webnovel

Monster Invasion (Tagalog)

Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

yamcee · ファンタジー
レビュー数が足りません
86 Chs

Kalaban ang water dragon god!

Nang malaman ni Ye Song na malala ang kalagayan ni Suzy, mabilis niyang tinawag si Richi at inutusan.

"Halika dito at analyze mo siya, gusto kong malaman ang kanyang kalagayan!" nagmamadaling sinabi ni Ye Song.

Nang marinig ni Richi ang sinabi ni Ye Song, agad niyang pinuntahan si Suzy at maingat na pinag-aralan ang kalagayan nito.

Matapos niya masuri ay tumingin siya kay Ye Song at sinabi.

"Siya ay mayroong internal bleeding at ang ilan sa kanyang buto ay nasira"

"Delikado ba?" tanong ni Ye Song na may pag aalala sa kanyang mukha.

"Kung hindi tayo magbibigay ng tulong medikal o anumang pangunang lunas sa loob ng labinlimang minuto ay mamamatay siya" sagot ni Richi.

Nang marinig ni Ye Song ang sinabi ni Richi ay hindi niya mapigilang tumingin kay Suzy at makaramdam ng sakit sa kanyang puso.

Samantala, si Hachi, Kuchi, Pochi at Ahoka ay nakikipaglaban pa rin sa Blue Dragon Snake.

Dahil si Ahoka ay low level, hindi siya nakakagawa ng malakas na damage ngunit kahit ganoon ang kanyang sitwasyon ay ginagawa pa rin niya ang kanyang makakaya upang tumulong.

Habang nakikipaglaban ay nadulas si Ahoka at aksidenteng tinamaan ng buntot ng asul na dragon.

"Thud!"

Sa isang malakas na lagapak, siya ay bumagsak sa lupa hindi kalayuan kay Ye Song.

Nakarinig si Ye Song ng malakas na lagapak kaya't lumingon ito upang tingnan kung saan nagmula ang ingay. nang siya ay lumingon at nakita si Ahoka sa lupa na puno ng sugat, pinuntahan niya ito at tinanong.

"Ayos ka lang ba?"

"Okay lang ako master, kaunting galos lang ito" sagot ni Ahoka habang nakangiti.

Kahit na ganoon ang kanyang sinabi, makikita mo sa expression niya na nasaktan siya.

"Mabuti ang ginawa mo, magpahinga ka na ngayon" sinabi ni Ye Song.

Matapos sabihan si Ahoka, tumingin si Ye Song sa direksyon kung saan nagpapatuloy ang labanan ng mga penguin at ng asul na dragon.

Nakita niya na nahihirapan ang tatlong penguin sa pakikipaglaban kahit na tatlo na silang umaatake, hindi pa rin nila mabigyan ng mataas na damage ang blue dragon snake!

Hindi mapigilang kumunot ang kilay ni Ye Song nang makita niya ito. naguguluhan siya dahil si Kuchi ay isang Emperor Penguin, isang god level monster ngunit nahihirapan pa rin siya na harapin ang blue dragon snake.

Sinuri ni Ye Song ang status ng dragon upang malaman kung bakit nahihirapan ang tatlong penguin.

-

[Water Dragon God Bakunawa LV.45]

Rank S Level Monster

Type: God

-STATUS-

HP: 61,771

MP: 7,675

STR: 1,001

VIT: 1,545

DEX: 1,100

AGI: 900

INT: 600

LUK: 28

-

Nang makita niya ang status ng blue dragon snake o water dragon god ay saka niya nalaman kung bakit nahihirapan ang tatlong penguin sa laban. Isa rin itong god level monster ngunit mas mataas ang level nito kaysa kay Kuchi!

Nang mapagtanto ni Ye Song ang agwat ng mga ito, tumingin siya kay Suzy at sinabi sa kanyang sarili.

"Maghintay ka lang ng konti, tatapusin ko ito ng mabilis!"

Dali-daling pumunta si Ye Song at sinabihan niya ang tatlong penguin.

"Pumunta kayo dito meron akong isang espesyal na aura na may healing effect! lure niyo dito yang dragon basta nasa range si Suzy ng aking aura hindi siya mamamatay!"

Ang aura ni Ye Song na [God Slayer] ay merong healing recovery rate kaya hangga't nasa range ka ng aura, pwede gumaling ang iyong mga natamong sugat.

Nang marinig ito nina Kuchi, Hachi at Pochi ay dumiretso agad sila papunta kay Ye Song.

Pagkatapos ay inutusan ni Ye Song sina Pochi at Ahoka at sinabi.

"Protektahan niyo siya at tulungan si Richi sa pagbibigay ng first aid sa kanya"

"Sige master"

"Aye Aye!"

Pagkatapos sabihan ang dalawa ay tumalikod siya at tumingin kay Hachi at Kuchi.

"Kailangan nating tapusin ito ng mabilis, ibigay niyo na ang lahat! Hachi magtapon ka ng granada kung makakita ka ng opening! Kuchi, Let's go!"

Matapos niyang sabihin ang gagawin, sumugod ang tatlo at nawala sa isang iglap!

In-activate ni Ye Song ang kanyang [Cloaking LV.10] at nawala habang si Hachi ay pinosisyon ang kanyang sarili upang makakuha ng mas magandang anggulo upang magbato ng mga granada.

Kasabay nito ay hindi na rin nag atubili pa si Kuchi at binigay din ang kanyang buong makakaya!

Siya ay nag glide sa malaking katawan ng water dragon god at lumipad patungo sa kalangitan.

Habang nasa hangin ay nagsimula siyang umikot at dumiretso pababa sa water dragon god na nakapwesto sa ibaba.

Siya ay umiikot na tulad ng isang drill padiretso sa katawan ng water dragon god!

Ang kanyang bilis ay nakakatakot na parang may buhawi na nabuo sa itaas ng kalangitan!

Mabilis na in-slash ni Kuchi ang water dragon god paikot sa kanyang napakalaking katawan at hindi mapigilan ng dragon na sumigaw ng malakas! nagkaroon ito ng mga hiwa sa bawat pulgada ng kanyang katawan at bumubuhos ang kanyang dugo na para may isang baha.

Dumudugo ito ng sobra!

Nang lumapag sa lupa si Kuchi ay mabilis siyang lumayo sa dragon.

Samantala, si Ye Song na nasa cloaking ay muling lumitaw sa likuran ng water dragon god. bigla siyang sumugod na may mabilis na atake at nagtamo ang dragon ng isang critical strike!

-1060!

Isang kritikal na damage ang tumama sa water dragon god at hindi nito mapigilan na magpalabas ng isang malungkot na sigaw.

Hindi pinalampas ni Hachi ang pagkakataong ito at nagtapon ng mga granada sa buong katawan niya!

"BOOM!"

"BOOM!"

"BOOM!"

Patuloy na pagsabog at mabibigat na tunog ng pag atake ang umalingawngaw sa hangin. walang awa na inatake ng tatlo ang water dragon god at hindi nila ito pinayagan na magkaroon ng pagkakataong upang kontrahin ang kanilang atake!

Ang tatlo ay nasa perpektong sync at nakakagawa sila ng pinsala sa isang nakakatakot na bilis!

Sa sabay-sabay na pag-atake at patuloy na pinsala, nagsimulang humina ang water dragon god.

Nagdurusa ito sa tuloy-tuloy na pinsala at pagdurugo kasama pa ang pagsabog mula sa mga granada, hindi na ito nakatiis pa at ginamit ang kanyang huling natitirang lakas upang pakawalan ang huling sigaw.

"Thud!"

Sa isang malakas na bagsak sa lupa, ang malaking katawan ng water dragon god ay nahulog sa lupa. nanginig ang lupa at lumitaw ang isang fissure nang tumama sa lupa ang katawan ng dragon!

Ang water dragon god ay humihinga pa rin ngunit wala na itong pag asa upang lumaban pa. ang mga mata nito ay wala na sa focus ngunit pinilit pa rin niya ang sarili na tipunin ang kanyang huling lakas.

Sa huling pakikibaka nito ay tiningnan niya ang tatlo at nagsalita sa mahinang boses.

"Bakit..... sila ang nagsimula nito at prinotektahan ko lang ang aking mga kasama—"

Hindi natapos ng water dragon god ang kanyang mga salita bago mamatay.

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

yamceecreators' thoughts