon.

Matapos malaman kung ano ang nangyari, sinabi niya na may isang commanding voice.

"Iyon siguro ang kanilang trump card at hindi ako naniniwala na kaya nila itong gawin sa pangalawang pagkakataon! Humanda kayong lahat! Buong lakas tayo lulusob sa oras na ito!"

Sinuri niya ang posibilidad ng paghagupit muli ng kidlat at nakagawa siya ng isang konklusyon na hindi nila kaya itong magamit sa pangalawang pagkakataon.

Kahit na ang devilslave army ay natatakot sa kanilang pag-iisip, matapos na huminahon nang kaunti ay naisip din nila na walang kakayanan ang mga tao sa bayan ng Malaya na makalikha muli ng isang himala.

Sa pagiisip na ito sa kanilang isipan, ang second wave ng mga halimaw ay nagsimulang magmartsa patungo sa bayan ng Malaya!

Creation is hard, cheer me up!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

yamceecreators' thoughts