webnovel

Prelude

Prelude

"Oh, aalis ka na?"

I turned my laptop off and put it inside my bag. Nasa isang coffee shop kami ngayon at nagsusulat ako ng script kaso tinamad na naman kaya ang ending walang nagawa.

My eyes found Ayessa. She's raising her brow while looking at my bag. Ang babaeng ito talaga napakaworkaholic! Sumimangot ako at inilabas muli ang laptop.

"Oo na magsusulat na!"

She chuckled when I brought my laptop back on the table. Micko joined her laugh when I pouted my lips more. Ano nga ba ang magagawa ko kung ang kasama ko ay masisipag masyado.

"Guess what?" si Micko.

I lifted my eyes on him.

"What?"

Lumingon muna siya kay Ayessa bago muling tumingin sa akin at umiling. I saw how Ayessa managed to hide her dagger look on Micko. Seriously, what's up with these two?

"Ano nga? Grabe naman parang hindi ko kayo kaibigan 'no?!"

"Bahala ka riyan gago ka kasi." si Ayessa kay Micko.

"Sorry na 'te pahamak ang bibig, e." si Micko.

"Punyeta para naman daw wala ako sa harapan nila e 'no?!"

Nanliit lalo ang mata ko nang mag-iwas sila ng tingin sa akin. Nakita ko kung paano napalunok si Micko nang mahanap ko ang mata niya. What now, Micko? Spill it, bes c'mon.

"Spill..." kunwaring naiinis na sambit ko.

Napainom si Ayessa sa kape niya. Kulang na lang ay takbuhin niya ang pintuan at lumayas sa harapan ko.

"Azeil's here..." si Micko, kinakabahan.

Napalinga ako bigla sa paligid. Umakyat ang iba't ibang klase ng emosyon sa akin. Hindi ko mawari kung kaba, takot, lungkot, sakit, galit, o poot. O baka halo-halo na iyon sa mga oras na ito.

"Here..." bulong ko, kabado rin na baka nga sa paglingon ko ay matagpuan ko siya.

"Yes..." he muttered a curse and asked for help from Ayessa. Nagtuturuan silang dalawa kung sino ba ang magsasabi sa akin.

"You know what guys. I really don't care if he's here or what." I said and started to pick my things again.

"Azeil went home yesterday with the heiress of La Ethereal." Micko said in a moderate tone.

Natigilan ako sa pagliligpit at napalingon sa kanila. The very familiar pain attacked my heart on what I heard. He's back... Damn, Abhaya he's here!

"Tang ina mo kasi, Micko Darius!" si Ayessa.

"Gaga e malay ko ba?!" si Micko.

"Ayos lang..." kahit na hindi...

I gritted my teeth and looked away. It has been years since the last time I saw him. And those years were... not easy to deal with... not even once.

"Sure ka beech?" si Ayessa.

Inilagay ko ulit sa bag ang laptop at inayos ang ilang mga gamit na nandoon. Sinagot ko si Ayessa nang hindi tumitingin sa gawi niya.

"Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay?"

"Wala naisip ko lang na baka hindi pa rin kasi..." nilingon ko siya, nagkibit balikat siya bago nagpatuloy. "You haven't had a guy after him..." she was hesitant when she said that but it was too late now. "I mean--"

"No, it's okay. I'm okay. I did not try again coz I know I shouldn't take relationship while studying. It just don't work... at all."

She nodded slowly. I let my eyes wander in the whole café, hoping not to meet his eyes here or even his shadow. I just couldn't... not now... not yet.

Micko heave a deep sigh. I had a glance at him. Our eyes met and I saw the fear in it. Huwag kayong matakot dahil okay naman ako. Okay pa naman kahit papaano.

I sighed too. Sana okay ka pa, Abhaya. Siyempre dapat okay lang ako dahil hindi pwedeng hindi ako okay. I have responsibilities now. And I don't want to mix my emotions in my work. Labas iyon doon kahit na ang pinakamahalagang konsepto ng isang istorya ay ang emosyon.

Inubos ko lang ang kape ko at hinintay sila Ayessa na matapos bago kami umalis sa café. Hinayaan ko na silang mauna sa sasakyan dahil dumiretso muna ako sa powder room para mag-ayos ng sarili. At para tingnan din kung maayos pa ba akong tingnan.

Tiningnan ko ang sarili ko sa repleksiyon ng salamin. Nakangiti ako ngunit alam kong hindi umaabot sa mata ang ngiting iyon. Siguro para sa iba ay alam nilang iyon na ang totoong ngiti ko pero sa mga taong sobrang lapit sa buhay ko ay alam ang totoo sa hindi.

Ayokong pilitin ang sarili ko na maging masaya kung hindi ko naman kaya. Kaso minsan kailangan din pala na magpumilit para sa ikapapanatag ng lahat. They have been worried with me and I don't want to be treated like a child that needs a comfort every time.

It's okay, Aya. Bumalik lang siya pero hindi ibig sabihin no'n ay babalik ka sa kanya. You learned you lesson and you don't need to make the same mistake.

Once is enough for us. If I'll make it twice then it will be such a dumb move.

Lumabas ako ng powder room at dumiretso na sa pintuan ng café. I was about to open the door when a man in plain navy blue v-neck shirt came in, walking so confident and very manly. Natigilan ako nang magtama ang mga mata namin. Sa kauna-unahang pagkakataon sa makalipas na halos pitong taon ay kumalabog muli ang puso ko. Hindi dahil sa tuwa kun'di dahil sa matinding galit.

"Sorry, Miss? You're blocking my way," he said.

Oh darn it you freaking asshole! Why... Why the fuck here and right now when I am still not ready to see you?!

I want to curse him. I want to punch him. Slap his face. Or rather kill him at the moment here where he and I are standing, staring into each others eyes.

"Miss, you're blocking the way..." he said coldly.

My lips parted but no words came out. Maybe because of shock and everything's not yet sinking in. It was a hell of a time.

"Please, excuse me, Abhaya." he said again and walked past me.

Napakurap-kurap ako. Did I just see him right now? Or it was just another dream?

I hope I did not meet him or rather see him today. Pakiramdam ko kasi ay mawawala na ako sa katinuan kung sakali. Kasi punyeta halos pitong taon 'yon! Halos pitong taon tapos ganito lang? Unang pagkikita namin parang normal sa kanya?!

Almost seven freaking years...

Or maybe it was just normal for him to act like that... to be casual... and friendly again. But then again, how about me? What about my feelings?

I sighed and walked to the parking without looking back at the café. It's all done in the past and maybe he's really over now.

What do you expect, Abhaya?

"You good?" Ayessa said when I hop in the car.

I'm not... "Yeah... All good,"

Sa front seat ako sumakay dahil nakisabay lang ako ngayon kay Ayessa. Malapit lang kasi ang condo niya sa condo ko. Si Micko naman ay nakisama lang ngayon sa amin dahil ka-trabaho ko rin naman siya at same building sila ni Ayessa.

Pero kumusta na kaya siya?

Naka-move on na kaya siya?

Minsan ba sa loob ng halos pitong taon ay nagsisi siya na nangyari ang araw na iyon?

Ang araw kung saan...

I closed my eyes and groaned a bit. Ayessa manipulated the steering wheel and seconds later we're out of that café. Hindi na rin ako nagdalawang beses ng sulyap sa café dahil baka makita ko na naman siya. Ni hindi ko nga alam kung okay pa ba ako ngayon. O kung magiging okay ba ako pagkatapos ng tagpo na iyon.

It was never easy to be in here. It was never easy to climb what I have right now. Kung wala siguro akong tiyaga ay baka wala rin akong nilaga ngayon. At ngayon na nandito na siya at magkalapit na muli ang aming mundo. Hindi literal na buhay kun'di ang industriyang ginagalawan namin. Walang kasiguraduhan sa mga susunod na mangyayari.

Sa Hermoso Entertainment Group ako nagtatrabaho at hindi malabong doon din siya magtatrabaho ngayon na nakabalik na siya sa Pilipinas. It was a dumb move that time that I accepted the offer of this company without even thinking that it was owned by his family. Maybe I was too desperate to be happy that time and that the offer made me happy. As an underrated writer that time, a director... A really good director noticed my talent and it all started there.

Malayo na ang narating ko sa industriyang ito at hindi ako siguro kung kusa ba akong susuko at aalis dahil natatakot akong baka magtagpo muli ang landas namin.

"Ilabas mo 'yan..." Ayessa murmurred.

Nanatili sa bintana ang tanaw ko, pinapanood ang mga sasakyan at mga building na dinadaanan namin. Bumuntong hininga ako.

"Ayos lang talaga ako," pagsisinungaling ko.

"'Lul sino'ng niloko mo? Huwag nga kami!"

Nag-red light kaya huminto ang sasakyan. Doon pa lang ako lumingon kay Ayessa at sinulyapan na rin si Micko na nasa likod, nakatanaw sa akin.

"Matagal na 'yon. Okay naman na ako 'tsaka naka-move on na ako sa kanya. Masaya na ako ngayon, beech..."

Ayessa shrugged her shoulders while Micko remained silent. Umandar na muli ang sasakyan nang nag-green light na. Hapon na at lumubog na rin ang araw. Ang mga poste sa daan ay nagsisindihan na gayon din ang mga ilaw sa mga building.

Hinatid ako nila Ayessa sa building ng condo ko bago sila tuluyang umalis. Kanina pa sila wala ngunit nakatayo pa rin ako sa parking kung saan nila ako ibinaba kanina. Ilang minuto pa ang pinalipas ko bago ako tuluyang pumasok sa loob.

Pagdating sa unit ay hindi ako agad mapakali. I want to call Diana but I know she's busy right now. Naka-duty kasi siya at buka pa ng madaling araw ang off. Gustuhin ko mang uminom ay wala naman akong makakasama. 'Tsaka hindi ko rin tipo ang magpunta sa mga bar. Lalo na kung mag-isa lang.

Matagal bago ako dinalaw ng antok. Kinaumagahan ay maaga akong umalis para mag-grocery. Wala na kasi akong stock sa condo ko. Mahirap pa naman mawalan lalo na kung may biglaang dating na bisita. Madalas pa naman ay nanunurpresa ang barkada at doon natutulog sa condo ko.

I roam my eyes on the studio. Many cameras are displayed in each corner. There are blinding lights around too. Until now I am still not comfortable while looking in the camera. Even though I was working in this industry for a long time, there are still times that I couldn't just stop myself from thinking of it.

Looking in a camera always reminds me of him.

Hindi ko lang siguro matanggap na ganoon nga ang nangyari. Na sa kahit saan ako lumingon ay may maaalala akong bagay patungkol sa kanya.

"Good evening, Miss Laureano." si Sheena, ang interviewer ko ngayon sa isang TV show.

I smiled. "Good evening, Miss Sheena. By the way Aya na lang ang itawag mo sa akin masyadong pormal kasi kapag..." I shrugged my shoulders and chuckled a bit to make it easy.

Tumango siya at umupo na. Umupo na rin ako at hindi maiwasang kabahan sa mga katanungan niya.

"Nasa ating harapan ngayon ang isa sa pinakatanyag na writer sa ating rom-com movie industry. Tayo ay kanya nang pinakilig, pinatawa, pinaiyak, at pinahagulgol sa kanyang mga istorya. Gusto natin ngayon malaman kung saan nga ba niya talaga nahuhugot ang mga emosyon sa kanyang mga kuwento. Please welcome, Miss Abhaya Laureano."

Ngumiti ako kay Sheena bago ibinaling ang ulo sa camera.

"Hello! Good evening everyone."

Umayos ako ng upo nang magsimula na si Sheena na magtanong sa akin. I was playing with my fingers to calm my nerves down.

"This is the first time that I will interview you. Sayang lang kasi at hindi ako ang nakaharap mo noong nakaraan. Nagkasakit kasi ako noon so..." si Sheena.

I nodded again. She chuckled a bit while I am sweating bullets here. C'mon man help me!

"You started your first movie five years ago, Miss Aya?" Sheena asked.

"Yeah, I was in college that time. It was a surprise that I had my own film at that very young age. Until now it feels surreal."

"How was it when you were writing the script? Kasi grabe 'yong emosyon doon sa film. Damang-dama namin, lahat ay nadala sa kuwento at flow ng story. How did you do it? Saan mo hinuhugot ang emosyon?"

I relaxed a bit even though my mind is in a riddle right now.

"I just right it down. Wala, basta sulat lang ako nang sulat tapos lagay nang lagay ng mga conflict and emotions. When you are writing a story, the first thing you must do is to put your shoe in your characters shoe. It was for you to fit in... to connect your soul in the story. And then from there the process will begin." I said confidently.

You cannot write a good story if you haven't connect your soul into that piece of art. Writing is the best yet hardest part in this industry. Because the film will base on the story you made and for that story to be known or loved by people, you must put your heart in it. Hindi pwedeng hindi kasama ang puso mo dahil ang bawat salita ay nararapat lang na mula sa puso para nandoon din ang emosyon na magdadala sa kuwento.

"Marami ang nagtatanong kung sino pa ba sa mga direktor dito sa Pinas ang nais mong makatrabaho. Alam naman namin na pinag-aagawan ang isang Aya Laureano sa paggawa ng mga pelikula pero gusto namin malaman, sino ba ang gusto pang makatrabaho ni Miss Aya?"

Siguro dati siya... Kaso dati na lang 'yon. Wala na 'yon ngayon.

"Uhm... Actually, I'm good with all the directors I've worked with. Kaya hindi ko alam kung ano ang isasagot ko ngayon."

"May pag-asa ba na makatrabaho mo si Direk Azeil kung sakali?" tanong niya na nagpatigil sa tibok ng puso ko.

"Marami kasi ang mga fans mo na gustong-gusto na makatrabaho mo naman daw si Direk Azeil. Lalo na ngayon na nandito na siya ulit sa Pilipinas." dagdag niya.

My hand is trembling so as my voice but I managed to talk despite of what I am feeling.

No, of course not... "If I would given a chance..." it was almost a whisper. "... that would be great. It will be my biggest break in this industry if that happens..."

Ngumiti si Sheena sa akin bago may isinenyas sa isang staff. Nagtataka ako kung bakit may inilagay pa na isang upuan sa tabi ko. Nawala lang ang atensyon ko ro'n nang magsalita ulit si Sheena.

"Good evening once again. We have a special guest tonight and it was a surprise that he accepted our invites. A one of the best director of all time, please welcome, Direk Azeil de Avila."

Para akong lumutang sa kalawakan dahil sa narinig. Pakiramdam ko ay humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan. A man in a charcoal gray opened suit and white polo in the inside, wearing a charcoal gray slacks paired with a designer shoes walked in the studio and stopped right beside me.

I am in complete shock. I don't know if I should run away now and don't mind if people would talk about me or what. I just want to get out if here. Hindi ko kayang tumagal sa lugar kung saan kasama ko ang lalaking ito.

"Good evening, Direk Azeil." bati ni Sheena.

Ang lalaking minahal ko noon...

"Good evening, Sheena." Azeil said and smiled sweetly at Sheena.

Nag-iwas ako ng tingin. I felt a sudden clogged in my chest.

"Good evening, Miss Laureano..." he said again.

Napalunok ako at tumingin sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at agad namang inatake ng kanyang amoy ang ilong ko. He did changed a lot except from his scent. This very familiar scent...

Why, Azeil? Why are you wearing that scent now?

"Thank you for coming here tonight, Direk. Actually it was a big surprise," Sheena said.

"Anytime, Sheena." si Azeil.

Halos mapairap ako nang marinig ang impit na tilian sa paligid. At nang dumako ang tingin ko kay Sheena ay alam kong isa rin siya sa mga titili sana rito sa direktor na ito.

You, idiot! Who wouldn't be attracted to him?

"Nasa ating harapan ngayon ang mga naglalakihang pangalan sa industriya ng pelikula. Let's all welcome once again, Miss Aya Laureano and Direk Azeil de Avila." Sheena said that made me distract on what I am thinking right now.

I roam my eyes once again and I found Micko's eyes. I know he's panicking right now on what he is seeing. He's on his phone, I guess calling one of our friends. This ain't good for me I know and my best friends know that too.

Naghahanap na lang ako ng tiyempo para sana umalis kaso malabo iyon lalo na at kasisimula pa lang. Usually tumatagal ang interview ng isa hanggang dalawang oras. Minsan nga ay mas mahaba pa roon.

But I couldn't stay here for long. Knowing that this freaking asshole is beside me. I wouldn't calm down. Not even a bit.

"Nagmahal na ba ang isang Aya Laureano?" napalingon lang ako kay Sheena nang banggitin niya iyon.

Oo naman. Sobra-sobra pa nga, e. Kaso walang nangyari...

"Oo naman. Lahat naman yata ng tao nagmamahal, e." sagot ko.

I am already uncomfortable in my seat. Kahit kasi hindi ako lumingon ay alam kong nakatitig si Azeil sa akin. I couldn't help but be... hurt. It hurt to feel this pain again. It hurt to sit here and pretend that I am okay. That I am all good coz the people around me don't know the real story of my life... even him... he doesn't know what I dealt for the past years.

"Was he your inspiration, then?"

Napalunok ako. "No..." yes, maybe he is, until now, coz I want to prove something. "... My inspiration comes from my best friends stories. Sometimes from the streets or even the places I've been to. Minsan naman ay sariling karanasan na hinahaluan ng ibang mga instrumento. Minsan mula sa kaibigan din ng mga kaibigan ko. Minsan naman ay sumasagi lang ang mga salita kapag nakatitig ako sa kalawakan. Doon ko nakukuha ang inspirasyon sa pagsusulat."

"He was never your inspiration for the past six years in the industry?"

He was... "No..." I smiled at Sheena before I glanced at Azeil.

What now? Akala mo ba isasagot ko ay oo?

I smirked to hide my real feelings. May mga ganitong pagkakataon na tanging ngiti ang makakasalba sa sarili mo. I badly need to hide what I am feeling right now or else I'll mess up my whole life.

"Gaano minahal ng isang Aya Laureano ang lalaking iyon?" Sheena asked again.

I know it's a question that shouldn't be asked but I guess it was a driven curiosity and I have no choice but to answer this one. Minsan lang ako magpapakatotoo sa harap ng camera sa makalipas na taon at sa pagkakataong iyon ay ito ang hindi ko inasahan sa lahat.

"Sobra... hindi, kun'di higit pa sa salitang sobra. I gave my all yet it wasn't enough... and I guess it will never be enough." nilingon ko si Azeil nang sambitin ko iyon.

"Ano'ng nangyari?"

It was an off-limit question because that is my private life. But darn it, how would I escape this one?

"Wala..."

"Wala?" Sheena countered.

"Iniwan ako, e..." my voice broke when I met his eyes.

Bakit ba bumalik ka pa ngayon, Azeil? Okay na ako, e. Okay na sana ako pero bakit? You are so unfair!

I smiled bitterly as the tears rolled down my cheeks. Azeil shifted his weight when he saw me crying.

Why do you need to sit here and pretend that everything's okay?

Why do you need to come back after you wrecked me completely... years ago.