Masyadong abala ang tahanan ng mga Montinola. Alam niyo namang itong si Toni napakaraming seremonyas tuwing bagong gising. Maliligo na nga lang kung anu-ano pa ang ginawa, na siya namang kabaliktaran ng asawa niyang si Lorenz. Sampung taon na silang kasal pero parang wala namang nagbago sa kanilang mga rutina. Nadagdagan nga lang dahil may anak na sila ngayon at walong taong gulang na. Ang pangalan ng anak nila ay galing mismo sa pangalan nilang dalawa. Antonia Lorenza Montinola, sa maiksi ay Renza. Halatang mahal na mahal ni Toni ang asawa niya dahil ang katibayan nito ay ang anak nila na carbon copy ng asawa niya. Pati ugali ay kopyang-kopya.
"Sweetheart, magbihis ka na. Huwag mo nang antayin si mommy at sobrang bagal niyan," wika ni Lorenz sa kaniyang unica hija habang inaayos ang kaniyang necktie. Personipikasyon pa rin si Lorenz ng kaguwapuhan kahit sampung taon ng may-asawa. Lalo na ang dimples nito, pamatay pa rin kapag ngumiti.
"Yes, dad," tugon naman ni Renza habang tinutungo ang cabinet para kumuha ng bestida.
Sabagay, kahit walang taong gulang pa lang si Renza, lumaki siyang independent. Nakuha niya ito sa ama niya kaya tagalang nagkakasundo sila sa lahat ng bagay pati na sa mga hilig. Ito ang babae at batang bersiyon ni Lorenz Montinola.
"Hon, bilisan mo. Malelate na tayo!" sigaw ni Lorenz kay Toni na halos isang oras na sa banyo.
"Wait lang, hon! Nandiyan na!" tugon naman nito. Mga ilang sandali pa ay lumabas na ito at tila nagulat pa sa itsura ng asawa.
"Oh my! Ang guwapo naman ng asawa ko," napatutop pa si Toni sa kaniyang mga labi. Pero walang halong biro 'yon. Tagalang kinikilig si Toni sa mga sandaling iyon na animo'y teenager.
"At ang ganda-ganda din ng asawa ko." Unti-unti lumapit si Lorenz dito, dumukwang at hinalikan nang buong suyo ang asawang bagong ligo. Nakakapagtaka! Kung ganito ka-sweet ang mag-asawa, bakit isa lang ang anak nila?
"Eherm. Mom, dad malelate na nga tayo, hindi ba?" Pinutol naman ni Renza ang lambingan ng dalawa.
"Oh! Uhm...Hon, mauna nalang kami ni Rudolph. Kailangan naming kunan ang venue ng wedding bago darating ang mga bisita."
Photographer pa rin si Lorenz hangang ngayon at si Rudolph pa rin ang kaniyang kasama. Samantalang, wedding planner pa rin si Toni kasama ang mag-asawang Karen at Arnold na kasosyo niya sa Ever After wedding shop.
"Sige, hon. Makikisabay nalang kami nila Karen. Ingat sa pagdadrive, hon. I love you." Hinalikan uli nito ang asawa niya.
"I love you more, hon. And i love you sweetheart." Bumaling naman ito sa anak at hinalikan ang noo nito.
"Love you, dad. Take care."
Baka magtaka kayo kung sino ang ikakasal. Well, si Perry lang naman. Ang taong muntikan ng maging asawa ni Toni noon. Mabuti nalang at nanaig ang pag-ibig nito kay Lorenz kaya 'di natuloy. Ang tagal bago nakahanap si Perry na totoong magmamahal sa kaniya. Sa wakas ikakasal din siya. At bongga ang kasal dahil sa exclusive beach resort pa ito gaganapin na pagmamay-ari mismo ng mapapangasawa niya na taga San Juan, Batangas. Kaya medyo malayo ang venue, dahilan para magmamadali itong si Lorenz.
Nang matapos mag-ayos ang mag-ina, tumungo ang mga ito sa shop para doon na mag-antay sa mag-asawang Karen at Arnold. Mga ilang sandali pa ay bumusena na si Arnold sa labas.
"Toni!'' sigaw ni Karen.
''Come on! Let's go! Malelate na tayo, Batangas pa 'yon." pahabol nito.
Dali-dali namang bumaba ang mag-ina mula sa ikalawang palapag ng gusali. Parang wala ring pinagbago ang shop nila, dilaw pa rin ang pintura.
"Nandiyan na!" tugon naman ni Toni habang inaalalayan ang kaniyang unica hija na bumababa sa spiral stairs.
"Hi guys. Naku, pasensiya na kayo ha? Nagmadali kasi sila Lorenz at Rudolph. Eh kilala niyo naman ako, hindi ba?" wika ni Toni habang papasok sa van.
"Oh siya, tayo na!" mabilis na wika Karen.
At yumaon na sila. Samantalang nagdadaldalan sina Karen at Toni, hindi naman pahuhuli ang dalawang bagets.
"Hi, Renza. It's good to see you again." Masayang bungad ni Reynold na panganay ni Karen at Arnold. May kadaldalan talaga ang isang ito. Mas matanda ito ng halos dalawang taon kay Renza.
"Hoy Facundo! Parang ang tagal nating nagkita ah," naiiritang tugon ni Renza.
"Kung maka-Facundo naman ito, wagas! Reynold ang pangalan ko. Capital R E Y N O L D!" Bumulyaw ito malapit sa tainga ni Renza bilang pagdiriin.
"Awww!'' Napatakip si Renza sa kaniyang tainga.
''Totoo naman ah! Sinabi ni mommy Facundo dapat ang ipapangalan niya sa'yo eh," depensa naman ni Renza.
"Sige, mang-asar ka pa. Partner pa naman tayo mamaya. Eh kung magback out kaya ako, sinong mapapahiya?" banta nito.
"Okay lang, nagsawa na ako sa pagmumukha mo. Noon pa man partner na tayo sa lahat ng bagay. Hindi ka ba nagsasawa sa pagmumukha ko?"
"Hindi. Okay nga 'yon eh. Bakit ka naman nagsawa sa pagmumukha ko? Eh ang guwapo ko naman. Tingnan mo ako." Pinilipit pa talaga si Renza para tingnan ang mukha niya.
Maguwapo naman talaga si Reynold, medyo singkit ang mga mata at hugis-puso ang kurte ng mukha na namana niya sa nanay niya. Matangos ang ilong, balingkinitan at maputi ang balat na nakuha niya sa tatay niya. Sa sampung taong gulang na tulad niya, makinikinita na talaga ang perpektong anyo nito kapag umabot na siya sa hustong gulang.
"Okay. Maguwapo ka nga, pero mayabang ka. Madaldal pa parang bakla.'' Napangiwi pa siya sa mga huling nasabi kaya lalong napikon si Reynold.
"ANO!!! Bakla? At ikaw, tomboy. Nakadress ka nga pero kung kumilos naman daig pa si Tito Lorenz."
"Ah ganoon ah! Bakla! Bakla!" Napikon na rin si Renza.
"Tomboy! Tomboy!" Nambelat pa si Reynold.
"Ahhh!" Walang kaamug-amog ay sinabunutan ni Renza si Reynold.
Nagulat naman ang mga magulang nila kung bakit nagkasakitan ang dalawa sa likod.
"Ano ba 'yan? Stop it!" awat ni Toni.
"Si Renza kasi eh," turo ni Reynold.
"Hindi kaya. Ikaw nga itong epal eh," giit naman ni Renza.
"Tama na! Magsorry ka kay Reynold," utos ni Toni.
"Sorry." Nakayukong sambit nito. Masunurin na anak naman itong si Renza.
"Sorry din," tugon naman ni Reynold.
At nanahimik na ang dalawa habang nasa biyahe. Hangang sa lumipas ang dalawa't kalahating oras, narating na rin nila sa wakas ang venue ng kasal. Wala na masyadong inayos sila Toni at doon na natulog ang kanilang mga tauhan na naghanda ng venue. Dahil dumadami na ang kanilang mga kliyente, nagdagdag na rin sila ng mga tauhan. Ang hawak nalang ni Toni ay wedding gown designs para sa couple at sa mga abay.
Samantalang hindi naman magkamayaw sa pagkuha ng mga larawan sina Rudolph at Lorenz. Hangat nagsimula na nga ang seremonya. Sa pagkakataong ito, hindi na nagdedaydreaming si Toni pero umiiyak pa rin siya. Bakit? Dahil kinikilig pa rin siya sa tuwing may ikinakasal. Napatingin pa siya sa asawa niya nang magexchange vow ang ikinakasal. Nagpakawala naman ng flying kiss si Lorenz nang masulyapang nakitingin sa kaniya si Toni. Ang sweet sweet talaga ng mag-asawang ito. Nakakaingit talaga!
Hindi namalayang natapos na ang seremonya ng kasal. Nakakabinging hiyawan at palakpakan ang naganap. Marami ang nakikisaya sa reception. Bongga din ang Italian cuisine na kinuha ng mag-asawa. May sayawan, kantahan at iba pa. Walang magpagsidlan ng kagalakan ang bagong kasal.
"Perry! Congratulations!" Masayang bati ni Lorenz kay Perry.
"Thanks, man! Sa wakas natuloy din ang kasal ko!"
"Yeah!" Iyon lang ang tanging nasambit ni Lorenz dahil nakaramdam parin siya ng awkwardness sa pahayag ni Perry. Hindi niya pa rin makalimutan ang nangyari sampung taong na ang nakalipas.
"Nakakainggit ka nga eh. May 8 years old ka na."
"Okay lang 'yan. Sana magkababy din kayo agad. I wish you all the best, man." Inilahad niya ang kamay dito.
"Thanks, man!" Tinangap naman ni Perry ang pakikipagdaop-palad ni Lorenz. At bigla namang sumulpot si Toni.
"Andito ka pala, hinahanap ka na ni Mila. Nawawala daw ang asawa niya," biro ni Toni.
"Talaga? By the way, thanks for helping me in the most important day of my life," nakangiting wika ni Perry.
"Our pleasure! Pasaan ba't naging magkaibigan tayo. Congrats!"
"Thanks, Toni."
"Oh hon, mauna na kami. Makikisabay ulit kami nila Karen. Hindi ba may ikocover pa kayo after this?" baling nito kay Lorenz.
"Yeah. We are going to Perry's house para icover ang bahay ng bagong kasal."
"Sige, mauna na kami hon at inaantok na si Renza. I love you, hon." Humalik ito sa asawa niya.
"I love you more, hon," tugon naman ni Lorenz.
"Ingat kayo,'' wika ni Toni sa asawa niya saka bumaling kay Perry, ''Perry mauna na kami ha?"
"Sige. Ingat din kayo."
Nagkaniya-kaniya na rin si Perry at Lorenz nang makaalis si Toni. May mga ilang bisita pa ang naiwan kaya inasikaso ito ng bagong kasal. Nang nag-siuwian na ang mga ito, sa wakas nakahinga na rin ng maluwag ang bagong mag-asawa. Kaya nagkaroon na rin sila ng pagkakataon na icover ang bagong tirahan ng bagong kasal. Inabot din sila ng kalahating oras sa huling ginawang coverage.
Lumipas ang apat na oras, hindi pa rin nakauwi si Lorenz. Panay text si Toni pero walang sagot. Nakailang tawag na siya pero out of coverage area. Nagsimula na siyang mangamba. Hindi ganoon ang asawa niya. Lagi itong naguupdate kung saan man siya naroroon.
"Mom, nahihilo na po ako sa inyo," wika ni Renza sa nanay niya na paroo't-parito,
"Sweatheart, si dad..." naputol na ang mga sasabihin niya nang may tumawag sa cellphone nito.
"Hello hon. Saan ka na ba?" nag-alalang tanong niya. Pero hindi boses ng asawa niya ang sumagot.
"Good evening. Kayo po si Mrs. Montinola?" tanong ng nasa kabilang linya.
"Y~Yes. Speaking,'' nauutal niyang tugon.
"Mrs. Montinola, huwag po kayong mabibigla. Dead on arrival po ang asawa niyo. Binangga po ang pick up niya ng trailer van na nawalan ng preno. Andito ang katawan niya sa morgue ng JP Rizal Memorial Hospital..."
Hindi na niya pinakinggan pa ang mga sasabihin ng nasa kabilang linya dahil nakaramdam siya ng mainit na likidong umakyat hanggang sa kaniyang batok. Hanggang hindi na niya nakayanan pa ang nararamdamang emosyonnat bigla siyang hinimatay.
******************************
Plug :
Guys magpaplug si otor, hehe aside from writing stories, I write songs too. I just got verified on Spotify, please support me by downloading and listen to my song. It's a dance song, EDM.. Thanks.
https://open.spotify.com/album/0p4GHUCCca3mjgxMltL9Sx?si=sz8VN74KTa6AmMPMw_J2Kw