webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · 都市
レビュー数が足りません
388 Chs

Past is Past

Nakunsensya naman ako bigla kasi nga yung matanda yung pini-pressure nila kaya wala akong nagawa kundi umuwi ng bahay at pumunta sa party.

"Kaninong kotse yan?" Tanong ni Christopher nung makalapit kami sa bahay namin. Inihatid niya kasi ako pauwi samin.

"Sa kaibigan ko!"

"Sinong kaibigan?" Takang tanong niya.

"Wag ka ng maraming tanong at umalis ka na!" pagtataboy ko sa kanya habang bumababa ako ng sasakyan niya.

"Michelle!" Tawag niya sakin.

"Pag di ka pa umalis di ako makikipag-date sayo sa Monday!" Pagbabanta ko.

Kaya kahit gusto niyang makita yung kaibigan na tinutukoy ko ay napilitang umalis si Christopher.

Pagpasok ko ng bahay, andun si Mang Kanor at nagkakape kakwentuhan si Mama at Papa.

"Wait lang Kuya ah!" sabi ko dito bago ako umakyat sa kwarto ko matapos niya kong tanguan.

Inabot din ako ng ilang oras sa paliligo, pagbibihis at pagmamake-up kaya halos alas-sais na kami naka-alis.

"Saan na kayo?" Tanong ni Zaida sakin nung sagutin ko yung tawag niya.

"QC pa lang!"

"Layo niyo pa, text mo ko or call ka kapag malapit ka na ha!"

"Okay!" Tanging nasabi ko bago niya ibaba yung tawag. Nasa venue na si Zaida at tinutulungan si Lucas sa pag-estema ng mga bisita.

"Siya nga pala Kuya, bakit ikaw ang sumundo sakin?" Tanong ko kay Mang Kanor. Syempre personal driver siya ni Martin pero sabagay close naman yung magpinsan, sagot ko rin sa sarili ko.

"Dapat po yung assistant ni Sir Lucas yung susundo sa inyo kaya lang sabi ni Sir Martin baka magkaligaw-ligaw kasi nga papasok pa yung bahay niyo, kaya ako nalang daw ang pumunta at mas kabisado ko para daw mas mapabilis ang pagsundo sayo at saka mas may tiwala daw siya sakin sa pagmamaneho medyo kaskasero kasi yung assitang ni Sir Lucas."

"Huh?"

"Bakit Mam?" Naka ngiting tanong ni Mang Kanor.

"Wala naman po!" Sabay ngiti ko din sa matanda. May gusto pa sana akong sabihin pero pinigil ko na lang. Mahirap bigyan ng meaning yung concern na pinapakita niya at sa huli ako lang ang masasaktan.

"Hoy Michelle nong petsa na!"

"Malapit na kami!" Sagot ko kay Zaida.

"Malapit na eh mag 8:00PM!"

"Dumaan pa kasi ako sa mall, nakakahiya naman na wala man lang akong maibigay kay Lucas." Paliwanag ko. Naki-suyo kasi kay Mang Kanor na dumaan kami sa isang mall sa QC para kahit papano mabilahan ko man lang ng regalo si Lucas.

"Sows, nag-abala ka pa!"

"Malapit na ko!"

"Wait kita sa entrance, bilisan mo!"

"Oo!"

Sa may harap na ko ng entrance binaba ni Mang Kanor na agad naman lumapit si Zaida ng makita ako.

"Ang tagal!" Sabi niya sakin nung pagbusan niya ko ng pinto.

"Exited!" Pang-aasar ko sa kanya. Dahan-dahan akong bumaba kasi naka casual knee length frock design ako. Color white siya na may printer blue flower design. Pinaresan ko siya ng wedge sandals na kulay itim na may taas na three inches.

Napa freash ng itsura ko lalo pa nga at natural make-up lang din yung ginawa ko. Hinayaan ko lang naka lugay yung straigt kong buhok na hanggang leeg ko ang haba. Gusto ko sana siyang kulutin kaya lang kapos na sa oras kaya hinayaan ko nalang siya sa natural niyang ayos habang naka left side yung bangs ko.

"Paano late ka!" Pagrereklamo uli ni Ziada.

Naka knee length dress din si Zaida ang pinagkaiba lang namin is itim yung kanya at sleeve less ito samantalang akin ay may mangas. Mabilis niyang ikinawit yung kamay niya sa kanang braso ko at hinila na ko papasok sa bar.

"Ang concervative naman ng suot mo!" sabi uli ni Zaida habang paakyat kami sa second floor. Ngumiti lang ako at di na nagsalita.

Dinala niya ko sa isa sa pinaka malaking private room. Pagbukas ng pinto, agad bumungad sakin yung napakaraming tao siguro mga nasa fifty or less. Lahat sila ay lumingon samin di ko tuloy alam kung paano magreact. Expect ko kasi mga nasa ten or twenty lang ang guess ni Lucas di ko akalain na ganun pala karami.

"Lucas andito na si Michelle!" Sigaw ni Zaida sabay hila sakin papunta sa location ni Lucas kung saan ay sinalubong naman niya kami.

"Uy late ka!" Sabi nito sakin ng makalapit kami.

"Traffic!" Palusot ko.

"Sabihin mo napilitan ka lang kaya ka na late!" Pang-aasar nito sakin.

"Happy Birthday!" Bati ko nalang sa kanya para drop na niya yung topic tungkol sa napilitan lang ako. Inabot ko narin yung maliit na paper bag kung saan naglalaman ng regalo ko para sa kanya.

"Napilitan pero may dalang regalo!" Sagot niya sakin habang sinisilip yung laman ng paper bag.

"Para alam mo na di ako napilitan hehe!"

"Haha...haha... thanks!"

"Tara kain tayo!" yaya sakin ni Zaida.

"Oo nga kain muna kayo!" Sabi ni Lucas. Sabay hawak sa likod ko.

Pag dikit ng palad niya sa likod ko para akong nakuryente kaya bigla akong napa-iktad at ganun din siya.

"Sorry!" sabi ni Lucas sabay layo sa kamay niya.

"May ground ka!"

"Haha... ang init kasi ng likod mo!"

"Yung kamay mo diyan yung malamig!" pagrereklamo ko.

"Paano mo nalamang mainit yung likod ni Michelle?" Takang tanong ni Zaida. Saka niya tiningnan yung likurang bahagi ko.

"Naka back less ka!" Nanlalaking matang sabi niya sakin.

"Ingay mo!" sabay hila ko sa kanya papunta sa lamesa kung saan naka latag yung mga pagkain. Naka sunod samin si Lucas at di na nagtangkang hawakan uli ako kasi baka makuryente nanaman.

"Bakit yan suot mo?" Reklamo ni Zaida.

"Mainit eh!"

"Anong mainit, mamaya lalamigin ka na!"

"Eh di magpapainit ako mamaya pagnilamig ako! Maghahanap ako ng mainit na katawan na magpapainit sakin."

"At sino namang katawan iyon?"

"Sa kuya mo!" Bulong ko kay Zaida.

"Michelle!" Sigaw ni Zaida sakin na para bang di makapaniwala sa sinabi ko.

"Bakit ayaw mo kong maging hipag?" Nagtatampo kong sabi.

"Gusto syempre kaya lang gusto mo baon ng buhay ni Martin si Lucas?" paliwanag ni Zaida sakin.

"Bakit niya babaon hello past is past kaya! Eh di sige kung ayaw mo kay Lucas kay Jerold nalang ako magpapainit!" Pang-aasar ko lalo kay Ziada at dahil sa sinabi ko lalong nanlaki yung mata niya.

"Gusto mo ibaon kita?" Pagbabanta niya sakin.

"So tama yung hinala ko si Jerold at ikaw na!"

"Shhh... wag kang maingay!" Sabi ni Zaidaw sabay takip ng bibig ko.

Sorry medyo busy :)

pumirangcreators' thoughts